Chapter 2

Pagbaba namin sa terminal ng bus ay may naka abang na sa amin na isang itim na kotse.

Isang naka unipormeng matandang lalaki ang bumaba doon at lumapit kay Yaya Rosa. Iniabot

nito ang mga dala namin at inilagay sa compartment ng sasakyan.

" Kumusta ang bakasyon mo Rosa? " tanong nito ng muli na nitong paandarin ang kotse. Katabi

nito sa unahan si Yaya at ako naman ay nasa likuran nakaupo. "Siya na ba ang sinasabi mo?"

Narinig ko pang dagdag na tanong nito. Bahagya pa itong tumingin sa rear view mirror at

nagkatinginan pa kami.

" Oo siya nga. Si Pia." Tipid na sagot naman ni Yaya.

" Alam na ba niya?" Mahinang tanong ni Manong driver pero pakinig ko pa rin naman. Napalipat

ang tingin ko kay Yaya Rosa at naghihintay ng sagot nito. Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik

lamang. Ako ba ang pinag uusapan nilang dalawa? Bakit pakiramdam ko iba ang magiging

trabaho ko dito. Lord, bahala na po kayo sa akin. Alang alang po sa paggaling ng aking kapatid.

Maya maya pa ay huminto na ang sinasakyan namin sa harap ng isang malaking gate. Ilang

segundo lang ng bigla itong bumukas at muling umandar ang aming sinasakyan papasok sa

loob.

Wahhhh, grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay. Pagbaba ng sasakyan ay

namilog ang aking mga mata sa aking nakita. Kahit na madilim ang paligid ay naaninag ko na

mataas at malaki ang bahay na nasa aking harapan.

" Tayo na Pia, dito na tayo sa may gilid dumaan. Siguradong natutulog na si Sir Tyger sa taas."

Wika ni Yaya sa akin habang naglalakad kami. Nakarating kami sa gawing likuran at meron

doong parang apartment type na tirahan. Pagpasok namin ay maluwang na living room ang una

kong nakita at sa bandang dulo pa ay ang kusina. Mayroon ding tatlong pinto. Hindi ko lang

alam kung ano ang mga iyon.

" Dito ka muna matulog sa bakanteng kwarto, bukas na lang tayo ulit mag usap. Wag kang mag

alala, mababait lahat ang mga tao dito. " natatawang biro sa akin ni Yaya Rosa. Napatawa rin

ako dito.

Pabagsak kong inihiga ang aking pagod na katawan sa malambot na kama na naroroon.

Nakatingin ako sa kisame at muling naalala ang doktor at ang aking kapatid na si Princess.

" upang tuluyang gumaling ang kapatid mo, i will suggest you na mag undergo si Princess ng

surgery to replace or repair the damages valves. At hindi birong halaga ang kailangan mo para

doon. " hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Sana maipagamot ko si Princess sa lalong

madaling panahon. Dalawa na lamang kami at papaano pa ako kapag iniwan pa ako nito.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at dumiretso na rin ng ligo. Paglabas ko ng banyo ay

nasa kusina na si Yaya Rosa at nagtitimpla ng kanyang kape.

" Good morning po " magalang kong bati dito. Ngumiti ito at gumanti din ng bati sa akin.

Kumuha ito ng isa pang tasa at iniabot sa akin.

" Ang aga mo naman maligo, magkape ka muna at sabay na tayong pumunta mamaya sa

mansion. Alas syete pa ang gising ni Tyger at kailangan nakapag luto na ako ng kanyang

agahan." Wika nito habang naglalagay ng peanut butter sa kanyang tinapay.

" ilang taon na po ba si Sir Tyger? Pumapasok pa po ba siya sa school?" Curios kong tanong

kay Yaya Rosa. Napatitig ito sa akin at tumawa ito ng malakas. May mali ba sa tanong ko? Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan bago nagsalita " mas matanda pa sayo si Tyger iha " sabi

nito sa akin na ikinagulat ko. Akala ko talaga ay bata pa ito at masyado ito kung mag alala para

doon.

Tumayo na si Yaya Rosa at pumasok ng banyo " sabay na tayong pumunta ng mansion

pagkatapos kong maligo, ipakikilala kita kay Tyger " nakangiti nitong wika sa akin. Tumango na

lamang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkakape. Ito ang unang araw ko sa trabaho at sana

ay maging maayos ang lahat.

Namangha ako at hindi kumukurap ng makapasok kami ni Yaya Rosa sa living room ng

mansion, sobrang laki niyon at halatang mamahalin ang lahat ng mga display na naroroon. May

malaki ding hagdan pataas at para iyong mga hagdan na napapanood lamang niya sa tv. Daig

pa nito ang nakita niyang hotel sa kanilang bayan sa probinsya.

" Halika, tulungan mo akong ipaghanda si Tyger ng kanyang almusal. " yaya sa akin ni Yaya

Rosa. Sumunod ako dito at katulad sa living area, napakaganda din sa dining area. Kumpleto

ang lahat ng mga appliances at maayos na nakaayos ang lahat. Napakayaman naman pala ng

magiging Boss niya. Tumulong ako sa paghihiwa ng mga bawang at sibuyas at pagkatapos ay

nanood na lamang ako.

" Titingnan ko lang kung gising na si Tyger, maiwan na muna kita dito Pia. " tumango ako kay

Yaya Rosa bago ito tumalikod sa akin. Mabuti at hindi nananakit ang tuhod nito kakaakyat sa

taas. At saan pa kaya ang kwarto ng Boss nila, feeling ko ay hanggang 3rdfloor ang mansion na

ito.

Habang naghihintay sa pagbabalik ni Yaya Rosa ay nagtingin tingin ako ng mga appliances sa

kusina, ang iba doon ay hindi ko alam kung paano gamitin. Napatayo ako ng tuwid ng makarinig

ng mga hakbang na papalapit sa kusina.

" Pia, pinapatawag ka ni Tyger sa taas." Saad ni Yaya Rosa sa akin pagpasok nito sa kusina. "

kung ano man ang magiging desisyon mo, igagalang ko, pero sana ay pag isipan mong mabuti

ang lahat. Sige na, umakyat ka na sa 3rd floor. Nag iisa lang ang kwarto doon ni Tyger." Wika ni

Yaya Rosa sa akin na ipinagtaka ko. Sumama ako sa kanya dito dahil magtatrabaho ako, pero

bakit may desisyon pa akong gagawin. Ano yun? Baka masungit ang bago niyang amo. Hmp,

bahala na si Batman.

Pagod na pagod ako ng makarating sa 3rd floor, aircon ang buong mansion pero ramdam kong

pinagpawisan ako sa pag akyat. Wala man lang bang elevator ang bahay na ito, jusko. Kapag

araw araw akong aakyat dito ay siguradong tingting na ako pag uwi ko ng probinsya.

Napahawak pa ako sa dalawa kong tuhod at saglit na nagpahinga, pambihira talaga.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong isang ilaw lang ang bukas sa buong palapag na

iyon. Ang dilim naman, baka naman bampira ang bago niyang amo at ako ang sunod niyang

biktima. Dahan dahan akong naglakad patungo sa nag iisang pinto na aking naaninag na nasa

may bandang dulo na.

" Come in " biglang may nagsalita sa kung saan dahilan para mapatalon ako at mapasigaw sa

gulat. Ano ba naman yan, dito na yata ako mamamatay sa sobrang gulat. Sino ba yun.

Nagpalinga linga pa ako at ng walang makita ay dahan dahan kong pinihit ang doorknob at

binuksan ang malaking pinto.

Halos wala akong makita sa sobrang dilim sa loob ng silid. May tao ba dito, bakit parang

anytime ay may lalabas na aswang at susunggaban ako." Sit Down " huh? Ayan na naman ang boses na kasing lamig ng yelo. Sit down daw, paano

naman ako makaka sitdown eh wala nga akong makita. Sa isiping iyon ay biglang bumukas ang

lampshade sa kabilang gilid ko at nakita ko ang isang malaking sofa na naroroon. Maingat

akong humakbang papunta doon at umupo katulad ng utos nito. At saktong pag upo ko ay

napasigaw ako ng malakas at naitakip ko ang aking mga kamay sa aking mukha sa sobrang

takot ng may maaninag akong isang tao na nakaupo kaharap ko.

" This is the first time that a woman scared of me. " narinig kong wika ng boses na kanina ko pa

naririnig sa labas. Kapag kaharap ko pala ito ay mas malalim ang boses nito na akala mo ay

nasa ilalim ng lupa. Naaninag kong medyo maliwanag na sa paligid ngunit natatakot pa rin

akong alisin ang mga kamay ko na nakatakip sa aking mukha. Baka kung ano pa ang makita ko

at tuluyan na akong mamatay dito.

" Sino ka? " lakas loob kung tanong dito.

" Tsk, put your hands down " muling utos nito sa akin. Kinakabahan man ay dahan dahan kong

ibinaba ang aking mga kamay at lakas loob na tumingin sa taong nasa aking harapan. At

ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang itsura nito.