Chapter 4
Leandro Alexander Nakpil aka Lean
Someone POV.
“Sorry na. No choice ako wala kasing babae na pwedeng nagpalit saiyo patawarin mo na ako. Hindi ko naman sinasadyang makita iyang umbok mo. Sorry na nanginginig kasi ko kaya nadampian ko din.” Lalong uminit ang ulo niya sa akin pagkarinig nang sinabi ko hindi ko kasi mapigil na hindi sabihin. Sinugod ulit niya ako at tinanggap ko lang ang suntok niya sa akin. Kasalanan ko din naman kung kaya’t tinanggap ko lang at kahit magtatrums siya hinayaan ko nalang. Hinawakan ko ang mga kamay niya at niyapos-yapos iyon.
“Sorry na ha. Ayoko lang naman naman na magkasakit ka e. Sorry na talaga. Bakit ka nga ba napunta dito may pupuntahan kaba talaga sa lugar namin?”. Tanong niya.
**
Aly POV.
“Ahh—sa totoo lang naligaw lang ako. May pupuntahan kasi ako kaso sa lugar na ‘to ako napadpad.. Pwede ba kong magstay dito, kahit hanggang bukas lang ng hapon. Aalis din ako agad sakay ng Eroplano.” Sagot ko pero kabado. Kahit sa totoo lang hindi ko alam kung makakaalis ba ako dito. Tiningnan ko siya ng tuwid at hindi pinahalata ang takot.
“Ang alam ko kansela lahat ng flight kapag dito ang sakay mo, mabuti ba kung papunta pa lang dito, okay pa. Ilang linggo kasi mamamayagpag ang bagyo at hanggang ngayon hindi pa rin ito mapangalanan ng PAGASA.. Free ka naman mag-stay dito ee.. Huwag ka munang umalis hangga’t hindi pinahihintulutan. Delicate Zone kasi ang lugar namin sa totoo lang pulos bagyo”. Pagpapaliwanag nito sa akin. Mahabang paliwanag nito na halatang concern sa akin.
‘Oyy-Concern kinilig ako lalo.’ Sabi ng puso niya. Napangiti ako bigla. At saka sinagot ang sinasabi nito.
“Ahh ganun ba .. Kansela ang lahat ng flight ng eroplano.. Ohh sige kung okay lang saiyo please dito muna ako pansamantala hah. Promise ako magluluto at maghuhugas kahit anong gawain, pambayad ko man lang sa’yo.” Sabi ko pa dito.
“Ahh hindi, okay lang sa’kin kahit ilang araw ka dito .. O kung gusto mo dito ka na tumira”. Natawa ko sa sinabi niya, pero mas nangingibabaw pa din ang kilig.. Ang pogi talaga. Halata naman nahiya ito sa sinabi sa kaniya.
“Palabiro ka pala.” Sabi niya. Ngumiti naman ang binata at talagang kinilig siya.
“Ang pogi mo.” Pahabol niya pa. Walang reaction ang binata.
“Wala bang napuri saiyo? Pasalamat ka nandito na ako may pupuri na saiyo.” Sabi ko pa.
●●●
Nang dahil sa bagyo na iyan hindi ako makaalis sa lugar na ito. Pero thankful talaga ako kay Koya, safe ako. Dahil sa may matutuluyan ako sa panahon nang tag-ulan na malakas at balita pa napakalakas ng ulan— I mean bagyo na iyon, yung tipong pati bubungan nila Ose mabubutas tapos sabay natutulog si Ose sabay natuluan ng ulan kasi butas nga yung bubong ararouch kawawa buti nalang ako may tutuluyan. At take note safe na safe dahil ang sarap ng pakiramdam sa loob ng bahay na iyon. Matanong ko nga si Koya kasi ni hindi ko pa siya kilala.. Nako naman-naman kanina ko pa kasama, bakit ngayon lang ako nagkaisip para maka-isip na magtanong iyon. Ayyy jusko Aliling. May tililing ka nanaman… Nakakita kalang ng pogi.
“Ahh Koya—(*long pause*) Ano nga palang pangalan mo hehe kanina pa tayo magkasama ngayon ko lang natanong hehehe”. Buong tapang kong tanong sa kanya at tuwid sa mata ang tingin ko sa kanya– aba kahit gwapo siya, dapat pa din ako mahintatakutan aba baka mamaya rapist pala ito.. Tumingin naman ang mata sa akin.. Parang pakiramdam ko noong mga oras na iyon sising-ukin ako sa sobrang kaba. Tumingin siya saakin ng ilang segundo, bago sumagot.
“Leandro Alexander Nakpil ang buo kong pangalan pero pwede mo din akong tawaging LEAN. O kahit ano basta gusto mo..” Nakangiti niyang sabi..
“Ako naman si Ynna Alisson Peralde pero prepared ako sa ALY.. Nice Name LEAN.. (*wide smile*) Lalaking-lalake.. Leandro Alexander Nakpil.. LEAN na nga lang itatawag ko saiyo para hindi ka malito.. At saka para madali.” Inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya tinanggap iyon. Nag-anggat ako, nakita kong takang-taka yung mukha niya—yung tipong parang ngayon lamang may nakipag-kamay sa kaniya. ‘
Ohh wag mong sabihing—ngayon nga lang? Diyosko Tao kaba?’ Impit na napatili ako sa isip ko pero kalma lang kasi tagabundok talaga ito e. Baka nga.
“Wala pa bang nakikipag-kamay sayo? Sa amin amin kasi ganito kasi ang way o paraan nang pakikipagkilala ee, o pakikipagdeal, nakikipagkamay kami. Wala pa ba talagang nakikipagkamay saiyo?”. Umiling si Lean. Seryoso pala siya. Hinawakan ko yung kamay niya at sini-shake iyon.
“Nice to meet you Lean, iyan ang sasabihin ko. Dapat isasagot mo sakin ‘NICE TO MEET YOU TOO.’ Gets mo?” At sinabi niya yung sinabe ko. Nyahaha..
“Nagagalak akong makilala ka Ynna”. Sabi niya sa akin. Habang hawak ang kamay ko. ‘Ang Cute niya hehehe.’ Pero nagulat ako bago niya kasi sabihin iyon inamoy niya muna leeg ko, pero mabilis din siyang umalis pagkatapos ngumiti siya. Nangagatog yung tuhod ko dahil sa ginawa niya.. Pero hindi ko pinahalata. Lumayo siya at tumawa ng tumawa.. ‘Ohhhh no nang dahil sa bagyo na ito! Masususpende ang klase—Choss joke lang . Makakansela ang imbestigasyon ko tungkol sa mga bampira sa lugar na ito.. Hindi kaya si Lean ay isang bampira din? Taga-gubat e. At talagang kinabahan ako sa ginawa niya kanina.’ Sabi ko pa sa aking isip. ‘Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah..’
Pero wala naman syang pangil. Argh ilang linggo kaya ako magstay dito. Parang sa tingin ko kasi kong sa Airport nila ako sasakay pakiramdam ko ‘Final Destination’ na ang PEG ko at kalalagyan ko.. Siguro maigi nang sa pamamalagi ko rito ay makapag-imbistiga na ako. Tungkol sa isinulat kong kwento ng mga bampira. Arghh.. BAKIT KO BA KASI KAILANGAN GAWIN ITO. Naalala ko nanaman tuloy yung nasa article ko…
**** FLASHBACK****
“Isang Liblib na lugar at walang mapanirang -uri ang gumulo sa mga mapang-haring at makapangyarihang-uri.. Isa nilalang na makapangyarihan na uri na sumisimsim ng dugo, patunay sa mga ari-arian ni Donato Warren isang matandang siyentipiko na nakatuklas sa labí ng isang hindi umanong bampira. Ayon sa matandang siyentipiko ang labi ng ninunong bampira ay hindi naagnas. Natagpuan nya ito noong siya’y dalawangpu’t isang taong gulang (21). Noong Isang libo siyam na raan at apatnapo (1940) sa Western Aczaban. Kung saan ay naroon siya.. Sa lugar kung saan natagpuan ang labi ng matandang bampira.. At malapit kung saan ito natagpuan ni Donato Warren na ngayon ay patay na sa edad na Siyamnaput lima (95). Ang Aczaban ay napakagandang lugar kung tutuusin. Subalit maraming naglipanang bampira sa lugar”.
Natatandaan ko pa iyon.
“Ayon sa Matandang Donato Warren hindi lahat ng nakakatakot na nilalang ay masama.. May masama man ngunit may mabuti rin”.
Bago mamatay ang matandang siyentipiko sa edad nga na 95 ay ipinagkatiwala sa kanya ng matanda na bantayan at pangalagaan niya ang moseleyo ng bampirang hindi kilala. Ayon pa sa matanda ay ang labí ng ninunong bampira ay may kasamang sulat na hindi lubos maintindihan kung ano ang nakalagay.. Siguro ay sulat iyon ng mga bampira. At isang sentences lang naintindihan ko..
‘Find Your Love To My Grand Son’ iyan ang nagpabagabag sa akin dahil hindi ko lubos maintidihan kong para kanino ang sulat niyon at pinagtataka ko bakit sakin ipinagkatiwala ito ni Donato Warren.. Sino kaya ang tinutukoy ng matandang bampira at bakit sakin ipinagkatiwala ito ng matandang siyentipiko.. Ang Labíng hindi kailanman maaagnas..??
**** End of Flashback****
Natigil ako sa pag-iisip nang may dumating na lalake.. Nakaitim at nakamaong. Sino kaya ito at lumapit siya sa akin at inilapit niya ang mukha nya sa leeg ko.
‘Oh no Nanaman’
“Dence, tumigil ka wag mo siyang takutin, kaibigan ko siya”. Biglang tumigil siya at lumapit kay Lean.
“Pero Lean— isa siyang mapanirang-uri”. Umiling si Lean..
“Mabait s’ya pinsan.. Kaya please lang Dence huwag mo siyang sasaktan.. Mabiting Tao si Ynna. Tandaan mo ang sinabi ni Lolo Ibrahim: Isang kakaibang nilalang ang tutulong sa atin para maniwala ang makapangyarihan na ndi tayo nanakit mayroon man ngunit may natitira pa ring mabuting uri..” Paliwanag ni Lean.. Dahil doon napangiti naman ako.
“Pero Lean baka siya ang magpahamak sa atin”. Sabi ni Dence.
“Tulad ni Ynna na isang agent na pumunta dito para pagkakitaan tayo at ubusin ang lahi natin.. Tandaan hindi padin natin nahahanap si Lolo”. Iiling-iling si Lean. Dahil sa sinabi ng pinsan nitong si Dence.
End of Part 4