Chapter 5

Magpoprotesta pa sana ako ng bigla kong maramdaman ang malambot nitong labi na lumapat

sa aking labi. Kasabay niyon ang mabilis na pagtibok ng aking puso na halos hindi na ako

makahinga. Pakiramdam ko ay tumigil ang galaw ng mundo at tanging kaming dalawa lamang

ang naroroon. Ganito pala ang mahalikan sa unang pagkakataon. Ngunit bago pa ako

mapapikit sa nakakaliyong sensasyon na iyon ay humiwalay na ang labi nito sa akin at

nakarinig na ako ng malalakas na tawanan at palakpakan.

" Congratulations sa inyong mag asawa " narinig kong bati sa amin ng judge na nagkasal sa

amin. Pakiramdam ko ay nilalagnat ako sa sobrang pag iinit ng aking mukha dahil sa hiya.

Bahagya lang akong ngumiti sa judge, at napatingala pa ako ng maramdaman kong muli ang

kamay ni Tyger sa aking baywang. Aba, at feel na feel naman ng loko.

" Thank you so much Judge Hipolito at napagbigyan mo ang aking hiling." Kinamayan pa ito ni

Tyger at pagkatapos niyon ay nagpaalam na ang judge na aalis na at may pupuntahan pa daw.

" Wow, congrats pare! Akala ko talaga tatanda ka ng binata eh, mabuti at pinatulan ka nitong

maganda mong misis" nakatawang biro sa kanya ng kaibigang lalaki na hanggang ngayon ay

hindi ko pa kilala kahit ang pangalan nito.

" Kalabaw lang ang tumatanda " ganting biro din naman ni Tyger. Hindi nito inaalis ang kamay

nito sa aking baywang kung kaya kahit san ito maglakad ay kasama din ako.

" Congrats " bati sa amin ng magandang babae na mukhang gf ng isa niyang kaibigan. " I'm

Shin at - " lumingon muna ito sa bandang likuran at itinuro ang isang lalaki na nakaupo sa dulo

ng sofa. Gwapo din ito, at mukhang mabait " Simon over there is my bf. Magkakaibigan kami

ng asawa mo since birth. Nice to meet you - ?" Natatawang pagpapakilala nito sa akin." Pia " nakangiti kong pagpapakilala dito. Niyakap ako nito at muling binati. Magaan ang loob ko

dito, at siguradong mabait ito hindi katulad ng kaibigan nitong tigre.

" Rafael at your service, nice to finally meet you Pia " sabi ng isa pa na long hair at mukhang

bokalista ng isang banda. Para itong babae, gwapo na, maganda pa. Iniabot nito ang kanang

kamay sa akin at akma ko na sanang tatanggapin ang pakikipagkamay nito ng hapitin akong

muli ni Tyger papalapit sa kanya.

" Woah!! Easy, mukhang mahigpit ang bodyguard ah. Naku Pia, bantayan mo yan marami yang

babae sa tabi tabi " tumatawang pang aasar nito sa kaibigan na si Tyger.

Natatawang itinaas lamang ni Tyger ang kanyang gitnang daliri sa nang aasar na si Rafael.

Nakita kong tumayo na ang bf ni Shin na si Simon at lumapit ito sa gf nito at masuyong

inakbayan " aalis na kami, alam ko naman na kanina mo pa kami gustong palayasin dito, let's

go babe " yaya nito sa kasintahan nito na tumatawa lamang sa pag aasaran ng tatlong lalaki.

" Sasabay na ako, ayoko naman maiwan dito at mainggit sa dalawang yan. " sabi rin ni Rafael

na hindi nawawala ang ngiti sa amin.

" Magsilayas na nga kayo dito, ang gugulo ninyo " pagtataboy naman ni Tyger sa kanila.

" Wehhh " sabay sabay pa ang tatlo na nagsalita " gusto mo lang maka homebase kaagad eh.

Naku Pia, isa lang ang kaya niyan magdamag, matanda na yan eh. " napatawa ako sa

pangangantyaw dito ni Rafael. Ilan taon na ba talaga itong si Tyger at lagi nilang binibiro na

matanda na ito. Sa tingin ko naman ay nasa 30's pa lang ito.

Pagkaalis ng tatlong kaibigan ni Tyger ay muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.

Umupo ako sa sofa sa living room at ito naman ay dumiretso ng kusina.

" Mom and Dad will be here the day after tomorrow, at siguraduhin mo lang na magagampanan

mo ng maayos ang pagiging asawa ko." Seryosong saad nito sa akin. Bumalik na naman ito sa

pagiging seryoso na akala mo ay galit sa mundo.

Tumango ako dito bilang pag sang ayon sa sinabi nito. " Saan pala ako matutulog?" Naalala

kong itanong dito. Wala rin nga pala akong kahit na anong gamit dito.

" Malaki ang sofa, siguro naman ay kasya ka diyan " balewalang sagot nito sa akin na

ikinatingin ko dito.

" Dito sa sofa? Ok ka lang, eh sinong matutulog diyan sa kwarto, ikaw?" Nakakunot noo kong

tanong dito. Grabe naman, napaka ungentleman naman nito.

" Yes " maikling sagot nito na mabilis kong ikinatayo.

" Ay wow, ako ang babae tapos ako ang pahihigain mo dito sa sofa? " masungit na tanong ko

kay Tyger.

" Sino ba ang may ari nitong condo ? Kapag may bisita lang tayo sa loob ka matutulog,

understand?" Seryosong tanong nito sa akin. Nakasimangot lang ako dito at hindi ito sinagot. "

Pia understand ?" Ulit nitong tanong sa akin.

" Oo na " nakasimangot pa rin na sagot ko dito. Palibhasa kasi matanda na.

" Did you say something ?" Agad akong napatingi kay Tyger, narinig yata ang tanong ko.

" Ha? Wala ah, ang sabi ko oo, dito ako matutulog " binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti.

" Good. Ang mga gamit mo nasa loob ng kwarto sa cabinet, kasama ng mga damit ko. Mahirap

na, baka maaga tayong mabisto. And one more thing, naka schedule na ang operasyon ng

kapatid mo sa amerika, may kinuha na akong magiintindi at magbabantay sa kanya" imporma

nito sa akin. Oo nga pala, sinabi nitong ipapagamot nito ang kapatid ko, hindi ko alam na sa

amerika pa pala ito dadalhin." Thank you, wag kang mag alala, gagampanan ko ng maayos ang pagiging asawa mo "

sincere na wika ko dito. Labis ang pasasalamat ko na may dumating na ganitong pagkakataon

sa amin ng kapatid ko. Kung wala, hindi ko alam kung saan kami kukuha ng ipangpapagamot

kay Princess.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at agad na pumunta sa kusina. Naghanap ako ng

pwede kong maluto sa almusal. Hindi ko alam kung anong mga kinakain ni Tyger o kung

kumakain ba ito sa umaga, bahala na, basta magluluto pa rin ako.

Kasaluyan akong naghuhugas ng mga pinaglutuan ko ng bigla na lamang may magsalita sa

aking likuran na labis kong ikinagulat