SIMULA

“lumayas ka sa pamamahay ko! Wala kang silbi katulad ka lang ng ina mo!” nangagalaiting sigaw ni Tiya sa akin at kinaladkad ako palabas ng bahay, hindi pa rin ito nakuntento pati ang mga gamit koy pinagbabato niya sa labas ng bahay. Wala akong magawa kung ‘di ang umiyak habang pinupulot ang mga gamit ko.

“T-Tiya... h-huwag niyo naman po akong palayasin nagmamakaawa po ako,” lumuluha kong sambit ngunit hindi niya ako pinakinggan bagkus itinulak lamang niya ako palayo sa kaniya, ang bahay na ‘yon ay pag-aari ng magulang ko.

Simula ng mamatay ang pamilya ko sila na ang umangkin sa lahat, sa pera na dapat sa akin at ngayon sa bahay na pinaghirapang ipinatayo ni na Mama at Papa.

“T-Tiya...”

“Umalis kana! huwag ka ng muling babalik pa dito!” muling sigaw niya na nagbigay ng matinding poot sa puso ko.

Matagal akong nagpaka-alalay sa kanila kahit minamaltrato nila ako ng hindi maganda pinili ko pa rin si lang pakisamahan ng maayos. Nirespeto ko sila ng pamilya niya ngunit inangkin nila ang lahat ng bagay na sa akin dapat. Puno ng galit ang puso ko, galit na galit ako at gusto ko si lang magdusa dahil sa ginawa nila sa akin.

Gamit ang nanghihinang katawan pinilit kong makatayo ng diretso at tinitigan siya sa mga mata. Naroon ang gulat, takot at pagkabahala ngunit nagbago rin ‘yon dahil muling bumalik sa pagiging mabagsik ang itsura niya.

“Sa pamilya ko ang bahay na tinitirhan niyo ngayon! wala kang karapatan sa bahay na ‘yan dahil sa pamilya ko ‘yan!” hindi ko na napigilan pang hindi sumigaw. Ubos na ubos na ang pasensiya ko, lumabas na rin ang galit sa puso ko, galit na matagal kong kinimkim. Nagbigay ng matinding kilabot ang sigaw ko sa babaeng nirespeto ko ng buo at sobra. Ngunit dahil lamang sa naubos na nila ang lahat ng pera na iniwan sa akin ay nagagawa na nila akong paalisin? ganoon na lamang ba ‘yon?

Nakita ko kung paano siya nawalan ng dugo sa takot at ang panginginig ng mga kamay niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang init na nangagaling sa mga mata ko, ang init na nanggagaling sa galit ko.

“D-Demonyo... d-demonyo ka!” takot na takot niyang sigaw ng mag-umpisa ng masunog ang bahay ng magulang ko na inangkin nila.

“D-Demonyo!” mangiyak-ngiyak niyang sigaw habang dinuduro ako. Nag-unahan naman sa paglabas ang mga anak at asawa niya na panay din ang pagsigaw ng tulong. Ngumiti lamang ako ng nakakaloko dahil sa isinisigaw nila. Demonyo ako? mas demonyo sila!

“M-Mom... bigla na lang nasunog ang bahay,” ani ni Train sa hindi makapaniwalang tono. Ang magaling ni ‘yang anak na isang batugan at palamunin din.

“Pa-paanong nangyare ‘yon? ang bahay na ‘tin,” hapong-hapo ni ‘yang usal at napaluhod na lamang dahil sa panghihina.

Habang ako ay tahimik lamang nakatayo sa likuran nila at pinapanood kung pa-paano sila magdusa. May munting ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang pinagmamasdan sila na parang mga basang sisiw na ngayon. Wala si lang naisalba kung hindi ang mga suot ni lang damit. Napansin ko rin ang unting-unti paglingon ni Tiya sa direksyon kung na saan ako. Nanlilisik ang mga matang ‘yon ngunit hindi ako nagawang mapaatras.

“I-Ikaw... ” Duro ni Tiya sa akin kasabay ng paglingon nila sa aking lahat.

Tahimik lamang ako nakatitig sa kanilang lahat. Ng magsimula ng mangunot ang kilay ng panganay n‘yang anak na lalake na si Train. Mabilis ang mga pangyayare at mabilis ako ni ‘tong nalapitan.

“Anong ginawa mo, Queen!” malakas na sigaw ni Train sa akin akmang hahawakan na niya ako ng isang malakas na pwersa ang tumulak sa kaniya papalayo mula sa akin.

Saka lang ako nahimasmasan ng mapagtanto ang nangyayare. Si Train na anak ng Tiya ko na wala ng malay habang duguan ang ulo nito at nasusunog ngayon ang bahay ng magulang ko sa hindi ko malaman na dahilan. Sandali pa ako napatingin sa aking kamay ng makita kong umiilaw ang suot kong purselas na iniregalo sa akin ni Mama n‘ong 18th birthday ko. Gulong-gulo ako sa mga nangyayare sa paligid ko lalo na nang mag-umpisa ng magkagulo ang buong paligid dahil pinipilit ni lang patayin ang apoy na mas lalo lamang lumalaki at tinutupok ang kabuo-an ng bahay. Hindi na ako nag-abalang tumulong, mabilis kong dinampot ang bag at iilan sa mga gamit ko at mabilis na nilisan ang lugar na ‘yon. Dala ang ala-ala ng mga magulang ko n‘ong nabubuhay pa sila at kasama ko pa sila sa tahang ‘yon. Hindi na ako muling babalik sa lugar na iyon, kasabay ng paglisan ko ay ang huling luhang pumatak sa mga mata ko.

Isang oras na akong naglalakad, pagod at gutom na gutom na ako ngunit wala akong kakayahang bumili ng makakain dahil wala ako ni kusing. Wala ako sa sarili habang naglalakad hanggang sa hindi ko namalayan ng dalhin ako ng mga paa ko sa isang lugar na hindi ko aakalain na mapupuntahan ko. Ang gubat na bali-balitang nangunguha ng mga tao, dahil ang mga taong nagtangkang pumasok rito ay hindi na muling nakabalik. Wala sa sarili akong tumapak sa sinasabi nilang ‘boarder line’, gamit ang marumi kong mga sapatos at ang lumuluha kong mga mata nilakad ko ang papasok ng gubat.

Wala na rin namang dahilan upang ipagpatuloy ang buhay diba? wala na ang pamilya ko at wala na akong mapupuntahan pa. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng gubat na ito napansin ko ang mga kalansay na nagkalat sa paligid, ang madilim na paligid dahil hindi na naaabot ng sinag ng araw ang kinalalakaran ko dahil sa malalabong at matataas na puno. Saka lamang ako napahinto sa paglalakad ng makarating ako sa dulo. Isa itong malaki at mataas na gate na may disenyong cresent moon. Sobra akong namangha sa pagkakadisenyo nito dahil para itong totoo at napakapulido ng pagkakagawa na sa tiyak ko ay malaking pera ang naibayad nila sa taong lumikha ni ‘to.