CHAPTER 14
Malawak ang ngiti na naglakad ako palapit sa sasakyan. "Madam!" Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong maghintay dito nang matagal at mas lalong ayaw kong maglakad pabalik.
Gulat na napalingon sa akin ang driver samantalang hindi man lang nagulat si Madam. Parang inaasahan niya nang lalapitan ko siya.
Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. "Madam, long time! Kumusta ka na po?" bati ko na para bang matalik kaming magkaibigan na matagal nang hindi nakita. Sadya ngang nagbabago ang ugali ng isang tao kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung saan desperado ka na.
Ngumiti pabalik sa akin si Madam, "Heto't sumasakit ang balakang sa biyahe. Ikaw bakit nandito ka pa sa labas? Asan si Achie?" Lumingon siya sa likod ko na para bang may hinahanap.
"Iniwan lang naman po ako ng magaling niyong apo. Hindi din ako makapasok kasi wala akong ID." Humigpit ang hawak ko sa lunchbox na dala dahil sa inis at galit na nararamdaman sa ginawa ni Archer. Talagang sinadya niya akong iwanan dito sa labas, at ang walang hiya na nagsabing hindi niya ako kilala. Dagdag pa sa inis ko ang babaeng sinukahan ni Barbie kanina, akala mo kung sino.
"Iniwan ka niya dito?" mahina siyang natawa saka umiling. "Hay, si Achie talaga." Pinulupot niya ang braso niya sa braso ko at walang pasabing naglakad. Nakakapit siya sa akin kaya kusang sumabay ang katawan ko sa kaniya.
Hindi sumunod sa amin ang driver ni Madam at pinaandar paalis ang limousine, baka ipaparada niya. Pagtapak pa lang namin sa entrada ng building ay kaagad kaming sinalubong– or should I say si Madam– ng pagbati ng dalawang security na nasa magkabilang gilid ng pintuan.
Gumanti ng ngiti si Madam bago kinuha ang isang card sa bag niya. Unlike sa mga empleyado na ID ang gamit para makapasok, isang golden card ang gamit ni Madam. Itinapat niya ito sa scanner at lumabas ang kaniyang profile. 73 years old na pala si Madam, hindi halata ang edad niya dahil sa mukhang bata at malakas niyang pangangatawan. Ang unang akala ko ay nasa late 50s or early 60s pa lang siya.
Bakas ang pagkabigla sa mga mata ni Kuya guard nang makitang pumasok ako ulit na kasama si Madam. Naka-awang ang bibig niya na sinuklian ko ng ngiting nagsasabing 'See? Kilala ako ni Madam'.
Bumukas ang salaming harang at sabay kaming pumasok sa loob. Muntik pa kaming hindi magkasya sa daanan.
Napapatigil ang mga empleyadong nadaraanan namin para bumati sa bagong dating. Makikita naman ang pagtatanong sa mga mata nila kapag nadadako ang tingin sa akin pero hindi nila kinuwestiyon si Madam tungkol sa akin.
"Madam Cecil!" Sabay kaming napalingon ni Madam sa likod nang tumawag sa kaniya. Binalot ako bigla ng inis nang makitang ang babaeng sinukahan ni Barbie pala ang tumawag kay Madam. Natigilan ang babaeng pink at bakas ang pagtataka sa mukha nang makita ako. Nawala ang ngiti sa mga labi niya kasabay ng pagbaba ng tingin niya sa braso ni Madam na naka-angkla sa braso ko. Tinuro niya ako at binuka ang bibig para magsalita nang maunahan siya ni Madam.
"Yes?"
Umangat kay Madam ang mga tingin niya at ngumiti ng malapad. "I was just gonna show you the design of the beach house you asked me." Mabilis niya akong tinapunan ng tingin pagkasabi ng mga huling salita na para bang ipinagmamalaki niyang si Madam mismo ang lumapit sa kaniya para mag-design ng beach house.
"Tapos mo na nagawa?"
"Yes po," she said full of enthusiasm.
Nilingon ako ni Madam saka inalis ang pagka-angkla ng braso sa akin. "Mauna ka na sa office ni Achie." Inabot niya sa akin ang golden card na ginamit niya kanina. "I-tap mo lang 'to sa tabi ng elevator na 'yon," may itinuro siya sa likod ko. Lumingon ako sa likod at nakita ang isang elevator na mga golden lining. "Nasa top floor ang office niya."
Paglingon ko sa unahan ay nakita kong sumama na si Madam sa babaeng pink. Nilingon pa ako ng babae para bigyan ng nagmamayabang na tingin.
Ano bang pinaglalaban ng babaeng 'yon? Ano naman kung sumama sa kaniya si Madam? Sa tingin niya ba maiinggit ako kasi iniwan ako dito ni Madam para sumama sa kaniya? Psh, ang petty niya naman kung ganu'n.
Nasa dulo ng isang hallway ang elevator na tinukoy kanina ni Madam. Tanging itong elevator lang ang nandirito sa hallway na 'to. Dito ko nakitang lumiko si Archer kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang malapad na elevator na may golden lining na nagbigay ng expensive aura at kakaibang liwanag sa pinto ng elevator. Para siyang daan papuntang langit. Sana lang hindi ko ma-meet si San Pedro sa taas.
Tiningnan ko ang hawak na card at nagdadalawang-isip kung paano ko ba 'to gagamitin. Sandali pa akong nakatayo doon hanggang napansin ko ang isang scanner sa gilid. Seryoso, ba't puro scanner gamit nila dito?
Di ako sigurado kung alin ang unahan at likod ng card, at kung saang side ang dapat kong ipa-scan. Wala naman kasing espesyal sa card na hawak ko maliban sa kulay gold ito. Walang kahit anong disenyo o mga salita o kung ano man. Plain golden card lang siya.
Bahala na nga! Itinapat ko lang ang card scanner. Dinaanan ito ng pulang ilaw bago tumunog ang system at bumukas ang elevator. Sumakay ako dito at namangha sa lawak nito sa loob. Woah! Parang pwede na dito maglagay ng kama at matulog.
Sinabi ni Madam na nasa top floor ang office ni Archer so that means nasa 50th floor siya? Ang taas pala talaga ng building na 'to! Pinindot ko ang top floor gaya ng sinabi ni Madam saka umandar ang elevator.
Naghintay ako ng ilang sandali bago tumigil ang elevator. Pagbukas nito ay agad na tumambad sa akin ang isang opisina kung saan ko natagpuan si Archer na abala sa pagpirma ng mga papeles.
Naglakad ako papalapit pero hindi man lang niya inangat ang tingin sa akin.
"Ang bilis mo naman bumalik. Did Mr. Enriquez sent you the details–" Bigla siyang natigil nang makitang ako ang nakatayo sa harapan niya at hindi ang taong inaasahan niya. Hindi siya nabigla, sa halip ay parang natatawa pa siya.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin.
He leaned on his swivel chair and bit his lower lip suppressing a laugh. "Wow," hindi niya na natago ang ngisi. "I can't believe you actually made it here. Should I fire my security for not doing their job well? Or should I applaud you for passing through my security without missing a limb?"
"Maybe you should ask yourself if you're still in the right state of mind for leaving me behind and not even planning of letting me in. Plano mo bang paghintayin ako sa labas? O palakarin pauwi?!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses. Wala na akong pakialam kung siya ang boss ko o kung sino mang nakakataas sa akin, pero ang iwanan ako at walang pakialam kung ano mang mangyari sa'kin ay hindi makatao. Paano pala kung hindi dumating si Madam? Maghihintay ako doon hanggang kung kailan siya lumabas? O maglakad pauwi? Kahit alin man doon hindi pa rin makatarungan.
Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Nagkibit balikat siya bago nagsalita. "Isn't today is what more important? Nandito ka na man na," tinuro niya ako, "Ano pang nginangawa mo diyan? Don't you think you're just being too sensitive?"
I scoffed. "Paano kung hindi dumating si Madam? Paghihintayin mo ako du'n sa labas? Papalakarin mo ako pauwi? Alam mo namang wala akong dalang pera! It just shows kung gaano ka kawalang puso! Wala kang pakialam sa iba maliban sa sarili mo!"
"Wait! Lola's here? She's back?" Sa dami ng sinabi ko 'yan lang ang napansin niya.
I rolled my eyes. "Kasasabi ko lang 'di ba? At isa pa sa tingin mo talaga makakapasok ako dito kung hindi niya ako tinulungan?"
Tumayo siya galing sa pagkaka-upo. "What did she say? What did she do? Where is she?" May pagkabahala sa boses niya. Kung bakit? Baka dahil ayaw niyang malaman ni Madam ang ginawa niya sa akin. Masama, walang puso sa kapwa, at walang pakialam sa iba, kahit ganyan siya ay takot siya sa Lola niya. Lola's boy kaya ayaw mapagalitan, galitin, at ayaw sumama ang loob ng Lola niya lalo na sa kaniya.
Pero wala naman na siyang magagawa kasi nasabi ko na kay Madam na iniwan niya ako sa labas. "Huli ka na, sinabi ko na sa kaniya ang nangyari." Kahit na pilit niyang itago, pansin pa rin ang gulat at takot sa mga mata niya. Who would have thought na ang kagaya niyang parang walang kinakatakutan ay takot mapagalitan ng Lola niya?
Lumapit siya sa akin at walang pasabing mahigpit na hinawakan ang magkabila kong balikat. "What did you say?" May diin sa kaniyang tanong. Biglang dumilim ang kaniyang mga matang nakatitig sa'kin dahilan para makaramdam ako ng takot.
Hindi ako kaagad nakasagot kaya inulit niya ang kaniyang tanong, "Anong sinabi mo sa kaniya?!" Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa akin.
"A-Ano pa ba?" pilit kong pinatapang ang aking boses kahit pa takot na ako deep inside. "Edi ang pag-iwan mo sa'kin kanina! Bakit ba ganiyan ka kung maka-react? Takot kang malaman ni Madam na iniwan mo ako kanina? Na umakto kang parang wala kang kasama pagpunta dito? Na para bang hindi mo ako sinama?"
Gumaan ang pagkakahawak niya sa akin. Bigla ding nagbago ang ekspresyon niya. Ang kaninang parang handang pumatay ay parang biglang umamo. Napahinga siya nang malalim bago ako tuluyang binitawan.
"Ano? Bigla kang natauhan? Imposible namang nagsisi ka sa ginawa mo kasi wala 'yon sa bokabolaryo mo. Sa sama mong 'yan? Jusko naman." Alam kong hindi ganito ang tamang pakikipag-usap sa boss, pero hindi niya deserve ang respeto ko.
Naalala ko bigla ang pagligtas niya sa akin. Muntik ko nang makalimutan na utang ko pala sa kaniya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kaniya ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon. Agad akong nagsisi sa mga nasabi. Malakas akong napabuntong hininga bago humingi ng tawad. "Pasensya ka na, nadala lang ng emosyon." Ayaw kong ibaba ang sarili sa kagaya niyang walang modo, at makasariling tao. Pero nagbabago ang pananaw ko sa kaniya kapag naaalalang iniligtas niya ang buhay ko sa kamay ni baboy ramo.
"You should be sorry. I am your boss after all, you should always know your place," puno ng pagmamataas niyang sabi. At some point nagsisi akong binaba ko ang sarili sa kaniya at humingi ng tawad.
Sinamaan ko siya ng tingin at balak sanang pagsalitaan siya nang masama nang biglang bumukas ang elevator. Sabay kaming napalingon dito at nakitang lumabas dito si Madam.
Lumapad ang ngiti niya nang makita kami ni Archer. "Did I interrupt something?" May panunukso sa boses niya.
"'La." Lumapit si Archer kay Madam saka nagmano. "You didn't tell me na ngayon ang balik mo. Hindi mo din sinabi na bibisita ka." Parang maamong kuting si Archer sa harap ni Madam.
"Hindi na surprise 'yon kapag sinabi ko sa'yo. Siya nga pala." Malakas na pinalo ni Madam ang braso ni Archer. Napadaing ang huli pero kagaad ding umaktong hindi iniinda ang palo ni Madam nang maalalang nandito ako.
Lihim akong natawa sa nakita.
"What was that for?" inis na tanong ni Archer.
"That's for leaving Adelaide earlier. Sinama mo siya dito pero hindi mo naman pinapasok. You don't even care kung anong mangyari sa kaniya sa labas."
Hindi ako nagsalita pero tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Madam. I mouthed 'Tama' while looking straight at Archer. Sinamaan niya ako ng tingin bago sumagot kay Madam.
"Tsk. It's not my fault na ta-tanga tanga siya. If she just focused on the present and didn't wander her mind in her own world of imagination, edi sana nakasunod siya sa'kin.
"At talagang ako pa ang sisisihin mo? Hoy, tinawag kaya kita! Tinawagan ka pa nga ng security guard pero anong sabi mo?" palaban kong tanong. "Anong sabi mo? Hindi ba sinabi mong hindi mo ako kilala? Sinabi mo din na paalisin ako at hindi papasukin!" Para akong bata na nagsumbong sa lola.
Kung nakamamatay lang ang tingin tiyak na kanina pa ako dito nakahandusay. "Kung hindi ka tanga edi sana nakasunod ka sa'kin kanina."
"Kung may puso ka lang edi sana pinapasok mo pa rin ako kanina."
"Iyan ang napapala ng mga daydreamer, nawawala na sa reyalidad. Lutang ka na nga daydreamer ka pa," bwelta ni Archer.
"Jusko naman Archer, hindi ka pa nakakalayo tinawag na kita. Sinigaw ko pa pangalan mo 'di ba? Imposible namang hindi mo ako narinig! Sa pagkaka-alala ko hindi ka naman bingi," tumaas na rin ang boses ko.
"That was so embarrassing just so you know."
Napapisil sa bridge ng ilong niya si Madam. "Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata! Ikaw Thiago," turo niya kay Archer, "'wag mo nang uulitin 'yon. Huwag mong iiwan ulit si Adelaide at baka sa susunod sa gitna ng klasada mo na siya iwanan."
I stuck my tongue out on Archer.
"Alright, let's settle this already. Ayaw ko nang marinig kayong magtalo ulit, maliwanag?"
Mabilis akong tumango sa sinabi ni Madam. "Yes, Madam. Kung titigil na din ang isa diyan."
Malakas siyang napabuntong hininga. "Kailan ba kayo magkakasundo?"
"Never," mabilis na sagot ni Archer.
"Too bad. Kayo pa naman ang date ng isa't isa para sa upcoming party." Party? "And you can't say no," pigil ni Madam sa balak na pagtutol ng apo niya.
Nagpalitan kami ni Archer ng masamang tingin.