Chapter 30
“What?” Callum snapped. “You’re happy now that I’m this miserable? Thank you for always making my life miserable, Mandy! You’re just an evil bitch! Do you know that? I really regret how and why I stupidly fell for you in the past.”
“You were deceived by me, yes. I’m so sorry, Callum. Pero nandito ako para sabihin ‘yon sa ‘yo dahil nakonsensiya naman ako sa ginawa ko. I-I just thought we could just simply pick up where we left off.”
“Now, you’re the stupid one, aren’t you?” he mocked. “How can we even pick up where we left off? I practically threw you away like rotting garbage, and I don’t want anything to do with you!”
Napatawa ito nang mapakla. Napahiya. “Right. At ayokong magpakatanga pa. So, I’ll talk to Daneris if—”
“Don’t! Don’t you ever come near her again! And don’t you ever speak to her again!” babala niyang dinuduro ito.
Napalunok ito at tumango nang marahan. “Okay, fine. It’s between you and her. I get that. Now.” Ilang saglit silang nagkatitigan at tumalikod na ito nang wala man lang paalam.
Inis niyang sinundan lang ito ng tingin.
“So, ano na ang gagawin mo ngayon, Cal?” tanong ni Peter sa kanya pagkatapos ng ilang saglit.
Napalunok siya. “Pupunta ako sa talyer.”
Huminga nang malalim si Peter at napatango-tango. “Yeah, you should.”
***
Nagkukulong sa bahay si Dani ilang araw pagkatapos ng huling tagpo nila ni Callum. Nag-resign na rin siya sa call center na immediate ang effectivity. Nalaman niya kasing pumunta roon si John Mark.
Miss na miss na niya si Callum. Kahit na masasabing ilang araw na ang nakalipas simula noon, para sa kanya ay parang kahapon lang iyon at nakikita pa niya ang nag-aapoy nitong mga mata. Pero sa kabilang banda ay parang matagal na rin dahil sa sobrang miss na niya ito.
‘Tama. Kinamumuhian na niya ako. Natunaw na ang pagmamahal na sinasabi niya dahil sa galit niya. Hinding-hindi niya kami mapapatawad ni Tatay kahit kailan. Kailangan ko nang tanggapin iyon kahit mahirap,’ anang isip niya.
‘Magiging okay ka rin pagdating ng araw, Dani. Tingnan mo lang bukas o sa makalawa,’ pilit na pinasigla niya ang sarili.
‘’Di ba ‘ika nga nila, parang gulong ang palad ng tao? Hindi ako magiging stagnant. Hindi ako patuloy na ganito. Magiging okay rin ang lahat sa tamang oras.’
Nakatitig siya sa TV nang wala naman sa sarili. Hindi niya nakuha kung ano ang nakatatawa sa comedy movie na pinapanood. Nakatupi ang kanyang mga tuhod na nakapatong sa mahabang sofa at hawak ng isang kamay ang isang container ng Rocky Road flavor na ice cream.
‘Huh! Bakit ang ironic naman ng pangalan ng ice cream na ‘to? Hindi bagay, eh! Dapat kasi Sweet Road! Ang tamis, eh!’ Parang may grudge pa siyang kumain ng isang kutsara. Lumamon siya nang lumamon.
Sinulyapan niya ang laptop na nakabukas sa tabi niya. Inilapag niya ang ice cream sa harap niya, sa ibabaw ng mababang coffee table.
Nag-browse siya sa bend-over. com site. Napabuntong-hininga. Napaisip siya kung i-a-activate niyang muli ang account niya roon o hindi kahit na hindi naman niya talaga kailangan. Malaki rin ang naipon niya dahil sa kita ng X-Rave bilang bonus.
Napanguso siya at binigyan ng matalim na tingin ang adult site. Naalala niyang kinontak siya ni Peter sa pamamagitan nito. Kung bubuksan niya ulit ang account niya ay baka naman kokontakin siya ni Callum at sasabihin nitong i-delete na niya iyon nang tuluyan.
“Wishful thinking, Dani! How you wish!” she mocked herself. “Hinding-hindi ‘yon kokontak sa ‘yo. Manigas ka!”
Ngumiwi siya. Kahit papaano, nasasayangan siya sa perang nawala sa kanya dahil naka-deactivate na ang account niya. Dolyares din iyon.
Napahugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan iyon. Humiga siya nang paharap sa TV. Kahit hindi sinadya ay napatulo na lang nang basta ang luha niya. Hindi rumehistro sa utak niya ang nakikita niyang nakatatawa sa TV. Ang akala niya noong binuksan ang idiot box na mapapasaya siya nito pero hindi pala. Ang isip niya ay na kay Callum pa rin.
Paulit-ulit ding sinaksak ang puso niya dahil sa nakitang galit sa mata nito at hindi niya iyon makalilimutan kahit kailan. Sa katunayan nga ay wala siyang magandang tulog simula noon dahil dinadalaw siya ng masamang panaginip at si Callum ang laman niyon. Nag-aapoy ang isang mata nito at dinuduro siya saka sinabi nitong kinamumuhian siya nito. Kapag ganoon ay napapabalikwas siya sa kanyang higaan at napapaiyak na lang.
Halos mapabalikwas siya mula sa sofa nang may narinig na kumatok sa pinto. Pinahid niya kaagad ang luha. Ayaw niyang makita ng ama na malungkot pa rin siya kahit na alam nitong iyon naman talaga ang nararamdaman niya hanggang ngayon.
Napasulyap siya sa wall clock. Mukhang maagang nagsara ng talyer ang ama. Alas-kuwatro pa lang kasi. Wala yata itong kustomer. At teka, nakalimutan na naman ba nito ang susi kaya kumakatok ito ngayon?
“’Tay, bakit kasi palagi mo na lang nakakalimutan ang su—” Binuksan niya ang pinto.
Natigil naman siya sa pagsasalita nang hindi ang ama niya ang nabungaran kundi si Callum. Nalaglag ang panga niya at ilang ulit din siyang napakurap-kurap. Baka kasi mawala itong bigla sa paningin niya kapag ginawa niya iyon. Ayaw niyang ma-disappoint. Baka nangangarap kasi siya nang gising. Bakit naman hindi? He looked so damned good! He smelled so nice just like she always remembered him. He seemed to have taken care of himself very well these past few days, whereas she… well, hindi man lang nag-aayos sa sarili sa araw na ito. ‘Di pa nga siya nakaligo. Ang salamin lang ang makapagsabi sa kanya kung gaano kagulo ang buhok niya ngayon at nangingintab ang mukha niya dahil walang pulbo o makeup ni lipstick. ‘Di pa nga siya nakapaghilamos dahil galing siya sa pag-iyak.
“Hi, Dani,” mahinang bati ni Callum sa kanya. May alanganin itong matipid na ngiti sa labi.
God, she must be dreaming! Sinampal-sampal pa niya ang sariling pisngi.