CHAPTER 24: RALPH

Lorrain P. O. V

NAGISING AKO dahil pakiramdam ko nahihilo ako. Kaya agad akong napaupo ng maayos at napatingin sa bintana. Nasa eroplano ako at masyadong mabilis ang pagpapalipad nila kaya medyo nahihilo ako.

"Gising kana pala" napaigtad ako ng may nagsalita sa likuran ko at akmang haharap ako sa kaniya ng may maramdaman akong malamig na bagay sa may leeg ko. "Matulog ka muna" saka siya may pinaamoy ulit

Nagising nalang ako ng may naramdaman akong may bumuhos sakin na sobrang lamig na tubig. Yayakapin ko sana ang sarili ko ng mapansin kung nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ng upuan lalo na ang paa ko sa metal na upuan. Sinisigurado talaga atah nila na hindi ako makakalabas ng buhay rito.

Wala naman atah akong naging kasalanan para maranasan ko lahat ng ito. Napatingin ako sa may di kalayuan ng may narinig akong igik. Hindi ko pa siya masyadong naaninag dahil sa sobrang dilim.

Pero halos mawalan ako ng dugo ng makita kuna ang buo niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa may butas rito.

"N-nica?" tawag ko sa kaniya.

"L-lorrain? A-anong ginagawa mo rito?" nahihirapang bigkas niya "BAKIT SINALI NIYO ANG KAPATID KO RITO?!" biglang sigaw niya na inaakala nito na may makakarinig sa kaniya.

"Sumigaw lang kayo ng sumigaw" napatingin ako sa may tapat ko nakita ko ang isang hindi familiar na tao.

"SINO KA?! "

"ATE NICA! TAMA NA! WAG KA NG SUMIGAW" sumigaw para marinig niya ako.

"Ililigtas kita rito makakatakas ka Lorrain" may pag asang sabi nito.

Ngunit halos mapatili ako ng makita kung sinampal siya ng ilang beses dahilan kaya lumuwa siya ng dugo at nagkapasa siya sa pisnge lalo na at may makapal na singsing itong lalaking nanampal sa kaniya.

"Tumahimik ka dyan!" pagpapatahimik nito kay Nica.

"Pakawalan niyo na si Lorrain. Gagawin ko lahat wag niyo lang idamay rito ang kapatid ko" hindi ko alam kung nag dadrama ba siya.

Pero narinig ko ang tono ng sinseridad sa boses niya. Ngayon ko lang narinig ang paraan ng pagsalita niyang iyon. Mukhang totoo na itong pinapakita niya.

"Gagawin mo lahat?" mayabang na tanong nito.

"Oo, pakawalan muna siya"

"Maghubad ka muna" wala sa sariling utos nito kaya halos manlaki ang mata ko sa sinabi nitong kapalit.

"Don't you ever do that, Nica" madiin at may pagbabantang tunong sabi ko.

"S-sge"

"NICA!"

Napangisi pa ang lalaki ngunit bago pa niya malapitan si Nica ay agad ko siyang pinatid kahit na nakatali ang mga paa ko. Nagtagumpay naman ako at natumba siya.

Ang nakakapagsisi lang ay ito siya at sobrang sama ng tingin sa sa akin.

"Hayop ka! "

**PAK**

Halos matabingi ang ulo ko ng naramdaman ko ang palad niya sa pisnge ko. Ang hapdi! Ang sakit! Tangina!

"MAS HAYOP KA!"

**PAK**

Ang sakit na ng pisnge ko. Sasampalin niya ulit sana ako ng may pumigil sa kaniya.

"Antayin natin si Boss" pagpigil ng isang lalaki habang hawak nito ang isang palad ng bwesit na lalaking nanampal sa akin.

Pikon na pikon na siya basi sa nakikita ko sa mga mata niya. Ngunit ang kinakataka ko lang ay parang umamo ang mukha nito habang nakatingin sa likod ko.

"Boss!" tawag nito

Lumingon ako at halos manlaki ang mata ko ng makilala kung sino siya. Bakit siya pa? Pano niya nagawa toh?

Darius P. O. V

NAGHANDA NA sila. Pumosesyon na silang lahat. Pati narin ako inayos kuna ang pistol ko saka sumunod sa kanila. May kaniya kaniya kaming misyon rito. May sniper na rin na naka abang sa medyo malayo rito.

Hindi namin kasama si Wicked pero alam kung kasama namin siya sa misyon na ito lalo na at involved rito ang kapatid niya. Walang tunog akong pumasok sa loob na bodega na ito.

Bakit kaya pag na ngingidnap sila ay sa bodega talaga yung site? Wala nabang bago? Haller 2022 na kaya ngayon. Ayaw ba nila sa hotel? Sa ibang bansa? Sa School? Sulitin nila ang oras na nandito sila sa mundo kasi halatang kunti nalang ang natitira nilang buhay sa mundo dahil sa pinaggagawa nila.

Agad kung hinawakan ang damit ni Aaron bago ko siya hinila ng may napansin akong sobrang liit at sobrang nipis na lubid.

"Shit! Shit! Syensa na" kinakabahang sabi nito.

Mukhang wala sa sarili ang mukong. Tinapik ko lang ang balikat niya bago ako nagpatiuna. Ramdam ko namang sumunod siya.

Ng makapwesto na ako ay agad akong sumilip. Agad ko silang nakita. Naka pwesto na silang lahat. Ang iba ay itinaas ang isang daliri ang iba naman ay tumango para sabihing ready na sila at naka pwesto na.

Inayos ko rin ang wrist watch ko lalo na ang earpiece. Napatingin ako kay Aaron. Nakaluhod ang isang tuhod nito habang may inaayos. Halatang naka focus lang siya kung titingnan mo siya at pag hindi mo siya kilala.

Pero matagal kunang kilala si Aaron at kaibigan ko rin ito mahigit sa ilang taon namin rito sa Golden Bullet. Alam kung wala roon ang atensyon niya kundi nakatulala ito.

"Hindi mo maayos ang bagay na iyan kung titingnan mo lang" pagbasag ko sa pag iisip niya.

Agad siyang nag angat ng tingin bago kumilos. Napailing nalang ako sa inaakto niya ngayon halata ngang may problena ito.

Iniluhod ko rin ang isang tuhod ko. At tinulungan siya. Kinuha ko ang remote control nito. Walking Smoke ang tawag namin rito.

Ewan ko lang rin kung bakit. Sobrang liit ng bagay na ito pero makikita mo naman ito kung naka focus ka talaga. Para lang siyang laruan na kotse kotse. Oo mukha siyang laruang kotse pero hindi mo aakalain na smoke pala ito.

Si Black nag imbento niyan hindi ako. Siya lang kasi ang may kayang gawin ang mga bagay na iyan kaya siya binigyan ng code name na Science. Siya si Agent Science.

Ng matapos na lahat ay agad akong tumayo at pinagpagan ang tuhod ko bago ako sumilip.

May nakatalikod na lalaki ang nakita ko. Nasa likurang bahagi kami at medyo malapit lang naman ako kaya naririnig ko ang usapan nila.

Nakita ko pa ang pag laki ng mata ni Lorrain habang nakatingin sa lalaki. Mukhang kilala niya ito ngunit ako mukhang hindi.

Gustong gusto ko na talagang tulungan si Lorrain ngunit kailangan kung mag focus sa misyon na ito lalo ng hindi lang si Lorrain ang hostage pati narin si Nica.

"Mukhang una nilang nakuha si Nica sunod si Lorrain" rinig kung sabi ni Kuya Dan.

"TAYKA?! B-BAKIT? P-PANO?" umawang ang labi ni Nica habang nakatingin sa master mind.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"RALPH?!" gulat na tanong ni Lorrain.

Si Ralph ito? Mas gwapo pa ako dyan!

"Si Ralph ang mastermind ng lahat ng ito. Kaya sinasabi kuna sa inyong wag kayong masyadong magpanic. Sisiw niyo lang si Ralph bobo yan magplano. Siya ang ex-boyfriend ng kapatid kung si Lorrain at siya ang kinakasama ni Nica dati" paliwang ni Wicked "Pero wag kayong makampanti. May dadating pa"

Mukhang alam na ni Wicked lahat ng mangyayari.