CHAPTER 2.

Sophia's POV

Nagising ako nang 6am, dahil naririnig ko ang ingay ng mga kapatid ko sa labas ng kwarto ko, kaya wala na rin ako nagawa kung hindi lumabas at tignan kung ano ba ang nangyayari sa kanila at ang aga aga ay mga nag iingay hays.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Andrei at Leanne na nag aaway, nag aagawan sila sa tinapay na may palaman na cheez wiz, iisa nalang pala 'yon at hindi na ako nakabili kahapon sa sobrang excited ko makauwi para makita ang resulta ng exam.

"Ang aga aga naman ninyong mag away na dalawa, hindi ba kayo titigil?", mataray na saway ko sa kanila na nakapagpatigil naman sa kanilang dalawa,

Kung hindi niyo alam e, takot sa akin 'tong dalawa na 'to, nakita lang naman nila akong magalit sa tatay noon, kaya naman simula noon ay takot na sila na magalit ako sa kanila hahahahaha.

"Si kuya kasi, sabi ko hati kami ayaw magbigay" reklamo ni Leanne na nakabusangot pa ang muka,

Dinilaan naman siya ni Andrei na kala mo bata na ayaw maagawan ng candy, napasapo naman ako sa noo, at pumunta na sa lababo namin para maghilamos.

Habang naghihilamos ay hindi ko napansin na paubos na pala ang tubig dito sa loob ng bahay, wala rin naman kasi kaming gripo, nakikiigib lamang kami sa kapitbahay naming may poso,

Wala rin akong nagawa kundi lumabas at magpunta kila aling trina upang makiigib ng tubig, dalawang timba na medyo malaki ang dala ko, dahil balak ko na ring igiban ang banyo namin, maliligo na rin kasi ako.

Ilang minuto lang ang paglalakad ay nakarating na ako sa poso,

"Aling trinaaaa, magandang umaga ho, makikiigib nga po ako ulit" magalang na tawag ko sa matanda, na nasa labas naman ng bahay nila na nagwawalis,

Ngumiti naman siya sa akin"O sige iha, naubusan nanaman ba kayo ng tubig?" tanong nito.

"Opo e, ang bilis nga po maubos, ngayon palang ako gagamit ng tubig hahaha" sagot ko sakanya.

"Sige mag igib ka na riyan at magwawalis lang ako sa likod" sabi nito sa akin, tumango naman ako at nag igib na nang mabuti,

Nang mapuno ay binuhat ko na para ipasok sa loob ng bahay, nang makita ako ni Andrei ay agad agad ako nitong pinuntahan at kinuha ang buhat kong mga timba,

"Oh ang bait mo yata" biro ko rito na kinasimangot niya,

"Minsan lang naman ate e, ayaw mo ba?" tanong nito na balak pa yatang ibaba ang timba na kinuha niya sa akin.

"Eto naman hindi mabiro, go na idala mo na roon at para makaligo na ako at makaalis, may trabaho pa ako mamaya, shoo" pagkasabi ko non ay pumasok na ako sa kwarto para kumuha ng mga damit ko,

Napili kong suotin ay high waist na jeans at croptop na shirt na nabili ko lamang sa ukay ukay sa bayan, nang makapili ay pumasok na ako sa banyo para maligo.

Pagkapasok ko sa banyo ay kumakanta kanta pa ako, maganda pa rin kasi ang gising ko kahit na nagising ako sa ingay ng mga kapatid ko na nag aaway kanina.

Sino ba namang hindi diba? kung pumasa sa gustong paaralan, edi maganda talaga ang gising ng lola niyo BWHAHAHAHAHAHAHA

Hindi na rin ako nagtagal sa banyo nang maalala ko na marami nga pala akong dapat bilhin na mga gamit since college na ako,

Ay hindi ko nga pala nasabi kung ano kinukuha kong course no? Hulaan niyo hahahaha.

De joke lang, tourism nga pala ang kinuha ko, oh kabog ang lola niyo, gusto magtravel around the world hahaha

Kaya nga ang laking tulong talaga ng pagkapasa ko sa university na 'yon, kasi may scholarship din ako na nakuha at medyo mababa na ang magiging tuition ko, kumpara sa totoong tuition ko per sem.

Ang daldal ko na pala, hindi pa nga pala ako nakakapagbihis, shuta kayo ha.

Dali dali ko namang sinuot ang pants ko at yung croptop saka humarap ako sa salamin, naglagay lang ako ng liptint at konting blush on, na bumagay naman sa akin dahil maganda naman talaga ako, natural 'yan sis.

"Ang ganda ganda mo talaga sophia" pagkausap ko sa sarili ko sa salamin at pumopose pa ako, na tila ba nakukuhanan ako ng litrato ng salamin na 'to.

Natawa naman ako sa pinag gagawa ko, kaya naman tinigil ko na rin at anong oras na jusko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto, pagkalabas ko ay naabutan ko si nanay na pinapakain ni Andrei, lumapit ako sa kanila,

"Nay, alis na po ako, andrei ikaw muna bahala rito ha? pati kay Leanne, baka kung saan saan magpunta, wag ka mag alala, may pasalubong ka sa akin" sabi ko at kiniss sa noo si inay at ganon din ang ginawa ko kay Andrei,

"bye ate, ingat" sabi ng kapatid ko, kaya naglakad na ako palabas,

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Leanne na naglalaro ng lupa, nilapitan ko 'to at hinalikan din sa noo.

"Alis na si ate bebe ha, wag malikot, kapag good girl ka may pasalubong ka sa akin" nakangiting pagkausap ko rito.

"YEEEY!!!" tuwang tuwa na sabi nito, kaya naman napangiti ako.

After non ay naglakad na rin ako papunta sa paradahan ng tricycle at nakarating din naman ako agad.

"Kuya, sa Sm po" sabi ko kay kuyang tricycle driver at sumakay na ako, habang bumabyahe ay kinuha ko ang selpon kong lumang luma na, naalala ko, bigay pa ito ng pinsan kong si Lexi, dahil magpapalit na siya ng phone kaya naman sa akin ito napunta.

Hindi rin naman ako makabili ng bago at ang dami pang gastusin sa bahay.

Ay yawa, puro drama na ako.

Pagkalabas ko ng selpon ay nag open lang ako ng social media at nagscroll sa news feed, at nagshare ng mga memes, nalibang pa nga ako sa ginagawa ko, dahil nandito na pala kami sa sm nang hindi ko namamalayan, kung hindi pa ako kinalabit ni kuya ay hindi ko pa siya mapapansin, kaloka.

"Ineng, mukang malalim ang iniisip mo ha, nakarating na ba 'yan sa pinakailalim ng dagat? anong feet ba iha?" birong tanong sa akin ni manong kaya naman natawa ako.

"Ikaw kuya ha, nakakaloka ka hahahaha" natatawang sabi ko pa rito at inabot ang bayad,

"Thankyou manong, ingat po" sabi ko sa kanya saka ako kumaway, bumusina naman ito at umalis na.

Ako naman ay pumasok na sa SM at deretsong national bookstore ako agad, may sale kasi ngayon don kaya naman don ko na naisipang bumili,

Pagkapasok ko ng National Bookstore ay pumunta na ako agad sa mga notebook at kumuha ng dalawang catleya na notebook, pagkatapos non ay pumunta sa mga ballpen at naghanap ng hbw na brand, pagkakita ko ay napangiti ako dahil buy 1 take 1 ito, kaya naman kumuha na ako ng tatlo, grabeng tipid 'to.

Nag ikot ikot pa ako at nakabili rin ako ng mga bagay na alam kong magagamit ko, pagkatapos ay pumunta na ako sa counter saka nagbayad.

Uuwi na sana ako pero bigla akong nagutom, kaya naman nagpunta ako sa loob ng jollibee at tumambay ron,

de joke lang, syempre nag order ako no!

Spaghetti lang ang inorder ko saka coke, pero nagtake out ako ng isang bucket ng chicken para kila nanay, pagkatapos kong kunin ang order ko ay kumain na rin ako.

Tahimik lamang akong kumakain nang hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang magjowa sa likod ko,

"Babe, pano kung maging tipaklong ako, hahayaan mo ba akong tumalon sa iyo?" sabi nung babae sa jowa niya,

Napangiwi naman ako sa narinig ko at napainom ng coke, gusto kong matawa, kasi bakit gusto niya maging tipaklong HAHAHAHAHA

hindi ko na sana sila papansinin, nang marinig ko yung sagot ng lalaki sa babae,

"Ano ka ba babe, kahit maging tae ka pa, tatanggapin pa rin kita", sa parteng 'yan hinawakan ko na ang bibig ko at parang kahit anong oras ay bigla na lang akong matatawa hahahaha shet,

Nakakabaliw ba talaga 'pag inlove? HAHAHAHAHAHA kaya ayoko niyan e, jusko kung ano ano nalang sinasabi,

Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang tawa ko kaya naman napag isipan ko ng umalis, mabuti na nga lang at naubos ko na ang kinakain ko, dali dali naman akong tumayo at lumabas na, saktong pagkalabas ko ng jollibee ay humagalpak ako nang tawa.

Maging tae raw BWHHAHAHAAHAHAHAA putek na 'yan, anong klase bang relasyon 'yon.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao kaya naman, umalis na ako ron at napagdesisyunang maglakad lakad muna at medyo nabusog ako sa kinain ko.

Napadaan naman ako sa nagtitinda ng donut kaya naman naisipan ko ng bumili, medyo mahaba nga lang ang pila, siguro masarap talaga ito.

ilang minuto lang ay ako na ang nasa unahan ng pila, oorder na sana ako nang biglang,

"ARAY KO NAMAN, BAKIT KA BA SUMISINGIT?" sigaw ko sa lalaking bigla nalang sumulpot sa harap ko, at hinawi ako nang pagkalakas lakas,

Hindi naman ako pinansin nito at nag order na kay ateng naglalaway na yata sa nasa harapan niya, magrereklamo na sana ako pero binentahan pa rin ni ate 'tong mokong na 'to kahit ako naman ang nauna sa pila, nakakainis.

"Hoy, bakit ka sumisingit sa pila ha? hindi ka ba marunong makapaghintay" galit na galit na sabi ko sa lalaking nasa harap ko, hindi pa rin 'to lumilingon kaya naman hinawi ko ito paharap sa akin, nagtagumpay naman ako,

"What?" walang ekspresyong tanong niya sa akin,

Napanganga naman ako, ang gwapo naman nito, tao pa ba 'to?

Pero hey, hindi niya ako madadaan sa kagwapuhan niya, sumingit pa rin siya sa pila, which is dapat hindi na niya ginawa, unfaaaaair!!!

"Sabi ko bakit ka sumisingit sa pila, hindi ka ba makapaghintay?" inis na ulit ko sa tanong ko sa kanya,

Napakunot naman ang noo nito "Am I not allowed? and in fact you're too slow to order so naunahan kita" sabi nito at inismiran pa ako na kinabwisit ko lalo, tatalikod na sana ito pero pinigilan ko siya,

"Aba, HOY MISTER, ANG AROGANTE MO NAMAN, ISA PA ANG TAGAL TAGAL NAMING NAGHIHINTAY RITO, TAPOS BIGLA KA LANG SI-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla ako nitong halikan!

Put-

Anong nangyari sheeeet aaaaaaaah

I'm still in shocked, kaya naman hindi ako nakapagreact agad pero natauhan ako nang bigla itong magsalita,

"Tatahimik ka pala e" he said in cold tone.

Namumula na ang muka ko, pinagsamang hiya at galit ang nararamdaman ko, napayuko na lamang ako at ang daming nakatingin sa akin, kahit nagagalit ako ay ayoko ng magkaroon pa ulit ng eskandalo, kaya naman nanahimik na ako,

Hinihintay ko nalang matapos ang lalaking 'to para naman makaorder na rin ako at makauwi, nakayuko lamang ako, para bang ayaw ko siyang tignan, dahil nahihiya ako at nagagalit.

Nang matapos na siya ay ako na ulit ang nasa harapan ng pila, umorder na ako at nagugulat naman ako sa nagtitinda dahil padabog niyang inabot sa akin ang order ko,

Aba hindi tayo papatalo, dahil padabog niyang binigay ang donut ko, padabog ko ring binigay ang bayad ko, kaya quits na kami, pagkatapos non ay umalis na ako saka nagtungo sa labas, pagkalabas ko ay naalala ko nanaman ang nangyari kanina, yung ginawa nung lalaking 'yon sa akin WAAAAAAAAH

hinding hindi ko siya mapapatawad, once na magkita kami ulit, sinasabi ko sa taong 'yon, mata niya lang ang walang latay hmp.

Naglakad na ako ulit at sumakay ng tricycle pauwi sa amin, hays sobrang daming nangyaring hindi maganda ngayong araw, sana naman bukas ay maging maayos ang lahat,

Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni andrei at leanne, inabot ko naman sa kanila ang pasalubong na dala ko saka ako nagtungo sa kwarto upang kuhanin ang uniporme ko sa trabaho, may pasok pa kasi ako ngayong araw,

Nagtungo na rin ako sa banyo at naglinis, sobrang pawis ko at ang init kanina habang naglalakad papuntang sakayan,

Nang matapos akong maglinis at magbihis ay nagpaalam na ako sa kanila ulit na aalis na, tumango naman sila at kumaway,

Nakangiti ako, dahil nakita ko silang masayang kumakain ng uwi kong pasalubong, kahit pala sobrang sama ng nangyari ngayong araw, pag uwi ko, magiging magaan pala ang pakiramdam ko,

Kaya naman good mood akong pumasok sa trabaho.

ilang oras din ang lumipas at natapos ang trabaho ko na walang kahit anong nangyaring aberya na pinagpapasalamat ko naman, kaya naman naging maaga ang pag uwi ko,

Pagkarating sa bahay ay deretso kwarto ako agad, balak ko kasing matulog nang maaga ngayon dahil bukas na ang araw ng klase ko, sana lang ay walang mangyaring hindi maganda, sa unang araw ko bilang isang estudyante sa Dawson University.