Chapter 3

Encounter

Someone POV

Galing akong talon dahil doon ako nagtampisaw kaninang umaga hanggang sa maghapon. Naenjoy ko ang panghuhuli ng mga maliliit na sirena para biktimahin. Hindi ko alam na pagdating nang hapon na ako makakaalis. Maraming maliliit na sirena ang nakapaligid talon, kung kaya’t sinamantala ko na ang pagkakataon na makatikim ng maraming dugo. Para na din mabuhay ang aking mga ugat.

“Napakaganda mo naman.” Panlilinlang niya sa dalagitang sirena. Idinikit pa ng sirena ang katawan nito sa kaniya. Hindi naman mamatay ang sirena sa kagat niya pero manghihina ito, at maaring maging mabagal sa paglangoy. Parang normal nalang ang langoy nito.

“Handa akong ipatikim ang maharlika kong dugo para lang mabuhay ang mga ugat mo. Pwede mo ring akong pakasalan upang magkaroon tayo ng ugnayan. At maibigay ng mga alipin namin ang kailangan ng mga kalahi ninyo.” Sabi ng prinsesang ito.

“Napakaganda ng iyong sinabi. Pero maari nga bang mangyare iyon? Mapanganib kaming mga bampira. At anumang sandali ay pwedeng mahuli ng mga tao ang mga tulad ninyo kapag lahat kayo ay bumagal sa paglangoy.” Sabi niya. Ang prinsesang ito ang nagbigay sa kaniya ng karapatan na samantalahin ang mga maliliit na sirena. Kapag malalaki na kasi wala na roon ang dugong naangkop para sa kaniya. Kung kaya’t nagpaparami taon-taon ang mga sirena para sa kaniyang pagbalik ay mabigyan siya ng mga ito ng sariwang dugo.

“Akong bahala basta’t maging akin ka lang.” Sabi nito. Mayamaya pa ay hinalikan siya nito. Dumugo ang labi ng sirena dahil nakagat niya. Napansin niyang malapit nang dumilim kung kaya’t tumayo na siya.

“Mauna na ako. Magkita nalang ulit tayo prinsesa ng mga sirena.” Sabi niya rito. At mabilis na tumakbo. Sa aking paglalakad isang kakaibang tunog at amoy ang sumalubong sa akin. Nagkaroon na agad ako ng haka-haka. Mabilis kong sinundan ang tunog at ang amoy nito. Palakas nang palakas habang papalapit ako dito. Hanggang sa nakita ko ang aking hinahanap.

“AMBANGO? Naamoy ko na yung dugo papalapit sakin… Naririnig ko yung kaluskos ng mga dahon. Isang TAGALUPA, pero isang napakagandang DYOSA, ngunit paanong napadpad ang isang tagalabas sa lugar na ito.” Mahina kong sabi sa aking sarili. Mahirap na kapag marinig ako nito.

Dire-diretso siya. Hindi niya napansin ang paglapit ko sa kaniya. Nalaglag ang dala nya pinulot ko ang dala-dalahin niya, pag-angat niya ng tingin, ay natulala siya.

‘Mayroon ba akong pangil? Ohhh diyosko baka matakot ko ang diyosang ito. Wag naman sanang himatayin…’ Sabi ko sa isip ko. Nako huwag naman sana

May pangil bang nakalabas ? Nako!! Baka natakot ko siya, pero hindi naman bakas sa mukha niya ang takot. Paghanga puwede pa.. Siguro nga nagagwapuhan siya sa akin. Likas na sa lahi namin iyon. Super common na ang pagiging pogi. Hindi naman sa pagyayabang.

“Ayos ka lang binibini?”. Tanong ko sa kaniya, napansin ko ang pagkislap ng mata niya. Pero dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Malakas at napakabilis niyon. ‘Nakakatakot ba ang itsura ko?’. Tanong ko pa sa aking sarili.

**

Nagulat ako ng himatayin siya, bigla siyang natumba eh, buti alerto ako.

“Ay binibini, binibini— diyosko okay ka lang ba ? binibini, gising!”. Tinatapik-tapik ko siya. Walang respond. Tinapik-tapik ko muli yung pisngi niyang ubod ng lambot bagamat namumutla, ay nagbalik naman ito sa mamula-mulang kulay ng kaniyang balat. At doon tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.

“Hala anung gagawin ko? Tanong ko sa aking sarili sa totoo lang nakadama din ako ng takot para sa kalagayan ng babaeng ito. Hindi ko alam kung may sakit ba ito sa puso oh ano.

“Dadalhin nalang kita sa aming bahay, hindi ako dapat mag-alaala, dahil magiging okay ka din. Please binibini sana ayos ka lang ha. Huwag kang mamatay. Hindi pa ako nakasaksi ng tao na namatay sa kamay ko. Please don’t die.” Tinatapik-tapik ko pa ito.

Dinala ko siya sa samin. Inihiga siya sa kama at pinunasan ang balat nito. Nadala ko ang mga gamit nito. Naghanap ako ng kasuotan para mapalitan ito. Nakakuha ang nang damit. Isa-isa Kong tinanggal ang botones ng damit nito..

“Hindi ako titingin.. Bibihisan lang kita. Pawis na pawis na kasi ang damit mo. Baka magkasakit ka lalo.” At tuluyan niyang nahubdan ito at isinuot ang tuyong damit pagkatapos punasan ng bimpo na may binasa sa maligamgam na tubig. Nang mabihisan nita ito ay umalis na muna siya upang labahan ang damit nito.

**

ALY POINT OF VIEW

“OH MY ?? Nasaan ako?”. Sambit ko. Nilibot ko yung paningin ko sa lugar kung nasaan ako. Napakalambot ng higaan ngunit pamilyar ang amoy ng kumot. Tama iyong gwapong nilalang na nakita ko kanina sa gubat.. Sa kaniya kaya ito? Nilikot ko yung mga mata ko, at sa tabi ng higaan nakita ko yung frame napakagwapo na nasa larawan. Muntik ko na itong mabitiwan ng may nagbukas ng pinto..

“Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?”. Tanong niya sa’kin..

“ahh ou , ayos na pakiramdam ko ngayon. Oo nga pala salamat sa pag-aalaga sa akin, noong wala akong malay at salamat din sa pagpapatuloy mo sakin dito kahit hindi mo ako kilala.” Sabi ko dito medyo ilang pa din sa pagtingin sa kaniya.

“Nako wala yun saka sorry pala kung natakot kita kanina, kasi bigla-bigla nalang akong sumusulpot .. Sorry.”paghingi nya ng tawad ..

“Ay nako wala ‘yon. Oo nga pala, may mga nakatira pa ba dito bukod sa inyo??”. Tanong ko sa kaniya.

“Wala ako lang nakatira dito, at nasa gitna na ito ng kagubatan. Walang ibang nakatira dito kung hindi ako lamang at ang mga pamilya ko. Bakit ka nga pala napunta sa lugar na ito may hinahanap kaba?”. Sunod- sunod niyang tanong.

‘Subalit, dapat ko bang sabihin sa kanya ang pakay ko? Umisip ka ng pwedeng dahilan.’

“Ah actually naligaw lang ako. Iba-iba kasing direction ang tinuturo sakin. Oo nga pala, sino nga palang nagpalit ng damit ko?”. Tanong ko dito.

“I’m so sorry pala binibini, ako ang nagpalit ng damit mo. Wala kasi yung kapatid ko dito kanina—.” Agad-agad kong sinugod ang lalake at sinuntok sa mukha.

“BASTOS.” Sigaw ko wala pang nakakakita nito kung hindi siya lang. Kaya galit na galit siya nang malamang ito pala ang nagpalit ng kasuotan niya.

“Sorry.” Paghingi nito ng tawad.

End of Part 3