Chapter Twenty-One

He buried his face in the beloved flesh. He felt the warmth from Theron’s body. He could hear Theron’s heart beating. It was a  beating that was so calm. Nakangiti siya. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakayakap kay, Theron. Hindi gumanti ng yakap ang huli. Nakapikit ito. Alam niyang tulog na ito. Tumingala siya at pinagmasdan ang perpektong labi nito. Muli siyang napangiti kasabay ng paglanding ng kaniyang daliri at hipuin ang ibabang labi nito.

“Hindi ka rin ba makatulog?” Halos pabulong na tanong nito na gumulat sa kaniya. Ang akala niya ay tulog na ito. Hindi pa pala. Nakapikit lamang ito at nakiramdam.

“Hindi,” mahinang sagot niya. Inilayo niya ang sarili rito. He stared at the ceiling. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. He doesn’t want to open space para mag-usap sila tungkol sa bagay-bagay. But since Theron wasn’t sleeping yet, ay parang gusto niyang kausapin ito.

“Why?” Paungol na tanong nito. Inilapit nito ang sarili sa kaniya. Malapit na malapit. Niyakap siya nito ng mahigpit. Nararamdaman na naman niya ang init na mula sa katawan nito. Nawala ang nararamdaman niyang lamig kanina. Kith was feeling safe and comfortable in his hug.

“I don’t know,” ano ba ang dapat niyang isagot kay Theron kung bakit hindi pa siya nakatulog. Malalim na ang gabi dapat mahimbing na siyang nakatulog. Pero kagigising lang ni Kith just an hour ago. Hindi niya alam kung anong oras siyang nakagising kanina.

“Gusto mong lumabas tayo?” Bulong nito sa tapat ng tainga niya. Dumampi sa tainga niya ang mainit na hininga nito. Nakikiliti siya lalo nang tumama ang labi nito sa likod ng tainga niya. He doesn’t want to think about it anymore. Ayaw niyang mabuhayan siya ng init ng katawan. Bakit naman niya gusto, kung hindi naman siya pinabigyan ni Theron.

“Malamig sa labas. Ano bang gagawin natin doon?” Usisa niya at hinawakan ang palad nito.

“Let’s wear a jacket. Maraming bituin ang kumikislap sa kalangitan ngayon. I want to have a memories with you under the starry night. Don’t miss it. I know you will leave me soon.” Malungkot ang tono nito.

Pakiramdam din ni Kith ay may kung kustilyong humiwa sa puso niya. Theron wasn’t just playing his role. He seems serious. Parang totoong may nararamdaman nga ang binata sa kaniya. Nararamdaman niya ‘yon. Base sa pananalita nito sa tuwing binabanggit nito ang araw na darating na kung saan ay iiwan niya ito ay nararamdaman niya ang lungkot nito. Theron’s tone was sad and he seems in pain. O, baka kaartehan lamang ‘yon ng binata.

Natutunan na ba siya nitong mahalin. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Gael kanina. Kung walang pagtingin si Theron sa kaniya ay bakit ito nag-usisa tungkol sa kaniya. Theron seems not only care about the money-The billion-peso he pays for him, but he seems to care about Kith for real.

Lumabas na nga sila at hawak na hawak pa rin nito ang palad niya. Hindi siya nito bibitawan. Hindi siya nito hahayaang lalayo kahit ilang pulgada lamang. Gusto nito ang dumikit siya rito palagi sa katawan nito. Gusto rin niya ‘yon. Kailangan niya ang init na mula sa katawan nito, para paglabanin ang lamig ng simoy ng hangin.

Inilapag ni Theron ang malaking kumot sa ibabaw ng damo. Humiga sila roon. Yakap na yakap siya nito habang tumingala sa kalangitan. Nagniningning ang mga bituin. It was romantic. Hindi na niya pinansin ang lamig. Nanaig ang pag-iibigan nila. Theron began to tell him about his knowledge of stars. Nakikinig siya sa mga kuwento at leksiyon nito.

Kung si Theron ang isang guro niya sa larangang astronomiya ay hindi siya liliban ng klase. Theron is cool and interesting. Kaibig-ibig ang binata sa bawat pagbigkas nito ng mga salita. Masaya ang dalawa. Puno ng kasiyahan ang dibdib nila.

Kung lalayo siya ‘yon ang eksenang hindi niya malilimutan. He will treasure it. He will keep it. Itinapat niya ang ulo sa dibdib nito. Habang sinundan ng mata ang bituin na itinuro nito. It was a big dipper.

“I want this moment.” Sambit niya at ngumiti. Ngiting hanggang tainga niya. He’s feeling good.

“Me too,” Theron replied. He want to ask him once again to stay for a while after three months. But he thinks that it was too much for Kith. He has no perfect reason why he wants to make him stay. He was clueless. He was feeling uncertain, to himself, and his feelings for Kith.

“Shooting star, Ther” biglang sigaw niya nang sa kalawakan ay biglang lumiwanag ang tila maliit na bolang lumilipad ng mabilis at biglang nawala. “Make a wish”

Mahal kita, hindi sa ngayong naguguluhan ako. I’m waiting for the right time. Pero hindi ko alam pagkatapos ng tatlong buwan kung ako pa ang laman ng puso mo, Kith. Maghintay ako hanggang sa lubos ko ng maintindihan ang sarili ko. Sana sa panahong naiintindihan ko na ang sarili ko, ay ako pa rin ang tinitibok ng puso mo.

“Make a wish, Ther.” Ulit ni Kith.

“I’m done, Kiddo”

Kiddo? What a sweet friendship endearment again.

“Ang daya mo, hindi ko marinig,” aniyang nagkukunwaring nagtatampo.

“Malalaman mo rin pagdating ng araw,” ngumiti ito.

Tumingin ito sa maliwanag na kalawakan. Lumabas ang full moon sa gabing ‘yon. Walang ambon ang humadlang sa liwanag ng buwan. Ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi. Saya ang namumuo sa kanilang mga dibdib. At hindi makailang sabay-sabay tumibok ang kanilang mga puso.

“Isang araw magiging buwan ako at ikaw ay araw. Ni hindi tayo magkaroon ng tsansang muling magkahawak kamay, walang tsansang magyakapan. Pero sa huli nating pagkikita ay gusto ko sa pareho ring kalangitan.”

Tumawa siya. “You know what, Ther? Hindi ko alam kung may camera ba dito or sadyang nag-eemosyonal ka. Bakit ba? Ang sad mo?” Bahagya niya itong siniko sa tagiliran nito. “Hindi bagay sayo. You’re a tough guy. It doesn’t suit you.” Patuloy niya at tumawa muli.

“But even the tough guy ay may kahinaan din.” Seryoso ang aura ni Theron. Medyo nasasaktan din ito dahil iniiwasan ni Kith ang punto nito.

“Okay,” bumangon siya at humarap dito para pagmasdan ang mukha nito. “I want to assume na kahinaan mo ako” tawang sambit niya.

Ngumiti ito. “Why not” pinisil nito ang tungki ng ilong niya pagkasabi nito niyon. “Can I give you a kiss?”

Namumula ang mga pisngi niya sa kilig. Tatanggi pa ba siya, halik ‘yon at mula pa sa lalaking hinahangaan niya. “Waiting for—” hindi pa niya naituloy ang sinasabi niya ay bigla nitong inangkin ang labi niya.

Nang magkahiwalay ang mga labi nila ay ngumiti ito. Binigyan niya muli ito ng smack kiss sa labi. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Hindi siya nagsasawang angkinin ang labi nito. Sa huli ay humiga siya sa tabi nito at niyakap siya nito. Pumikit siya. Nilalaro ng isang kamay nito ang buhok niya. Mahigpit ang pagkahawak nito sa kaniya. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

Nagsimulang kumanta ito. A cricket sound serves as his violin. Ang mapayapang gabi ay bagay sa kanila at sa kanilang pagmamahalan. Pagmamahalang kapuwa’t hindi nila alam ang nasa dulo. Pagmamahalang para lamang sa oras na ‘yon. Pansamantalang pagmamahal nila sa isa’t-isa. But Kith’s love for him is genuine, and it was from his heart. Hindi niya naiitindihan o alam kung totoo ba ang ipinakita at ipinaramdam ni Theron. Pero hindi na niya iniisip ‘yon. Dahil mahigpit siya nitong niyakap at tila ayaw pakawalan.