Chapter Twenty Three
(Until We meet again: Theron Amherst)
I don’t see any reason to love him anymore.
Ngayon ko lang nararamdaman ang pagod. Sa totoo lang noon ko na nararamdaman ang pagod na ito pero ngayon ko lang ininda.
Loving him is tiring and I want to go back to the time when I was secretly in love with him.
Mas masaya pa ‘yon. Mas nakakakilig.
I want to go back to those days when I rely on the rose petals for my answer about my feelings to him.
I cannot force him to love me. I shouldn’t use money. He doesn’t love me for real. I’m not worthy of him nor for anybody else. One cannot force love.
Mahirap akong mahalin.
Siguro nga ay kaya nila akong mahalin pero sa pamamaraang pagkukunwari. He was just doing his role. He’s paid actor, is tasked to execute his job, and loves me for nothing. I want to die this day and let the whole world knows that I’m tired of loving the man that couldn’t love me back.
Probably the end of the Chapter, and Theron will no longer belong to the epilogue of the story now.
Hindi niya mapigilan ang pagbaha ng mga mata niya habang sinsabi niya ‘yon sa kaniyang sarili. Nasasaktan siya dahil sa sinasabi ni, Theron. Hindi na niya kayang ituloy pa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya.
Parang noon lamang siya nabuhayan sa mga katangahan niya sa buhay. Gising na siya, he realized everything that what was he doing is stupid. He’s also stupid. Poor Kith begging for Theron’s love. Naitanong niya sa natauhang sarili niya kung bakit ginagawa niya ang bagay na ‘yon, kung alam niyang sa simula pa ay walang pagtingin sa kaniya ni Theron.
Pumasok si Theron sa silid na ‘yon at isinara nito ang pinto. He wants to talk to Kith peacefully. He wants to say sorry. He made Kith suffer. Hindi nito sinadyang pa-ibigin ang dating kaibigan. Parang gusto nito ang lumapit sa nakaawang si Kith at yakapin nito si Kith ng mahigpit. Gustong-gusto nito na gawin ang bagay na ‘yon. Hindi nito matiis na makita si Kith sa kalagayang ‘yon.
“Patawad” halos pabulong na sambit nito. Sapat na sila lamang ang makarinig niyon.
Kitang-kita nito ang pag-iiling ni Kith. Tanda ‘yon na hindi niya tinanggap ang sorry ni Theron.
“I give a fuck on every beat of my heart for you. I damn give a fuck” sama ng loob at lungkot ang namumuo sa dibdib ni Kith.
“I’m sorry, hindi ko sinasadyang masabi ‘yon.” Malungkot ang tono nito.
Tumayo siya. Ang mga mata niya ay may kalumbayan, nanlalabo dahil sa namumuong luha roon. Ano ba ang dapat na sasabihin niya sa mukha nito. Ayaw niyang mag-paliwanag. Ayaw niyang paulit-ulit sasabihin na mahal niya ito.
And what he will get from explaining his side. It doesn’t benefit him. Bakit naman niya ‘yon gagawin kung wala namang makikinig sa kaniya. He roughly wipes away his wet cheeks with the back of his hands.
“Aalis na ako, ngayon din,” bago niya nasabi ‘yon ay pinag-isipan niya ‘yon ng mabuti. Pabor naman ang ilang porsiyento ng pagkatao niya sa planong ‘yon. Gusto na niyang lumayo. Ayaw na niyang makita pa si, Theron. Bakit naman niya ito muling makikita? There’s no reason to see him. He will become a man from his past.
Wala siyang narinig na sagot mula rito. Walang sagot si Theron sa sinabi niya. Will Theron let him go? Bakit naman hindi. Hindi siya nito mahal. Wala itong paki-alam sa kaniya. Wala, kaya mula ngayon idistansya na niya ang sarili sa binata. Mula ngayon ay lalayo na siya, lalayo, aalis ng bansa at hindi na babalik pa.
“Pero—”
“Wala ng pero-pero Theron aalis na ako ngayon din. At wala ka ng karapatan pang malaman na pagod na ako, na sawa na ako, at gusto na kitang makalimutan. Did you get my point?” Iyak na sambit niya.
“Okay,” malamig na sambit nito. Hindi alam ni Kith na kahit sa huling oras ay malamig pa rin ito. No wonders, because Theron doesn’t give a single fuck for him. He wasn’t, and never be.
“Uuwi na tayo sa Casipo, after kong makuha ang gamit ko roon ay uuwi na ako.” Parang may nagbabara sa lalamunan niya pagkasabi niyon.
“Kith, please I’m sorry.”
“Don’t worry hindi ako galit sayo?” Sinubukan niyang ngumiti. Ngiting may pait. “I don’t want to go away with a heavy heart.”
“Wait for me here” tinalikuran na siya nito. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Wala siyang ideya, pero hindi na niya inalam pa ‘yon. He stood up, walked straight to the bathroom and he washed his face. Napatingin siya sa salamin. Wala ng konting pagsisisi sa plano niya. There’s no nerve para bawiin ‘yon. Hanggang sa muli na lamang nilang pagkikita ni Theron Amherst.
Eksaktong paglabas niya ng banyo ay siyang pagpasok ni Theron. Malungkot ang ngiti nito. Para saan ‘yon? Iniisip niyang dapat sana ay masaya ito. Masaya ito na sa wakas ay lalayo na siya. Bayad na ito. What was with that sad face for? He cannot believe his sad expressive face. With a heavy heart, Theron walked toward him and handed him the key to his car.
“Nagpa-alam ako kanina kay Mang Romano, nagmamadali sila papunta sa Farm.” Paliwanag nito.
Huminga siya ng malalim. Lumabas na sila sa bahay na ‘yon. Naglalakad ang dalawa palayo. Halos isang linggo ang pag-stay nila sa lugar na ‘yon and so many memories they made. Sa huling pagkakataon ay lumingon siya at bigyan pa ng isang tingin ang bahay kung saan sila nagsama.
Tahimik at walang imikan ang dalawa habang nagbiyahe pauwi sa Casipo. Theron was the designated driver. Imbes na sa passenger seat umupo si Kith ay nasa likod ito. Doon niya piniling umupo. Nang sumilip siya sa rearview mirror ay nagtama ang kanilang mga tingin. Pero sandali lamang ‘yon dahil ibinalik agad ni Theron ang mga tingin sa kalsadang dinaraanan.
Nang umabot na sila sa bahay nina Theron sa Casipo ay agad siyang nag-impake ng gamit niya. Nakatayo lang sa pinto si Theron at minamasdan ang ginagawa niya. At ilang sandali ay hindi nito napigilan ang umiyak. Malungkot din ito. Hindi ito masaya. Mali ang iniisip ni Kith. Durog si Theron.
“I thought it was three months. I thought itutuloy natin!”
Binalingan niya ito. Bahagya siyang ngumiti pero walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
“But even our time being in a fake. I don’t want to pronounce fake. Let’s say being in a contracted relationship. I learn to love you.” Pinahid nito ang basang pisngi nito gamit ang palad nito. Isa sa mga bagay na natutunan nito ay ang mahalin si Kith “Kung may ideya lang ako na -turn out like this, hindi na sana ako papayag sa alok mo. I’m not prepared yet.” He was stabbed in the chest ten times.
Kith shook his head. Patuloy siyang nag-impake ng kaniyang mga gamit.
“I understand na pagod ka na. And you give up, tama nga it was too late. You love me too early and here still I am finding myself into you. Too late. But I asked you for the last time, please stay, kahit— ayaw ko ng oras gusto ko ng linggo, buwan at taon. I hate the thought na hindi kita makikita dahil aalis ka ng bansa. Will you stay? I’m afraid sa answer mo. But if not, then I let you go, sad and broke. Masakit at malungkot kitang ipapalaya. Aalis ka na? Pweding sumama?” A hundred beads of tears rolled down to his cheek, creating a sparkling mark on his cheek. “Go, I said that. Okay iwan mo na ako, don’t think ill about me. I’ll be suffer.”
“Done talking? Dahil tapos na rin ako sa pag-impake ng gamit ko. Last week ko na idiniposito ang pera sa account mo. At kung may bagay ka pang nais malaman, ask your dad.” Tumayo na siya hawak ang traveling bag niya.
Lumapit ito sa kaniya at hinila siya nito sa katawan nito. Mahigpit ang yakap na ibinigay nito sa kaniya. Umiiyak ito sa balikat niya. Doon nanlambot ang puso niya. Umiiyak din siya. Ang pinipigilang hikbi niya ay naisantinig na niya.
“I cannot make you stay. I can’t beg anymore. I can’t, I can’t. But I want to see you again. I want to be your man, alam mong hindi pa ‘yon ngayon.”
“Thank you,” Kith said and he distances himself kay Theron. Nagpatiuna siyang lumabas ng silid. Sumunod si Theron na mabigat ang hakbang nitong lumabas. Desido si Kith na iwan niya ang kotse kay Theron. Kailangan nito ‘yon. Mag-bus na lamang siya pauwi sa Quezon.
Nang nasa terminal na sila ng bus ay Isa-isang pumatak ang butil ng luha ni Theron. He wasn’t prepared. At ngayon ay sasamahan nito si Kith hanggang sa terminal. Inaalayan nitong ibinaba ang gamit ni Kith. Sa sandaling nagtama ang mga mata nila ay parang gusto ni Theron na tumagal ang sandaling ‘yon.
He stood up straight.
His heart trembling in pain.
His eyes were filled with tears.
He was out of tune.
He was dead to the world.
He wants a hug from him, another hug.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Kith bago nagsalita. “Aalis na ako” umiwas siya ng tingin.
Yumuko si Theron. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha nito. A pain struck right in his chest. In his heart, he feels his heart like it was clutchin’ by god. His heart bleeding.
“Aalis na ako” muling sambit niya. Kanina pa nagbibigay ng signal ang konduktor ng bus.
“Parang hindi ko kaya,” sa wakas ay sambit nito.
“Ako rin sa totoo lang. But time will heal our pain. And hindi mo kailangang malungkot dahil hindi naman totoo lahat, sadyang binawi ko lang ang tatlong buwan, alam mo nakung bakit.” Ngumiti siya ng mapait.
Lumapit ito at hinawakan ang palad niya. Hanggang sa muli siya nitong niyakap. Masuyo siya nitong hinagkan sa kaniyang noo. “No, hindi ako naging masaya. I want you to stay,” Nang magkahiwalay ang kanilang mga katawan mula sa yakap ay inangkin nito ang mga labi niya. Lasang lasa niya ang mapait nilang mga luha habang tinugon niya ng buong pagmamahal ang huling halik nito. Kith wasn’t fighting it. He loves his lips. That would be the last kiss.
Until we meet again, Theron, Kiddo. I’ll be missing you.
Theron bites his lips in agony nang magkahiwalay ang mga labi nila. The world has blown up for him when Kith turns his back and began to walk away. Pumasok na si Kith sa loob ng bus.
Pailing-iling na naiwan si, Theron. Patuloy ang paglandas ng mga luha nito. Parang sumasabog ang dibdib nito sa sakit. Humahagulhol si Theron nang makitang paalis na ang bus. Kitang-kita nito ang pagyuko ni Kith and he broke into lament.
Parang gusto ni Theron na saktan ang sarili. Sinundan ng mga mata nito ang papalayong yellow bus. Nanatiling nakatayo roon si Theron, yumuko, at walang tigil sa pagpatak ang mga luha nito.
Matigas itong umiling, at bumalik sa kinaroonan ng kotse. Ang kotse ni Kith na iniwan nito sa kaniya.
Hindi nito alam kung ano ang susunod na gagawin. Uuwi rin ba ito sa Quezon o magstay muna sa bahay nila sa Casipo? He was blanked. He feels like the only number left in a fill-in-the-blank quiz, clean, no answer, great darkness fills his mind.
Ayaw nito muna ang umuwi, ayaw nitong makita ang bawat sulok ng bahay nito, dahil sigurado itong makikita nito roon ang matamis na ngiti ni Kith. Halos limang minuto pa lang nakaalis si Kith and he badly missed him na. Parang gusto nitong sundan ang sinakyang bus ni Kith. Gusto nitong sundan si Kith and he spoils him. He wanted to be with him. He wants his former best friend. He wants Kith, the wealthy guy that secretly in love with him. A seductive Kith that offers him a huge offer.
It works, Kith. You have a half percent of me already.
Nasa account na nito ang halaga ng peso na pinangako ni Kith. Parang wala na itong motibong gamitin pa ‘yon. Wala na, wala na. Wala na si Kith. Napapikit si Theron. Sana sa pagdilat ng mga mata nito ay wala na ang sakit na nasa dibdib nito. Sana nga ay ganon kadali ang lahat.