CHAPTER 10: HEADACHE
Giana’s POV
“Why?” tanong ko ng bigla siyang huminto nang makalabas na kami sa bahay.
“The place we are going to is quite far from here so I will shift into my wolf form and you will ride on my back,” he said and for a few seconds his blue eyes turned black, a sign that his wolf had partial control. “I sent some guards over there to check if it was safe for us to go there and they said yes. They will guard us while we are there until we get back to the palace.”
“That’s good to hear,” I commented.
Kahit na kaya kong makipaglaban at alam kong malakas siya ay mas magandang mag-ingat pa rin kami.
Hinalikan niya ako sa ulo bago naglakad palayo ng kaunti sa akin. Nag-shift siya mismo sa harapan ko at namangha ako nang makita ko ang itsura niya. Ang kaniyang kulay ay itim na itim at kahit na nakatayo ako ay mas matangkad pa rin siya sa akin. Siguro ay karamihan sa mga rogue na nakahaharap niya ay tumatakbo palayo dahil sa takot.
Naglakad siya palapit sa akin. Nagtaka pa ako nang ibinaba niya ang ulo niya habang itinutulak ng bahagya ang kamay ko. Hindi rin nagtagal nang maintindihan ko ang gusto niyang gawin ko.
Itinaas ko ang kamay ko para haplusin ang ulo niya at napangiti ako nang makitang masaya siya dahil doon. At dahil kulay itim ang kaniyang mga mata ay alam kong si Tim ang may control ngayon sa katawan nila.
“Nice to meet you, Tim,” I said and he purred.
Ilang minuto ay bumaba siya sa lupa at binigyan ako ng senyales na sumakay na sa likod niya na agad ko namang ginawa. Tumingin ulit siya sa akin at nang tumango ako para ipaalam na maayos na ang pagkauupo ko ay maingat siyang tumayo. Kumapit ako sa kaniya at nang maramdaman niya ‘yon ay nagsimula na siyang tumakbo sa kakahuyan.
Dahil may kabilisan ang pagtakbo niya ay tinatangay ng hangin ang mahabang buhok ko. Hindi ko napigilang mapangiti dahil pakiramdam ko ay lumilipad ako.
“Ayos ka lang ba riyan, love?” I heard Xavier ask from the mindlink. “Am I going too fast? Do you want me to slow down?”
“No need, Xavier. Okay lang ako rito,” I replied.
Ilang minuto lang ay bumagal na ang pagtakbo niya hanggang sa huminto siya nang bumungad na sa paningin namin ang isang clearing na puno ng wildflowers at mayroong napakalaking puno sa gitna.
I felt a sudden sense of longing and joy as I looked at the quiet clearing. I just shook my head because this is the first time I’ve been here to feel that way.
Ibinaba niya ang katawan niya para makababa ako ng ligtas sa lupa. Tumingin siya sa akin bago tumakbo papunta ulit sa kagubatan. Hindi nagtagal ay bumalik siya na nasa human form na. Nakasuot na rin siya ng kulay itim na shorts at gray na damit.
“Is this the place you were referring to earlier?” I asked.
He nodded. “It looks like just an ordinary clearing at first glance. But you’ll realize how beautiful this place is when you start walking towards the center, love.”
He gestured for me to walk Into the clearing. I walked and at first nothing strange happened, but after I took a few steps the whole area suddenly glowed.
My jaw dropped as I looked at the scene around me. The simple clearing a while ago has now become magical because of the fireflies.
Matagal na simula ng maging rogue ako at marami na akong napuntahang magagandang lugar pero iba ang epekto sa akin ng lugar na ito.
I felt Xavier’s presence behind me and after a few seconds he wrapped his hand around my waist. “Did you like this place?” he asked.
“Yeah… I love it,” I said as I watched the fireflies in amazement.
Itinaas ko ang kamay ko sa ere at hindi nagtagal ay may isang alitaptap na dumapo sa palad ko. Napangiti ako sa tuwa.
“Thank you for bringing me here, Xavier,” I said happily.
He kissed my head. “I’m glad I made you happy, love.”
Masaya kong tinititigan ang eksena sa harapan ko hanggang sa nakaramdam ako bigla ng kaunting sakit sa ulo ko.
I heaved a deep sigh.
“Are you okay, love?” tanong ni Xavier dahil iniangat ko ang kamay ko para hilutin ang sentido ko.
Sasabihin ko na sana sa kaniya na okay lang ako pero bigla na namang sumakit ang ulo ko at sa pagkakataong ito ay malakas akong napasinghap dahil sa sakit.
“Love, what’s going on?” muling tanong niya at halata sa tono ng boses niya ang matinding pag-aalala. Iniikot niya ako paharap sa kaniya para tingnan ako.
The pain Intensified as if something was squeezing my brain. Para bang nawala ang memorya ko noon at ngayon ay pinipilit ng utak ko na makaalala ako.
“X-Xavier, it hurts,” I said.
Sa sobrang sakit ay may kumakawalang impit na sigaw sa bibig ko. I could hear Xavier screaming but I couldn’t hear him properly because the ringing in my ears was so loud.
What’s happening to me? Maayos lang ang lahat kanina pero bakit naging ganito bigla?
Tinakasan ng lakas ang buong katawan ko. “Xavier…” mahinang tawag ko sa pangalan niya.
“I’m here, love. Hang in there, okay? I’ll take you to the pack doctor,” he said in a panicked voice.
Narinig ko ‘yon ng maayos bago bumigay ang katawan ko at binalot ako ng kadiliman.
I opened my eyes when I heard a noise but all I saw was pure darkness. I couldn’t feel my whole body and I was just forcing myself to stay conscious.
Nasaan ako? Sino ang gumagawa ng ingay na ‘yon?
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero habang tumatagal ay unti-unti ‘yong naging malinaw.
“Please, don’t leave me!” he shouted. “I’m begging you, don’t die!”
Huh? Si Xavier ba ‘yon? Ano ang pinagsasasabi niya? Huwag akong mamatay? Nawalan lang naman ako ng malay dahil sa hindi na nakayanan ng katawan ko ang sakit ng ulo ko pero bakit ganoon ang mga sinasabi niya?
“You promised me that you would never leave me, love.” He said crying.
May ipinangako na ba akong ganoon kay Xavier? Sa pagkakaalam ko ay wala pa. Kung ganoon, sino itong naririnig kong umiiyak?
Hindi ko alam kung sino siya pero parang gusto ko siyang yakapin at sabihan na huwag siyang umiyak.
Biglang may liwanag na lumitaw hindi kalayuan sa akin ngunit malabo ‘yon. Kita ko ang nakatalikod na imahe ng isang lalaki na nakaupo sa lupa at may yakap-yakap siya.
Hindi man malinaw ang nakikita ko pero nasasaktan ako dahil naririnig ko ang pag-iyak niya at ang pagmamakaawa niyang huwag siyang iwan ng taong nasa harapan niya ngayon.
May isang luha na tumulo sa kanang mata ko bago ako muling nawalan ng malay.
“What?! Are you fooling me?!” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. “If she is not sick, why is she still unconscious?!”
“Xavier, calm down,” sabi ng isang lalaki. “I know you’re worried about your mate, but please don’t yell at the pack doctor because I know he also wants his Luna Queen to be okay.”
Binuksan ko ang mga mata ko at putting kisame ang bumungad agad sa paningin ko. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko at nang bumaling ako para tingnan ‘yon ay nakita ko ang isang bata na nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.
Kailan pa siya nakauwi rito?
“B-Brother!” sigaw niya.
“What?!” iritadong sigaw ni Xavier.
Tumingin ako sa pinagmulan ng sigaw na ‘yon at nagtama ang mga mata namin. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan sa gulat na makitang gising na ako pero hindi nagtagal ay inilang hakbang niya ang layo na nasa pagitan naming dalawa. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Tiningnan ko ang itsura niya. Magulo ang buhok niya, may kusot ang damit na suot niya at maitim ang ilalim ng
“Why do you look like you haven’t slept in years, Xavier?” I said in a hoarse voice.
Inilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya at mariin na napapikit. “Dahil sobra mo akong pinag-alala. After you lost consciousness that night, you slept for two days, love. Kung nagkataon lang na hindi ka nagising ngayon, baka tuluyan na akong mabaliw.”
Two days? Ilang oras na nga akong walang malay noong minarkahan niya ako tapos ngayon ay dalawang araw naman?
Pumikit ako. Habang wala akong malay ay alam kong may napanaginipan ako pero ngayon ay hindi ko na maalala kung tungkol saan ‘yon.
“Why? Sumasakit na naman ba ulo mo?” tanong niya sa akin.
Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Umiling ako. “I’m okay, Xavier. Mayroon lang akong inaalala.”
Bumangon ako mula sa pagkahihiga at tinulungan niya naman ako. Kahit na sinabi ko na ayos lang ako pinalapit niya pa rin ang pack doctor para i-check ako. Wala akong nagawa kundi ang makisama sa mga ginagawa at itinatanong ng pack doctor. Hindi rin nagtagal ay sinabi niyang ayos lang ako at pagkatapos ay pinaalis na siya ni Xavier sa kuwarto.
“Kasalanan ko ito. Kung hindi kita dinala roon ay hindi sana nangyari ito,” biglang saad niya.
“It’s not your fault, Xavier. Masaya ako na dinala mo ako roon kaya wala kang kasalanan.”
“But—”
“Wala kang kasalanan,” sabi ko bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.
Bumaling ako kay Warren na nakatayo pa rin sa puwesto nila kaninang tatlo.
“Masaya akong okay ka lang, Giana,” sabi niya.
“Salamat,” sabi ko at ngumiti sa kaniya ng hindi kita ang ngipin. Pagkatapos noon ay ipinaalam niya ang sarili at lumabas ng kuwarto.
Tumingin ako kay Zadhler na ngayon ay tahimik naman na nakatitig sa akin.
I smiled at him. “Nice to see you again, Zadhler.”
Pagkatapos ko siyang batiin ay mabilis na gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya. Kung hindi ko lang alam na magkapatid sila ni Xavier ay iisipin ko ng anak niya si Zadhler dahil talagang magkamukha sila.
Bigla siyang lumapit sa akin at bahagya akong nagulat nang yakapin niya ako.
“I’m happy to see you again and know that you are my brother’s mate,” he mumbled.
Iniyakap ko ang isang kamay ko sa kaniya at hinaplos ang likod niya.
“Xavier,” tawag ko sa kaniya mula sa mindlink.
“Hmm?”
“When did your parents die?” I asked him.
Isang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.
“Mom died after giving birth to Zadhler. While Dad died when the car he was riding in fell off a cliff on his way home after visiting the Fedesco Pack. It happened a day before my brother’s first birthday.”
I leaned on his shoulder. “Gaano kahirap ang pinagdaanan ninyong magkapatid pagkatapos no’n?”
“Sobrang hirap,” aniya. “Dad mourned for a long time after Mom died, so during that time I was taking care of my brother by myself. Puwede ko namang ipaasikaso sa mga kasambahay si Zadhler, pero gusto ko noon na ako ang nag-aalaga sa kaniya dahil ayaw kong lumaki siya na hindi pamilya niya ang nag-aalaga sa kaniya. When Dad died, everything became more difficult because I was suddenly crowned as the new Alpha King. I was eighteen at the time and I was at the right age for that but I wasn’t completely ready because it was too sudden. But I can’t do anything but shoulder all of the responsibilities as the new Alpha King and taking care of my brother at the same time.”
“You’re brave because you were able to handle all of that,” I commented. “I’m proud of you.”
Iniyakap niya ang kamay niya sa akin at dahil nakayakap ako kay Zadhler ay nakabilang din siya.
“Thank you,” mahinang bulong niya at hinalikan ako sa sentido.
Tahimik kaming tatlo na nakaupo sa kama hanggang sa bumukas bigla ang pinto at lumikha ‘yon ng malakas na ingay.
“Giana!” rinig kong sigaw ng kaibigan ko.
Umawang ang labi ko nang makita ko siyang gulo-gulo ang buhok. Nang makita niya ako ay halos takbuhin niya ang pagitan namin. Mabilis na humiwalay ang dalawa sa akin nang yakapin ako ng mahigpit ng kaibigan ko na para bang sampung taon kaming hindi nagkita.
“Gago ka! Masyado mo akong pinag-alala! Ano ba ang nangyari sayo, huh?! Kung ano-ano na tuloy ang nasabi ko kay Alpha King habang tulog ka!” sunod-sunod na sabi niya.
Nagsalubong ang kilay ko. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin?”
Biglang tumikhim si Xavier na nakatayo sa gilid ng kama. “She found out that I already marked you and she blamed me because she thought that might be the reason why you were unconscious for two days.”
Napailing ako sa nalaman. Totoong nawalan ako ng malay pagkatapos niya akong markahan pero iba ang dahilan kung bakit nawalan ulit ako ng malay na tumagal ng dalawang araw.
“Ano ang mga sinabi niya?” tanong ko kay Xavier mula sa mindlink dahil alam kong may hindi magandang nasabi ni Zivara na hindi puwedeng mapakinggan ng bata.
“Marami,” sabi niya. “Pero ang pinakatumatak talaga ay ‘yong sinabi niyang nawalan ka ng malay pagkatapos kitang markahan, paano pa kaya kapag kinumpleto na natin ang mating process? Baka raw wala kang malay ng ilang araw dahil sa pagod at hindi makalakad ng maayos kapag nagising na.”
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya. Seryoso man ang mukha niya pero may aliw na kumikislap sa mga mata niya.
Binatukan ko ang kaibigan ko.
“Aray! Para saan ‘yon?!” sigaw niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at si Xavier naman ay hindi napigilang matawa. Samantalang ang bata ay tahimik lang na nakatingin sa amin habang salubong ang kilay.