CHAPTER 7

“Xianna, lumayo ka na sa ‘kin, ang mabuti pa ay lalabas na muna ako,” sabi pa niya upang umiwas.

“Hindi ba, pag-aari mo na ako, bakit hindi mo na lang gawin ang nais mo sa ‘kin. Tutal akoy iyong alipin na, ibinayad sa utang, ako ‘y pagmamay-ari mo na. Kaya wala akong tutol kung ano man ang gawin mo sa ‘kin.” Tuluyang inilusot ng dalaga ang dalawang kamay papunta sa harapan ng kanyang dibdib at mahigpit pang yumakap. Napahawak siya sa mga nakasalikop na kamay ng dalaga at mahigpit ring hinawakan iyon.

“Hindi ko na mapipigilan ang angkinin ka!” mariin ngunit pabulong lamang na binigkas ni France sa dalaga. Hinarap niya ito at hinawakan ang mukha, pinakatitigan ang dalaga, at sinipat ng maigi kung ano ang sinasabi ng mga mata nito. Ngunit kitang-kita niya ang walang pandidiring pagtingin ng dalaga sa kanyang mukha. Nakatitig rin ito sa kanyang mga mata, na tila ba binabasa ang laman ng kanyang isip.

Bahagyang bumuka ang mga labi ni Xianna na para bang inaanyayahan ang kanyang mga labi na lumapat rin sa labi nito. Marahang bumaba ang kanyang mukha at ang labi niya sa mga labi ng dalaga, at ilang sandali nilang pinagsaluhan ang isang matamis na halik.

Ang buong magdamag ay kanila ngang pinagsaluhan ng magkayakap, at walang pag-aalinlangang ipinagkaloob ng dalaga sa lalaking kilala bilang Mafia Boss ang kanyang pagkabirhen, at ang kinabukasan ay hindi na iniisip ni Xianna.

NANG umagang iyon ay nagising siyang nasa isang malapad na kama siya, nakahiga siya, kita niya ang kulay putting kisame ng nasabing silid, napabangon siya at napahawak sa kanyang ulo, medyo kumirot iyon, dala na siguro ng puyat dahil sa magdamag nilang pagniniig ni France, ang Mafia Boss na pinagbentahan sa kanya, ang lalaking pinagkautangan ng kanyang tiyuhin, kaya naman tuluyan na niyang ibinigay ang kanyang sarili, larawan siya ng isang tao na nawalan nang pag-asa na makakaalis pa sa sitwasyon ng pagiging alipin.

“Alipin na nga pala ako, alipin ng isang nakakaawang nilalang sa mundo,” nasabi niya sa kanyang sarili, habang nakatitig sa likod ng binata na kasalukuyang nakadapa sa kama.

Ngunit nagulat siya kung bakit bigla na lang umiksi ang lampas balikat nitong buhok, oo mahaba ang buhok nito, at alam niyang lamapas sa balikat ang buhok ng binata, madalas pa nga niyang makitang itinatali nito ang mga buhok na iyon sa likod ng batok.

Bahagya pa siyang napabangon, at sinipat maigi ang ulo ng binata, “Paanong umiksi ng ganito ang buhok niya? Nagpagupit na ba siya?” Kinusot-kusot pa niya ang dalawang mata niya gamit ang likod ng dalawang palad niya, sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya.

Bahagya niya itong niyugyog, “S-Sir… S-Sir?” mahina niya ring tawag upang magising ang nakadapang binata. Hawak niya ang kumot at patuloy niya iyong itinakip sa sariling katawan nang makitang bahagyang gumalaw ang lalaki.

Nagtataka siya, at naiisip niyang hindi kaya ibang lalaki ang nakasiping niya kagabi, baka ibang tao pala iyon, kapag nalaman iyon Mafia Boss, ikinatakot niyang patayin din nito ang lalaking ito. O baka pati siya ay patayin rin ng Mafia Boss sa pag-aakalang nakipag siping siya sa ibang lalaki.

Ngunit mas lalo pang nanlaki ang may kaliitan niyang mga mata ng tuluyang bumangon ang lalaki, at humarap sa kanya. Isang gwapong lalaki, maputi, may pagkasingkit, at mayroong dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito, na siyang lalong nagpadadag sa kagawapuhan nito.

Bumaba sa kama at tumayong paharap sa kanya. “H-Hi---” sabi nito at hindi pa man nakakapagsalita ng marami ay agad na siyang nagsisigaw.

“S-sino ka?” gulong-gulo niyang tanong. Hinila niya pa ang kumot kung kaya tumambad sa kanyang mga mata ang kahubaran ng binata. “Ayyy! Bastosss!” sigaw niya.

Ngunit tumawa lamang ng malakas ang binata, habang nakapatong ang dalawang kamao sa gilid ng baywang. Kitang-kita niya ang paghuhumidig na pagkalalaki nito. Kaya naman dinampot niya ang isang unan at ibinalibag sa binata.

“Ano ba? Ikaw kaya ang humila ng kumot na itinakip ko rito,” sabi ng binata habang tinatakpan na lang ng dalawang palad ang pagkalalaki, lalo na nga at naghesterikal na siya ng todo.

“Ang bastosss moooo!”

“Ano ba tama nga! Huwag ka nang magsisigaw riyan!” Tinangka pa nitong lumapit sa kanya. Ngunit binantaan niya ito.

“Huwag kang lalapit! Hindi kita kilala! Lumayo ka! Nasan na si Sir? Ano ginawa mo sa kanya? Pinatay mo ba siya para lang makuha mo ako sa kanya? Walang hiya ka!” sunod-sunod na sigaw niya sa binata.

Napaupo na lang sa sopa ang binata, at doon tumawa na naman ng malakas. “Nakakatawa ka talaga, ibang klase!” sabi pa nito habang bumubunghalit ng tawa at nakatingin sa kanya.

Siya naman ay napatigil, nakita niya ang paraan nito ng pagtawa, at may naalala siya. Naalala niya ang Mafia boss na malakas ring tumatawa noong una silang magkita.

Natahimik siya at napatitig sa lalaki, “Sino ka ba? Nasaan si France Marcus? A-ang MAFIA BOSS?” naluluha na niyang tanong.

Dahil doon ay tumigil na ito sa pagtawa, hinila muna nito ang robe na nakasabit sa antigong coat rack na gawa sa mamahaling kahoy. Isinuot iyong ng lalaking hindi pa niya kilala kung sino ba talaga, tapos ay nagtungo ito sa loob ng walk in closet.

Siya naman ay sinusundan lang ng tingin ang bawat kinikilos ng lalake, nagulat pa siya ng tapunan siya nito ng isa pang roba, isinuot naman niya iyon ng walang tanong-tanong.

“Okay ka na ba?” tanong nito sa kanya.

“H-Hindi, hindi naman kasi kita kilala, paano akong magiging okay? At lalaking kasiping ko kagabi, nawawala, nasaan siya?” nagpalinga-linga pa siya ng tingin at nagbabakasakaling makikita ang binata.

“Mas nais mo ba talagang makasiping ang pangit at nakapandidiring mukha ng lalaking iyon?” tila may inis na tanong nito sa kanya.

Tiningnan naman niya ng masama ang lalaking kasalukuyan niyang kaharap, “Wala kang pakialam! At wala kang karapatang sabihan siya ng ganyan! Iniligtas niya ako, kaya dapat ko lang siyang pasalamatan,” sabi niya sa lalaki.

“Iyan ba ang pasasalamat na binigay mo, dahil lang iniligtas ka niya? O dahil talagang may pagtingin ka sa kanya?” tanong pa rin ng binatang napakagwapo.