CHAPTER 7: CAN I KISS YOU?

Giana’s POV

“Bakit kailangan kong magsuot ng ganito?” tanong ko sa kaibigan ko habang nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin.

Kanina ay nakasuot na ako ng damit na may mahabang manggas at pants gaya ng palagi kong suot araw-araw. Pero nang dumating si Zivara sa kuwarto ko na nakaayos mula ulo hanggang paa ay sinabi niyang magpalit ako. Ngayon ay nakasuot na ako ng black long sleeve dress. May square neckline ito at hapit na hapit sa katawan ko kaya medyo naninibago ako. Kailangan ko na ring mag-ingat sa paglalakad dahil pinasuot niya rin ako ng heels.

“Ipapakilala ka ng mate mo mamaya sa mga Alpha at Beta, Giana. Kaya kailangan mong mag-ayos para naman kaaya-aya kang tingnan at para naman mukha kang mate ng isang Alpha King.” Mahabang saad niya at sinenyasan ang dalawang maid na nakatayo malapit sa pinto. “Don’t put too much make up on her, Rizi. Dapat ay magmukha itong natural sa kaniya. Sa buhok niya naman ay ikaw na ang bahala, Merin.”

“Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting, Zivara. Kung aayusan pa nila ako ay baka wala pa tayo roon kapag nagsimula na ang meeting. Kaya halika na, pumunta na tayo.” Maglalakad na sana ako ay hinarangan niya ako at iniikot. Itinulak niya ako at pinaupo sa upuan na nasa harap ng vanity table.

“You’re the Luna Queen, puwede kang malate ng ilang minuto. Saka sinabihan ko na si Warren na hindi tayo agad makararating doon kaya huwag kang mag-alala at hayaan mong ayusan ka ng dalawang ito,” sabi niya at wala na akong nagawa dahil kung nakamamatay lang ang tingin, baka patay na ako ngayon dahil sa paraan niya nang paninitig sa akin mula sa salamin.

Hinayaan ko ang dalawang maid sa mga ginagawa nila sa mukha at buhok ko. Habang naghihintay na matapos sila ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon nina Alpha Gernard at Dad kapag nakita nila ako at malaman na ako ang magiging Luna Queen nila.

“Damn… You’re beautiful, Giana,” namamanghang sabi ni Zivara nang matapos na akong ayusan ng dalawa.

I stared at my reflection in the mirror. My brown long hair was tied up into a bun and a crystal pearl flower hair clip was attached to it. The make up looks so natural that’s why I like it. Hindi ako mapaniwala na ganito pala ang magiging itsura ko kapag naayusan ng tama.

“Thank you for your help, Rizi and Merin. You can go now,” rinig kong sabi ni Zivara sa dalawa habang abala pa rin ako sa paninitig sa sarili ko. “Alam mo, Giana, sa sobrang ganda at sexy mo ngayon ay baka hindi mapigilan ni Alpha King Xavier ang sarili niya at mahalikan ka. Baka nga mamarkahan ka niya ng wala sa oras niyan dahil gusto niyang ipakita na sa lahat na pagmamay-ari ka niya.”

Sa sinabi niya ay bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Xavier kahapon. Nakahihiya dahil mukha na akong kamatis sa mga oras na ‘yon dahil sa ibinulong niya sa tapat ng tenga ko. He also said that with a seductive voice that really made my heart flutter.

Napailing ako. “Tara na dahil kung ano-ano na ang nasasabi mo,” sabi ko at dahil ayaw ko nang makarinig pa ng katulad nang sinabi niya ay nauna na akong lumabas.

Fucking heels. Sumasakit ang paa ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Pero para lang maayos akong tingnan mamaya gaya ng kagustuhan ng kaibigan ko ay titiisin ko. Sana lang ay hindi ako mabalian ng buto sa paa hanggang mamaya.

“Has the meeting already started?” I asked.

Hindi agad nakasagot si Zivara, siguro ay mina-mind link niya si Warren para magtanong.

“Yeah. Fifteen minutes ago,” she replied.

Binati kami ng lahat nang nakasalubong namin nang makababa kami ng hagdan dahil nasa ikalawang palapag ang meeting room. Tumango lang ako sa kanila samantalang binabati naman sila pabalik ni Zivara.

Nang makarating kami ay hindi na ako nag-abalang kumatok pa at binuksan na ang pinto.

“Did you notice anything unusual about the rogues?” Xavier’s face was serious as he asked the question. Nawala lang ‘yon nang napatingin siya sa kinaroroonan ko.

All eyes were on us as we walked in. Warren immediately stood up from his seat and helped Zivara to sit in the empty seat next to him. Katabi nila si Alpha Garred at Beta Zach.

Samantalang ako naman ay naglakad papunta sa kanang bahagi ng mesa kung nasaan ang upuan na nararapat lang para sa Luna Queen. Nang makaupo na ako ay tumingin agad ako kay Xavier at nakitang nakatitig siya sa akin. My entire body seemed to be on fire under his intense gaze. Nawala lang ang buong atensyon sa amin ni Zivara nang magsalita ang isang naririto. Kahit matagal na akong wala sa Olive Pack ay kabisadong-kabisado ko pa rin ang boses niya.

“At bakit nandito ang rogue na ‘yan at nakaupo pa talaga sa upuan na ‘yan? Basta na lang din silang pumasok na dalawa rito ng hindi kumakatok,” seryosong sabi ni Alpha Gernard.

Si Zivara ay nalaman na nilang lahat agad na mate siya ni Warren sa unang hakbang pa lang namin papasok dito dahil sa katotohanang namarkahan na siya. Kaya may lakas ng loob magsalita si Alpha Gernard at tawagin akong rogue dahil wala pa siyang kaalam-alam.

Tumingin ako sa kinaroroonan niya at tinitigan siya ng diretso sa mga mata. Nasa kabila sila ng mesa at nasa bahaging gitna. Lumipat ang tingin ko sa nasa kaliwa niya at doon ay nakita ko si Dad na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“Are you stupid?” tanong ko kay Alpha Gernard at ibinalik ko sa kaniya ang paningin ko.

“What did you say?” nanggagalaiting sambit niya.

I smirked at him. “Gaano ka na ba katanda Alpha Gernard at hindi ka na makarinig ng maayos?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. “I’m sorry, mahina lang siguro ang pagkasasabi ko. I’ll say it again so listen carefully.”

Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa at pinagsiklop ang mga daliri. Nangalumbaba ako at binigyan siya ng nakalolokang ngiti. Nagpipigil naman ng tawa ang kaibigan ko samantalang nakangisi sina Warren at Alpha Garred.

“Are you stupid?” pang-uulit ko at nakita ko kung paano hawakan ni Dad ang braso niya nang magtangka itong sumugod sa akin. “You are aware that this seat is only for the Luna Queen, right? Nakita mo akong umupo rito, pero tinatanong mo pa kung bakit?”

Biglang tumikhim si Xavier. “Everyone, this woman’s name is Morgiana Keyin Costello. From now on, remember her name and face because she will be your official Luna Queen after the Lunar Ceremony. So please talk to her with respect or else… I will kill anyone who disrespects her.”

Ang iba ay napasinghap sa gulat, ngunit karamihan sa kanila mas lalo na ang mga Luna ay nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang ilan pa sa kanila ay kumaway pa sa akin. Ngumiti rin ako sa kanila dahil natutuwa ako sa mga naging reaksyon nila.

Alam kong alam na ni Dad ang dahilan kung bakit dito ako umupo, pero nang marinig niya mismo kay Xavier na ako ang magiging Luna Queen nila ay hindi niya pa rin naiwasang magulat. Siguro ngayon ay nagsisisi na siyang itinakwil niya akong isang anak.

Tungkol naman kay Alpha Gernard, kulang na lang ay lalabas na ang mga mata niya sa sobrang gulat sa narinig na balita.

“Alpha King,” biglang tawag ni Zivara at nakahinga ako ng maluwag dahil maiiba na ang usapan. “Tungkol sa tanong mo kung may napansin bang kakaiba sa mga rogue, mayroon kaming napansin ni Giana bago pa kami nagkaroon ng koneksyon sa Crozzo Pack.” Pagbabahagi niya.

“What is it, Miss Zivara?”

“Dahil mga rogue kami ni Giana, nakatira kami sa gitna ng kagubatan. Para lang mabuhay ay araw-araw kaming nakikipaglaban sa mga rogue na nakasasalamuha namin. Isang milagro na lang kung wala kaming nakitang isang rogue sa isang araw.” Tumigil siya at tumingin sa akin bago siya muling tumingin kay Xavier. “But before the day the rogues attacked the Crozzo Pack, we noticed that no rogues showed up to us for an entire week.”

“It’s a sign that they’re up to something,” Alpha Garred said. “Sa tingin niyo ba ay ito na ang simula ng propesiya?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Propesiya?

“Hindi man natin sigurado kung totoo nga ang sinabing propesiya noon ng matandang ‘yon, siguro ay hindi masamang paniwalaan ‘yon at mag-ingat,” saad ni Warren.

“We don’t know what danger awaits us so starting tomorrow all packs must undergo intense training,” Xavier said authoritatively. “If you notice anything unusual, please inform us immediately. If rogues attack your pack, mindlink your neighboring packs and ask for help.”

Nagpatuloy ang meeting ng dalawang oras at tahimik lang akong nakinig sa kanila. Nabanggit ni Xavier na maghahatid ng isang pack warrior ang Greenwood Pack sa bawat pack para mangasiwa sa gagawing training.

“Do you have anything else that you want to ask or say?” he asked but no one answered. “The meeting is over. You can leave now.”

Nakita ko kung paano ako titigan ni Dad nang tumayo sila at naglakad paalis sa meeting room. Para bang hindi pa rin siya makapaniwalang nakita niya pa rin akong buhay ngayon at malalaman niya pang mate ako ng Alpha King.

“Mauna na kami, Giana,” sabi ni Zivara sa akin at umalis na rin sila ni Warren.

Naging tahimik ang buong meeting room ng kami na lang ni Xavier ang naiwan sa loob. Ilang segundo lang ay narinig ko pa siyang bumuntong-hininga. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para ayain na rin siyang umalis at nakita ko kung paano niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. I noticed how his blue eyes turned into a darker shade.

Oh no.

He slowly stood up and removed the distance between us. He was now standing in front of me while my back was pressed against the edge of the table. Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa mesa samantalang ang isa ay pumulupot sa bewang ko.

“Damn… You’re so sexy, love. You’re torturing me…” he whispered in my ear. “A lot of unmated betas were staring at you earlier and if I hadn’t stopped myself I might have taken their eyes off of them in annoyance. You are mine… Only mine, Giana.”

I can’t help but an erotic moan escape from my lips when he gently nipped my earlobe. A growl vibrated from his throat and he pulled me closer to his body, not wanting to leave any space between us. I blushed when I felt something hard poking my stomach.

Is that his…

My eyes closed at the pleasure when he left a trail of wet kisses from my ear down to my neck. He suddenly kissed and licked the place where he would leave his mark and I gasped.

May parte sa sarili ko na nagsasabing pigilan ko na siya pero parang hindi ko pagmamay-ari ang katawan ko ngayon.

“X-Xavier…”

Inilayo niya ang mukha sa akin. He stared at me, his eyes filled with lust and hunger.

“Can I kiss you?”

Parang tumigil ang ikot ng mundo at natulala ako sa kaniya dahil sa tanong niya.

“Can I kiss you, love?” he repeated.

I gulped before giving him a slight nod. When he saw that I agreed, he didn’t waste a second and immediately pressed his lips to mine. At first it was a soft kiss, but then he went deeper. He bit my lower lip and I gasped. He took that opportunity and slid his tongue inside my mouth, exploring me.

Hindi nagtagal ay lumipat ang mapupusok niyang mga halik sa leeg ko. Mahigpit din ang yakap niya sa bewang ko na para bang doon siya kumukuha ng lakas para hindi mawalan ng kontrol sa sarili.

“Xavier…” I moaned his name.

His body stiffened. Natigil siya sa ginagawa at ngayon ay naghahabol na siya ng hininga. Maya-maya ay nagsalita siya.

“Let’s stop before I lose my patience and claim you right here and right now,” he said breathlessly.

Hindi na niya hinintay na makapagsalita ako at tinalikuran na ako at mabilis na lumabas ng meeting room. Nanghihina akong napaupo sa upuan habang tulala na iniisip ang nangyari.