Chapter Twenty Two

“What?” Noam gasped from the other line. Ang pagtawag nito ay gumising sa kaniya mula sa mahimbing na pagkatulog. Halos isang linggo na pala silang naroon sa farmhouse ng pamilya Amherst sa Paniqui, Tarlac. He smirked as he imagined Noam’s face. His older brother asked him kung kailan siya uuwi ng Quezon. That Dude misses him.

“Yes, I can’t go home yet. Teka bakit? Hindi mo ba kaya ang trabao diyan sa PPB? Don’t tell me na tamad ka!” Lumingon siya sa mahimbing pang natutulog na si Theron. He’s peaceful at sleeping. Mahigpit siya nitong niyakap kanina. Pero dagling kumalas ng marinig niya ang pagring ng cellphone niya. Tumayo siya at lumabas ng silid na ‘yon. Ayaw niyang istorbuhin si Theron at baka magising pa ito.

Alam niyang pagod si Theron. Yesterday they’re harvesting mangoes on latter’s farm. It was difficult work, but Kith enjoyed it. He enjoys putting big and ripe mangoes in the basket. He couldn’t remember kung ilang mangga ang nakain niya. He couldn’t control his desire for it kasi matamis at masarap ‘yon.

“No, of course, I know how to deal with the work. But I want to see you. Pourquoi tu cours chez toi ? (Why you’re running at home?) Or are you secretly living with your wife,” said Noam and Kith could hear his chuckles from the other line. “Little brother of mine soon will be getting married.”

Hindi siya tumawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi nito. He doesn’t see it as funny at all. Parang wala namang ideya si Noam na wala siyang interes sa babae. Siguro nga ay mayroon, kaso maliit lang na porsiyento. “Femme, mon cul, Noam (Wife, my ass, Noam)”

Tumawa pa rin ito. “Okay, husband then. You’re living by your husband.”

Wala siyang sagot sa tanong nito. Mas pipiliin niya ang tumahimik. Palayo ng palayo ang paglalakad niya. Ang ganda ng sikat ng araw na sumilip sa mga dahon ng niyog. Huminga siya ng malalim na narinig naman ni Noam sa kabilang linya. Hindi na ito nagtanong pa o mag-usisa, bakit naman ito mag-usisa at pati sa paghinga niya.

“Heys?” Tawag nito sa kabilang linya.

“Still here.”

“Do you know Orville Palmer?”

Orville? Palmer? He thought and asked himself. That name sounds familiar. Sa huli ay naalala niya isang employee niya ito na may mataas na posisyon din sa kompanya. He’s Yesha’s husband, Kith’s cousin. Teka bakit ba siya tinanong ng kapatid tungkol sa asawa ng pinsan?

“Yes, He’s the husband of our cousin, Yesha. Our employee. Bayaw mo.” Paliwanag niya.

“That cousin of ours, Yesha. I and Yesha weren’t close. And I heard that she was abused by her husband.”

“Kaya ka tumawag?” He gets it na. Pero kung siya ang tatanungin ay wala siyang solusyon sa problema kung totoo mang sinaktan ni Orville si Yesha. She was stubborn back then. Hindi nakikinig ang huli sa mga magulang nito. She needs to confide the problem sa parents nito. Isang matalinong babae ang ina ni, Yesha. She’s a retired lawyer. Her Daddy is a successful businessman also. They’ve brains that are more developed than machines.

Pero alam niyang galit ang pamilya Monterreal kay Yesha mismo. Nagrebelde kasi ito para lang makasama ang guwapo at hot na si Orville.

“Je ne sais pas quoi faire de sa position dans l’entreprise, (I don’t know what shall I do with his position in the company,)” ani Noam.

Hindi nito maaring tanggalin si Orville. Kith knows his personality and the way he deals with his work. “Ito lang masabi ko. Hindi mo maaring tanggalin si Orville dahil lang pinsan natin si, Yesha. Isang sa mga magaling kong employee si Orville.” Hindi pa niya na-confirms na sinasaktan talaga ni Orville ang asawa nito. Pero kahit na totoo pa ay wala siyang karapatan o si Noam pa man, wala silang karapatan tanggalin si Orville.

“Well, that makes sense, eh. Yesha must know how to deal with her problems. She’s stubborn and stupid.”

“That’s a mean thing to say, bro. Nagmamahal lang si Yesha noon. Her mind was poisoned by love kay Orville. Ginagawa ni Yesha ang lahat para mapaibig si Orville. Her parents are against her sudden decision to live with that man. But we cannot judge her anyway.” How can Kith judge her kung pareho lang naman sila ni Yesha. Gagawin ang lahat para lang makasama ang taong mahal nila. In that case, they’re both stubborn and stupid. Magagawa nila ang lahat dahil lamang sa pagmamahal na nasa kanilang dibdib.

“Ews, that’s not the option. If her man couldn’t love her for real. Why is she forcing herself? No wonder she’s stupid like what Hugo had mentioned. She’s using money, she’s spending money for her man. I mean stupid, Yesha.” Hugo is Yesha’s brother.

So he will be heard those words if he reveals that he’s using money to be with Theron. Hindi biro ang isang bilyon. Mahal naman talaga si Theron. Mahal na mahal pa niya. Pero alam niyang napipilitan din si Theron dahil kailangan nito ng pera. Maraming utang si Don Warren, at kailangan ni Theron pagamutin ang ama nito dahil may sakit ang huli.

Walang ideya si Theron na lahat ng utang ni Don Warren ay nababayaran na niya sa isang linggong pagsasama nila. He already give his word the day he met Theron’s daddy. He keeps his word like an honest citizen. Masaya niyang gawin ang bagay na ‘yon. Basta para kay Theron, ang lalaking mahal niya. Lalaking bumuo sa kaniya. Lalaking nagbibigay ng mga alaalang sa pagdating ng araw ay aalahanin na lamang niya habang muling tumukso ‘yon sa isipan niya.

“Je suis mort au monde. Au revoir (I’m dead to the world. Ba bye)”

“Au revoir (bye), I will be going to the PPB now. Take care of yourself, Kith.” Paalam nito.

Malayo na pala ang nilalakad niya. Malayo na siya sa bahay nina Theron. Ngumiti siya then stretched his arms. Ang magandang imahe ng kalikasan sa lugar na ‘yon ay maganda at magaan sa kaniyang pakiramdam. Huminga siya ng malalim.

“Good morning, Kith. Anong ginagawa mo rito? Teka, early pala gising mo today,”

Lumingon siya para alamin kung sino ang may ari ng boses na ‘yon. Si Tim ba o si Gael. Halos magkapreho kasi ng boses ang dalawa. Gael’s sweet smiles greeted him. He looks cool. May buhat itong isang basket na puno ng hinog na mangga. Ibinaba nito ang basket na ‘yon sa lupa.

“Good morning din Gael. Mukhang masigla tayo ngayon ah,” bati niya sabay yuko para pumili ng isang malaki at hinog na mangga. “Akin na ‘to.” Dagdag niya at kinuha ang mangga saka ngumiti.

Kitang-kita niya ang pagngiti nito na lumitaw ang magandang porma ng mga ngipin nito. “Sure, kahit kakainin mo lahat, walang problema.” Tumawa ito, tumawa rin siya. Hindi magandang biro ‘yon lalo na’t paborito niya ang mangga at baka uubusin nga niya ‘yon. Pero malamang ay hindi niya kaya.

“As usual ba na maaga ang pagpunta mo ng manggahan?” Binalatan niya ang mangga. Hinog ‘yon kaya walang problema, ginagamitan niya lamang ‘yon ng kaniyang kuko.

“Hmm, pag hindi tinamad.” Tumawa ito. “Eh, si Theron?” Naalalang tanong nito sa kaniya.

“Ah, eh natutulog pa.” Nauutal na sagot niya.

Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi nito. Tumingin ito sa kaniya, diretso sa mga mata ni Kith. Hindi niya alam kung bakit. Pero wari niya ay inoobserba nito ang bawat sulok ng mukha niya. O baka naman ay binabasa nito ang emosyon niya sa pamamagitan ng mukha niya. Teka, pangit ba siya sa paningin nito.

“I don’t think so, kung bakit hard para kay Theron na mahalin ka,” sambit nito at nagbaba ng tingin.

“Why?”

“You’re cute, cool, handsome.”

“Cute and handsome are just the same.”

“Hindi,” protesta nito.

Wala siyang sagot. Ayaw niyang maging debate ‘yon sa pagitan nila. Pero alam naman niya na magka-iba ang cute at handsome. One can be cute, the other one can be handsome. Oh, he was clueless paano ipaliwanag ang pagkakaiba niyon. Since Gael compliments that he’s cute and handsome kaya mas mabuting pagmasdan na lamang niya sa salamin ang mukha niya mamaya. Jerk!

“Can I ask something?” May naalala siyang itanong dito. It was his chance to ask those questions that puzzled his mind.

“Hmm, ano ‘yon?”

“Gusto kong itanong kung ano ang naikuwento ni Ther sa inyo noong magkaibigan pa kami?” Kith wasn’t careful of his words.

“Noong magkaibigan kayo? Wait, so ano kayo ngayon? Magjowa na?” Alam ng mga ito ang sexual preference niya, but they aren’t pronounce judgment sa kaniya. Mabait kasi siyang tao.

“No, at hindi na kami magkaibigan. Dalawang taon na. Napaka-obvious ng rason, Gael. Pero alam kong malawak ang pag-iisip mo.” Ayaw niyang magpaliwanag.

“Okay, I understand. Dahil siguro sa feelings mo ay inabandona kaniya?” Gael wasn’t sure of it.

“No, I was the one who leave him. Bumalik ako ng France. Doon ko tinapos ang pag-aaral ko. Mag-dalawang buwan pa lamang ako sa Pilipinas.

“Kung bago ka lang dito sa bansa at nasabi mo na hindi na kayo magkaibigan. Bakit magkasama pa kayo rito?” Usisa nitong parang isang manghuhukom.

He just shrugged. “Please, wag mo na alamin ‘yon. Back tayo sa question ko. Ano bang sinasabi o ikinuwento sa inyo ni, Theron?”

“Okay, madalas niyang sinasabi na may kaibigan siya, his name is Kith, at ikaw ‘yon. Mabait, nerd, bookworm. He also mentioned that you’re his best man. You’re his perfect dinner companion.” Ngumiti ito.

Tumango siya. There’s no interesting thing sa ikinuwento pala ni Theron sa mga ito.

“And he loves you,”

“What? Gulat na tanong niya.

“Well, kung maka-react ka naman parang sasabog na ang Mt. Pinatubo. Basa ko lang ‘yon kay Theron. Hindi kasi na-admit ng boss ko ang nararamdaman niyon sayo. First, dahil clueless pa ‘yon. Secondly, dahil nagkukuwanri lamang na wala siyang nararamdaman sayo. Oh, ayan nagblush na ang makinis mong pisngi.” Tumawa ito sabay pisil sa pisngi niya. “Kung ako si Theron ay aangkinin na kita at hindi hahayaang mawalay sa paningin ko. Kaso hindi pala ako si Theron, mine na lang kita.” Biro nito sa kaniya at agad binawi ang birong ‘yon. “Baka marinig tayo ni Theron at bugbugin ako” Tawang dagdag nito.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago nakuhang sumagot. “Me too, minsan nabasa kong may nararamdaman si Ther sa’kin, pero sa ngayon ay medyo natuto ang puso ko at huwag na umaasa. I’m aware of the society we are living in today. Kayo? Ni Tim, ikaw? Masama ba ako sa paningin nyu? Bilang isang hindi normal na tao?”

Tinapik nito ang balikat niya. “Maling termino ‘yon, Kith. Lahat ng tao ay normal. Being gay, lesbian, or bisexual, ay hindi masama at kailanman ay hindi ko ‘yon nakikitaan ng kasamaan. Ang tulad mo ay gawa rin ng Diyos. You people want love, you want a space for understanding. You want to build a community kung saan mag-exist ang pag-uunawa. You deserve understanding and love Kith even if you didn’t ask for it. Hindi lang ang straight na katulad ko ang may karapatan sa pagmamahal. Love conquers all things. Lahat tayo ay may karapatang magmahal, at mahalin.” Puno ng pag-unawa ang ang mga mata nito. Niyakap siya ng mga salita nito na hanggang sa kaibubuturan niya.

He moved close to him and he embrace Gael. Nag“lat ito sa biglang pagyakap niya rito. “Wait, amoy pawis pa ako,” anito na nahihiya. Pero hindi siya nakinig, mas lalong hinigpitan niya ang pagyakap kay Gael. Gael was a safe world. Sa huli ay hinahagod-hagod na lamang nito ang likod niya gamit ang isang palad nito habang ginugulo naman nito ang buhok niya gamit ang isa pang palad nito.

“Salamat sa pag-unawa mo, your words mean so much to me.”

“You deserve it”

Mabilis na inilayo ni Kith ang sarili kay Gael at ganon di si Gael nang kapwa silang makarinig ng pagtikhim sa kanilang likuran. Si Theron ‘yon. Nakatingin ito sa kanila. Walang reaksiyon na nakaguhit sa guwapo nitong mukha. He wasn’t shocked sa nakikitang pagyakapan ni Kith at Gael.

“Dahil sa matamis na mangga ay nagsimula ang matamis na pagmamahal.” He said, smirking.

“Well it isn’t what you think,” agad na depensa ni Kith.

“Hmm, I know you Kith, you’re such a seductive.”

“No,” protesta ni Gael. “He was just sad and.. Kith needs an understanding, at normal na bagay na ibinigay ko sa kaniya ang pag-uunawa, Ther,”

“He’s right, Ther,” Kith said.

“Okay, eh ano naman paki-alam ko kung nagyayakapan kayo diba? I mean I don’t give a damn.”

He was rude and mean. That’s exactly the Theron he knows before.

“It’s all in your head. Walang mali sa nakikita mo,” defensive na sabi ni Gael.

“Defensive words, Gael.”

“And what did you expect me to say?” Pikon na sambit nito.

“Calm, Kiddo.” Saway ni Kith kay Theron. “We are not in a relationship.”

Nasasaktan si Theron sa sinabi ni Kith. “Because you’re only thinking of yourself. Yes, you’re right wala nga tayo sa relasyon. At bakit mo naman nasabi ‘yon? If you know in the first place that I can love you back. So stupid na maniwalang mamahalin kita tulad ng pagmamahal mo sa akin.” He meant his words, he want to hurt Kith. Dahil nasasaktan din ito sa sinabi ni Kith kanina.

Napailing si Kith at walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa.

“Ano bang problema mo, Theron?”

“Gael, it’s just a fucking business of me and Kith. Labas ka ron,”

“No, I’m defending, Kith.”

“Really?”

“Stop pretending na wala kang nararamdaman sa kaniya. Will you?”

“Ano bang sinasabi mo? Hindi porket tinatanong kita kung worthy ba mahalin si Kith, ay iniisip mo ng mahal ko siya, na may nararamdaman ako sa kaniya.” Inis na sambit ni Theron.

Umiling ito. “Well, you love him and I was the only one who confirms it. Gusto mo ba isigaw ko sa mukha mo ang gabing kinausap mo ang litrato ni Kith?”

“You let your imagination run away with you, Gael.”

Isang suntok ang natanggap ni Theron sa mukha nito. Suntok na halos nagpatumba sa binata. “Don’t fool around, bitch”

“Oo na, mahal ko siya. Mahal ko siya. Mahal ko ang dating kaibigan ko. Masaya ka na? Hindi madali ang umamin, alam mo kung bakit? Dahil nandito kami ni Kith sa isang alok. Hindi mo naiintindihan, Gael. It was too late na kung aamin pa ako. Noon ko na siya mahal. And now I’m regretting na sana noon ko na rin aaminin.” Malungkot ang mga mata nito.

“May panahon pa,” pagkasabi nito ni Gael ng salitang ‘yon ay tinalikuran nito si Theron. Muling binuhat ang basket na may lamang mga mangga at naglalakad palayo.

Naiwan si Theron na gulong-gulo ang isipan nito. Naninikip ang dibdib nito. Mahal nito si Kith, at noon na ang nararamdaman nitong ‘yon. He cannot tell the exact time. It was Kith that Theron want to fulfill his loneliness. Now, he admits it, ay pakiramdam nito ay may isang tinik na natanggal sa dibdib nito.

Walang ideya si Kith na nahihirapan din si, Theron.. Nahihirapan din ang loob nito. Hindi na nito napigilan ang mga luhang nagsilandas at humahagulhol na ito. A tough Theron became overemotional. Hindi nito alam ang maaring susunod na gawin.