Chapter 3

Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. Tao ba talaga ito? O baka nananaginip

lang ako. Ang akala ko sa Turkish drama lang ako makakakita ng mga lalaking ganito ang

itsura, pero ano itong nasa harap ko.

" Your mouth.." muli itong nagsalita kung kaya napakurap kurap ako.

" S-sir ? " nauutal kong tanong dito. Shocks, sobrang gwapo naman nito. Artista ba ito o

model? Ito ba ang magiging amo ko?

May inihagis itong puting folder sa aking gilid na ikinalingon ko dito. " ano yan ?" Nagtatakang

tanong ko dito.

" Just open and read it and then sign it after. Simple as that ". Nakasimangot na tugon nito sa

akin. Hindi ba ito marunong magtagalog at kanina pa english ng english?

Kinuha ko ang folder at nagtatakang binuksan ko ito.

" Probationary Wife Aggrement ? Ano 'to? Anong meron?" Naguguluhan ako sa nangyayari

ngayon. Bakit nya ako binibigyan ng ganitong aggrement?

" Just sign it, Silly. " maang akong napatingin dito. Seryoso ang mukha nito at nakahalukipkip pa

na akala mo ay bagot na bagot sa buhay.

" Ayoko nga. Bakit ko pipirmahan yan eh hindi ko nga alam bakit may ganyan. Ipaliwanag mo. "

ginaya ko ito at pinag krus ang aking mga braso sa aking dibdib.

Nakita kong umigting ang panga nito sa aking sinabi. Aba, at siya pa ang galit.

" You are going to be my wife for 6 months, Woman " mataas ang boses na sagot nito sa akin

na mabilis kong ikinatayo.

" Siraulo ka pala eh, anong wife ang sinasabi mo dyan ? Kung wala kang magawa sa buhay mo

wag mo akong idamay. Tse, makaalis na nga." Inirapan ko ito at agad na naglakad papunta sa

pinto upang lumabas. Ngunit kahit anong gawin kong pagpihit sa doorknob ay hindi ko ito

mabuksan. Ng mapagod ay humarap ako sa lalaking feeling at pinamaywangan ito.

" Hoy, ikaw , buksan mo ang pinto. Palabasin mo ako dito." Naiinis na utos ko dito.

Nakita ko itong umiling bago sumagot "No"" Anong No? Hindi mo talaga bubuksan ang pinto? " tanong ko dito pero umiling lang ito sa akin.

" Sisigaw ako " pagbabanta ko dito ngunit tumaas lamang ang sulok ng labi nito sa sinabi ko.

Nakakainis. Ano ba itong napasok ko na ito. Muli akong tumalikod dito at humarap sa pinto at

muli kong sinubukan na pihitin ang doorknob. Napangiti ako ng mawala na ang lock nito.

" Once you open that door and you step outside, you cannot go back here again anymore."

Nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang kanyang sinabi. Ano naman ngayon kung

hindi na ako babalik, uuwi na lang ako sa probinsya at magtitinda ng mga gulay. Muli kong

pinihit ang pinto at akma na sanang bubuksan ito ng muli itong magsalita.

" I heard your little sister need surgery " napaawang ang aking labi sa sinabi nito. Paano

nalaman ng lalaking ito ang tungkol sa aking kapatid. Dahan dahan akong umikot paharap dito

at seryosong sinalubong ang mga tingin nito sa akin.

" Paano mo nalaman ang tungkol sa kapatid ko? " puno ng pagtataka ang aking boses. Tumayo

ito at inabot ang isang baso na may lamang alak at diretso itong ininum.

" One million for 6 months and all the expenses for the surgery are free." Agad na namilog ang

aking mga mata sa mga katagang narinig ko buhat dito. Totoo ba? Wahhh, imposible naman

yata yun. Napaka galante naman yata ng lalaking ito.

" Para lang maging asawa mo? " curios ko pang tanong dito. " ang daming ibang babae pero

bakit ako ?"

" I don't like them " maikling sagot nito sa akin. Yun lang yun, dahil lang ayaw niya? Bakit ako?

Ako ang gusto niya? Napatawa ako sa naisip ko. Haba naman pala ng hair ko, infairness.

" Now, if you don't have any questions, read the agreement and sign it. Bilisan mo at marami pa

tayong gagawin." Napatitig pa ako dito sa huli nitong sinabi. May iba pa daw kaming gagawin,

naku, virgin pa ang lola mo, jusko. At kahit bigyan niya ako ng two million, hindi ko ibubuka ang

gumamela ko.

" In your dreams, woman. That will never happen " nagulat pa ako dahil parang nabasa nito ang

nasa isip ko. Suplado, akala mo naman type ko.

Binasa kong mabuti ang aggrement, mabuti na ang sigurado. Ikakasal kami sa judge at

magsasama bilang mag asawa sa loob ng anim na buwan. Walang labis walang kulang.

Anytime na kailangan niya ako sa lahat ng mga lakad niya ay kailangan kong sumama at

gampanan ang pagiging asawa ko at walang sinuman ang pwedeng makaalam ng kasunduan

namin. At ang ikinataas ng aking kilay ay ang huli kong nabasa, bawal mainlove sa kanya, aba

ang feeling naman pala ng lalaking ito. Kahit gwapo ito, napakasungit naman at mukhang

malayo ang agwat ng aming edad. Napatango tango ako sa mga nabasa ko. Hindi naman pala

mahirap ang gagawin ko. Kung hindi lang namin kailangan ni Princess ng pera ay nungka na

tanggapin ko ang ganitong kasunduan. Mas gusto ko pa rin na maikasal sa lalaking mahal ko at

mahal ako. Pagkatapos basahin ang lahat ng mga nakasaad doon ay pinirmahan ko na ito at

iniabot sa kanya.

" You may go now and fix yourself. We were leaving at two in the afternoon." Wika nito at

walang paalam na tinalikuran ako. Jusko, ito ba ang magiging asawa ko? Napapailing na

lamang ako bago lumabas na rin ng silid na iyon. Dumaan lang ako sandali sa kusina upang

kumain at pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa tinulugan ko kagabi.

Nang sumapit na ang ala una ng hapon ay sinundo pa ako ni Yaya Rosa sa likod, may iniabot

ito sa aking paper bag na hindi ko alam kung anong laman. Nagtataka man ay kinuha ko na rinito at ng inilabas ko ang laman niyon ay napanganga pa ako ng makita ang isang puting puti na

bestida na off shoulder at below the knee ang haba.

" Ang ganda naman po nito, sa akin po ba ito?" Nakangiting tanong ko kay Yaya Rosa.

" Oo, iyan daw ang isuot mo at may pupuntahan kayo ngayon ni Tyger. Sige na, magbihis ka na

at sabay na tayong bumalik sa mansion." Sabi sa akin nito at bahagya pa ako nitong itinulak

papasok sa banyo.

" wow, ang ganda mo naman Pia. Bagay na bagay sayo ang bestida na iyan. Ang sexy mo "

tuwang tuwa na puri sa akin ni Yaya. Naiilang naman ako at hindi ako sanay sa mga ganitong

klase ng damit. Pagkatapos maglagay ng kaunting polbo at lipgloss ay magkasabay na kaming

bumalik ni Yaya Rosa sa mansion. Mabuti na lang at hindi kataasan ang sandals na kasama ng

damit. Nanatili na lamang kami ni Yaya sa parking at doon na maghihintay kay Sir Tyger.

Pababa na rin naman daw ito. Nagtatawanan pa kami ni Yaya ng marinig namin ang mga yabag

na papalapit sa amin. Dahan dahan akong lumingon sa likod at saktong nakita ko na papalapit

sa amin si Sir Tyger. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga ng makita ang itsura nito. Naka

long sleeve ito ng puti at slacks na itim. Bagay na bagay dito ang suot nito na lalong

nagpatingkad sa kagwapuhan nito na ngayon ko lang lubos na nakita. Maging ito man ay hindi

yata napansin na nakatitig na rin sa akin.