CHAPTER 8: POSSESSIVE

Giana’s POV

“Ang aga mo namang gumising, Queen Luna,” sambit ni Warren nang makita niya akong bumababa ng hagdan.

He was holding a clipboard in his left hand while a stop watch was in his other hand. Siya kasi ang mangangasiwa sa gagawing training ngayon.

“Plano kong sumali sa training ngayong araw,” saad ko. “And please, huwag mo akong tawagin ng ganiyan at mate ka ng kaibigan ko. You’re free to call me Giana.”

Ngumiti siya sa akin. “Okay, Giana.”

Naglakad na kami patungo sa training ground dahil alas-kuwatro y media ang simula ng training.

“Nga pala, nasaan si Zivara? Masipag din mag-ensayo ‘yon katulad ko kaya inasahan kong maaga rin siyang gigising. Tulog pa ba siya?” nagtatakang tanong ko.

Bigla siyang napatikhim at nang tumingin ako sa kaniya ay nakita kong kagat niya ang pang-ibabang labi. Nang bumaling siya sa akin at nagsalubong ang mga mata namin ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Oh…

Namilog ang labi ko ng may pumasok na ideya sa utak ko. Unti-unting namula ang mukha niya kaya hindi ko na naiwasang matawa ng malakas dahil hindi ko inaasahang mahihiya siya sa akin.

They already did that thing. They have already completed the mating process.

Tinapik ko ang likod niya dahil hindi na yata siya humihinga. “Don’t hurt her, okay? Para ko na siyang kapatid kaya talagang mapapatay kita kapag umiyak ‘yan ng dahil sayo.”

“I promise, Giana. I will love and protect her as long as I live,” he said.

Napangiti ako habang tinitingnan ang mga emosyon na naroon sa mga mata niya habang iniisip niya ang kaibigan ko. Siguro ay ito na ang kapalit ng paghihirap na naranasan ni Zivara sa buhay niya. Mahal na mahal siya ng mate niya at alam kong magiging masaya ang pagsasama nila. Bilang kaibigan ni Zivara at Queen Luna nila, poprotektahan ko ang kaligayahan nilang dalawa kahit na ano pa ang mangyari.

“Tulog pa ba si Xavier?” tanong ko sa kaniya.

“I can’t mind link him so maybe he’s not awake yet,” aniya. “But last night he went for a run to get some air because his wolf was bothering him. May kinalaman ka ba kaya tungkol doon?” salubong ang kilay na tanong niya.

Siguro ay kinukulit siya ni Tim tungkol sa halikan na nangyari sa amin ni Xavier kahapon sa meeting room.

“Siguro,” ‘yon na lang ang nasabi ko.

When we arrived at the training ground, everyone stood up straight when they saw us. Dahil madilim pa nakasindi ang apat na outdoor projector lights sa apat na sulok ng training ground.

Iginala ko ang paningin sa mga naririto. Marami na sila at halatang handa na silang lahat. Ang ilan pa sa kanila ay hula kong kailan lang noong mag-shift dahil ang babata pa ng mga itsura.

“The Luna Queen will be joining us in our training today and I hope all of you are okay with that.” He said in a serious tone and everyone nodded. “Para sa mga baguhan pa lamang, humiwalay kayo sa mga pack warriors dahil iba ang magiging training ninyo.”

Agad na humiwalay ang mga baguhan at nakatayo na sa kanang gawi namin. Halos pantay lang ang dami nila sa mga ganap ng pack warriors.

“Para naman sa inyo, tatawag ako ng dalawa na siyang maglalaban sa gitna hanggang sa may sumuko sa inyong dalawa. Ganoon ang mangyayari sa inyong lahat hanggang sa may maiwang isa. Hindi ito para malaman kung sino ang pinakamahusay at pinakamahina. Gagawin natin ito para makita ninyo kung saan kayo nagkulang at kung ano ang estratehiya na kailangan ninyong gawin o baguhin ng sa gayon ay hindi kayo madaling matalo sa mga darating na labanan natin sa kahit na sino.” Mahabang paliwanag niya sa mga pack warriors.

Umupo na muna ako sa bench na gawa sa kahoy habang patuloy na nagpapaliwanag si Warren tungkol sa magiging takbo ng training. Nabanggit niya na may sampung minuto ang bawat pares na maglaban hanggang sa may sumuko na nga. Ang unang limang minuto ay maglalaban sila sa human form nila at ang lima pang minuto ay sa wolf form naman nila. Kung nagkataon man na walang sumuko sa dalawa sa loob ng sampung minuto na ‘yon ay ititigil ang laban at mapapalitan ang pares nila sa susunod na laban nila.

Hindi rin nagtagal ay sinabi niyang maglagay ng pabilog na space sa gitna at mabilis na gumilid ang lahat para sundin ang sinabi niya.

“Tito Ernold, ikaw na ang bahala sa kanila,” sabi ni Warren at itinuro ang mga baguhan sa isang lalaki na lumapit sa amin.

Biglang napatingin sa akin si Ernold at ngumiti sa akin. “Natutuwa akong makita ka ngayon, Luna Queen. Ako si Ernold at pamangkin ko si Warren,” aniya.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik at tumayo para maglahad ng kamay sa kaniya na agad niya namang tinanggap. “Ikinagagalak kitang makilala, Ernold.”

Pagkatapos naming magpakilala ay ipinaalam niya ang sarili dahil siya ang mag-eensayo sa mga baguhan.

“Renzo, Akiel, kayo ang mauuna,” sambit ni Warren habang nakatingin sa papel na nakalagay sa clipboard na hawak niya.

Umupo siya sa tabi ko habang naglalakad ang tinawag niya papunta sa gitna. Tinitingnan ko ang bawat mukha ng tinatawag niya para kung sakali man na makasalubong ko sila sa mga susunod na araw ay alam ko ang itatawag ko sa kanila.

“Ready,” sabi niya at pumusisyon na ang dalawa para maghandang lumaban. “Go.”

Ang lalaki na nagngangalang Akiel ang unang sumugod sa kanilang dalawa. Nang makalapit siya ay tinangka niyang sipain sa leeg si Renzo ngunit mabilis naman nitong sinangga ang atake niya gamit ang kanang braso. Pareho silang mabilis kumilos. Ilag dito, ilag doon. Suntok dito, suntok doon. Sipa rito, sipa roon.

Nagtangkang sumuntok si Akiel kay Renzo na mabilis nitong inilagan ngunit mabilis siyang umikot at sumipa at natamaan ito sa tagiliran. Napaatras siya sa lakas nito at napangiwi.

Nagtuloy-tuloy ang laban nila hanggang sa tapos na ang limang minuto at nag-shift na sila. They fought each other in their wolf form until Akiel won when Renzo submitted.

Muling nagtawag ng dalawa si Warren at naglaban ito sa gitna hanggang sa may matalo. Tahimik lang akong nanood sa lahat nang naglalaban sa gitna ng training ground hanggang sa isang oras na ang lumipas. Dahil masyado silang marami at halos karamihan sa kanila ay nagagamit ang sampung minuto nila sa labanan ay inirekomenda kong apat na pares ang maglalaban ng sabay.

“Luna Queen, gusto mong ikaw na?” bilang tanong sa akin ni Warren.

“Sino ang partner ko?”

Tiningnan niya ang mga pangalan na nakasulat sa papel at salubong ang kilay na naghahanap ng ipapares sa akin. Nang mainip ako ay nagsalita ako.

“Patingin nga,” sabi ko at agad naman niyang iniabot sa akin ang clipboard.

Lahat ng natapos na ay may check sa tapat ng kanilang pangalan at ang mga nanalo ay may letrang “w” na nakasulat sa tabi nito.

“Who’s Sandler?” I asked.

Tumingin ako sa kanila at nakita kong nakatingin silang lahat sa iisang direksyon. Nang sundan ko ‘yon ng tingin ay nakita ko ang isang lalaki na medyo hawig ni Warren.

“He’s my cousin. Anak siya ni Tito Ernold,” biglang sambit niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. “Hindi mo alam pero simula noong napanood niya kayong mag-training ni Zivara rito ay naging fan mo na siya. Palagi niyang sinasabi kung gaano kayo kahusay na dalawa ng kaibigan mo at kahit na hindi ka raw nags-shift ay malakas ka pa rin.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Bumaling ako sa kaniya at nagtanguhan kami bago ako naglakad papunta sa gitna.

“Ang suwerte naman niya at nagkaroon siya ng pagkakataong makalaban ang Luna Queen natin,” rinig kong bulong ng isa sa kanila nang huminto na ako sa gitna.

Naglakad na rin siya palapit sa kinaroroonan ko at talagang hindi niya inalis ang paningin sa akin. Nang makalapit ay bahagya pang yumukod para sa akin.

“I’m Sandler Trimon, Luna Queen,” he politely introduced himself. “It’s an honor for me to be your training partner today.”

I extended my hand to him for a hand shake and he quickly accepted it. “Nice to meet you, Sandler. Please give all your best while fighting me.”

We put some space between us and waited for Warren to give the signal. Hindi rin nagtagal ay ibinigay na niya ‘yon at mabilis na sumugod sa akin si Sandler. Umawas ako sa mga suntok na biglang pinakawalan niya.

Napangisi ako dahil talagang ibinibigay niya ang lahat ng makakaya niya ngayon. Alam kong isang mali ko lang ay matatamaan niya ako at sigurado kong magiging masakit ‘yon.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umilag sa bawat suntok at sipa na pinapakawalan niya. Nang maumay na ako sa pag-iwas ay umikot ako at sinipa siya sa tagiliran. Hindi niya inasahan na aatake na ako kaya hindi niya ‘yon napigilan at natamaan ko siya.

He groaned. Hindi ako nagsayang ng oras at ako naman na ang umatake sa kaniya at ngayon ay siya naman itong salag nang salag. Ilan sa mga atake ko ay tumatama sa kaniya at palagi siyang napangingiwi.

Napaigik ako nang tumama sa balikat ko ang isang suntok na pinakawalan niya. Ngumisi siya sa akin at mahina akong natawa pero mabilis na nagseryoso at hindj kagaya kanina ay mas mabilis na ang mga atake ko na halos karamihan na ay tumatama sa kaniya dahil hindi niya masundan ang kilos ko.

When he lunged at me again I faked a kick and he prepared himself to block it but I bent down and aimed at his feet and he fell to the ground. Hindi pa siya naka-rerecover sa atake ay nasa ibabaw na niya ako, nakatutok ang kamay sa mukha niya na para bang may hawak akong dagger at handa na siyang saksakin sa mukha.

“Sumusuko na ako,” hinihingal na sambit niya.

Tahimik ang buong paligid pero biglang pumalakpak ang lahat pagkatapos sabihin ‘yon ni Sandler. Nakatingin siya sa akin na para bang hangang-hanga siya sa akin pero nakita ko na mabilis na nawalan ng pokus ang mga mata niya hanggang sa may makita akong takot mula roon.

“Umalis ka na sa ibabaw ko, Luna Queen. Ayaw ko pang mamatay,” sabi niya at nagsalubong ang mga kilay ko.

It wasn’t long before we heard a loud growl. Napatingin ako sa pinagmulan ng ingay na ‘yon at nakita ko si Xavier na may madilim na ekpresyon sa mukha. Mabilis siyang naglakad palapit sa kinaroroonan namin at ng nasa tapat na namin siya ay bigla niya akong hinila patayo at mahigpit na niyakap.

“Mine!” he growled.

Umawang ang labi ko dahil sa nangyayari. “Ano ka ba, Xavier. Nag-eensayo lang kami rito. Alam nilang pagmamay-ari mo ako,” sabi ko sa kaniya.

“They know you’re mine but I haven’t marked you yet so you can’t stop me from being possessive of you,” he said while his eyes were black, a sign that his wolf had some control over his body. “You don’t know but my patience is tested every time I see you surrounded by many unmated werewolves.”

Inilayo ko ang mukha ko para tingnan si Warren at hindi pa ako nakapagsasalita ay mukhang nakuha na niya ang gusto kong sabihin at tumango siya sa akin. Hinawakan ko sa braso si Xavier at hinila siya paalis doon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi siya umiimik habang hila-hila ko siya.

Hindi nagtagal ay napatigil ako sa paglalakad nang bumungad sa paningin ko ang isang clearing kung saan ay may isang talon at hindi kalayuan ay may isang magandang maliit na bahay.

Nalaglag ang panga ko sa ganda nang nakikita. Binitawan ko ang pagkahahawak sa kaniya at lumapit sa gilid ng watefall lake.

Umiling ako. Hindi ko siya dinala rito para titigan ang buong paligid kundi pag-usapan ang nangyari kanina.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at bumuntong-hininga muna ako bago nakapameywang na humarap sa kaniya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at nakita kong bumalik na ‘yon sa dati nitong kulay.

“Bakit ka gumawa ng ganoon na eksena roon, Xavier?” seryosong tanong ko sa kaniya.

“Nagising akong pagod na pagod, Giana. Nababaliw ako dahil sa nangyari roon sa meeting room. Idagdag mo pa na nakikipaglaban ng kontrol si Tim at gusto ka ng angkinin. I am the Alpha King so controlling my wolf requires great patience and restraint. Kaya nang makita kita na naroon sa ibabaw ni Sandler ay nagwala siya sa isipan ko hanggang sa nagkaroon siya ng kontrol sa katawan ko.” Mahabang paliwanag niya. Ngayon na tinitigan ko siya ay nakita ko na para siyang hindi nakatulog ng isang buong taon.

Bumuntong-hininga ako. “We’re just training, Xavier.”

“I know. Pero sadyang hindi lang maganda ang gising ko at ganoon pa ang posisyon niyo nang hanapin kita pagkatapos kitang hindi makita sa kuwarto mo.” Humugot siya ng malalim na hininga at malakas ‘yon na pinakawalan bago muling nagsalita. “Giana, expect that there will be many times when I will be possessive of you, especially since we haven’t started the mating process yet. You’re mine, but I still won’t be satisfied until my mark is placed on your neck and everyone can see that you belong to me, the Alpha King.”

“Then mark me, Xavier,” sabi ko at para siyang napako sa kinatatayuan pagkatapos marinig ‘yon.