KABANATA 6
“Please, huwag! Bitawan mo ako!” pinilit ko ang maglikot ngunit bigo ako dahil sa dinaig pa ng bakal ang mga braso niya.
Pinilit ko rin kinalmot ang braso niya gamit ang mahahaba kong kuko ngunit ang mga sugat na nagawa ko ay kusang gumagaling.
“You will face my punishment. Be ready, I will godd*mn punish you tonight!” namutla ako sa ibinulong nito sa akin.
Nagsimula na siyang maglakad kaya nataranta ako at mas pinilit makawala.
“Bitawan mo ako! Tulong! Tulungan niyo ako!”
“Stop! Napaka-ingay mo, ako ang may ari ng pack na ito at walang tutulong sayo. Kaya tumahimik ka at harapin mo ang parusa kong gagawin sayo dahil sa pagtangka mong pagtakas.” saad niya sa malamig na boses.
Natatanaw ko ng muli ako mansiyon na pinanggalingan ko kaya muli ako naglaban ngunit wala itong say-say kahit anong gawin ko. Yakap parin niya ako at wala kon magawa dahil para lamang akong tela na dinala niya. Nang makalapit na kaming tuluyan nakita ko si Silver ang lalaking una kong nakilala habang may kasamang tatlong lalaking hindi ko rin kilala ngunit may mga itsura sila.
“Alpha,” sabay-sabay nilang bati at yumuko.
Hindi sila pinansin ng lalaking ito bagkus tumuloy ito sa loob ng mansiyon. Dumiretso ito sa isang mahabang itim na sofa at umupo. Ipinaupo din ako nito sa kandungan niya. Sinubukan ko ang makalayo ngunit niyakap lamang ako nito kaya wala akong nagawa.
Sumundo lamang sila at bigla na lamang akong nanginig ng makita si Loisa na bugbog sarado at duguan.
“Anong ginawa niyo sa kaniya! Hayop kayo!” malakas kong sigaw at pilit na nagwala kaya nabitawan ako nito.
Mabilis kong nilapitan si Loisa na ngayon ay nanghihina at puno ng dugo. Nanginginig ko pa siyang hinawakan ngunit tinampal niya ang mga kamay ko at higit sa lahat nanigas ako sa uri ng tingin niya sa akin. Nakakamatay ito.
“Bakit hindi kapa namatay!” Napaatras ako sa biglaang pagsigaw niya sa akin.
Hindi agad ako nakakibo, nagtataka habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng muhi sa akin.
“L-Loisa,”
“Huwag mo ako tawaging Loisa hindi kita kaibigan! Kinamumuhian kita Queen! Miski dito ay narito ka para ano agawin na naman lahat ng akin? Hindi ka pa ba masaya nasira na ang mukha ko!” napaluha na lamang ako ng marinig mula sa kaniya iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit napakalaki ng galit niya sa akin, maayos naman kami noon. Ngunit ngayon.
“Hindi mo gugustuhin ang malalaman mo, Luna,” pagsingit ni Silver sa usapan namin kaya walang gana ko siyang binalingan ng tingin.
Nagtatanong ang bawat mata ko sa ibig niyang sabihin. Ngunit kaysa sagutin ako agad ay bumaling muna ang ulo niya sa lalaking na sa likuran namin at tahimik na nakikinig.
“Ang gubat na pinasukan mo ay hindi simpleng gubat. Buhay ang gubat na iyon at sa oras na makatulog ka roon ay habang buhay ka ng mamalagi doon.” mahabang paliwanag niya na mas lalong nagpatahimik sa akin.
Puno ng dismayang binalikan ko ng tingin si Loisa na ngayon ay puno ng pagmamakaawang nakatingin sa lalaking iyon. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit dahil nagtiwala ako sa kaniya ngunit nagaw niya pa rin akong ipahamak dahil sa lalaking ito. Dali-dali akong naglakad patungo sa kaniya at sinampal siya ng malakas.
Suminghap pa silang lahat ngunit hindi ako nagpatinag.
“P*tangina ka! Bakit mo siya sinaktan!” akmang susugurin na niya ako ng bigla na lamang sumambulat ang dugo nito sa harapan ko.
“Napaka-ingay mo.” Pinagpag niya lamang ang kamay na para bang isang tubig lamang iyon.
Nanginginig ako habang pinagmamasdan ngayon ang katawan ni Loisa na wala ng buhay. Butas ang bandang likuran nito at ang pusa niya ay hawak-hawak pa ng demonyong ito na tumitibok.
“Linisin niyo ito, ayoko ng makakita pa ng kahit na kaditing niyang dugo. Nakakaintindihan ba tayo?
“Opo, Alpha.” Naglakad na sila patungo sa direksiyon namin.
Basta na lang nila hinila ang paa ni Loisa at kinaladkad ito. Napakasalampak na lamang ako sa lapag dahil sa nasaksihan. Wala na akong lakas para makatayo at makatakbo pa.
Ang sama niya, isa siyang halimaw. Pinatay niya si Loisa, isa siyang halimaw.
“Tama ka, halimaw ako kaya sundin mo ako at mabubuhah ka.”