KABANATA 1
Pinagsawa ko ang sarili ko sa ganda ng malaking gate na ito ng biglang magawi ang paningin ko sa malalaking siwang ng gate na ito na nagpatahimik sa akin.
“Mansyon?” Naibulong ko sa aking sarili dahil ang kabilang panig ng gate na ito ay isang malaking mansyon. Mansyon na sobrang laki at ang ganda ng paligid, lalo na ang mga nagkalat na pula at puting rosas. Ang malaking fountain na mas lalong nagbigay ng ganda sa mansyon at ang mga puno ng mansanas, oranges, manga, ubas, cherries at strawberries? Hindi lamang ‘yon sa kanang parte naman ay ang mga gulay na maayos ang pagkakasalansan sa lupa at malulusog kung titignan dahil sa malalabong ang mga ito at malalaki.
Manghang-mangha ako dahil hindi lamang iyon ang nasisilip ko sa pagitan ng siwang ng malaking gate na ito. Naramdaman ko rin ang malamig na simoy ng hanggin, hindi ko ito agad napansin kanina dahil sa paglipad ng isip ko ngunit pakiramdam ko na sa Baguio ako dahil sa lamig ng paligid. May kung ano sa loob ko ang hinihila ako papalapit sa gate ng mansyong ito kaya wala sa sarili ng umpisahan ko na ang paglalakad palapit rito.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa gate ng mansyong ito ng umihip ang isang malakas na hangin na nagpapuhing sa mga mata ko. Kinusot ko ang mga ito dahil sa hapdi, ng biglang isang presensiya ng tao ang naramdaman ko sa harapan ko napahinto ako sa pagkusot ng at binalingan ang presensiyang ‘yon at bigla akong nakaramdam ng matinding kilabot sa tinig na ‘yon.
“What are you doing in my territory, woman,” wika niya sa malamig at nakakakilabot na boses. Idagdag mo pa ang blanko n‘yang mukha na nagpalunok sa akin ng magkakasunod.
Bumungad sa akin ang isang makisig na lalake na may magandang pangangatawan, may mga gintong mata at ang gwapo ni ‘tong mukha. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagandang lalake kaya hindi ko maiwasan hindi mamangha at matulala.
“I will asking you again, what are you doing in my territory,” muling tanong niya na nagpabalik sa aking ulirat. Hindi ako ka-agad nakaimik dahil hindi pa rin ako nakakaget-over kung gaano siya kagwapo.
“One,” pagbibilang niya kaya taranta akong nag-isip ng isasagot.
“K-Kasi... n-naghahanap ako ng t-trabaho,” gusto kong sapakin ang sarili ko sa palusot na sinabi ko. Napansin ko ang pag arko ng makapal niyang kilay at napansin ko rin na parang hindi siya sa akin nakatingin? Kaya wala sa sarili kong sinundan ang tinitignan ng mga mata niya na sa kabilang direksyon ang tingin. Bulag ba siya? hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.
“Stop playing and leave before I lose my mind and kill you,” nagbabanta niyang sambit na nagpa-atras sa akin.
Pero hindi pa rin ‘yon naging sapat para mapaalis ako sa kinatatayuan ko. Bagkus bumagsak na lamang ang mga luha ko, mas mabuti ng mamatay kaysa mamatay sa gutom at mamuhay ng mag-isa.
“P-Patayin mo na lang po ako,” sambit ko sa tanong ng lalakeng na sa harapan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil unti-unting lumambot ang itsura niya dahil sa tinuran ko.
Kanina lamang ay galit na galit siya at mukhang papatayin na ako pero ngayon ay biglang lumambot ang mukha niya.
“Why?” nagtatakang tanong niya may bahid din ito ng awa? basta hindi ko ganoon mabasa ang itsura niya.
“W-Wala na akong mapupuntahan, wala na ang mga magulang ko at ang Tiya ko ay inangkin ang mga kayaman na iniwan sa akin ng magulang ko at ngayon lang nasunog ang bahay ko na inangkin din nila,” mahabang lintaya ko.
“Kaya patayin mo na lang po ako.” dagdag ko pa sa matapang na boses. Wala ng atrasan ‘to dahil saan pa ako pupulutin pagkatapos ng araw na ‘to kaya mas mabuti pang mamahinga na rin ako.
“Kaya ba pumasok ka sa terotoryo ko upang magpakamatay lang?” he asked and then chuckled. Muntik na akong matumba dahil ang tastas ng pagsasalita niya ng tagalog at mas lalo s‘yang gumwapo sa pag ngiti niya na may kaunting halakhak. Para iyong isang musika sa pandinig ko na nagbigay ng galak kasi napatawa ko siya? hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko sa binatang kaharap ko ngayon.
“Parang ganoon na nga po?” sagot ko ng patanong dahil ngayon lang ako nahimasmasan kung bakit nga ba ako pumasok rito.
Ipinagbabawal kasi ang pagpasok rito, balita rin ang gubat na ‘to sa baryo namin dahil maraming tao ang hindi na raw nakalabas ng buhay iyon ang sabi-sabi. Kasama na ang babaeng kapitbahay ko na may problemang dinadala noon dahil sa sugarol ang ina niya kaya siya naglayas, hindi na rin siya nakauwi matapos niyang pumasok rito at heto ako ngayon isa na sa hindi na makakauwi pa.
“I like you,” walang preno niyang wika na nagpalaki sa medyo singkit kong mga mata. Segundo lang at naagaw niya ang atensyon ko sa isang salitang ‘yon.
“P-Po?” pagkumpirma ko pa, dahil maaring nabingi lang ako at hindi ‘I like you’ ang narinig ko.
“I want you to be... mine,” dagdag pa niya. Dito na talaga ako napaatras at hindi makapaniwala na napatingin sa kaniya.
“S-Sorry po kuya bata pa po kasi ako at isa pa hindi po tayo magkakilala para magustuhan niyo ako agad, hehe,” sambit ko at kunware pang pinaypayan ang mukha ko dahil sa sobrang init ng nararamdaman ko sa pisngi ko. Napahinto ako sa pagpaypay sa sarili ko ng mag-umpisa na s‘yang humakbang patungo sa akin.
Dahan-dahan lamang ang mga ‘yon ngunit sa bawat hakbang na ginagawa niya ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nang makarating siya sa harapan ko, isang dipa ang layo namin sa isat-isa. Mas lalo ko siyang natitigan, sobrang gwapo niya, ang ganda ng mga ginto niyang mata. Ano kayang lahi niya? sa pagkakaalam ko ay asul, berde at kulay abo lamang ang mga mata ng mga may lahi.
“Sleep,” sambit niya na kinataka ko at pumutol sa pag-iisip ko.
“Ano? bakit ako matutulog?” takang tanong ko na nagpagulat sa kaniya.
“Fuck! b-but how?” saad niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya na puno ng pagtataka.
“Po? malamang kasi hapon pa lang atsaka bakit naman ako matutulog rito aber?” sagot ko sa tanong niya sa akin. Nakita ko pa sa mukha niya ang sobrang pagka-amused? iyong para bang nakakita siya ng laruan na nagbigay libang sa kaniya? basta gan‘on.
“Nevermind, sleep now. Mia amore.” parang wala lang na usal niya.
“T-Teka po kuya, matutul—” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng isang suntok sa aking sikmura ang nagpawala ng lahat ng lakas ko. Bago pa ako bumagsak sa lupa dalawang matigas na braso ang yumakap sa katawan kong lupaypay na. Isang ungol ang pinakawalan ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakasuntok nito sa akin. Pakiramdam ko mawawala na ako sa ulirat kahit na anong oras. Naramdaman ko pa kung paano ako umangat at karga niya base sa mga kamay niya sa aking likuran at sa likurang bahagi ng mga binti ko.
“You're unique, don't you? You are perfect for the position of my Luna. Sleep, mia amore, because when you wake up, everything will be different.”
Iyon na lamang ang huli kong narinig bago siya naglakad at tuluyan na akong nawalan ng malay.