KABANATA 5
Wala na akong sinayang na oras at dahan-dahan lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong paligid at ang lahat ng ilaw ay nakapatay. May napansin akong tuldok ng dugo sa pader ngunit hindi iyon basta dugo dahil nagliliwanag ito sa dilim. Patungo ito sa kanang parte kaya sinundan ko ito. Lakad-takbo ang ginawa ko at ang tuldok mg dugo na iyon ay diretso lamang. Nag-iwan ng palatandaan si Loisa upang makawala ako dito kaya muling umalpas ang mga luha ko ng maalala siya. May pilat man ito sa kalahating bahagi ng mukha ngunit base sa pangangatawan ay maayos lamang ito.
Nang marating ko na ang dulo ay gumuhit ang ngiti ko dahil isa itong maliit na pintuan. Dahan-dahan ko itong nilapitan at muling nakita ang tuldok na dugo. Ito na nga siguro ang pinto palabas sa mansiyong ito. Nang mabuksan ko ito, bumungad sa akin ang madilim na paligid. Tanging ang sinag ng maliwanag na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ko ng tuluyan na akong makatapak sa labas. Diretso ito sa kakahuyan, hindi ko alam kung saan ito patungo. Nilakasan ko na lamang ang loob ko at tinakbo ito.
Tagaktak na ang pawis ko at pagod na pagod na rin ako ngunit pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nakakalabas. Puro puno lamang ang nakikita ko , pakiramdam ko ay nagpapaikot-ikot lamang ako.
“Oh! Jusko! Sana po ay hindi ako pinahamak ni Loisa, sana po tamang daan ito. Ama, tulungan mo po ako,”
Ang inakala kong liwanag na ginto sa hindi kalayuan ay ilaw ngunit ng tuluyan akong makalapit dito. Bigla na lamang akong naestatwa at nanginig sa takot. Ang gintong ilaw na nakita ko sa hindi kalayuan ay hindi isang ilaw kung di gintong mga mata. Nang magsimula ng maglakad palapit sa akin ang malaking bagay na ito ay bigla na lamang ako nawalan ng dugo. Isang malaking lobo na may dalawang gintong pares na mga mata ang nakatayo lamang sa harapan ko.
“You can't escape from me, Woman.” Lumakad pa ito palapit sa akin matapos sabihin iyon ngunit siya namang paglayo ko.
Isang iglap lamang na ang lobong kaharap ko ay nagtransform bilang isang tao. Wala itong saplot sa pang-itaas na nagpakita kong gaano ito kakisig at namumuti sa liwanag ng gabi ang ganda ng balat at kagwapuhan niya.
“Tatakasan mo pa ako? Hindi ka makakatakas sa akin,” muling sambit niya.
“G-Gusto ko ng umuwi, pakiusap,” pagsusumamo ko ngunit tulad ng mga mata niya ay blanko lang din ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Wala ni isang emosiyon siyang pinapakita kaya hindi ko matukoy kung galit nga ba siya o masaya.
“Sa akin kana simula ng matagpuan kita,” parang bagay lamang niya akong inangkin sa sinabi niya.
Napailing ako ng magkakasunod kahit hindi niya ito nakikita. “Walang nagmamay-ari sa akin kung hindi ako lang!” buong tapang kong bulyaw sa kaniya.
“You're wrong akin kana, akin.” Naglakad ito muli papalapit sa akin ngunit bago pa ito makalapit ng tuluyan ay sinimulan ko na ang pagtakbo.
Buong lakas akong tumakbo ng mabilis ngunit laging gulat ko na lamang ng biglang lumutang ang katawan ko mula sa lupa.
“Hindi ka makakatakas mula sa akin.”
Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya sa damit ko ngunit naging dahilan lamang ito ng pagpanunit ng suot kong bistida. Napatili ako sa nangyare ng babagsak na ako sa lupa ngunit dalawang matigas na braso ang yumakap sa baywang ko upang hindi tuluyan lumagapak.
“Got ya!” may pilyong sabi niya.
Buhat ako nito mula sa baywang ko. Mabilis ang naging pagkilos ko at tinakpan ang kahubaran ng hinaharap ko dahil sa pagkasira ng damit ko. Napaluha na lamang ako dahil natakpan ko man ang harap ko ngunit hindi ako likod ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat hininga niya na tumatama sa likuran ko. Nagbigay iyon ng matinding kilabot sa akin.
“Your smell is f*cking good ” aniya matapos nitong singhutin ang gilid ng leeg ko. Naramdaman ko ang ilong nito ng ipadausdos pa niya pababa sa balikat ko.