KABANATA 3

Third Person's Point Of View

Sa isang madilim na silid isang binata ang parang hari ang nakaupo sa kaniyang trono. Ang mukha niya na walang mababakasan ng kahit na anong emosyon, ang mga gintong mata na noon ay puno ng buhay ngayon ay mistulang ginto na nawalan ng sariling kinang. Ang madilim nitong silid na kapareho ng nakikita ng binata sa loob ng libong taon ay hindi na bago sa kaniya. Kadiliman, umaga man o gabi ay walang pinagkaiba sa nakikita niya. Tulad ng nakikita niyang dilim ay ganoon din ang buhay niya. Sa loob ng libong taon hindi na niya ni minsan nasilayan ang mundo, miski ang babaeng nag-alay ng buhay para lamang sa kaniya. Dahil ang mga mata niya ay mayroong sumpa, sinumpa ng sariling ina ang pagdurusa niya ng mahigit libong taon. Dahil sa sobrang inggit sa kaniyang pisikal na anyo ay nagawa siyang isumpa nito. Sa loob ng libong taon ay namuhay siyang mag-isa, walang kapareha ngunit hindi iyon naging sapat upang maging malakas at matagumpay ang pack na pinamumunuan niya.

“How is she, Silver?” Maxwell asked kung maayos na ba ang babaeng nawalan ng malay kanina lamang. Hindi man niya makita ang binatang tinawag niya sa pangalang Silver, ngunit ramdam naman niya ito dahil bulag man ang kaniyang mga mata ganoon namang katalas ang pandama niya.

Sandali pang yumuko ang binatang nangangalang Silver upang magbigay galang sa kaniya. Saka lamang siya tumayo ng tuwid sa harapan ng binata na may malakas at nakakatakot na awra.

“She's okay now, Alpha. Pagod, gutom at sobrang stressed kaya siya nawalan ng malay,” magalang nitong sagot sa tanong ng lalake.

Ngunit may bumabagabag sa isipan ng binatang si Silver. Ang babaeng ginamot niya ang nagpapagulo sa isipan niya, naiisip niya kung papaano ang magiging buhay niya sa mundo nila. Dahil alam niyang hindi ito basta pakakawalan ng binatang na sa harapan niya. Kaya gamit ang pagdadalawang isip at kaunting katapangan ay napagpasiyahan niyang tanungin ang binata tungkol sa kaniya.

“Are you sure siya ang napili mo para sa tungkulin na ‘to?” tanong ni Silver. Ngayon lamang siya naglakas ng loob na tanungin ito dahil kahit ngayon lamang niya nakilala ang dalagang mahimbing na nakahimlay sa ibabaw ng magarang kutson ay hindi naging lingid sa kaniya na napakabuting tao nito. At inaamin niyang sobrang ganda nito na hindi pangkaraniwang. Ang dalaga na may napakaputing balat na parang nyebe, ang magandang mukha na pinaresan ng abong mga mata at ang buhok nitong umaalon-alon dahil sa simpleng paggalaw.

“Sinasalungat mo ba ako?” maiksi ngunit puno ng otoridad na sambit ng lalake. Ramdam ni Silver ang sobrang tinding otoridad at katakot-takot na awra nito kaya hindi niya maipagkakaila na nababagay sa binatang na sa harapan niya ang posisyon ng pagiging Alpha.

“Hindi sa ganoon, paano kung makilala mo ang totoong kapares mo? paano na ang binibining iyon?” sa simpleng tanong niyang iyon, napatahimik niya ang binata na ngayon ay may malalim ng iniisip. Ngunit sandali lamang iyon muli siya nitong hinarap, kung hindi lamang niya alam na bulag ang binaga ay iisipin niyang nakakakita ito. Ang ginton mga mata na ni minsam ay hindi niya nakitaan ng saya. Ang mga matang iyon na puno ng kalungkutan, pag-iisa at pagkasabik.

“I need her to lift my curse, and after that she will be free.” ani niya sa walang ganang tono na para bang isang simpleng bagay lamang ang gusto niyang gawin.

“Ngunit ang kapareha mo lamang ang makakawala ng sumpa, sa kaniya lilipat ito iyon ang huling binigkas ng dating Luna Dianna,” muling salungat niya sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil lubos na naawa siya sa magiging buhay pagkatapos ng lahat ng ito. Naaawa siya dahil nakikita niya sa dalaga ang nawalay niyang kapatid. Ang kapatid niyang diyosa ng buwan na isinakripisyo ang buhay upang mabigyan lamang ng kapareha ang binatang kaharap at pinaglilingkuran niya ngayon. Sinakripisyo niya ang sarili upang maging kapareha ng binata ngunit nagkaroon ng isang digmaan dahil sa pagtataksil niya ay pinatawan siya ng kamatayan. Isang daang libong taon na ngunit wala pa rin ang diyosa na ‘yon, wala pa ang kapatid niya hindi pa muling isinisilang. Kung naisilang man siya ay hinahanap nila siya ngunit kung tadhanan na ang tutulong ay paniguradong patatagpuin silang dalawa.

“You know who i loved, Silver. Kapatid mo lang ang kaya kong mahalin at wala ng iba, I do whatever i can upang maalis ang sumpang ito. Gusto ko siyang masilayan, kaya gawin mo ang trabaho mo at huwag kang makikialam.” iyon na lamang ang huling binanggit niya bago niya iniwan ang binatang si Silver.

Gamit ang tinding pang-amoy at pakiramdam hindi na niya kailangan pang gumamit ng tungkod, o katulong na aalalay sa kaniya. Madilim man ang nakikita ng mga mata niya ngunit hindi ang pakiramdam niya. Naglakad siya patungo sa silid na kinalalagyan ng dalagang natagpuan niya sa labas ng malaking gate niya. Ang gate na naghahati sa dalawang mundo, ang daan patungo sa mundo na hindi mo nanaising malaman.

Lahat ng mga taong napapadpad sa kaniyang mansyon ay isa-isa niyang kinikitil ang mga buhay dahil sa pagtangka nilang pagpasok sa mansyon niya. Ang iba naman mga kababaihan ay ginawa niyang katulong. Ito ang totoo niyang mundo at ang mundong itinayo niya sa mundo ng mga tao ay isang peke lamang upang mahanap niya ang kabiyak, ang nag-iisang babaeng nag-alay ng sariling buhay para lamang sa kaniya.

Sandali lamang niya binaybay ang kahabahan ng pasilyo patungo sa silid ng dalaga, hindi niya inabalang katukin pa ito. Para siyang hanggin na pumasok dito, ang unang bumungad sa kaniya ay ang matamis at masarap na amoy ng dalaga na nagbibigay ng init sa kaniya, ang mabangong amoy nito na nagpapabaliw sa kaniya. Ang pinaghalong amoy ng vannila at puting rosas na nanuot sa magkabilang ilong niya.

Sandali pa niyang sininghot ito bago tuluyang nilapitan ang dalagang mahimbing na natutulog. Hindi niya ito nakikita kaya gamit ang magaspang niyang palad pinadagusdos niya ito sa mukha ng dalaga gamit ito nalaman niya ang totoong anyo ng dalagang kaharap. Ang malambot na balat, matangos na ilong at ang malambot nitong labi. Sa hula palang niya ang alam niyang sobrang ganda ng dalaga dahil nabasa niya ang iniisip ng kaniyang beta na si Silver.

Gamit ang dalawang kamay walang malisya niyang pinadausdos ang mga palad magmula sa leeg nito pababa. Unang nadaanan ng kamay niya ang balikat nito, kasunod ang malalambot at mabibilog niyang dibdib. Ang nagbigay ng matinding kilabot at pagnanasa sa kaniya, pababa sa magandang hubog ng balakang na mas lalong nagpabaliw sa kaniya.

“Fuck! Fuck! Fucking gorgeous!” magkakasunod niyang mura, puri at walang pagdadalawang isip na tumayo at sinabunutan ang sarili.

Gusto niyang angkinin ang dalaga ngunit tinitiis niya ito dahil ang dalagang ito ang tutulong sa kaniya at pagkatapos ay papalayain niya ito. Isa lamang ang babaeng para sa kaniya at iyon ay si Morgan ang babaeng itinadhana sa kaniya. Alam niyang hindi ang babaeng ito ang kapareha dahil wala siyang nararamdaman na kahit anong kaugnayan, tanging ang atraksyon lamang nito sa kagandahan at katawan. Ngunit naguguluhan siya dahil ang amoy nito ay sobrang nagbibigay ng atraksyon sa kaniya. May kung ano sa loob niya lalo na ang lobo na nasa loob niya na nababaliw sa amoy palang ng dalaga kaya nahihirapan siyang pigilan ito dahil pilit itong kumakawala upang angkinin ang dalaga.

‘She's mine!’ nanggagalaiting sigaw ng lobo niya sa loob na si Max. Sa dami ng babaeng nakaniig niya ay hindi naging ganito ka-agresibo ang lobo niya. Gusto nitong kumawala kaya nahihirapan siyang kontrolin ito.

‘Stop, Max! hindi siya ang mate na ‘tin, so stop!’ kausap niya kay Max gamit ang isip.

‘Mate! siya ang mate na ‘tin, Maxwell! can you please fvcking open your eyes!’ Sigaw nito pabalik sa isipan niya na nagbigay ng matinding sakit ng ulo niya. Naguluhan siya sa inaakto ng lobo niya dahil naniniwala ito na ang babaeng na sa harapan nila ay ang mate nila ngunit bakit wala siyang maramdaman na kahit anong kaugnayan rito? wala siyang maramdaman tulad ng naramdaman niya noon sa diyosa ng buwan na si Morgan.

‘Hindi siya ang mate na ‘tin,’ malamig na sambit niya na nagpatigil sa pagwawala ng lobo niyang si Max sa loob niya.

‘She is, Maxwell. Hindi mo ba nararamdaman? ramdam ko ang bond naming dalawa, but how? is that possible na hindi mo nararamdaman? are you crazy? idedeny mo ba siya tapos ano pipiliin mo ang ibang babae? you're killing our own mate, Maxwell!’ sambit ni Max sa isipan niya ngunit hindi naging sapat upang mapaniwala siya nito.

Siya at si Max ay iisa kung anong nararamdaman ng isa ay nararamdaman nilang pareho ngunit sa babaeng ito ay wala siyang maramdaman na kahit anong espesyal. At handa siyang gawin ang lahat upang masilayan ang diyosa na itinadhana sa kaniya.

“Stop your nonsense, Max. Isa lang ang babaeng para sa atin at hindi siya ‘yon.” sambit niya sa sariling lobo na na sa loob niya. Nagtiim bagang siya dahil sa isiping kung sakali ang babaeng ito ang kapareha niya ay hindi niya mapapayagan ‘yon, kung sino man ang diyosa na gumawa ng pagbibigay ng koneksyon nila tulad sinasabi ng lobo niyang si Max ay hindi niya mapapatawad iyon dahil nag-iisa lamang ang babaeng para sa kaniya at iyon ay ang diyosa ng buwan na si Morgan.

Bago pa siya mawala sa katinuan mas minabuti niyang lisanin ang lugar na kinalalagakan ng dalaga. Mabigat ang bawat hakbang na ginawa niya dahil may kung ano sa loob niya na nagtutulak na huwag iwanan ang dalaga. Ngunit gamit ang natitirang lakas nagawa niyang makalayo dala ang pagkadi-gusto sa ginawa.