KABANATA 4
Queen Morgan Point Of View
“Palabasin niyo ako! Ano ba! Buksan niyo ang pinto! Nakikiusap ako!” ilang beses ko man paluin ang pintuan ng silid na kinalalagakan ko ay hindi pa rin nila ako pinagbubuksan ng pinto.
Ilang araw na nila akong preso sa mundong ito. Matapos kong masilayan ang labas ng magandang mansiyon na ito ay hindi ko na maalis sa isipan ko. Kung paano sila mag-anyong mga lobo. Malalaki sila, mabalahibo, may mga matutulis na pangit at kuko at kakaibang lakas. Hindi ako ligtas sa lugar na ito kailangan ko ng makaalis dito. Hindi ako dapat narito sa mundong ito. Ngayon alam ko na kung bakit nawawala ang mga taong nagtangkang pumasok dito, siguro ay kinain nila o pinatay! Pwede rin nila ginawang alipin bago pinaslang. Dahil sa naisip ko ay nilukob ako ng matinding takot. Hindi ko magawang pigilan ang mga nanginginig kong kamay.
“Buksan niyo ito! Nagmamakaawa ako, pakiusap gusto ko ng umuwi...” hindi ko na namalayan ng unti-unti humina ang boses ko.
Napaupo na lamang ako sa malamig ng tiles at isiniksik ng mukha ko sa dalawang braso ko na nakapatong sa daawang binti ko at dito umiyak. Sa ilang araw ko sa kwartong ito tanging ang apat na sulok ng silid na ito ang nakasama ko. Wala ni katiting na liwanag ang nakakapasok dito dahil narin sa kapal ng kurtina. Ang mga bintana ay masiyadong mahirap buksan, kung mabubuksan ko man ay tiyak na mamatay ako kung tatalon ako sa ikalawang palapag.
Napatitig na lamang ako sa isang malaking salamin na nasa harapan ko. Kitang-kita ko kung paano naningkad ang ganda ng balat ko sa suot kong puting bistida. Ang namumula kong pisngi at ilong dahil sa walang hintong pag-iyak. Ang dry na dry kong labi dahil sa pagtanggi ko sa mga pagkain dinadala nila. Halos wala ng buhay ang itsura ko dahil sa panghihina.
Ngunit kung mahina ako ay hindi ako makakaalis sa lugar na ito hindi ba? Hindi ako makakatalas sa mga hayop na iyon. Kaya napabaling ako sa lamesa na hindi kalayuan sa akin. Naroon pa rin ang pagkain dinala ng binatang nangangalang Silver. Nanlalambot pa ang mga tuhod ko ng lumapit ako rito. Natakam ako bigla ng makita kung gaano kasasarap ang itsura ng mga pagkaing ito. Mga pagkaing hindi ko pa natikman noong na sa labas pa ako. Hindi ko na inabapa pang gumamit ng kubyertos bagkus ay kinamay ko ito. Mabilis ang bawat pag-nguya ko, kasabay ng paglunok ko ay ang pagpatak ng mga masasagana kong luha. Kailangan kong maging malakas. Kailangan ko makaalis sa lugar na ito.
Nang matapos kong simutin lahat ng pagkain ay muli akong bumalik sa malaking kama at humiga. Kailangan kong mag-ipon ng lakas dahil ngayong huling pagkaing ibibigay nila sa akin ay kailangan ko ng makalis dito.
Sandali mo na akong umiglip ngunit wala pa akong ilang minuto sa pagpikit ng biglang lumagigit ang pintuan. Hindi ako nagbukas ng mata, bawat hakbang ng taong ito ay ang pagtibok ng puso ko.
“Napakasuwerte mo naman, ikaw ang napili ni Alpha upang maging Luna,” sambit niya.
Luna? Ako napili bilang Luna? Isang babae ng Alpha? Ngunit paano mangyayare iyon, hindi ako ang kabiyak niya. Ganoon ba siya kalakas at makapangyarihan upang gawin ito?
“Kaso nga lang papatayin na kitang ngayon gabi, sayang napakaganda mo pa naman ngunit sa akin lang si Alpha,” may galit niyang sabi.
Natakot ako sa sinabi niya kaya mabilis akong nagbukas ng mata. Nanlalaki ang mata ko ng isasaksak na pala niya ang patalim na iyon na ka-agad ko naman naiwasa.
“Dapat kang mamatay! Ang kapal ng mukha mo upang agawin si Alpha sa akin!” Itinutok pa niya sa akin ang patalim na iyon.
Hindi ko siya agad nakilala dahil sa malaking pilat na sa mukha niya. Ngunit ng mapagtanto ko ito ay halos maiyak ako sa saya.
“L-Loisa?” mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Nagulat pa ito ng bigkasin ko ang pangalan niya. Sinuri niya ko at doon lang niya ako nakilala kaya nabitawan niya ang hawak niyang patalim.
“M-Morgan? I'm sorry, hindi ko alam.” Napaluhod ito habang lumuluha.
Mabilis ko siyang dinaluhan at niyakap. Napakasaya ko dahil buhay pa pala siya. Siya ang kapitbahay kong pumasok din dito at biglang hindi na nakauwi. Napansin ko ang suot niyang uniporme kung ganun ay naging alipin siya dito base na rin sa suot niya.
“Hindi ka dapat narito! Papatayin ka nila!” paghehesterikal niya ng makahiwalay na siya sa pagkakayakap namin.
“Hindi ko sinasadyang makapasok dito, hindi sila tao! Mga halimaw sila, Loisa!” saad ko ngunit tinanguan lamang ako nito.
“Kaya dapat ka ng umalis dito habang wala pa si Alpha. Ikaw ang susunod na magiging Luna, patawad kung sinubukan kitang patayin. Mahal ko na kasi siya patawad.” hindi ako nakakibo sa sinabi niya.
Paano niya naatim na mahalin ang halimaw na iyon?
“Umalis na tayo dito, Loisa,” pag-aaya ko ngunit umiling lamang siya.
“Wala na akong babalikan roon, Morgan! Ikaw na lang ang bumalik. Heto...” Hinugot nito ang susi sa bulsa niya at inabot sa akin.
“Iyan ang susi sa pinto sa may likuran. Doon ka dumaan at ito pa,”
May muli itong inabot sa akin isang maliit na bato na kulay asul. Maganda iyonnl at tila mamahalin.
“Gamitin mo iyan para hindi ka nila maamoy, dalian mo na habang wala pa si Alpha. Hindi tumatalab iyan sa kaniya kaya maamoy ka niya kahit ilang libong kilometro pa ang layo mo sa kaniya.”,
Hindi agad ako nakakilos dahil sa biglaan ng lahat. Nandito ako at pwede naman kaming magkasamang tatakas sa impyernong lugar na ito ngunit hindi niya gustong umalis.
“Sumama kana, Loisa. Aalis tayo dito please,” pangungumbinsi ko ngunit muli siyang umiling sa akin.
“Wala na akong babalikan doon, kaya hangga't hindi pa malalim ang gabi ay umalis kana! Tandaan mo huwag ka ng muling babalik dito! Paglabas mo ng mundong ito magtago ka ibente mo ang bagay na iyan. Hindi ka na niya patatakasin pa dahil nalaman mo ang sikreto nila. Kaya umalis kana! Mag-iingat ka.” Tumayo na ito matapos sabihin iyon.
Malungkot ako nitong binalingan ng tingin bago muling lumabas ng silid. Hindi niya iyon ni-lock, iniwan niya itong bukas.