CHAPTER 10. 4
"Sut up baby! Anong gusto mo hayaan kong mapatay mo ko? Ikaw lang ang babaeng hinayaan kong makalapit sa akin ng ganito, sa tingin mo papayag akong mapatay mo na lang ako ng ganito kadali?" Sabay halik nitong muli sa kanyang labi. Mariin na lang siyang napapikit dahil sa inis at pagkapahiya na nararamdaman niya sa kanyang sarili.
"Bossing! Anong nangyayari?" tanong ni Andress. Hindi niya alam na babalik pa pala ang mga ito. Mabilis na tumakbo ang tatlong lalake, at mabilis siyang hinila at hinawakang maigi palayo sa amo nila.
"Sinasabi ko na nga ba at wala kang gagawing mabuti!" sabi ni Dan.
"Oo nga, naaamoy na naming may gagawin ka! Para kang ahas na lumilingkis sa katawan ng Bossing namin!" segunda pa ni Dong. Habang bumangon naman si Jerome buhat sa pagkakahiga at natatawang tumingin sa kanya.
"Itali niyo na iyan!" sambit pa nito habang nakangisi pa rin sa kanya.
"Sige Boss kaming bahala rito sa sawang to! Lilingkis ka pa ha!" nanggigigil na salita ni Dan, habang tinatalian ang mga kamay niya sa kanyang likuran.
“Hanep! Bossing, ang gandang laban no’n!” masayang-masayang sabi ni Dong. Na tila ba nakapanood ng isang action movie sa sinehan.
“Anak nang! Kanina pa ba kayo riyan?” napahawak sa baywang na tanong ni Jerome. Parang mga bata naman ang tatlo na nagtanguan, at nakangisi sa kanya.
“Bossing ang galing mo nga’ng tumayming ng halik dito sa chicka babe mo e,” tuwang-tuwan na sabi ni Dan.
“Oo nga Boss, para kang sawa nanunuklaw!” naisigunda naman ni Andress. Naiiling na lang niyang tinapunan ng tingin ang tatlo.
GUMABI na at lahat-lahat ay nakatali pa rin siya roon sa isang upuang bakal na may sandalan. Masyadong mahigpit ang pagkakatali ng mga ito sa kanya. "Nakakainis! Nasa bingit na ako ng kamatayan iniisip ko pa ang hambog na iyon!" mariing sabi ni Venice sa kanyang sarili.
Naiinis niyang nai-imagine ang mukha ng gawapong lalake na si Jerome. Kung alam lang niyang ganito ang kahahantungan ng lahat, dapat sana ay pinatay na niya ito kagabi pa lang habang natutulog.
Bakit nga ba hindi? Tumanaw ba siya ng utang na loob sa pagliligtas nito sa kanya? Pakunwari lang naman niya iyon para makalapit sa binata, ang totoo’y kayang-kaya naman niya talaga ang mga goons.
Kinakailangan kasing may mga impormasyon muna siyang makuha sa mga ito bago niya tuluyang lisanin, ngunit ng malaman niyang may mga kasamahan itong palaging nagpupunta sa rest house na iyon, doon na nagbago ang plano niya.
Sa tingin nga niya ay minaliit niya ang kakayahan ng binata. Kaya kailangan niyang makaisip ng panibagong plano, kinakailangan niyang makuha ang loob nito o mapaibig ang lalake, bago niya ito tuluyang mapatay, iyon ang isang plano niya na naglalaro na sa kanyang isipan.
"Anong iniisip mo? Nagulat pa siya ng biglang may magsalita sa likuran niya. Makailang beses siyang napalunok ng laway dahil sa narinig niyang si Jerome ang nagsalita.
"Wala!" maiksi at pasinghal niyang sagot sa lalake.
Tuluyang lumapit sa kanya si Jerome at umupo sa harap niya, "Alam mo, kung ako sa iyo, itigil mo na ang pangarap mong mapatay ako, hindi pa ipinapanganak ang taong papatay sa 'kin."
"Talaga? Huwag kang pakakasiguro, baka hindi mo alam na nasa harap mo na ang taong iyon!" matapang niyang salita.
“Papatay o magmamahal?” napangising sinagot niya ng tanong ang sinabi nito.
Umiiling na lang na tumungo si Jerome sa kusina, inilapag ang dala niyang pagkain na nakalagay sa plastick. Binuksan iyon at isinalin sa mangkok. Ilang saglit lang ay tinawag na rin niya ang mga kasama na nagbantay kay Venice para kumain.
"Uyy! Tatlong kolokoy, kumain na kayo tapos p’wede na kayong umuwi, may lakad pa tayo bukas ng umaga," sabi pa niya sa tatlong tauhan.
"Ha! Uuwi na kami Boss, paano ka?" tanong na naman ni Dan.
"Oo nga Bossing, mamaya mo diyan kapag tulog kana makawala ang babaeng iyan at bigla ka na lang sakalin," segunda naman ni Dong.
"Hoy, tumigil na kayo, ako nang bahala sa babaeng iyan, malay mo mapakinabangan pa natin siya," sabi ni Jerome, na tinapunan pa siya ng tingin.
Irap lang ang itinumbas niya sa ginawang iyon ng lalake, naiinis siyang panay ngiti at kindat nito sa kanya. “Ang yabang!” sabi naman nito sa isipan.
Maya maya ay lumapit ito na may dalang pinggang may lamang pagkain, ang akala niya ay papakawalan siya nito, ngunit nanatili lang siyang nakatali, kinuha nito ang kutsara at saka sumandok ng pagkain, "O, kumain ka na," sabi ni Jerome.
"Ano iyan? Susubuan mo ako?"
"Oo ano ba sa tingin mo? Hindi ko naman kayang makita kang nagugutom na, my Baby..." seryosong sabi ni Jerome.
"Sige na kumain ka na, hindi ka titigilan niyang si Bossing, ganyan iyan kapag may babaeng natitipuhan," sabi naman bigla ni Andress.
"Nako Boss, kawawa ka naman kung isang assassin lang pala ang magpapaibig sa iyo," nasabi ni Dong.
“Hoy! Tumahimik kayo, kung ayaw niyong samain!” mariin nitong waring sa mga kasamahan.
Sinamaan lang niya ng tingin ang mga ito, at ganon din ang ginawa niya kay Jerome. Habang ibinubuka niya ang kanyang bibig para makakain, naiilang siyang makita ito na sa bawat subo niya ng pagkain ay tinititigan nito ang mga labi niya ng ubod nang lagkit.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising, nanlaki pa ang mga mata niya ng makitang malaya na ang mga kamay niya. Hindi niya kalaing kinalagan pala ni Jerome ang mga kamay niya ng makita nitong tulog na siya.
"Bakit niya ginawa ito? Paano pala kung nagpapanggap lang akong tulog at nag-iintay lang na makakuha ng pag-kakataon upang mapatay siya." Naiiling niyang tinitigan ang mga kamay niyang may bakas pa, ng mahigpit na pagkakatali.
Tumayo siya at napapitlag pa nang makitang biglang bumukas ang pintuan ng k’wartong tinulugan niya.
"O gising kana pala, maligo kana, eto." Iniaabot ni Jerome ang isang paper bag sa kanya. Nagtataka niyang kinuha iyon at tiningnan ang loob. Napatingin siya sa binata dahil naglalalaman iyong ng mga personal na gamit pambabae.
"Ano ito? Saka bakit mo pala ako pinakawalan? Paano kung pinatay kita habang tulog ka?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Alam kong hindi mo gagawin, alam kong ang isang assassin na tulad mo, kahit paano may pride pa rin, ilang beses na ba? Pero hindi mo naman ginagawa, bakit hindi ka na lang makipag tulungan sa akin? Tayo na lang ang magkakampi?" tanong nito. Napakunot namang lalo ang noo niya sa binata, hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.
"Anong gusto mo?"
"Gusto kong lumaya ka sa pagiging assassin, akong bahala sa iyo, marami akong kapit at kaya kong talunin ang mga mafia na umaalipin sa iyo, basta mangako na sa akin ka na lang kakampi," salita pa ni Jerome.