CHAPTER 1: HELPING CROZZO PACK

Giana’s POV

“Napansin mo rin ba na madalang na tayong nakakakita ng mga rogue nitong nakaraang linggo?” puno ng pagtataka na tanong ni Zivara.

Napatigil ako sa pagpapatulis ng dulong parte ng kahoy gamit ang isang dagger nang marinig ang sinabi niya. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakahiga siya sa damuhan habang nakatitig sa makulimlim na kalangitan.

Ibinalik ko ang paningin sa ginagawa ko at sinuri kung sakto na ba ang talim ng kahoy para makapanghuli ng isda. Nang makitang hindi pa ay itinuloy ko ‘yon hanggang sa makuntento ako sa talim nito.

“Ayaw mo no’n? Tahimik ang buhay natin,” sabi ko at naglakad papunta sa ilog para mangisda. Agad akong bumaba sa tubig at buti na lang at hindi malalim ngayon at hanggang hita ko lang.

“Pero nakapagtataka pa rin. Ngayon lang nangyari ito simula noong maging rogue rin tayo.”

Magsasalita na sana ako para sabihin na ipagpasalamat niya na lang na naging tahimik ang buong linggo namin ng pareho kaming napatingin sa likuran namin nang marinig namin ang tunog ng mga tuyong dahon, hudyat na may paparating at halatang nagmamadali.

Hindi nagtagal ay bumungad sa paningin namin ang isang babae na hindi mapakaling tumitingin sa kaniyang likuran. Sa sobrang pokus niya sa kung ano man ang tinatakbuhan niya ay hindi niya kami agad napansin kaya ganoon na lang ang gulat niya nang mapatingin siya sa amin. Mabilis siyang napaatras nang malaman niyang mga rogue kami.

“Please, don’t hurt me,” ‘yon agad ang sabi niya ng magtangkang lumapit si Zivara sa kaniya.

“Mga rogue kami pero hindi kami kagaya ng iba,” saad ng kaibigan ko.

Bigla siyang humagulgol at napaluhod sa lupa. Lumapit si Zivara sa kaniya samantalang umalis naman ako sa tubig.

“Ano ang nangyari? Bakit tila may tinatakbuhan ka?” rinig kong tanong ni Zivara sa kaniya.

“Bigla kaming inatake ng maraming rogue at ngayon ay nakikipaglaban ang lahat ng pack member ngayon sa kanila.” Humihikbing sabi niya. “I wanted to stay there to help them… But Garred begged me to leave and save myself.”

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya at alam ko na isa ‘yon sa dahilan kung bakit nagmakaawa ang mate niya na tumakbo palayo roon.

Umiling ako dahil hindi ‘yon ang problema. Unang dinig ko pa lang sa binanggit niyang pangalan ay alam ko na kung ano siya sa Crozzo Pack.

“Please . . . Puwede niyo ba kaming tulungan?” biglang sabi niya. “Others will think I’m crazy because I’m asking you for help. But I don’t want to be the only remaining member of my pack. I don’t want to lose my mate.”

“Dadalawa lang kami, sa tingin mo ba ay may maitutulong kami?” seryosong sabi ko.

Tumitig siya sa akin. “Nararamdaman ko na may magagawa kayong dalawa para iligtas ang pack namin,” ‘yon ang sinabi niya.

“You’re the Luna of the pack, right?” sunod na tanong ko. Tumango ang babae samantalang para namang nakakita ng multo si Zivara sa narinig at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa katabi niya ngayon.

I know why my friend reacted that way. Talaga namang nakagugulat dahil noong una ay isang prinsipe ang iniligtas namin at ngayon naman ay isang Luna ang humihingi ng tulong sa amin para iligtas ang buong pack niya.

“If you help us, we’ll give you everything you want.” She said.

Hangga’t maaari sana ay ayaw kong sumali sa ganito kalaking gulo pero nagustuhan ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa kaibigan ko at nagtanong sa kaniya.

“Ano ang masasabi mo?”

Ngumisi siya. “Let’s help them. Ang cool kasi tingnan na rogue ang kalaban pero rogue rin ang tutulong.”

Napahilot ako sa sentido sa naging tugon niya. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa babae.

“What’s your name?”

“Ceiana,” sagot niya.

“Ceiana, tutulungan namin kayo pero dahil lang sa sinabi mo na ibibigay niyo ang lahat ng gusto namin,” seryosong sabi ko.

“Thank you,” sabi niya at kahit basa ang mga pisngi dahil sa luha ay ngumiti siya sa amin.

I just nodded at her and turned to my friend. “Go. Mauna ka na roon at susunod agad ako.”

Mas mabilis siyang makararating doon kaysa sa akin dahil may kakayahan siyang makapag-shift at ako naman ay hindi.

Agad niyang sinunod ang sinabi ko at mabilis siyang nag-shift at tumakbo sa daan kung saan nagmula si Ceiana kanina.

“Bakit mo siya pinauna?” biglang tanong ng babae.

“I’m a werewolf, but I’m not a shifter,” straight to the point na tugon ko. Naglakad na ako pasunod kay Zivara pero napatigil ako nang maramdaman kong sumusunod din sa akin si Ceiana. “Stay here. Masyadong delikado para sayo mas lalo na at ikaw ang Luna at may bata pa riyan sa sinapupunan mo.”

“No. Sasama ako. Hindi ko kayang manatili lang dito at maghintay ng balita kung ilan ang natirang buhay sa pack namin.”

Bumuntong-hininga lang ako at hinayaan na lang siya. Alam ko na kahit ano pang gawin ko ay hindi ko rin siya mapipilit na manatili rito. Unless kung gumawa ako ng paraan para patulugin muna siya. Pero kahit man na sumama siya o hindi, delikado pa rin dahil baka may mga rogue na nakapansin na wala siya roon at sinubukang hanapin siya.

Gusto ko na lang pagtawanan ang sarili ko sa mga ginagawa kong desisyon sa buhay ko ngayong taon.

Binilisan na namin ang pagpunta sa mismong kinaroroonan ng pack house nila para makita kung ano ang sitwasyon. Hindi ko rin tuloy maiwasang mag-isip kung ano ang pinaplano ng mga rogue at nitong nakaraang linggo ay hindi sila nagparamdam pero ngayon ay umatake sila sa isang pack. I know for sure that something bad will happen someday.

Nang makarating kami ay bahagya akong napangiwi dahil kahit saan ako tumingin ay may mga dugo at patay na katawan. I love fighting and I feel satisfied every time I see the blood of my opponent. But right now I don’t want my whole body to be covered in blood. But do I have a choice? Kahit man na ayaw ko ay impossible dahil wala pang naging laban sa mga rogue na hindi nagiging madugo.

Hindi kalayuan ay kita ko si Zivara na nakikipaglaban kasama ng mga pack member ng Crozzo Pack. Mabilis ko ring nahanap kung nasaan ang Alpha at Beta nila dahil pagsasalita sa laki ng mga wolf form, iba ang sa kanila.

“Can you order four of your pack members to protect you? I will fight, but I will only do that when there is someone by your side to guard and protect you.”

Hindi rin nagtagal ay may apat na lalaki ang lumapit sa gawi namin. Puno pa ng pagtataka ang mga mukha nila kung bakit bumalik ang Luna nila at kung bakit may idinala siyang dalawang rogue rito.

“Protect her,” sabi ko sa kanila at nakita kong nabigla sila roon pero hindi ko na sila pinansin at sumabak na rin sa labanan.

I saw a rogue approaching a man who was sitting on the ground and I noticed that his thigh was full of large wounds. Hindi ako nagdalawang-isip na tumalon at itinarak ang ginagawa ko kaninang panghuli ng isda sa leeg ng rogue. Hindi ko na pinansin pa ang naging reaksyon nang tinulungan ko at mabilis kong inilabas ang dalawang dagger ko at nagtungo palapit kay Zivara. Alam ko na alam niyang nasa tabi na niya ako kaya ngayon ay nagpokus na siya sa mga rogue na nasa harapan niya at hinayaan niyang ako na ang bahala mula sa likod niya. Mukhang sinabihan na rin ni Ceiana ang buong pack niya tungkol sa amin dahil walang umaatakeng mga pack member niya sa aming dalawa ni Zivara. And shit, napansin ko na mas lalong naging marahas si Alpha Garred nang makita niyang bumalik ang Luna niya na sinabi niyang umalis kanina para iligtas ang sarili niya.

I sighed. Gusto kong matapos agad ito dahil gutom ako kaya lahat ng rogue na lumalapit sa akin ay tinatarak ko ng isang beses lang sa leeg o ulo pero sinisiguro ko na sapat ‘yon para kitilin ang mga buhay nila. Bawat hila ko ng dagger sa parte na pinupunterya ko sa kanila ay natatalsikan ako ng dugo at talagang nandidiri ako ngayon.

Fuck! Ang babaho talaga nila!

“Damn, I’m going to take a long shower later,” sabi ko at muntikan pa akong masuka dahil sa tuwing may tumatalong rogue para patayin ako ay umaalingasaw ang mga mababahong hininga nila. I’m really thankful because even though I’m a rogue, I don’t smell like this.

Habang lumilipas ang minuto ay nagiging kaunti na lang ang bilang ng mga rogue. Ang ilan pa sa kanila ay nagtangkang umalis pero lahat sila ay nabigo dahil si Zivara mismo ang nakapapansin sa kanila.

Hinihingal kong iginala ang paningin ko at sampu na lang ang natitira sa kanila. Tumingin ako sa gawi ni Alpha Garred at umawang ang labi ko nang makitang makagat siya sa kanang hind leg niya. Nawala ang balanse niya nang hilain siya ng rogue na kalaban niya habang nakakagat pa rin sa kaniya. Siguro ay dahil na rin sa pagod at kanina pa siya nakikipaglaban ay nahihirapan na siya ngayon. Saka nararamdaman ko na may kakaibang aura ang nakapalibot sa kaharap niya ngayon, senyales na siya ang pinakamalakas sa kanilang umatake rito.

I saw a sword on the ground and I dropped my two daggers to pick it up because I noticed how sharp it was. Isa sa kahinaan ng mga werewolves ang silver pero bakit mayroon silang ganito? Iba ang usapan pagdating sa akin. Maaaring may kinalaman ang kondisyon kong hindi makapagshift kung bakit ayos lang na gumamit ako ng dagger na gawa sa silver. Pero ibang usapan na pagdating sa kanila. Siguro ay mayroon sa kanila na isang ordinaryong tao lang na nagkaroon ng mate na taong-lobo kaya may ganitong sandata sila.

I stared at the sword. Can this thing cut a neck in one go? I smirked. There’s only one way to find out the answer.

Tumakbo ako palapit sa kalaban ni Alpha Garred at habang nakakagat pa rin siya sa kaniya ay inilagay ko ang lahat ng puwersa ko mula sa mga kamay kong nakahawak sa espada at walang sinayang na segundo para hiwain ang leeg niya.

“Wow,” wala sa sariling sabi ko nang humiwalay ang ulo ng rogue mula sa katawan niya.

“Garred!” rinig kong sigaw ni Ceiana at nakita kong mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan namin at niyakap ang mate niya.

Tiningnan ko kung may natitira pa ba sa mga rogue pero mukhang tapos na. Bumaling ang paningin ko sa espadang hawak ko at napangiti ako. Gusto ko ang isang ito.

Tumabi sa akin si Zivara na nasa wolf form niya pa rin. Maya-maya ay naramdaman namin na lahat ng atensyon ay nakatuon sa amin maliban sa Alpha at Luna na ngayon ay alam kong nag-uusap ngayon gamit ang mind link.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang paninitig nila sa amin. Ang tangin iniisip ko lang ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Ceiana na ang unang gusto ko na gawin nila ay pakainin kami.