CHAPTER 9: MARKED

Giana’s POV

Hindi siya gumalaw at nanatili lang na nakatitig sa akin na para bang pinoproseso pa lang ng utak niya ang sinabi ko. Ilang minuto ay mariin siyang napapikit, siguro ay nag-uusap sila ngayon ni Tim.

Maya-maya ay bigla siyang umiling bago muling tumingin sa akin.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. “I’m sorry, Giana. Don’t force yourself. You want us to take things slow, right?” Inalis niya ang tingin sa akin at ibinaling ‘yon sa talon. “I… I want to respect that decision of yours so I will try harder to control myself and Tim until you are really ready for that. That’s why don’t force yourself if you really don’t want to.”

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya at nakita ko kung ilang beses na nagbago ang kulay ng mga mata niya. Umigting ang panga niya at halos magsilabasan ang ugat sa noo at leeg niya, mukhang nag-aaway na naman sila ni Tim.

Kumuyom ang mga kamao ko. He’s having a hard time because of me. Masaya ako araw-araw dahil nagkakaroon ako ng oras na makasama siya at makausap. Samantalang siya ay masaya rin ngunit parang isang pagsubok sa kaniya ang makatabi ako dahil kailangan niyang kontrolin ang sarili niya at ang lobo niya sa mga bagay na kadalasang nangyayari kaagad kapag nagkita na ang dalawang nakatadhana para sa isa’t-isa.

Ano nga ba ang dahilan ko kung bakit sinabi kong dahan-dahanin muna namin ang lahat ng bagay? Dahil sa natrauma ako sa nangyari sa akin noon sa sarili kong pack? Dahil sa natatakot ako na masaktan kaya inoobserbahan ko na muna siya kung magagawa niya ba ‘yon?

Simula pa noong unang araw na nagkita kami ay para na niyang ipinakita na tanggap niya ako dahil tinawag niya akong mate sa harap ng pack members sa Crozzo Pack. Hindi niya rin ako pinilit sa ano mang bagay at hinahayaan niya akong magdesisyon para sa sarili ko. Kung may pagkakataon man na makakausap ko ang sarili ko noong panahon na hiniling ko na makita na ang itinadhana ng Moon Goddess para sa akin, alam ko na ang sasabihin niya sa akin ay maging masaya ako dahil nagkatotoo ang hiling ko na maranasang mapahalagahan at maituring ng maayos bilang isang mate.

Gusto ko na lang matawa dahil mukhang hindi magkakatotoo ang sinabi kong dahan-dahanin muna namin ang ilang bagay sa pagitan naming dalawa. Mukhang malakas ang hila ng mate bond namin at hindi ko siya matiis. Madalas na rin ang mga araw na nais ko siyang makasama bawat minuto at segundo.

I sighed. Ikinalma ko ang nakakuyom kong mga kamao at nagsimula nang maglakad palapit sa kaniya. Tumayo ako sa mismong harapan niya pero hindi niya ako tiningnan at nanatiling nakatitig sa talon.

“Xavier, look at me,” sabi ko pero hindi niya ginawa. “Xavier,” muling tawag ko pero walang pinagbago.

I sighed again. Inangat ko ang kamay ko at mabilis kong hinawakan ang kuwelyo niya. Malakas ko siyang hinila at walang sabi-sabing hinalikan siya. Nanlalaki ang mga mata niya ngayon na nakatitig sa akin dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya. “Mark me, Xavier. Okay lang sa akin kaya huwag kang mag-alala,” sabi ko sa pinakamalambing na boses na kaya ko.

“Love…” mahinang sambit niya at marahang ipinulupot ang mga braso sa akin. “Ayaw kong markahan ka kung naaawa ka lang dahil sa sitwasyon ko.”

Umiling ako. “Hindi ng dahil doon kaya sinasabi kong markahan mo na ako, Xavier. Gusto ko lang ipakita na tanggap kita bilang mate ko. Kahit ‘yon man lang ay magawa ko para sayo at kay Tim.” Lumambot ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya. “Come on, Xavier. Mark me, my mate.”

Pagkatapos kong magsalita ay hindi siya nagsayang ng segundo at mabilis akong sinunggaban ng halik. He kissed me passionately and aggressively at the same time. Mukhang nagsilbing gasolina sa nagsisimula ng apoy ang pagtawag ko ng mate sa kaniya.

Hinalikan ko siya pabalik at humigpit ang yakap niya sa akin. Maya-maya ay hinawakan niya ang batok ko at mas lalo niyang pinalalim ang halik. I bit his lower lip and he groaned. I gasped when he suddenly grabbed the back of my thighs and lifted me up. I quickly wrapped my legs around his waist and I couldn’t help but moan when I felt his stiff manhood against my private part.

“Fuck!” he cursed as he pushed his tongue inside my mouth and explored it hungrily.

Naramdaman kong naglalakad siya patungo sa kung saan hanggang sa inihiga niya ako sa malambot na kama at pumaibabaw sa akin.

“Xavier…” I moaned when he began to trail kisses down my neck.

He suddenly cupped my breast and gently massaged it. Sa kabila ng gulat ay hinayaan ko lang siya sa ginagawa.

Bigla niyang inilapit ang bibig sa tenga ko at mahinang kumagat doon. “I can smell your arousal, love…” he whispered.

Muli niya akong hinalikan sa labi ko pero hindi kagaya kanina na agresibo. He kissed me slowly and carefully. Hanggang sa bumaba ‘yon papunta sa leeg ko.

Para akong mababaliw dahil kahit na may mga saplot pa rin kami ay nag-iinit ang katawan ko dahil paminsan-minsan ay nararamdaman kong nagdidikit ang pribadong mga parte namin.

Bigla siyang sumipsip sa parte ng leeg ko kung saan niya iiwan ang marka niya at mabilis akong napahawak sa buhok niya. I shuddered when I felt his extended canines scratch my skin.

“Are you really okay with this?” he asked. “Tell me if you don’t want us to continue and I’ll stop.”

I ran my fingers through his hair. “Just mark me already, Xavier,” naghahabol ng hininga na sabi ko.

After hearing what I said, I felt his sharp canines pierce my skin. The pain made me cry out but it only took a few seconds before it turned into pleasure and I moaned. Hindi siya gumalaw ng ilang segundo bago niya inalis ang pagkakagat sa akin. Dinilaan niya ‘yon para linisan at para mabilis ‘yon na maghilom.

Pagkatapos niya akong markahan ay mabilis na nanghina ang katawan ko at bumigat ang mga talukap ko.

He inhaled my scent and kissed the mark he gave me. “Sleep, mate.”

Bago ko hinayaan ang sarili ko na matalo ng kaantukan ay nakita ko kung gaano kalambot ang mga mata niya habang nakatitig sa marka na ibinigay niya sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti dahil alam kong napasaya ko siya bilang mate niya.

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Mabilis akong napamulat ng mata dahil nakaramdam ako ng matinding kuryente ng sunod niyang hinaplos ang pisngi ko.

Agad kong nakita si Xavier na nakahiga sa tabi ko at nakatitig sa akin. Nakatukod ang siko niya sa kama habang ang ulo niya ay nakapatong naman sa kamay. Nang makita niyang gising na ako ay malapad siyang ngumiti sa akin.

“Good evening,” he greeted. He kissed me on the forehead and I was stunned by the intense spark I felt and his eyebrows met in confusion at my reaction. Maya-maya ay biglang nawala ang kislap sa mga mata niya. “Did I surprise you, love? I’m sorry for kissing you suddenly.”

He was surprised when I took his hand and placed it on my cheek. I gave him a warm smile. “It’s okay, Xavier. You don’t have to apologize just because of that. I was just a little surprised because the spark I felt when you touched my cheek was stronger than when you hadn’t marked me yet.”

Ang kislap sa mga mata niya ay muling nagbalik dahil sa sinabi ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at napapikit ako. Napamulat lang ako nang alisin niya ang kamay niya roon para umayos ng higa at marahang binuhat ang ulo ko para ipagamit na unan ang braso niya sa akin. Samantalang ang isa naman ay iniyakap niya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa katawan niya.

“Anong oras na?” tanong ko sa kaniya.

“It’s half past eight,” he answered.

Kung ganoon ay mahigit kalahating araw akong tulog. Hindi lingid sa kaalaman ko na talagang nakawawala ng lakas kapag minarkahan ka na ng mate mo, pero hindi ko inaasahan na ganoon katagal akong mawawalan ng malay.

“Are you hungry?” tanong niya naman sa akin at tumango naman ako. “Okay, love. Hintayin mo ako rito at kukuhanin ko lang ang pagkain sa kusina na ipinahatid ko kanina rito.”

Iniangat ko ang ulo ko para maalis niya ang braso niya at agad siyang bumangon at bumaba ng kama. Minsan pa siyang tumingin sa akin bago siya naglakad palapit sa pinto at binuksan ‘yon para lumabas.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umusog palikod hanggang sa makasandal ako sa headboard ng kama. Habang hinihintay siya ay inabala ko ang sarili sa paglilibot ng tingin sa buong sulok ng kuwarto. Hindi malawak ang kuwarto dahil nga maliit lang ang bahay ngunit napakaganda nito kahit na simple lang ang disenyo. Siguro ay ipinatayo niya ito bilang lugar para makapagpahinga siya tuwing may problema siya o kapag pagod siya sa trabaho niya bilang Alpha King.

Hindi nagtagal ay dumating na siya sa kuwarto habang may bitbit na bed tray at nasa ibabaw nito ang mga pagkain. Maingat niya itong inilapag sa harapan ko.

Ang pagkain na nasa tray ay grilled beef steak na may garlic butter mushrooms at french fries sa gilid nito. Nahiwa na rin ang steak kaya poproblemahin ko na lang kung paano ko uubusin ang lahat ng ito. Mayroon na rin isang baso ng tubig na kasama.

“Kumain ka na,” aniya. “May iba ka bang gustong kainin? Sabihin mo sa akin at para maipahatid ko rito.”

“Okay na okay na ako rito,” sabi ko at hinawakan ang tinidor at tumusok ng isang hiwa ng steak. Isinubo ko ‘yon at ngumuya nang ngumuya at habang ginagawa ko ‘yon ay tahimik siyang nakatitig sa akin kaya medyo naiilang ako.

“Kumusta? Nagustuhan mo ba? Masarap ba?” tanong niya.

Tumango ako. “It’s delicious,” I replied. “Hindi ka pa ba kumain at tinatanong mo kung masarap ba?” tanong ko naman sa kaniya.

“Kumain na ako kanina,” tugon niya. “Tinatanong lang kita dahil baka subuan mo ako.”

Tinaasan ko siya ng kilay nang ituro niya ang labi niya bago ngumanga. Napailing na lang ako at tumusok ng isa at sinubuan siya. Ngayon ay nakangisi na siyang ngumunguya.

Naubos ko agad ang pagkain dahil ilang beses siyang nagpasubo sa akin. Hindi na lang ako nagreklamo dahil baka hindi ko rin kayang ubusin lahat.

“You just woke up so you definitely don’t want to go back to sleep right now.” He said as he picked up the bed tray. “There’s a place I want to show you. Do you want us to go there?”

“Where?” I asked.

“On the northern border of the pack. To the place where Dad used to take me when I was young.” He answered.

Bumaba ako sa kama at tumingin sa kaniya.” “Let’s go,” sabi ko at nakangiti siyang tumango.

Sabay kaming lumabas sa kuwarto. Naglakad siya papunta sa kusina habang bitbit ang bed tray samantalang huminto ako sa sala. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko ang salamin na hugis bilog na nakasabit sa dingding. Naglakad ako palapit doon para tingnan ang sarili ko.

Nang nasa harapan na ako ng salamin ay agad kong tiningnan ang leeg ko at nakita ko agad ang marka ni Xavier doon. I raised my hand to touch it. It was a crescent moon shaped mark and right next to it was his name.

“Thregor Xavier Cartelio,” basa ko rito.

Bigla kong nakita ang repleksyon ni Xavier sa salamin na naglalakad palapit sa akin at niyakap ako mula sa likod.

It’s beautiful.

“Yeah. Bagay na bagay sayo,” biglang sabi niya at nagulat ako. He chuckled. “I already marked you that’s why I can hear your thoughts, love.”

“Oh, right,” sabi ko. “How to close it?”

He kissed my shoulder. “Just imagine that there’s a big wall blocking your mind.”

Madali lang pala. Dahil ayaw kong marinig niya ang iba pang iniisip ko ay ginawa ko na agad ang sinabi niyang paraan.

“Tara na sa lugar na sinasabi mo,” sabi ko pagkatapos kong titigan ng matagal ang marka na nasa leeg ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “I know you’ll love that place,” he said and gave me a warm smile before we walked out of the house together.