Chapter Twenty Six
Ang magkasunod na katok sa silid ni Kith ay siyang gumising sa kaniya mula sa mahimbing na pagkatulog. Tinamad pa siyang bumangon. Napatingin siya sa orasan at pasado alas sais media pa lang ng umaga. Who the hell is knocking on his door so hard that it is like a slam? Naiinis na isinuot niya ang ang bathrobe at binuksan ang pinto. His eyebrows met and knitted together nang makitang si Aling Celia ang kumatok sa pinto. Gusto niyang magalit sa matanda paano kasi ang aga pa ay ginigising siya nito na hindi naman ‘yon usual na ginagawa ng matanda. Pero pinakalma niya ang sarili at tinanong niya ito kung bakit. Paos pa ang kaniyang tinig.
“Eh, pasensiya na po sir. Si ano k-kasi—” nauutal si Aling Celia at tila pinag-isipan pa kung ano ang idudugtong sa sasabihin nito.
“Go ahead, Aling Celia. What is it? It’s about Dad? He’s home?”
The old woman shook her head. “Hindi po sir Kith. Pinuntahan ko si sir Noam kanina sa kwarto para tanungin kung ipapasok ba namin si Theron. Alam po namin na may confrontation po kayo kahapon. Pero sabi ni sir Noam ay ikaw na lang daw ang kakausapin ko dahil ikaw ang kaibigan ni Theron.” Nakayukong sambit ng matanda.
“Theron? Papasukin? Wait, what do you mean?”
“Nasa labas po siya sir. Kanina pang alas singko. Mukhang hinihintay na may gumising. Hindi po siya ipinapasok ni, Marco,” She was referring to the guard Marco.
Kith clenched his teeth. Iniwan niya ang matanda at lumabas ng bahay. When Theron saw him his despairing face lit up. Hindi niya alam kung ano ang gusto ni Theron, at kung bakit ito naroon. Kung ang layunin nito ay hihingi ito ng tawad ay wala pa siyang balak na patawarin ito. Habang nagtama ang kanilang mga mata ay walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila. Unti-unting nawalan ng pag-asa ang hitsura ni Theron. Nasa labas ito ng gate. He parted his lips at may lumabas na salita roon pero hindi niya marinig at parang tinangay lang ‘yon ng hangin o parang nagbubulong lang ito sa hangin.
“Wala ka bang sasabihin? Dahil kung wala ay maari ka ng umaalis. Ayaw ko ng makita ka pa.” Naninikip ang kaniyang didbidb at pinigil ang pag-init ng sulok ng kaniyang mga mata. Gusto na niyang umiyak, kailangan niya ang unan para sumalo sa mga luha niya. Gusto niyang humikbi pero kinontrol niya ang sarili. Ayaw niyang ipakita rito na sobrang sakit ang ibinigay nito sa kaniya. Ayaw niyang ipinakita na nasasaktan siya dahil baka tinanong siya kung ano ang karapatan niya.
Galit lamang ang namayani sa kaniyang dibdib. Bahagya siyang ngumiti. Sa likod ng ngiti na ‘yon ay isang mahapding sugat ng kaniyang puso.
“Oo mayroon, marami, at gusto kong isa-isahin. Please let me in,” He pleaded. He looks like a wretched flower alone on a Prairie. “Please let me in. Gusto kong maka-usap—”
“Talk and I’m listening. You don’t need to come in,” mabagsik na sambit niya.
“Please let me in. I want—I want to hug you,” he said stuttered.
Natawa siya sa sinabi nito. “Really? Do you want? You’re kidding me. Okay, let’s not make this conversation long.”
“Okay, I’m sorry. I would like to say thank you. Ikaw pala ang bumayad sa lahat ng utang ni, Daddy.” Naiyak na sambit nito. “I cannot believe it na nagbalik ang business ni daddy dahil sayo. Sorry, wala akong ideya. I just realized how much you love me. And, I’m sorry for those days na nasaktan kita. Like I was being fucked. I’m sorry.” He roughly wipes his cheeks with the back of his hands. He holds the iron pole of the gate. “I made you suffer, I supposed to be not taught you how to spell love, instead of love you spell it Pain. It mustn’t be, It’s all my fault. I’m sorry.” He seizes the body of the pole and holds it firmly.
Umiiling siya. Ano pa ba ang dapat niyang sasabihin. Wala na, kung mayron man ay pawang hinanakit niya ‘yon sa mundo. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri niya at tumingala sa itaas. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago nakuhang sumagot. “Okay, you’re welcome. Let’s say ginagawa ko ‘yon dahil kaibigan—”
“No,” putol ni Theron sa sinabi niya. Umiiling ito. “Hindi totoo ‘yan. If you told me na ginagawa mo lahat ng ‘yon, ang pagtulong kay daddy and everything ay hindi ‘yon dahil kaibigan ang turing mo sa akin. Alam kong ginagawa mo ‘yon dahil sa nararamdaman mo sa akin. Hindi ako nagkamali. Grabi ka magmahal Kith. One thing you want to know is that walang mali roon, walang mali sa pagmamahal. Hindi ka kailanman nagkamali sa pagmamahal sa akin.” He stopped to wipe his wet cheeks. “Ako ‘yung mali. Mali ako sa part na hindi kita na-appreciate. Mali ako sa part na hinayaan ko lang ang pagpatak ng butil ng mga luha mo. Mali ako sa part na hinayaan lang kita na nasasaktan.”
“Enough, Theron. I hate to talk about this thing. I must accept na mali nga ang pag-uwi ko rito sa Pilipinas para lang makita ka. This is the end of the talk. Just go home. You should be celebrating, you become an instant billionaire, you should hang out in the bar and look for hot babes.” Masigla ang ngiti niya. “I’m going to France, I don’t know kung may balak pa akong umuwi rito. You will never see me again.”
“No, please” Theron protested. “Please I’m begging you. Huwag naman tayo darating sa part na ‘yon. I’m sorry.” Patuloy ang paglandas ng mga luha niya.
One tear fell from his eye and it burn down his entire being. Noon niya nararamdaman ang sobrang pagkadurog niya. His romantic memories with him flashes and he was badly hurt. He thought of Syd and Theron too, he saw them. yesterday and he never forget it. “Masaya na ako sayo, sa inyo ni Syd” he bitterly smiled. “Naalala ko mukha mo kahapon, ang saya-saya mo. Kung makikita mo ang kasiyahan mo kay Syd ay masaya na ako para sayo.” Parang may kutsilyong humiwa sa kaniyang dibdib. “I want to fix myself malay mo isang araw ay babalik ako at gusto kong bumalik tayo sa pagkakaibigan. Pero ‘yon kung gusto kong bumalik pa rito.”
Bahagyang tumango si Theron. “That’s why I’m here dahil gusto komg ipaliwanag ang nakikita mo dahil ako at si Syd—”
“Nagmamahalan?” Kith interrupted. “I don’t damn surprise.”
“No, mali ka—”
“Okay fine, mali ako and let’s end the discussion.”
“It’s up to you, sana balang araw ay bigyan mo ako ng tsansa na maikuwento ang side ko.”
Kith shook his head.
“Please”
“Ther? Do you love me?” Halos pabulong na sambit niya. Lumapit siya sa gate. Hinahawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa bakal. “Do you love me?”
“I do” ang isang palad nito ay hinahaplos ang pisngi niya.
“Then please go away, I don’t want to see you again” nagbaha ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Please nagmamakaawa ako”
Tumigil si Theron sa paghaplos sa kaniyang pisngi. He steps back speechless. Nanatili itong nakatayo roon at tumingin sa kaniya. Sumandal siya gate habang patuloy sa paghikbi.
“Please just go away and disappear, just go away and forget me. I know napakadali lang gawin ‘yon. Umalis ka na po at ‘wag mo na ako iisipin.” Naninikip ang kaniyang dibdib.
“Okay, Kith. I don’t want to see you again also. I will not remember that you exist. I will go now,” anito sa basag na tono. Naglalakad na ito palayo at naiwan siya na walang tigil sa pag-iyak. ‘Yon na marahil ang huli nilang pagkita. His last words thundered in his mind. Ayaw na rin siyang makita ni Theron. Durog na durog siya habang minamasdan ang naglalakad palayong si Theron.