Chapter 5

"BAKIT ba kasi hindi mo na lang ibigay ang gusto niya, Xianna?" tanong ni Lolit, ang babaeng katulong din doon na tulad niya ay ibinayad utang lang din sa Mafia Boss.

"Oo nga naman, iyon naman ang totoo hindi ba? Masyado ka lang mabait, at sinisikap mong huwag maging mapamintas sa panlabas na anyo ng isang tao," sabat naman ni Aling Glorya. Ang matandang tagaluto roon. Naging pambayad utang din noon sa mga naunang Mafia Boss.

"Aling Glorya, ang buong pamilya ba niya ay ganoon din ang mga mukha?" wala sa loob na naitanong niya sa matanda.

"Ay hindi, gwapo iyong ama na Mafia Boss, nagtataka nga kamil, nang magbalik na siya ganyan na ang mukha niya, nagulat kami, ang sabi-sabi naaksidente raw sa America, kaya nang umuwi rito ganyan na ang mukha, maging ang ugali lalong sumama," sagot nito sa kanya.

Napapaisip tuloy siya, nakita nga niya ang mga larawan ng mga angkan nito, wala namang pangit, naiisip niyang maaring kamukha nga ito ng ama nito na madalas niyang makita ang napakalaking larawan sa silid aklatan. "Nako, Xianna, gawin mo na lang ang nais ni Sir, sige ka, maatim mo bang iyong mukhang iyon ang hahalik sa iyo, at aangkin ng maganda mong katawan?" napapasimangot na tanong ni Lolit. Nanginginig pa nitong nayakap ang sarili, nang maiisip ang bagay na iyon, na tila ba diring-diri sa binata.

Alam niyang naririnig ng binatang amo ang lahat ng usapan sa buong mansiyon, kahit na saang sulok pa siya pumaroon, alam niyang makikita siya nito at naririnig. "Sobra kana, Lolit, amo natin siya at siya ang nagpapakain sa atin, hindi ko maaring sabihin ang gusto niyong marinig sa akin, mas nakakadiri ang tingin ko ng lalaking iyon ," inginuso niya ang isa sa mga tauhan na lalaki sa likuran ni Lolit na nasa labas ng mansiyon. Iyon ang tingin na kinaayawan niya, tingin na para bang hinuhubaran na siya.

"Hoy! Si Dado iyan, aba naman, mas di hamak na mang gwapo iyan kay Sir France, ilang paligo ang lamang!" kinikilig na sambit ni Lolit.

"Hindi no, mas natatakot ako sa mga ganyang tingin, hindi pa man, para na akong nare-rape," umismid siyang tumalikod at umalis sa harapan ng mga kasamahang kasambahay.

Nais niya na lang magtungo sa maliit na silid aklatan, doon sa may basement nakakita siya ng napakaraming tambak na mga lumang libro, maaring iyon ay mga luma na, pero para sa kanya ay sapat na para makapagbasa siya.

Tahimik siyang naroon ng may humawak sa likuran niya, napalingon naman kaagad siya, "HI?" bati nito sa kanya.

"O ikaw pala Dado, anong sadya mo rito?" taka niyang tanong sa lalaki, at bahagya siyang kinutuban sa kanyang dibdib, tila umugong ang hangin sa kanyang tainga.

"Ba't narito ka? Tapos na ba ang iyong gawain?" nakangisi nitong tanong sa kanya.

Bigla naman siyang tumayo sa pagkakasalampak niya sa sahig at mariing hinawakan ang aklat na may matigas na pabalat sa kanyang kanang kamay. Nanginginig niyang itinago iyon sa kanyang likuran. Tama naman siya, mas kinatatakutan pa niya ang mga mukha ng mga taong ganito kaysa sa amo nilang may pangit na mukha.

"O tila natatakot ka? Wala nama ibang tao rito, tayo lang, baka gusto mong maglaro muna tayo rito, hindi naman malalaman ni Boss kung naangkin nakita, sanay naman na iyong hindi na birhen ang mga naikakama niya," bastos na sambit ni Dado.

"Bastos! Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na iyan?" mataray niyang salita.

"Ang arte mo no! Totoo naman, mas ginusguto pa ng mga babaeng tulad mo na ako ang makauna sa kanila bago ang malahalimaw na iyon!" Ngunit hindi niya napigilang mapadapo ang isang palad niya sa pisngi nga lalaking nasa harapan niya ngayon. Tumabingi ang mukha nito dahil sa lakas ng pagkakasampal na kanyang ginawa sa lalaki. "Aba 't talaga nga namang hinahamon mo pa ako no?" nanlilisik ang mga mata nitong parang hayop. Tumingin sa kanya at bigla na lang hinablot ang mahaba niyang buhok.

"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!" malakas niyang salita habang hinahawakan ang kamay nito at sinusubukang pigilan sa paghila sa kanyang buhok.

"Ano? Anong bitiwan? Matapos mo akong sampalin, sa tingin mo aalis ako rito na walang nakukuha sa iyo?" Dinilaan pa nito ang isang bahagi ng pisngi ng mukha niya. 

Tila nagtaas ang lahat ng mga balahibo sa buong katawan niya sa nang maramdaman ang mamasa-masang dila nito sa kanyang pisngi. Iyon ang tinatawag niyang tunay na pandidiri. Malakas niya itong napukpok ng hawak niyang aklat, saka niya sinabayan ng sipa sa maselang bahagi nito. Napapapatalon-talon si Dado, habang hawak ang nabasag yatang pagkalalaki.

Iyon na ang oras na nakatakbo siyang palabas ng Basement, humahangos pa siya at hingal na hingal nang bumangga naman siya sa isang katawan na hindi niya kaagad nakilala. Natumba siya sa lupa, at napatakip ang dalawang braso niya ng paekis sa kanyang mukha.

"Huwag po parang awa niyo na!" sigaw niya habang nagkakawag naman ang mga binti niya.

"Xianna? Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni France ang mafia boss pala ang nakabangga niya.

"Tulungan mo ako? Gusto akong halayin ni Dado!" mabilis niyang sabi sabay tayo at humawak sa mga braso ng Mafia boss. Samanlatalang nakarating naman doon ang lalaking gustong humalay sa kanya. Napatigil ito at ngumisi pa sa amo, sa pag-aakalang kakampihan ito ng amo.

"Boss! Mabuti na lang at nahuli mo ang babaeng iyan! Kamuntik na po iyang tumakas, nakita ko siyang tinatangkang tumalon sa mataas na bakod, pinipigilan ko ngunit sinipa niya ang pagkalalaki ko, kaya niya ako natakbuhan!" paliwanag pa ni Dado.

"Ganon ba?" nakataas ang mga kilay nito at nababakas ang galit sa mukha at sa tinig nito.

"Huwag kang maniwala! Masama siya, gusto niya kong pagsamantlahan, tulungan mo ako Sir!" lalo pa siyang napahawak sa braso ng amo.

"Dado, may hindi ka nalalaman, na alam ng babaeng ito, kaya kung ako sa 'yo kitlin mo na lang ang sarili mong buhay, kaysa ako pa ang magparusa sa iyo!" Tila dumagundong ang boses ng kanilang amo, hindi niya alam ngunit tila ba kulog iyon na nagpapabingi sa kanya. No'n niya napatunayang walang halaga para sa lalaking ito ang buhay, ngunit hindi rin naman niya masisi ito, sapagkat napakasama ng lalaking si Dado. 

"Boss! Naniniwala ka ba sa sinasabi ng babaeng iyan? Ako ang paniwalaan mo! Gusto lang niyang lokohin ka, balang araw ay tatakas lang siya tulad ni Lilian! Niloko ka lang diba? Pinaibig?" sambit pa ni Dado at may pangalan ng isang babae ang binanggit nito. Sa galit ng Mafia Boss, ay binaril nito ang lalaki.