Chapter 3: MATE
Giana’s POV
Humarap ako sa malaking salamin pagkatapos kong isuot ang ipinahiram na damit na may mahabang manggas at pants ni Ceiana sa akin. Halos kalahating oras ang itinagal ko sa loob ng banyo dahil talagang nilinis ko ng maayos ang katawan ko mas lalo na ang buhok kong naligo ng dugo kanina.
Nang makitang maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kuwarto para hanapin si Zivara.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko nang makita kong nakatayo sa gilid ng pintuan ang Beta ng pack na ito.
“Ipinapatawag ka ng Alpha sa opisina niya,” tugon niya.
Katatapos lang kanina ng labanan at nagpapagaling pa siya pero mukhang hindi siya makapaghintay na kausapin kaming dalawa ni Zivara. Hindi ba puwedeng pakainin na lang muna nila kami ng panghapunan?
Tumango lang ako at sinundan ko siya nang maglakad na siya.
“By the way, I’m the Beta here. I am Zach, Zach Tuesco.” Biglang pagpapakilala niya at tumingin siya sa akin mula sa balikat niya pero mabilis niya rin ‘yong ibinalik sa harapan.
“Nice to be meet you. I am Morgiana Costello,” pagpapakilala ko naman ng sarili ko. “Nga pala, nakita mo ba si Zivara?” tanong ko.
“Nandoon na siya sa opisina.”
Umakyat kami sa ikatlong palapag kung saan ‘yon ‘yung pinakamataas na parte ng pack house nila. Naglakad kami sa mahabang pasilyo at nilampasan ang dalawang double-door hanggang sa huminto kami sa isa na nasa pinakadulo.
Kumatok muna si Zach bago niya pinihit pabukas ang doorknob ng isang side ng pinto at agad bumungad sa paningin ko sina Zivara, Alpha Garred at Luna Ceiana. Nakaupo sa kabilang side ng office desk si Zivara at may bakanteng upuan sa harapan niya kaya naglakad ako palapit doon para umupo.
“Zach, go to the Greenwood Pack and tell the Alpha King what happened here so that he can immediately inform all the Alphas to tighten their surveillance on their pack borders.” Utos ni Alpha Garred at agad namang sumunod si Zach. Ngayon ay kami na lang apat ang naririto. “And as for the two of you, I would like to express my gratitude for your help first before we talk about the main reason why I summoned you here. Thank you for helping our pack, Zivara and Giana.” Sensirong sabi niya at bahagya pang yumuko sa amin.
“Walang anuman, Alpha Garred,” sabi ni Zivara samantalang tumango lang ako.
Tumikhim si Alpha Garred bago muling nagsalita. “Naikuwento sa akin ni Ceiana ang pagtatagpo ninyong tatlo. Nabanggit niya sa akin ang pangakong sinabi niya sa inyong dalawa kapalit ng pagtulong ninyo. That’s why I called you here so we can talk about that. What do you want to receive from us?”
Tumingin sa akin si Zivara at hinihintay niyang ako ang magsalita.
Tumitig ako ng seryoso kay Alpha Garred. “Well, you see, we are only rogues, so our biggest problems are food, clothes and shelter. But of those three, I only want you to give us clothes and food that are enough for a month. Another thing is that I want two new daggers and give me the sword that I used to behead the rogue earlier.”
Halatang nakikinig ng maayos sina Alpha Garred at Luna Ceiana dahil nakatitig sila ng matamaan sa akin. Nakita kong tumango-tango si Alpha Garred, senyales na kaya niyang ibigay ‘yon ng walang problema.
“And if possible, can we stay here for at least two days?” tanong ko.
“Walang problema. Mag-stay kayo rito para makapagpahinga naman kayo at mabawi ang lakas ninyo,” nakangiting sagot ni Luna Ceiana.
“Thank you,” saad ko.
“Nabanggit mo na bilang isang rogue, ang ilan sa problema ninyo ay pagkain, damit at matutuluyan,” biglang sambit ni Alpha Garred at napatingin kami sa kaniya. “Pero sa tatlong ‘yon, dalawa lang ang gusto mo. But… if you want, you can stay here for as long as you want. We can provide all of that.”
“You mean we can live here in your pack territory?” tanong ni Zivara at agad naman siyang tumango. “Pero mga rogue kami. Sa tingin mo ba ay okay lang sa lahat ng pack members ninyo?”
“Iniligtas niyo kami kaya siguradong okay lang sa kanila kung manirahan kayo rito.” Tumingin sa akin si Alpha Garred. “Bukod doon, nabanggit sa akin ng apat na pack warriors na sinabihan mo sila na protektahan ang mate ko at ang Luna nila. Sinabi ko ‘yon sa lahat ng pack members kaya nadoble ang pasasalamat nila sa inyo dahil doon. Saka masasama ba kayo at nananakit ng walang dahilan?”
“We’re not like that,” mabilis na sambit ni Zivara at umiling-iling pa.
“Then it’s okay if the two of you stay here,” agad na sambit ni Luna Ceiana at halata sa mga mata niya na gustong-gusto niyang mangyari ‘yon.
I sighed. “Pag-iisipan muna namin ng mabuti ni Zivara.”
Tumango si Alpha Garred. “Whatever your decision is, we will respect it.” Tumingin siya sa mate niya saglit bago niya ibinalik ang paningin sa amin. “Anything else?” tanong niya.
“Puwede niyo na ba kaming pakainin?” deretsyahang tanong ko at nakita kong natulala silang dalawa. Maya-maya ay malakas na natawa ng kaibigan ko kaya nahawa na rin sila.
Napansin ko na nakatitig si Luna Ceiana sa kung saan, halatang may kinakausap sa pamamagitan ng mind link. Hindi nagtagal ay bumaling siya sa amin at ngumiti. “Handa na ang mga pagkain sa ibaba. Pumunta na tayo roon habang mainit pa ang mga pagkain.”
Lahat kami ay nagtungo na sa dining room nila para kumain. Halos dumoble ang gutom ko dahil ang haba nang nilakad namin dahil ang lawak ng pack house nila.
“Eat all you can,” sabi ni Luna Ceiana nang makarating na kami.
Halos malaglag ang panga ko dahil marami ang nakahandang pagkain sa mahabang mesa. ‘Yong kaibigan ko ay agad umupo sa isang upuan at talagang sinimulan nang kumain. Agad din naman akong sumunod sa kaniya at hindi ako tumigil kumain hanggang sa tila puputok na ang tiyan ko sa pagkabusog. Nakisabay rin silang dalawa sa amin at lahat kami ay tahimik lang.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na kami ni Luna Ceiana sa kuwarto namin. Dalawa ang inihanda nilang kuwarto sa amin pero mas pinili namin na matulog ng magkasama ni Zivara. Pareho kaming pagod kaya agad kaming humiga sa kama at natulog na.
Nang magising ako kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Zivara. Agad akong nagtungo sa banyo para magmumog at maghilamos para makapunta na ako sa ibaba.
My forehead furrowed when I heard commotion downstairs. Dali-dali akong bumaba para makita kung ano ang nangyayari.
“Ano ang nangyayari?” tanong ko kay Zivara nang makarating ako sa ibaba. Tila hindi mapakali sina Alpha Garred, Luna Ceiana at ang iba pang naririto sa loob kaya sa kaniya ako nagtanong.
“May nag-mind link kay Alpha Garred na nagbabantay sa east border ng pack. Ibinalita niyang may dalawang kotse na dumating at galing ‘yon sa Greenwood Pack.”
“Okay ka lang?” tanong ko dahil tila hindi rin siya mapakali.
“Hindi ko alam. Erin was purring in my head. Tinatanong ko siya kung bakit pero hindi niya ako pinapansin. Kaya ngayon ay pati na rin ako ay hindi na mapakali,” pagbabahagi niya.
Magsasalita pa sana ako pero napatingin ako kay Alpha Garred at Luna Ceiana nang nagmadali silang lumabas. Maya-maya ay narinig namin ang pagdating ng mga sasakyan at ang kaibigan ko ay mas lalong natuliro. I think I know why.
Naglakad ako palabas at sumunod sa akin si Zivara. Halos lahat ng pack members ay nandito at nahirapan pa kaming dalawa sa pagsingit para lang makita namin ang mga dumating. Ngayon ay nasa likod na kami nina Alpha Garred at Luna Ceiana.
May isang lalaki na lumabas sa back seat ng kotse na nasa likod ng isa at naramdaman kong napahawak si Zivara sa gilid ng damit ko. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa lalaki ngayon.
“Giana… That man is my mate,” mahinang sabi niya.
Naglakad ang lalaki palapit sa harapan ni Alpha Garred at Luna Ceiana pero kita ko na kay Zivara agad natuon ang paningin niya. Naalis lang ang atensyon ko sa lalaki nang bumukas ang pinto ng kotse na nasa unahan at lumabas ang isa na namang lalaki. Base sa naging reaksyon ng lahat, mukhang siya ang Alpha King at ang mate naman ng kaibigan ko ang Beta.
He's wearing a black long sleeve polo shirt and slacks. Nakatupi hanggang siko ang manggas ng suot niya at naka-unbutton ang dalawang butones sa unahan.
Napatitig ako sa kaniya. He has pitch black hair, thick eyebrows, blue eyes, pointed nose, kissable pinkish lips, perfect jaw line, and a well-toned body. I think the word handsome is an understatement to describe him.
Napatingin ako sa lupa at napapikit dahil bigla na lang hindi mapakali ang puso ko ngayon. Ganito ba ang nararamdaman kaya ng mga babae kapag nakikita nila siya?
“Welcome, Alpha King Xavier and Beta Warren.” Bati ni Alpha Garred sa kanila.
Xavier… Bagay sa kaniya ang pangalan niya.
“Zach told me last night what happened here yesterday. Wala si Alpha King Xavier sa mga oras na ‘yon dahil nasa Wureno Pack siya kaya sa akin ibinalita ni Beta Zach. Please forgive us if we came here suddenly without notice because when I told Xavier what happened here when he arrived, he quickly decided that we should come here." Zivara's mate said.
“It’s okay, Beta Zach,” ani Luna Ceiana.
“Puwede ko bang malaman kung ang nasa likod ninyo ngayon ay ang dalawang rogue na nabanggit ni Beta Zach?” tanong niya at ramdam kong natuon ang lahat ng atensyon sa amin. Narinig ko rin ang mahinang pagsinghap ni Zivara.
“Oo, sila nga,” sagot ni Luna Ceiana.
“The one behind you, Luna Ceiana… What’s her name?”
“Zivara.”
Inalis ng kaibigan ko ang pagkahahawak sa damit ko at pinaglaro niya ang mga daliri niya. Samantalang ako naman ay nanatili pa ring nakayuko kaya ngayon ay sumasakit na ang batok ko.
“It’s a pleasure to meet you, my mate, Zivara.”
Kita ko mula sa gilid ng mga mata ko kung gaano kabilis napatingin si Zivara sa mate niya pagkatapos marinig ang sinabi nito. Nang hindi ko na rin matiis ang sakit ng batok ko ay nag-angat ako ng tingin at natigilan ako nang magtama ang mga mata namin ng Alpha King.
Tumingin ako sa likod ko dahil baka hindi talaga ako ang tinitingnan niya at nagkataon lang na nagtama ang mga mata namin pero nakita ko na puro lalaki ang nasa likuran ko. Nang muli akong tumingin sa kaniya ay halos nakalimutan ko nang huminga dahil hindi niya inaalis ang paningin sa akin.
“Alpha Garred, Luna Ceiana,” biglang bigkas niya. “Ang dalawang babae na nasa likod ninyo, sasama sila sa amin pabalik sa Greenwood Pack.”
Nagulat ako sa narinig. Maiintindihan ko kung sinabi niyang isa lang dahil mate ni Zivara ang Beta niya. Pero bakit pati ako?
“Uhm… Alpha King, why do I have to come too?” tanong ko at buti na lang ay hindi ako pumiyok.
He stared at me intently. Bahagya ring nagsalubong ang mga kilay niya na para bang narinig niya ang pinakatangang naitanong sa kaniya.
“Because you also belong there,” he answered.
“And why do I belong there?”
Biglang gumilid sina Alpha Garred at Luna Ceiana nang maglakad siya palapit. Huminto lang siya ng nasa harapan ko na siya mismo.
“Because you’re my mate.”