Chapter 4

" Ah- eh, maiwan ko na kayong dalawa. Tyger magiingat ka sa pagmamaneho mo." Singit sa

amin ni Yaya Rosa at sabay pa kaming napairap ni Tyger sa isa't isa.

" Let's go " nakasimangot na wika nito sa akin at nauna na itong sumakay sa kotse nito.

Napatingin pa ako kay Yaya na nakangiti pa sa akin. Tumango ito sa akin bago tumalikod na at

muling pumasok sa loob ng mansion. Mabilis akong sumakay ng bumusina ng malakas ang

kotse sa aking tabi. Nakanguso na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at walang imik na

sumakay doon.

" Seatbelt " napatingin pa ako dito ng muli itong magsalita. Diretso lang ang tingin nito sa

unahan at nakahawak na ang kamay sa manibela. Napatingin ito sa akin ng hindi ako gumalaw.

" wear your seatbelt" sa pagkakataong iyon ay lumingon na ito sa akin habang nakakunot ang

noo. Napakasungit naman nito, daig pa ang babae.

" Yes Sir !" Mabilis kong sagot dito at agad na inilagay ang aking seatbelt. Mahabang

katahimikan ang namayani sa aming buong byahe, gustuhin ko man na magtanong dito kung

saan kami pupunta ay hindi ko magawa. Siguradong susungitan lamang ako nito kaya wag na

lang.

Huminto kami sa isang mamahaling hotel, ano kaya ang gagawin namin dito. Agad itong

lumabas ng sasakyan na hindi man lang ako kinakausap, sinundan ko ito ng tingin at dire

diretso ito ng lakad. Ano ba yan, nakalimutan yata niya na kasama ako ngayon. Mabilis kong

tinanggal ang aking seatbelt at agad na lumabas ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at

sinundan ito, nakita ko itong nakatayo malapit sa may elevator at nakasimangot na naman sa

akin.

" What took you so long?" Galit na tanong nito sa akin at nakapamewang pa ang isang kamay

nito." Aba, ay iniwan mo lang naman po ako sa kotse, wala ka man lang sinabi tapos ngayon ikaw

pa ang galit." Tinaasan ko din ito ng kilay. Akala mo kung sino eh, ganyan siguro talaga kapag

nagkaka edad na.

Pinindot nito ang elevator at ng nagbukas na ay pumasok ito sa loob na mabilis kong sinundan.

Mahirap na at baka maiwan na naman ako. Nakita kong pinindot nito ang 30th floor, jusko ang

taas naman. Mahina pa naman ako sa mga matataas na lugar.

Nang makalabas ng elevator ay saglit akong huminto at sumandal sa gilid, hindi ako

makahinga. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang aking dibdib at nabibingi ako. Pumikit ako ng

mariin at huminga ng malalim.

" Are you okay?" Napamulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang tanong na iyon. Ang

mukha ni Tyger ang nakita ko na parang nag aalala. Hinawakan pa nito ang isa kong kamay na

ikinagulat ko.

" O-ok lang ako " nauutal kong sagot dito. Nanghihina ang aking mga tuhod at pakiramdam ko

ay hindi ako makakapaglakad ng diretso.

" Let's go, malapit na ang unit ko dito. " wika nito at mabilis akong binuhat na pang bridal style.

Hindi nito alintana ang bigat ko at para lamang itong nagbubuhat ng unan. Ang lakas ng tibok

ng puso ko sa ginawa nito na lalong nagpahina sa aking mga tuhod. Nang mapatapat sa isang

pinto ay simple lamang nito iyong nabuksan at pumasok sa loob. Nagulat pa ako at nahiya ng

makarating sa living room na may mga bisitang nakaupo doon at nagtatawanan. Sabay sabay

ang mga itong napahinto ng dumating kami at nakasunod ang tingin sa amin kung kaya pilit

kong isiniksik ang aking ulo sa dibdib ni Tyger.

Ipinasok ako nito sa isang kwarto at ibinaba sa kamang naroroon. " Take a rest, i will come back

after fifteen minutes" seryosong wika nito sa akin bago muling lumabas ng kwartong iyon.

Nagtataka pa ako, kanina ay parang concern na concern ito sa akin pero ngayon ay

nakasimangot na naman.

Saglit lang akong humiga at bumangon na rin kaagad. Inayos ko ang aking buhok na

bahagyang nagulo pati na rin ang aking puting bestida. Nasaan ba kami at bakit may mga tao

sa labas. Nasa malalim akong pag iisip ng muling bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok

si Tyger. Saglit ako nitong tiningnan bago ito nagsalita.

" We are getting married today, at nasa labas na ang judge na magkakasal sa atin. My friends

are also there, hindi nila alam ang tungkol sa agreement nating dalawa, so, starting today, you

will be acting as my wife. Understand?" Mahinang tanong nito sa akin na ikinatango ko na

lamang. So ang ibig sabihin acting lang pala ang pagbuhat nito sa akin at kunwari ay concern

kahit hindi naman. Now I know.

" They're here, Tyger and her pretty soon to be wife. Congratulations to the both of you" bati sa

amin ng isang lalaki na malaki ang pagkakangiti sa amin. Napasinghap pa ako ng maramdaman

ko ang isang kamay ni Tyger na pumulupot sa aking baywang. Bahagya ako nitong idinikit sa

kanyang katawan at napaawang pa ang aking labi ng amuyin nito ang aking buhok.

" That's why you're here, to witness our love" nakangiting tugon naman ni Tyger sa kanila.

Napatingin ako dito at first time kong nakita itong nakangiti.

" Are you ready hon?" Malambing na tanong nito sa akin at inipit pa ang ilang hibla ng aking

buhok sa likod ng aking tainga. Nagulat man sa ginawa nito ay nagawa ko pa rin ngumiti ng

matamis dito." Oo naman hon " ganting tugon ko dito at binigyan din ito ng isang matamis na ngiti. Napatingin

pa ako sa mga kaibigan ni Tyger ng pumalakpak ang mga ito.

" Let's start " wika ng Judge sa amin. Magkahawak kamay kaming lumapit doon at nagsimula na

nga ang seremonya.

Ilang sandali pa at narinig ko na lang na nagsisigawan at tawanan ang mga taong naroroon. Sa

sobrang lutang ng utak ko ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang kasal.

" I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride " nakangiti na ring

anunsyo ng Judge sa amin. Napakurap kurap pa ako ng marahan akong iniharap ni Tyger sa

kanya at hawakan ako nito sa aking baywang. Bahagya ako nitong inilapit sa kanya, pasimple

akong umiling dito dahil alam ko kung ano ang posibleng mangyari. Wala pa akong first kiss at

gusto ko sana iyong ibigay sa taong mahal ko. Tinaasan lamang ako nito ng kilay at bahagyang

tumaas ang sulok ng labi nito. Tinaasan ko rin ito ng kilay at binantaan sa pamamagitan ng

masamang tingin dito.

" Kiss… Kiss…Kiss " kantyaw sa amin ng mga saksi sa aming kasal. Pati ang Judge ay

nakikisali na rin sa kanila.

" Subukan mo lang " bulong kong pagbabanta kay Tyger. Mariin ako nitong tinitigan na

pakiramdam ko ay tumatagos na sa buo kong pagkatao. Nagbaba ako ng aking tingin ngunit

naramdaman kong hinawakan ako nito sa aking baba at masuyong itinaas ang aking mukha

dahilan upang muling magpantay ang aming mga mata. Sumilay dito ang isang ngiti bago nito

dahan dahan na inilapit ang kanyang mukha papalapit sa akin.