PROLOGUE
Giana’s POV
“Curious ka ba kung sino ang mate mo, Giana?” tanong ng kaibigan kong si Zivara habang nagpapahinga kami sa ilalim ng malaking puno sa mismong gilid ng isang clearing.
“Hindi na pumasok sa isip ko ang tungkol sa mate ko simula nang pinaalis ako sa Olive Pack, Zivara,” walang ganang sabi ko. “My own family and pack rejected me because I couldn’t shift. Sa tingin mo ba ay hindi rin ganoon ang gagawin ng mate ko?”
Napahilot siya ng sentido pagkatapos marinig ang sinabi ko.
“Masyado kang negative mag-isip,” banggit niya at napailing. “Malay mo hinahanap ka pala niya kung saan-saan dahil hindi siya mag-aasawa kung hindi ikaw.”
Natawa ako. “Sigurado akong madidismaya siya kapag nahanap na niya ako at malaman niyang hindi kayang mag-shift ng mate niya at isang hamak na rogue lang.”
Noong nasa Olive Pack pa lang ako at nararanasan ang iba’t-ibang klase nang pananakit mula sa pamilya ko at mga pack member simula nang malaman nilang hindi ako makapag-shift ay walang araw na hindi ako humiling na sana ay dumating ang mate ko para iligtas ako. Pero noong pinaalis ako ni Alpha Greg mula sa pack dahil para sa kanilang lahat ay isa akong malaking kahihiyan at kamalasan lang ang dadalhin ko sa teritoryo nila kung mananatili ako roon ay nawala na ang kagustuhan kong mahanap ang sariling mate ko. ‘Yon ay dahil tumatak sa isip ko na maaaring ipagtabuyan niya rin ako.
They say that werewolves must not ignore and reject the mate bond because the Moon Goddess will not bless them if they do not love their destined mates. Pero lahat ba kaya ay sumusunod dito? Hindi. Marami ang hindi tinatanggap ng sariling mga mate nila dahil mababa ang katayuan nila sa isang pack o dahil sila ay mahina. Kadalasan ko itong nababalitaan na nangyayari sa mga naitadhana sa Alpha, Beta at miyembro ng Royal Family. Kaya iniiwasan ko talagang mag-expect sa itinadhana sa akin ng Moon Goddess dahil marami ang posibilidad na mangyari.
“Sana lang ay mahanap ko na ang mate ko ngayong taon dahil naiinip na akong maghintay. Tatanda na naman ako ng isang taon sa susunod na buwan pero wala pa ring pinagbago. Single pa rin ako,” pagbabahagi niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagsalita pa dahil ayaw kong humaba ang usapan namin tungkol sa mga mate namin.
Zivara was humming until I heard her suddenly sniff the air. Mabilis akong bumaling sa kaniya at nakitang alerto siyang nakatingin sa kabila ng clearing mula sa kinaroroonan namin.
“Bakit?” tanong ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa malaking ugat ng puno.
“Rogues,” she said. “Besides them, I can smell one more person from where they are right now.”
Only one thing came to my mind after hearing what she said. Someone is in danger.
“Tingnan natin kung ano ang nangyayari,” sabi ko at mabilis na nagtungo sa direksyon kung saan siya nakatingin kanina at agad naman siyang sumunod.
Tumawid kami mula sa clearing at pumasok sa gubat at hindi nagtagal ay narinig na namin ang iyak ng isang bata at ang tunog na nililikha ng mga rogue sa tuwing may nakikita silang biktima.
Zivara shifted and headed quickly to the source of the noises before it was too late. Nang makarating na ako ay nasa harapan na ng isang batang lalaki si Zivara para protektahan ito kung sakali mang may sumugod sa mga rogue.
There are five rogues in total. Nagkatinginan kami ni Zivara at nagtanguhan.
The closest rogue to me growled loudly and rushed at me. When he leaped to aim for my shoulder, I quickly pulled out the dagger that was on my waist and slashed his throat, swiftly ending his life. Nang makita ng apat pang rogue ang nangyari ay agad sumugod ang dalawa sa akin at ang iba kay Zivara.
The two rogues surrounded me and I smirked because I knew they were thinking right now that they could easily kill me if they charged at the same time. Too bad, they are too weak for me even though I’m not a shifter.
They both pounced on me and I dodged quickly. I ran closer to the one on my right who immediately rushed and jumped on me. I ducked and stabbed the part where his heart was and a satisfied smile drew on my lips when I saw him lying on the ground, lifeless.
I looked at the other rogue who rushed at me earlier and saw him take a step back. Bigla siyang napabaling sa batang lalaki na hanggang ngayon ay umiiyak. Nang mapansin niyang abalang nakikipaglaban si Zivara sa isang rogue na hindi niya pa napapatay ay tumakbo siya papunta sa bata.
Woah. Mukhang sa kanilang lima siya ang matalino.
Agad akong sumunod sa kaniya. He was about to bite the boy when I pulled the other dagger from my waist and threw it and it hit his head. Bumulagta siya sa sahig sa mismong harap ng bata at hindi ko alam kung dahil ba sa takot o sa katotohanang namatay na ang mga nagtatangkang pumatay sa kaniya kanina kaya siya mas lalong umiyak.
Tumingin ako kay Zivara at nakitang nakatayo siya sa harap ng wala ng buhay na rogue na nasa lupa. Naglakad ako papunta sa bata at lumuhod sa harapan niya. He flinched when he realized how close we were right now and I gave him a small smile to let him know it was okay and I noticed that he calmed down somehow.
I don’t know what I should do next because I’m not used to children especially since I don’t have good memories with children when I was his age.
I scanned him carefully and he must be around seven or eight years old.
Saan galing ang batang ito?
Sa kinaroroonan namin ngayon ay malapit kami sa Zalino Pack, Jarigon Pack at sa pack na kinaroroonan ng Royal Family, Greenwood Pack.
“It’s okay now. Ligtas ka na,” sabi ko sa pinakamahinahong paraan na kaya ko.
I sighed while he sobbed. Damn. How to comfort a crying child?
I sighed again before I slowly hugged him. I lightly stroked his back and remained silent while waiting for him to calm down completely. I felt Zivara approach us while she was still in her wolf form because she had no clothes to wear at the moment.
“Ano ang pangalan mo?” tanong ko sa bata nang tumahan na siya. Bahagya kong inilayo ang sarili ko sa kaniya para magkatinginan kami.
Napansin kong nagdalawang-isip pa siya kung sasabihin niya ba bago siya nagsalita.
“Z-Zadhler…,” mahinang tugon niya.
Habang tinititigan ko ang mukha ng bata ay hindi ko mapigilang mamangha sa kaguwapuhan niya. May posibilidad na anak siya ng isang Alpha at Beta. Puwede rin na isa siya sa miyebro ng Royal Family.
“Zadhler, bakit ka nandito?” sunod kong tanong.
Sa ayos niya ngayon at sa liit niya ay hindi naman impossibleng itinakwil siya ng pack na pinagmulan niya.
“T-Tumakas ang alaga kong kuneho at sinundan ko siya hanggang sa makarating ako rito. He was so fast that I couldn’t keep up with him so I stopped chasing him. I was about to return to the Palace but I encountered the rogues,” pagbabahagi niya.
The Palace. A Prince.
Napailing ako dahil hindi ko inaakalang makalalabas ang isang miyembro ng Royal Family sa Greenwood Pack ng ganoon kadali. Mukhang hindi mahigpit ang pagpapatrolya sa pack border nila.
Sa totoo lang, hangga’t maaari ay ayaw ko sanang makaharap ang kahit na sinong miyembro ng Royal Family mas lalo na ang Alpha King. ‘Yon ay dahil alam kong ‘yon na ang magiging katapusan ko kung nagkataon man na nagkrus ang mga landas namin. Sa paningin kasi ng lahat, kaming mga rogue ay masasama lahat at kailangang tapusin.
Tumitig ako sa bata at napabuntong-hininga. He’s still young and he can’t fight yet. Iniligtas namin siya ngayon dahil nasa panganib siya kahit na sa kabila ng katayuan niya. Sana lang ay hindi na kami mapabilang ni Zivara sa papatayin niyang mga rogue kapag lumaki na siya dahil kung hindi ay wala kaming magagawa kundi ang labanan siya hanggang sa may mawalan ng buhay.
Napabaling ako kay Zivara ng mahina niyang bungguhin ang balikat ko. Tumingin siya sa daan kung saan patungo sa Greenwood Pack at nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Paparating na ang mga royal guard para hanapin ang nawawalang prinsipe. Kung wala kami ni Zivara rito ay baka matagpuan na nila siyang wala ng buhay.
“Kailangan na naming umalis dahil hinahanap ka na nila,” banggit ko. “Sa susunod, huwag mo nang gagawin ang ginawa mo. Nakalabas ka ng pack border ng Greenwood Pack at masyadong delikado para sa isang batang katulad mo.”
Hindi siya nagsalita pero tumango siya. Tatayo na sana ako mula sa pagkaluluhod pero bigla niya akong niyakap na ikinabigla ko.
“Thank you for saving me,” sabi niya.
I can’t help but smile. “You’re welcome, Prince Zadhler.”
Kinalas niya ang pagkayayakap sa akin bago lumapit kay Zivara para ito naman ang yakapin at pasalamatan. Tumayo ako at kinuha ang dalawang punyal na ginamit ko kanina bago sinenyasan si Zivara na aalis na kami.
“Bago kayo umalis…” biglang sabi ni Zadhler at napatingin ako sa kaniya. “Puwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ninyo?” dugtong niya.
“Giana ang pangalan ko samantalang siya naman si Zivara,” saad ko sabay turo sa kaibigan ko.
Malapad siyang ngumiti at sinuklian ko ‘yon bago kami mabilis na umalis doon ni Zivara bago pa kami madatnan ng mga royal guard.
Akala ko magiging normal pa rin ang lahat dahil isang batang miyembro lang ng Royal Family ang nakaharap namin ngayon na kaysa pumapatay ng mga rogue ay kinailangan ang tulong mula sa amin. Pero lingid sa aking kaalaman na ‘yon ang magiging simula pala ng lahat.