Chapter 13: 3

"BOSS! Sigurado ka bang hindi padala ng mga kalaban iyan? Ito talagang si Boss o!" bulalas ni Andress nang makitang inuwi niya ang isang babae sa isa sa mga rest house niya sa Cavite. Kararanting lang ng mga ito.

"Ha? Hindi naman siguro, saka wala kaming ginawa magdamag, nakitulog lang siya rito ng buong gabi!" nakasimangot niyang sabi.

"Ano! Si Bosing makakatulog na may kasamang babae ng walang mangyayari! Nako, mauuna na ako sa inyo!" bulalas rin ni Dan, sabay atras para umalis. Maagap namang nahila ni Andress ang hood ng suot nitong swet shirt.

"Tumigil ka, may pag-uusapan tayong mahalaga!"

"Nako tiyak na mainit ang ulo niyang si Bossing, ayokong makipag-usap!" natatakot na bulalas muli ni Dan.

"Hayaan niyo na siya, mainit talaga ang ulo ko, kasi iyong inaasahan kong babaeng magpapaligaya sa akin, nauwi sa patpating babae, alam niyo naman na hindi ganyang babae ang type ko." Itinuro niya pa ang babaeng nakaupo sa sopa, nakatingin ng matalim sa kanya, at sa mga bagong dating na bisita.

"O Boss, pipi ba iyan? Hindi nagsasalita eh!" nakangising tanong ni Dong.

"Hindi, kaya lang slang, mukhang ellien din ito, baka naiwan ng mga sindikato ito rito sa 'tin," sabi pa niya sa mga kasama.

"Hindi ka marunong magtagalog?" tanong ni Dan.

"Nakakaintindi ka ba naman ba ng tagalog?” segunda naman ni Dong sa tanong ni Dan.

"E kung sipain ko ang pagmumukha niyong lahat!" singhal na sagot ng babae, pero mahina lang ang boses nito. Doon nga nila napatunayang slang ang pananalita nito. Pero marunong naman talagang magtagalog.

"PORENGER nga Bossing!" natatawang sagot ni Dan.

"Lumayo rin kayo, lumilipad ang kamao at mga kamay niyan, nakakagulat, kagabi naisahan ako, akala ko mahinhin, kasi hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili sa maraming lalake, iyon pala ang bigat ng kamay, parang bakal,” warning pa niya sa mga kaibigan.

Nagtawanan naman ang mga lalake, nagulat pa sila ng biglang tumayo ang babae, "O saan ka naman pupunta?" natanong ni Jerome sa dalaga.

"Pinagtatawanan niyo ako kaya lilipat ako doon sa kusina, magluluto na lang ako ng almusal," sabi nito na humina na ang boses.

"Sige sarapan mo ang lulutuin mo ha, ano nga palang pangalan mo?" tanong niya, iyon lang kasi ang time niya para magtanong sa dalaga.

"Venice," maiksi lang nitong tugon sa kanya

MATAPOS ang agahan, tanghalian at hapunan ay nagsialisan na ang mga kasamahan ni Jerome, siyempre alam naman niyang hindi pa lubos ang tiwala sa kanya ng mga ito kaya naman hindi pa siya kumikilos ng naayon sa kanyang plano.

Siya si Venice, code name #311 isang lady assassin na nagmula pa sa bansang Russia, isang kilala at malaking sindikato ang nagpakawala sa kanya para patayin ang isang lalaking nagngangalang Jerome Montecillio. Ang misyon niya ay patayin ang lalake, sa lalong madaling panahon.

"Anong iniisip mo?" napapitlag siya nang marinig ang boses ni Jerome,

"Ha? Wala, akala ko sumama ka sa kanila?"

"Hindi, bakit ko naman iiwan ang bahay ko sa isang babaeng hindi ko pa ganon kakilala? Hindi naman ako ganoon ka tanga," nakatitig lamang si Jerome sa kanya na nagpapahiwatig na hindi siya nito pinagkakatiwalaan.

"Alam ko namang wala kang tiwala sa sa akin, pero bakit mo pa ako dinala dito sa bahay mo?" tanong niya sa lalaking sinusubukan niyang siluin.

"Alam mo kasi sanay na ako sa mga babaeng katulad mo, na pinapakawalan ng mga malalaking sindikato para patayin ako, kaya let's say na lang na binibigyan pa kita ng pagkakataong baguhin ang isip mo."

"Ano? Ako binibigyan mo ng pagkakataong baguhin ang isipan ko? Ilang babae naman na ang ginawan mo ng ganyan?"

"Actually, masuwerte ka dahil ikaw pa lang sa lahat ng babae ang inalok ko ng ganitong deal, ano papatayin mo ba ako? O mamahalin na lang?" ngumingising tanong ng binata sa kanya.

"Mamahalin?" napapaisip niyang inulit ang sinabi ng binata.

"Oo, kung mamahalin mo na lang ako, edi maganda, mamahalin na lang din kita, masaya pa tayong dalawa," nakangisi pa ring sabi sa kanya ng binata. Humila pa ito ng isang upuan doon sa harap ng lamesa, saka umupo.

"Paano mo naman nasabing mamahalin kita? E kagabi lang naman tayo nagkakilala? Sinong tangang babae ang iibig sa isang lalakeng ilang oras pa lang niyang nakikilala?"

"Alam mo Venice, may tinatawag tayong love at first site, malay ko ba kung sa unang kita mo palang sa akin ay minahal mo na ako, sige ka magsisisi ka." Kindat na lang sa mga mata ang itinapon nito sa kanya.

"Ganon ba, may love at first bang gagawin ang ganito!" Sabay sugod niya sa binata ng hawak niyang patalim, kaya lang ay madulas din si Jerome, mabilis na nakaiwas sa ginawa niyang pagsalakay.

"O diba sabi ko sa iyo? Hindi ako nagkamali," sabi ng binata, habang hawak ang isang braso niyang may hawak na patalim.

"Oo nga, mukha ngang na-love at first site ako sa iyo, kasi ngayon pa lang ay kating-kati na akong patayin ka!" Sabay siko niya sa mukha ng lalake, ngunit ganon na nanaman ang ending niya, nakailag ito, sabay tulak sa kanya. Napasubsob siya sa built in table na nasa kalagitnaan ng kinaroroonan nilang kusina.

Ngunit agad din siyang nakabawi at muling nadampot ang kutsilyo, mabilis niyang hinarabas ang binata ng hawak niyang kutsilyo, pero nakakailag lang ito. Sinubukan naman niyang patirin ang lalake, na-out balance ito at tumumba sa sahig. Nang mapahiga ito, akala niya iyong na ang kanyang pagkakataong patayin ang lalake, kaya lang mabilis din siya nitong napatid at tumumba naman siya sa katawan nito.

"Huli ka!" malakas na sigaw ni Jerome sa kanya.

Ngiting-ngiti itong hinuli ang mga kamay niya at inilagay sa likod, mabilis din ang hita nito na yumakap sa kanyang mga hita. Hindi niya alam kung anong klaseng style ng pakikipag laban ang ginagawa nito sa kanya. Ngunit halos magkayakap na sila, hawak nito ang mga kamay at braso na inilagay sa likuran niya.

"Bitiwan mo na ako!" sigaw niya sa lalake. Ngunit hindi naman nakikinig si Jerome. Nagulat na lang siya nang bigla siyang nakawan nito ng halik sa labi sabay ngisi.

"Ano na baby! Ang tapang mo kanina, hindi ka na makapalag ngayon no?" nang-aasar pang sabi ng binata sa kanya.

"How dare you to do that to me!" galit na niyang nasabi, iyon ang unang pagkakataong nahalikan siya ng isang lalake. Hindi niya mapaniwalaang mangyayari iyon sa kanya. Sa loob ng ilang taong pagiging assassin, ngayon lang siya nagawan ng kalaban niya ng ganoong klaseng estilo.