KABANATA 2
Queen Morgan Point of View
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagbigay ng inis sa akin dahil sa pagdisturbo nito sa masarap kong tulog. Sandali ko pa ninamnam ang malamig, mabango at malamig na kamang kinahihigaan ko.
“Malamig at malambot na—” hindi ko na tuluyang natapos ang pagsasalita ko ng mapagtanto ang lahat. Mabilis pa sa alas-kwatro ako napabangon ngunit bago pa ako tuluyang makabangon isang masidhing kirot ang lumukob sa buong pagkatao ko. Lumuluha akong napahawak sa tiyan ko dahil sobrang sakit nito.
Pasimple ko pang itinaas ang suot kong maduming kamiseta. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng isang malaking pasa ang bumungad sa akin. Nanubig ang gilid ng mga mata ko dahil saan ko nga ba nakuha ‘to? saka, Oo tama ‘yong guwapong lalake ang may gawa nito natatandaan ko sinuntok niya ako. Nanlumo ako sa pasang nakikita ko sa aking tiyan dahil namumula ito at makirot. Nang matapos kong suriin ang pasang iyon ay inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Namangha ako sa ganda ng silid na kinaroroonan ko ngayon, simula sa mga magagandang gamit, sa ambiance ng paligid at sa kamang kinau-upuan ko ngayon. Ang buong silid na ito ay nagsusumigaw sa salitang karangyaan.
“Teka na saan nga ba ako? sa pagkakaalam ko ay pumasok ako sa loob ng gubat at—” hindi ko na naituloy ang pakikipag-usap ko sa aking sarili ng isang hindi ko kilalang lalake ang bigla na lamang pumasok sa silid na kinaroroonan ko.
Sandali pa akong namangha sa kaniya dahil sa aking kakisigan niya, bakit ganito ito kakisig? tao pa ba sila?
“Hi? Gigisingin sana kita, ngunit dahil gising kana pinapatawag ka ni Alpha,” aniya at binigyan ako ng matamis na ngiti na nagpa-blush sa akin dahil sa ganda ng ngiti niya at nakaka-akit ang dimples niya sa magkabilaang pisngi.
Ngunit tama ba ang narinig ko? Alpha? hindi ako ganoon kawalang muwang dahil ang Alpha ay ginagamit bilang simbulo ng pangalan ng pinuno ng mga lobo hindi ba? nababasa ko kasi iyon sa mga libro na pinahihiram sa akin ni Berna ang dalagitang kapitbahay ko.
“May mga gamit na sa loob ng restroom, andoon na lahat ng kakailanganin mo. Please, pakibilis lang Miss?” pagtatanong niya sa akin.
“Queen po,” magalang kong sagot dahil kailangan ko mag-ingat dahil na sa terotoryo nila ako. Napansin ko pa ang kaunting pagkabigla niya ngunit mabilis rin iyong nawala at bumalik sa pagiging normal ng mukha niya. Mukha kasi siyang mabait tapos medyo kwela? masasabi ko base sa uri ng mga tingin niya.
“Oh! Miss Queen, kasi medyo mainitin ang ulo ng isang ‘yon.” sambit niya at napakamot pa siya sa batok nito. Cute, kasi mukha siya puppy na nahihiya.
“You deserve to be our Luna, Queen.” sambit niya sa malambing na tono. Sandali pa kaming nagkatitigan bago ako nagbawi ng tingin dahil hindi ako komportable sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Pero tama ba ang narinig ko sa pangalawang pagkakataon? Luna? anong role play ba ang nilalaro nila? feeling ba nila na sa werewolf story kami? Sobrang weird kasi nila.
“S-Susunod po ako,” sabi ko na lang bago siya tuluyang lumabas at sinara ang pinto. Pinilit kong makatayo at nagtungo sa loob ng banyo. Napanganga ako sa nabungaran dahil ang banyong ito ay sobrang ganda, walang sinabi ang gintong bathub na nasa harapan ko sa mga normal na bathub na nakikita kong ibinebenta sa mga malls o kahit sa bahay ay may bathtub din pero hindi ganito kaganda. Mukha kasi siyang gawa sa purong ginto.
“Totoo kaya ‘to?” walang sa sarili kong tanong. Tinapik-tapik ko pa ito at sinubukan kagatin pero muntik ng matanggal ang ngipin ko dahil sa tigas nito. Kung maaari lang ako kumuha ng maliit na parte nito ay maaari na akong mabuhay habang naghahanap ako ng matinong trabaho. Ngunit pagnanakaw kasi ‘yon kaya hindi ko maaring gawin kahit sobrang hirap na ang buhay ko.
Pinagsawa ko ang sarili ko sa paligid bago ko napagdesisyonang maligo, mabilis na pagligo lang ang ginawa ko dahil masiyado na akong nagtatagal sa loob ng banyo. Isang dress ang naabutan ko sa ibabaw ng lababo, kasama nito ang isang pares ng heels na hindi naman gan‘on kataas ang takong nito. Hindi na ako nag-abalang ayusan pa ang sarili ko dahil wala naman dahilan para doon, hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na parang nagsasayaw sa aking likuran dahil sa dulas at lambot nito.
Lumabas na rin ako ng silid at dahan-dahan naglakad sa kahabahan ng pasilyo ng mansyong ito. Pinilit ko man maglakad ng tahimik ngunit hindi nakikisama ang heels na suot ko. Sa sobrang tahimik ng paligid tanging ang paghinga at hakbang ko lang ang maririnig sa buong paligid. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil isang mahabang hallway lang ang nilalakaran ko, ngunit kada pader ay may mga pinto na sa tantiya ko ay mga silid rin. Isang liwanag sa hindi kalayuan ang umagaw ng atensiyon ko, sinundan ko ito at ng makarating ako isang liwanag ang kaunting nagpasilaw sa akin kaya saglit kong ipinikit ang mga mata ko.
“You're late, woman,” malamig at puno ng otoridad ang boses na sumalubong sa ‘kin. Nang maging maayos na ang nakikita ko agad kong hinanap ang pinagmulan ng boses na ‘yon. Ang makisig na lalakeng sumuntok sa akin ay prenteng kumakain sa isang mahabang lamesa na puno ng pagkain. Natakam ako sa mga putaheng nakahapag dahil hindi pa rin ako nakakakain simula kahapon.
“How's your sleep?” dagdag tanong pa niya sa akin. Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko maalupahap kung ano bang dapat kong isagot. Naiinis kasi ako sa kaniya dahil sinikmuraan niya ako at dahil sa kaniya nagkaroon ako ng malaking pasa sa tiyan ko.
“I'm asking you, ugali mo ba talagang hindi sumagot sa tuwing tinatanong ka?” tanong niyang muli. Walang bahid ng inis sa tanong na ‘yon bagkus namamangha ang tono niya.
“Alpha—Oh. Hi, Queen? upo ka na.” singit na bati sa akin ni dimples boy, hindi ko kasi alam ang pangalan niya. Kapapasok lang niya habang may hawak na ulo ng lobo? gusto kong magtanong kung bakit siya may dalang ulo ng lobo ngunit napag-isip ko na wala akong karapatan para panghimasukan ang buhay nila.
“Uuwi na po ako,” bulong ko dahil pakiramdam ko hindi ako safe sa mga taong ito at pakiramdam ko may kakaiba sa mansyon na ‘to.
“You can't.” sabi ng binatang tinawag niyang Alpha. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya dahil bakit hindi pwede? may nagawa ba akong mali?
“Bakit hindi pwede? kailangan ko na pong umuwi kasi—”
“I said you can't!” halos lumabas ang puso ko sa biglaang pagsigaw niya na nagbigay ng matinding takot sa akin. Napansin ko ang pagyuko ng lalakeng may dimples at kasunod nito ang marahas na pagtayo ng Alpha na tinatawag niya.
Madilim ang mukha niya at puno ng galit ang mga gintong mata niya. Napalunok ako ng magkakasunod ng lumapit siya sa akin. Natakot ako bigla at mabilis na lumayo dahil ba ka suntukin na naman niya ako.
“Leave us alone, Silver. ” ani niya ng hindi lumilingon sa binatang tinawag niya Silver. Silver pala ang pangalan ni dimple boy. Tumungo lamang ito at mabilis na nilisan ang lugar kaya kaming dalawa ang naiwan. Hindi ako kumikibo pinakikiramdaman ko ang paligid, pinakikiramdaman ko siya na tahimik lang nakatayo sa aking harapan.
“You know, entering this forest was forbidden, and you went in without knowing the rules? You now know the secret behind this mansion. You can't leave without my permission because you know all of our secrets.” mahabang sabi niya pero ni isa wala akong naintindihan. Sa pagkakaalam ko isa lamang simpleng mansyon ito.
“Hindi kita maintindihan wala akong alam sa sinasabi mo,” sambit ko sa nagtatakang boses dahil gusto kong maramdaman niya na hindi ko maintindihan ang misteryo ng mansyon niya.
Napatitig ako sa mukha niya tulad ng una naming pagkikita hindi sa akin nakatingin ang mga mata niya sa ibang direksyon ito. Bulag ba siya?
“B-Bulag ka ba?” lakas loob na tanong ko dahil sobrang kinakain ako ng kuryusidad ko.
”Yes.” simpleng sagot niya na tumapos sa kuryusidad ko. Huminga ako ng malalim at napasapo sa ulo ko dahil masakit ang ulo ko dahil sa pagod at gutom.
“Sorry talaga pero wala akong alam sa sinasabi mo,” pagkukumbinse ko sa kaniya dahil gusto ko ng umuwi. Bakit kasi padalos-dalos ako sa desisyon ko.
“Tumingin ka sa labas,” Utos niya at itinuro pa ang isang veranda na sa tantiya ko ay kita ang buong view sa labas mula sa verandang iyon.
Wala na akong sinayang na oras at mabilis gumalaw ang mga paa ko patungo sa verandang itinuturo niya. Nang makarating ako sa verandang iyon isang katakot-takot at kilabot na pakiramdam ang lumukob sa buong pagkatao ko habang ang mga mata ko ay nakapako sa labas ng veranda.
"N-No... This can't be happening," gamit ang natitirang lakas ko nagawa kong maisambit iyon.
Naramdaman ko ang paglapit ng binata sa aking likuran, ipinalupot niya ang matigas at malalaking braso niya sa papaikot sa aking baywang. Hindi ako nakagalaw ka-agad pakiramdam ko nanigas ako dahil sa ginawa niya, kasabay ng matinding takot ay ang paglandas ng mga luha ko.
"Welcome to my world, Mia Amore." Bulong niya sa aking kaliwang tainga bago ako muling pinanawan ng ulirat.
Hindi ko na alam ang nangyayare basta ko nalang naramdaman na nandilim ang paningin ko at unti-unti akong bumagsak, mabuti na lamang at nakayakap siya sa akin. Nakita ko pa sa labas ng veranda kung paano naging lobo ang tinawag niyang Silver kanina lang. Iyon ang huli kong nakita and everything went black.