CHAPTER 10. 5
"Paano mo naman nasabi na hindi ko gusto ang ginagawa ko, may proweba kaba?"
"Hindi lahat ng assassin, gusto nila ang ginagawa nila, marami nang ipinadalang assassin para patayin ako, lahat sila hindi nagdalawang isip, pero ikaw ilang pagkakataon na ang ibinigay ko sa iyo, bakit hindi mo ginagawa?"
"D-dahil tulog ako, malay ko bang nakalagan ang mga kamay ko," biglang nabulol na sambit niya.
"Nakakatawa, isang assassin na nasa lugar ng taong papatayin niya, kampanteng makakatulog? Ikaw lang yata ang assassin na ganyan dahil kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi na ako mag-hihintay ng pagkakataon para tapusin ang kalaban ko," napaupo pa sa kama si Jerome habang nagsasalita.
Sa sinabing iyon ni Jerome, labis ding siyang napaisip, marahil ay hindi niya rin alam kung bakit niya iyon ginagawa? Sinanay siya at pinalaki ng mga pinuno ng mga sindikatong iyon, at parating inuutusan, una pa lang naman ay labag na sa kalooban niya ang gawin iyon, kaya lang siya ang mamatay kapag hindi siya sumunod sa mga utos ng mga Mafia Boss.
Halos mag-aanim na buwan na siyang nakakulong sa bahay na iyon, paalis-alis naman si Jerome, at umuuwi bago lumubog ang araw, hindi naman niya magawang tumakas habang wala ito dahil sa puno ng mga bantay ang buong rest house, at napapaligiran ng mga bob wire na may kuryente ang buong paligid.
Hindi niya magawa o mas tamang sabihin na para bang nagugustuhan na niya ang makisama sa binata. Naging napakabait nito, at hindi siya ginagawan ng masama, sa halip kung saan-saan siya isinasama nito, mga lakad na hindi niya alam kung may kinalaman ba iyon sa pagiging mafia boss ng binata.
ISANG ARAW ay bigla na lang itong dumating, "Maligo ka na at may pupuntahan tayo, isasama kita sa ilang mga lugar kung saan makikita mo ang dahilan ng lahat ng mga bagay na ginagawa ko," sabi pa ni Jerome. Iniabot na naman nito sa kanya ang isang paper bag na may lamang bagong mga damit, tapos ay lumabas ito ng silid at tuluyang nawala sa kanyang paningin.
MATAGAL siyang nakaupo sa malapad niyang sopa, nakabihis na rin siya ng pang desenteng pananamit. May pupuntahan sila ng dalaga, nais niya itong dalin sa ilang bahay ampunan na sinusuporthan niya, para maipakita sa dalaga ang rason ng lahat ng mga ginagawa niyang pang sasabutahe sa mga kliyente niyang sindikato.
Nanlaki ng bahagya ang mapupungay niyang mga mata, lalo na nang nasa harapan na niya ang dalaga. Bagay na bagay pala sa dalaga ang naka-dress na may design na bulaklakin, "Wow! Verry good, bagay sa iyo. Hindi pa talaga ako nagmintis sa pamimili ko ng mga damit para sa iyo," nasabi niya.
"Baka naman kasi mahilig ka ring magsuot ng pangbabae?" natanong ng dalaga na may halong biro.
"Aaa! Nakukuha mo nang magbiro ngayon, paano kong may gawin muna ako sa iyo bago tayo umalis?" nakangisi niyang sabi sa dalaga. Inambahan naman siya nito ng kamao. Naiiling na lang siyang na naunang lumakad.
Paglabas nila ng rest house na iyon ay sumakay kaagad sila sa kotse nito na may mamahaling tatak. Kaya naman , parang couple ang dating nila sa mga tao lalo na nang makaratingt sila sa pupuntahan.
"Sir Jerome, kumusta napo kayo? Napakatagal na pong panahon no'ng huli niyong dalaw sa amin," bati sa kanya ng isang matanda na nangangasiwa ng bahay ampunan.
"Nako, mabuti naman po ako, Aling Chanda, kayo naman po parang anim na buwan pa lang ang nakakaraan, siya nga po pala, salamat po sa pangangasiwa niyo ni Mang Badong sa lugar na ito." Sabay abot niya sa kamay ng matanda.
“Nako! Si Sir Jerome talaga, wala iyon, ikaw ang tunay na dapat naming pasalamatan!” nahihiyang bulalas ng matanda. Sabay napatingin ito sa kanya. “Sino siya, Sir Jerome? Siya na ba ang mapalad na babae?”
"Oho, siya po ang babaeng nakabihag ng puso ko, akalain niyo ho at nakabingwit din po ako ng magandang dilag!” May pagmamalaking bulalas din niya. Samantalang pinamulahan naman ng pisngi ang dalaga.
"Ay, nako sigurado naman po na hindi niya pagsisisihan ang mapakasalan ka, Sir Jerome, napaka buting tao niya, iha." Bumaling pa ang matanda kay Venice. Alanganing ngiti na lang ang iginanti nito sa matanda, at palihim siyang kinurot sa tagiliran ng dalaga.
Nang silang dalawa na lang doon sa sala, nakaupo sila sa mahabang sopa, at naghihintay ng muling pagbabalik ng mga nangangasiwa roon ay saka pa lang nakapagsalita ang dalaga.
"Anong sabi mo, nabihag ko ang puso mo? Nababaliw kana talaga!" mahinang singhal ni Venice.
Ngisi na lang ang isinagot niya sa dalaga kahit na naiinis nga ito sa kanya. Maymaya ay ginulat sila ng mga kabataan na nasa tatlumpo ang bilang, maayos na humilera ang mga ito sa harapan nila, habang sila ay nakaupo sa mahabang sopa, tumabi rin sa kanilang inuupuan ang ilang matatandang nangangasiwa sa bahay ampunan.
"Narito po ang mga kabataan na maghahandog ng inaral nilang kanta, at sayaw para sa aming butihing si Mr. Jerome Montecillo," salita pa ng kanilang guro.
Ilang sandali pa nga ay naghandog na ng awiting may kasamang sayaw ang mga kabataan. Kitang-kita ni Jerome sa mga mata ni Venice ang katuwaan, at saya habang pinapanood ang mga ulilang kabataan na doon na lumaki, at nagkaisip. Sa tulong ni Jerome ay nabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataang iyon na naliligaw ng landas.
“Ma’am….” naramdaman ni Venice ang maliit na mga kamay ng isang bata, na humawak sa kanyang hita. Napangiti ito kahit na nakadama ng kaunting gulat.
“O bakit Suzy?” natanong niya nang mapansing nakahawak sa laylayan ng damit ni Venice ang batang may edad limang taong gulang.
“W-wala po, kumusta po kayo?” tanong ng bata na nakatingin sa kanila. Habang subo pa nito ang hintuturong daliri.
“What’s your name, Baby?” tanong naman ni Venice kahit na narinig na nito ang pangalan ng bata at binuhat ito.
“S-Suzy po,” sagot naman ng bata. Nakangiting niyakap ni Venice ang bata, naalaa nito ang sarili noong panahong siya rin ay nasa ganoong gulang, naulila, at napunta sa mga masasamang tao.
“Alam mo, masuwerte kang bata, kaya magpapakabait ka ha, Suzy….” tanging nasabi ng dalaga, nakita niya naman ang mumunting mga butil ng luha sa mga mata nito habang karga ang batang si Suzy.
MATAPOS ang pagpunta nila sa bahay ampunan ay umalis rin kaagad sila, kasalukuyan silang nasa isang lugar kung saan may natatanaw silang dagat.
Nakatayo ro’n si Venice at nakatanaw sa malawak na dagat.
"Bakit nandito tayo? Mahilig ka pala sa dagat?" tanong niya sa dalaga.
"Pasensiya ka na may iniisip lang kasi ako, simula ng makita ko ang mga bata. Natutuwa ako sa kanila, gaya nila wala na rin akong magulang, ulila at ipinagbili sa pinuno ng masamang sindikato, wala kong choice kundi sundin sila. Ang tingin ko sa mundong ito, walang karapatang mabuhay nang payapa at maayos ang lahat, pero nang makita ko sila, nakita ko sa mga inusenteng mukha nila, ang pag-asa."
"Tama ka, noon akala ko wala na nang natitirang pag-asa sa buhay, pero simula ng ginawa ko ang bagay na ito sumaya ako dahil naisip ko na p’wede pang mabago ang takbo ng magulong mundo. Kung marami pang tulad ko ang makakatulong sa kanila, kaya nga sana, umanib ka na lang sa hangarin ko, magtulungan tayong itaguyod ang mga pangarap ng mga kabataan," pangungumbinsi pa ni Jerome sa dalaga.
“Mayroon akong pangarap, kung sakaling papalaring matakasan ko silang lahat,” mahinang sabi ni Venice.
“Ano iyon?” Napasuksok pa siya ng dalawang palad sa kanyang mga bulsa na nasa magkabilang gilid ng suot na pantalon.
“Ang maglakbay, gusto kong lumibot sa iba’t ibang lugar, at humanap ng iba pang matutulungan, iyon sana ang pangarap ko, pero alam kong malabo iyong matupad,” malungkot na sabi ng dalaga.
“Malay mo isang araw matupad mo ang pangarap na iyan. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap,” sagot naman niya sa dalaga. Habang pinagmamasdan niya ito na nakatingin lang sa malayo. Naisip niya na marahil ang babaeng ito na nasa kanyang harapan ay napupuno ng kalungkutan, at sa isang iglap lang ay naisip niya na sana ay siya na lang ang makapagbigay katuparan sa pangarap ng dalaga. “Nais kong matupad ang pangarap na iyan, ngayon iyan na rin ang pangarap ko, ang maglakbay na kasama ka,” mariin niyang sabi sa sarili.
Habang naroon ay bigla na lang silang paputukan ng ilang mga kalalakihang nakasakay sa isang kotse. Mabuti na lang at maagap silang napaupo, at napakapag tago rin sa likod ng kanilang sasakyan. "Venice sumakay ka na sa kotse!" sigaw ni Jerome.
"Hindi na, umalis ka na, ako na ang haharap sa kanila, alam kong hahabulin din nila ako dahil naubos na ang oras ko para patayin ka Jerome, binigyan lang ako ng tatlong gabi at dalawang araw, kasama na ang gabing nagkakilala tayo, pero hindi ko nagawang mapatay ka, kaya ngayon ako naman ang hahabulin nila para patayin," paliwanag ni Venice.