Chapter 5
Mabait siya
Aly POV.
Pinalabas muna ako ni Lean Dahil nagtatalo sila nung pinsan nitong si Dence.. Sobrang hindi ko maexplain kung anong itsura ko nang sandaling iyon. Biglang nagsunggaban. Sunggaban? Ano LALAPAIN NILA AKO? Katakot, sobra talaga akong natakot.
“Grabe ako lang ba tao dito? Medyo wild nila e.” Paglilibang ko sa sarili ko.
Hapon na pero ang ganda pa din, sa paglalakad ko may dalawang way, isang way na straight at isang way na lubak-lubak.. Natakot ako sa lubak-lubak pero may nakatawag ng pansin sa akin.. Andaming mga halamang noon ko lang nakita may mga wild flowers at may mga puno na kahit kailan hindi ko pa nakita. Pero isang bagay ang umagaw ng pansin sa akin.
“Ohh no Ang Cute”. Sambit ko. Isang Itim na pusa. Ang Cute niya promise. Tumakbo ako palapit sa kanya subalit tumakbo rin siya palayo saakin. Hinabol ko ito .. Saka ko lang napansin padilim na ng padilim ang lugar na pinupuntahan ko.. Asang malaking palasyo ang tumambad sa akin. Isang trangkahan na malaki ang pinuntahan nito.. Isang lalaking nakasytyle drakula ang lumabas. Ay teka lang Bampira ata ito..
Napaatras ako dahil doon.
“San ka pupunta?”. Sabi nya, Oh my God ang Seductive ng Voice niya. Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako nasa harapan ko na sya potcha Japanese. Wow ang pogi Lenchak na buhay to.. Lenchak.. ampogi talaga… Kanina sina Lean at Dence mga poging magpinsan ngayon ito namang Japanese na ito.
“Sino ka ??”. Tanong ko sa kaniya.. Teka bakit niya ko nginitian.. Bakit parang nang-aakit? Ay nakakaloko ahh matapos niya ko takutin ngingiti siya… Masama na ito-
“Ako ang D E S T I N Y mo Ynna Alisson Peralde”.
‘Oh my God-oh Lord God, paano niya nalaman iyong name ko? Putek na iyan…Wahh siya ba ang nawawala kong kapatid natatakot ako. Please lord kayo na po ang bahala sa akin kung sakali mang may mangyari sa akin please po sana maiuwe ang katawan ko sa bahay’. Takot na takot kong sabi sa utak ko. Bigla akong napasinghap. Dahil pinalibot niya iyong braso niya sa beywang ko, Ayyyy aba naman grabe na ito.. Pano ako nakilala nang drakulang ito..
“Oh nagtataka ka pano kita nakilala”. Tumango ako. Pati utak ko nababasa niya ba? Kinakabahan ako pero pinanatili kong kalmado ang sarili ko. Mahirap na. Natatakot ako, pero gustong-gusto ko pa mabuhay at sumikat please lord. Huwag mo po ako pababayaan sa kamay nila.
“Well ito ang dahilan *pakita ng dyaryo*”. Ayan pala, nakita ko yung article na sinulat ko.. OMG.. At talaga ko kinabahan ako dahil doon..
“Sino ka ba kasi bakit ba ayaw mong sabihin pangalan mo at ng makauwe na ako.” Pagtatanong ko nang medyo may katarayan. ‘Hahaha ang sungit ko’.
“Miko Hatsune that’s my name. Tandaaan mo yan, ako ang Destiny mo sorry kong natakot kita hahaha”. Swabeng pagpapakilala nito. Binitiwan niya na ang aking bewang, pero nagulat ako ng may dumamba sa aking lalake dahilan para matumba kame sa bermuda grass dahil sinunggaban niya ako.. Oh teka wag mong sabihing siya yung may suot na cute na tag ng pusa kanina.. MAMA O. O Nakakatakot ..
**
LEAN POV .
“Ano ba mabait sya Dence, huwag mo siyang sasaktan. Wala kasi syang kilala dito kaya pinatuloy ko na .” Umiling si Dence, kahit kailan talaga wala itong pinaniniwalaan kung hindi ang sarili lang nito.
“Bahala ka baka mapahamak ka ng dahil ng dahil diyan baka kagaya din sya ni-“. Hindi naituloy ni Dence yung sasabihin niya ng isang sigaw ang nagpakaba sa amin hindi ko alam pero bigla kong kinabahan . Teka si Ynna yun ahh. Nde kaya-
**
YNNA’S POV .
Sinungaban ako ng gwapong nilalang na ito. At sobrang diin ng pagkakadagan nito sa akin dahilan para mahirapan ako sa paghinga ko. Nang biglang dumating si Lean at sumigaw ng mautoridad.
“SHANE CROWE-BITIWAN MO SIYA!”. Sigaw ni Lean.
Nag-imagine nanaman ako ng sasabihin sa utak ko. Vjl ‘Ohh my God LEAAAAAAN~~~ HELP MEEE’
TEKA-Shane Crowe, diba sya yung Writer ng The Vampire™
Teka. Sandali lang? Wala akong ideya na bampira pala siya, actually sa kaniya galing iyong ideya ko sa pagsusulat ng mga nakakatakot na articles, at kaya pala dami nyang alam kasi isa rin pala siyang- bampira. Pero teka-Baket ang GWAAAPOOO NIYA.
‘Imbaaaa’ tili ko nanaman sa isip ko. Halos maubusan na ako ng boses sa kakaisip ng pagtili at pagsigaw. Tila natutuyuan na ang lalamunan ko. Kaya napalunok ako. ‘Yuck nilunok ko laway ko. Kadiri’. Pangungutya ko pa sa isip ko. Pero bakit ganoon, napakagwapo talaga ng mga bampira na ito. Tumingin ako kay Lean at hindi ininda ang bigat ni Shane. At si Lean ang iniisip kong tutulong sakin. ‘My prince come to me please help me.’ Iyan ang sasabihin ko pero ito ang lumabas.
“Lean HELP ME- please!! Parang awa mo na. Natatakot na ako”. Nanginginig kong sabi. Lumapit si Lean sa amin pagod na pagod ito dahil sa pagtakbo. At inaawat si Shane dahil dumidiin na ang pagdagan nito sa akin.
“Shane-huwag mo si sasaktan hindi siya masama”. Paliwanag ni Lean pero- Umiling si Shane at mas lalo pang diniinan ang pagdagan sa akin. Kinalmot din ako.
“Tanga ka ba Lean hindi ka yata nagbabasa ng libro ko eeh.” Galet na sabi ni Shane. Pero hindi ito pinansin ni Lean.
“Pero iba siya. Nararamdaman ko hindi siya katulad ng iba.” Sabi ni Lean pero umiling si Shane. At bigla akong nawalan ng ulirat ng biglang naging pula ang mata niya at lumabas ang nagtatalasang pangil. Naramdaman ko sa mukha na parang may tumutubo na SOMETHING at parang humahaba pangil ko hindi kaya- baka kakaiba ko. May wisdom teeth ba sa harapan at may Wisdom teeth ba hugis pangil?
**
LEAN POV.
Nagulat ako nang mawalan nang malay si Ynna. Nakokonsensiya ko hindi ko siya naprotektahan. Tinulak ko nang malakas na malakas si Shane Crowe.
“Ayoko sanang gawin iyan saiyo. Kaso pinipilit mo ako, sinabihan kita mabuti siya pero anong ginawa mong sinaktan at tinakot mo pa siya. Walanghiya ka.” Sabi ko sa kaniya. Pero matalim lang ang tinging-ibinigay niya sa akin.
“Walangya ka. Maawa ka naman paminsan-minsan”. Kinarga na niya si Ynna at binuhat pabalik sa kanilang tahanan.
End of Part 5