CHAPTER 6

Sa lakas ng ilang sunod-sunod na putok ng baril, napayukod na lang si Xianna sa lupa, takip-takip ng dalawa niyang kamay ang kanyang mga tainga. Mabilis na umaagos ang mainit-init na likido buhat sa kanyang mga mata, takot na takot siya ng mga sandaling iyon.

Hindi niya akalaing magagawang kumitil ng buhay ng lalaking kinakaawaan niya, sa tindi ng kanyang panginginig at pangamba ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

HINDI lubos maisip ni France na may isang taong mangangahas na lumapit sa kanya at hihingi ng tulong. Isang babaeng kinakitaan niya ng kakaibang tapang at kabaitan.

Hindi siya pinandidirihan, bagkos ay palagi siya nitong inaalala. Alam niya ang bawat kilos at galaw ni Xianna, simula pa lang ng dumating ito sa kanyang mansiyon.

Alam niyang parati nitong pinapalitan ang pagkain niya na nakalagay lang sa gilid, nagkukunwari lang siyang hindi nakikita ang kada oras na pagpapalit nito ng pagkain, at inumin niya. Naiisip siguro nito na maaring maguton siya sa anumang sandali, at nang hindi siya makakain ng panis o hindi malipasan ng gutom, kusa nitong ginagawa ang mga bagay na iyon.

Madalas din niyang marinig ang pagsaway nito sa kanyang mga tauhan, sa tuwing pinag-uusapan ang kapangitan ng kanyang mukha, at sa tuwing pinagtatawanan at kinukutya siya ng palihim ng mga naroon, ang dalaga ang palaging nagtatanggol sa kanya.

Hindi nga nalilingid sa kanya ang kabutihan ng puso nito, kaya naman hinamon niya ito upang mas makita niya kung tunay at hindi pagpapanggap lang ang ginagawa nito. Gaya ni Lilian, ang unang babaeng minahal niya. Ngunit sinaktan lang siya, kaya naman ayaw na niyang muling umasa na may babaeng magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang napakapangit na mukha.

Dinala niya si Xianna sa kanyang bahay bakasyunan sa isang probinsiya na may kalayuan sa lugar na tinitirhan niya. Iyon ang nais niya, ang mapatunayan sa kung tunay bang may damdamin sa kanya ang dalaga, kung magsasama sila, nang silang dalawa lang.

MARAHANG gumalaw ang kamay ni Xianna, kaya naman nalaman niyang magigising na ito. Napabangon itong bigla at nagpapalinga-linga sa buong silid, “Nasaan ako? Hindi ito ang silid ko,” babangon sana ito ngunit bigla na lang siyang nagsalita.

“Huwag ka munang bumangon,” mahina ngunit puno ng awtoridad ang boses na iyon ni France.

“S-Sir, bakit ako narito? A-anong nangyari kay d- Dado?”

“Wala na siya ….” mahinang tugon ni France sa kanya.

“Nakapatay ka nang dahil sa ‘kin.” Umiiyak nitong natakpan ng palad ang sariling mukha.

Gusto niyang matawa sa dalaga. Iniisip ba nito na hindi iyon normal sa kanya. “Bakit ka umiiyak? Kamuntik ka nang pagsamantalahan ng lalaking iyon, kahit na isang pulis, baka iyon din ang ginawa. Isa pa isa akong Mafia Boss, normal na lang sa akin ang ganoong gawain.” Napatayo siya sa pagkakaupo at tinangkang umalis.

“Sandali lang….” mahinang tawag nito ng mapansin na aalis sana siya.

“Bakit? May kailangan ka ba?” tanong pa niya sa dalaga.

“Huwag mo nang uulitin, maari bang huwag mong gawin iyon sa harapan ko?” isang hiling ang matapang na binigkas ng dalaga. Alam naman ng dalaga na wala ito sa katayuan para humiling at utusan ang isang Mafia Boss. Ngunit ayaw na nitong makita pa siyang pumapatay ng tao.

Hindi siya nakasagot sa sinabing iyon ni Xianna, at kahit na ang tanguan iyon upang mapalagay ang kalooban nito ay hindi niya nagawa. Tuluyan na lang siyang lumabas ng silid at panandaliang iniwan ang umiiyak pa ring dalaga. “Hindi ko alam Xianna, kung kaya kong gawin ang kahilingan mong huwag na akong pumatay ng tao….” isang salita na nasabi niya sa kanyang isipan lamang.

NANGHAPONG iyon nagulat siya nang makita niyang wala na ang dalaga sa kamang kinahihigaan nito, naguguluhan siyang lumibot sa buong silid. Sa puntong iyon nakadama siya ng takot, takot na maaring tinakasan na siya ng dalaga.

Lumabas siya sa balkonahe ng nasabing silid, at nagsisigaw doon, kahit na alam niyang walang makakarinig sa kanila. “Xianna! Xianna!” napakalakas niyang sigaw dahil sa pag-aalalang wala na ito.

“S-sir!” malakas ring sigaw ni Xianna. Na noo’y nanggaling lang pala sa loob ng banyo. Napalingon siyang bigla, at nakita niya itong tuwalya lang ang tanging tumatakip sa buong katawan ng dalaga.

Basang-basa ang buhok nito at katawan nang dahil sa pagmamadaling lumabas ng banyo, “S-sorry… n-natakot kasi ako na kung ano ang gawin mo kung hindi pa ako lalabas…nagmamadali tuloy akong lu---” hindi na natapos pa ni Xianna ang mga sasabihin nang bigla na lang siyang tumakbo at yakapin ang dalaga.

“Xianna!” sambit pa niya habang mahigpit itong yakap. Ramdam naman ng dalaga ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib nito. Napapakurap-kurap na lang ang mga mata ni Xianna, nakaangat ang dalawang kamay nito sa ere. Hindi alam ng dalaga kung gaganti ba ng yakap o hindi sa binatang Mafia Boss.

“Sorry kung pinag-alala kita, huwag kang mag-alala. Hindi ako tatakas, kahit na kailan hindi ko gagawin iyon,” mariing sambit ni Xianna. Hindi rin nito batid kung bakit nito nasabi ang mga bagay na iyon. Basta ang alam nito sa kanyang sarili ay hindi na niya ito maaaring iwan na lang basta.

“Hindi mo pa rin sinasabi?” tanong niya rito.

“Ang alin?” ganting tanong naman ng dalaga.

“Ang mga salitang inutos kong sabihin mo, sabi ko sabihin mo na ang tunay mong nadarama para sa akin, sabihin mong nandidiri ka, at nasusuka sa twing nakaharap ka sa mukha kong ito. Sabihin mo na ang totoo na pangit ako,” utos pa rin niya sa dalaga.

Mariing umiling si Xianna. “Hindi sasabihin kahit na kailan,” sagot pa nito sa mga nais niyang sambitin ng dalaga.

“Hindi ba, ang sabi ko sa iyo, aangkinin ko ang buong pagkatao mo, kapag nagmatigas ka pa, huwag mo nang intaying gawin ko iyon, at baka pagsisihan mong naawa ka sa ‘kin.” Mabilis siyang butiw sa pagkakayakap sa dalaga. Sapagkat baka magawa lang niya rito ang isang bagay na hindi dapat.

Tumalikod na siya at lumakad palayo sa dalaga, ngunit laking gulat niya ng tumakbong palapit ito sa kanya, at yumakap mula sa kanyang likod. “Sir…” mahina ang tinig ng dalaga, ngunit tila nabibingi siya sa paanas nitong salita.