CHAPTER 25: COMEBACK
Lorrain P. O. V
HINDI KO AAKALAIN na siya ang may gawa ng ito. Sa halos dalawang taon ay heto siya ngayon at nakita ko sa harapan ko. Ang dating nararamdaman ko sa binata ang lahat ay naglaho na parang bula at ang pumalit nito ay kaba.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin dito— sa amin.
— 📖 — Flashback...
Napangiti ako ng makita ko ang maligayang ngiti ng boyfriend ko graduate na rin kami. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit at hindi ko narin mapigilan ang paglandas ng mga luha ko.
"Tapos na rin"
Inangat niya ang baba ko at pinatingin sa kaniya saka siya ngumiti at pinahiran ang mga luha ko. Hinalikan niya pa ako sa nuo. Inakbayan niya ako saka pinapasok sa loob ng kotse. Wala kaming paki kahit na nakatoga pa kami.
Ng marating namin ang bahay ni Mama ay una siyang lumabas bago niya binuksan ang pinto. Pagkalabas ko ay pinagsiklop niya ang mga kamay namin at ramdam ko roon ang panginginig niya kaya bahagya ko itong pinisil.
Ngumiti siya ng pilit bago kami pumasok sa loob. Ang kaninang nakangiting mukha ng mga magulang ko ay ngayon ay nawala ng makita nila si Ralph.
"Sino siya?"
"Boyfriend ko po" matapang na sabi ko.
Sinabi kasi nila lalo na si Ate Miya na Pwede na akong magka boyfriend pag graduate na ako. Nakita ko ang pag ngiti ni Nica saka siya lumapit sa amin at nakipag beso kay Ralph lalo na sakin.
Kita ko rin ang pag ngiti ni Ate Miya pero kunti lang pero atleast ngumiti siya nabuhayan ako ng loob sa pinakita niya.
"Siya po si Ralph boyfriend ko"
"H-hello po"
"Hello din" ang akala kung magagalit sila at heto sila ngayon at nakangiti sa akin bago nila ako niyakap "Congrats anak! At graduate ka narin" boses ni Mama.
"Ayaw kung sirain ang okasyon na ito dahil lang sa pangit na Ralph na iyan" may pagbabantang tinig na sabi ni Papa.
" 'tay!"
Ngumiti naman ito sakin. Akala niya hindi ko nakikita ang pasimple niyang pananakot kay Ralph.
NAGING MASAYA naman akong kasama siya ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa nalaman ko. Lalo na ang sumpa raw namin na hindi ko alam.
Bawat pamilya raw sa amin kung may lima kang anak isa dyan ay hindi magkakaanak. Kung isa lang ang anak mo ibig sabihin nun siya ang hindi magkakaanak.
Ngunit alam kung hindi sumpa iyon at mukhang sunod sunod lang dahil magkadugo kami.
At ang pinakamalas pa ay ako ang tinamaan nun. Ako ang hindi pwedeng mag ka anak. Si Mama si Papa at si Ate Nica lang ang kasama ko ng nagpa check up kami. Alam na naming hindi si Ate Miya iyon lalo na at nakunan siya at namatayan ng anak.
Gusto ko ng karamay sa araw na iyon ngunit ayaw ko siyang lapitan lalo na at nagluluksa rin siya sa pagkamatay ng fiancee niya at sa anak nito.
"Gusto kung bumuo ng pamilya kasama ka" pagbasag ni Ralph sa katahimikan.
Para akong binalot ng konsensya ko sa sinabi niya. Hindi ko siya mabibigyan ng anak kaya hindi kami makakabuo ng pamilya— ako lang pala kasi siya pwede ako lang ang hindi.
Hindi ko narin alam kung bakit iniiwasan na ako ni Ralph at halos ang madalas na niyang kasama ay si Nica. Nalaman ko nalang na niloloko na pala nila ako. Sobrang sakit. Mas masakit pa sa nalaman kung hindi ako magkakaanak.
Kasi ang lalaking pinapangarap kung magiging ama ng mga anak kung puros illusyon lang ay heto kasama ang kapatid ko.
"Ginamit lang kita. Hindi kita mahal. Si Nica ang mahal ko" iyong salita na iyon ang nagdurog sakin.
Minahal niya ang kapatid ko at hindi ako? Ginamit niya lang ako para magkalapit sila?
Gulong gulo na ako at lalong guhong guho na. Kaya ang ginawa ko lang ay takasan sila. Takasan ang reyalidad ko.
— 📖 — End Of Flashback
MUKHANG GINIGISING na ako sa reyalidad. At kailangan kuna talaga itong harapin. Ang multo ng nakaraan ko ay nagparamdam na sa loob ng ilang taon. Tama nga sila kahit kailan hindi ka mabubuhay ng tahimik kung magulo ang nakaraan mo.
Ngunit sa pagkakaalam ko hindi naman magulo ang nakaraan ko sadyang tinakasan ko lang ang mapanakit na mundo na iyon. Mukhang ito na rin ang sign na harapin ko ang nanakit sa akin.
Kasi hindi sa lahat ng oras kaya mong takbuhan ang mga taong nanakit sa iyo pati narin ang problema mo. Minsan kailangan mo rin itong harapin. Face your fear and your pain.
Para isahang bagsak lang ang sakit.
"SINUNGALING KA!" galit na sigaw ni Ralph na nagpabalik sakin sa ulirat.
"Ginawa ko lang yun kasi gusto ko ring mahalin ako!" ganting sigaw rin ni Nica.
"Huli na! Para makaganti ako papatayin muna kita!"
"SANDALI!" pagpigil ko kay Ralph.
Huminto naman ito at tumingin sa akin at naging maamo ang mukha nito. Mukhang may apekto pa siya sakin. Mukhang may nararamdaman pa siya para sa akin.
"A-anong problema?"
"Nagsinungaling siya sakin" madiing sabi nito "Ang sabi niya. Hindi ka na pwedeng magka anak pero binaliktad niya lang lahat kasi siya ang hindi magkakaanak. Ginamit ka niya para pagtakpan ang sakit niya!"
"L-lorrain magpapaliwanag ako" pagmamakaawa nito.
Gusto kung maawa ngunit ang lahat ng naramdaman ko ngayon ay puro galit. Nanaig sa akin ang galit.
"Please! Bumalik kana sakin" lumuhod pa si Ralph sa harapan ko.
"Babe!" sabay kaming napalingon sa tumawag sakin.
Mababasa ko sa mukha ni Darius ang galit at pagmamakaawa.
"W-wag"
"Please! Bumalik kana sakin" ramdam ko ang mga kamay ni Ralph sa hita ko. At halos tumayo lahat ng balahibo ko sa pandidiri.
"B-babalik ako sayo! M-mahal na mahal kita" hinawakan niya ang pisnge ko.
Ayaw kung lumingon. Pero traydor ang mga mata ko at napatingin ako kay Darius na ngayon ay puno ng sakit ang mababasa mo sa mga mata niya.
"B-babe"
"Lorrain!"
Gusto nila akong pigilan ngunit wala roon ang atensyon ko kundi nandito kay Ralph na ngayon ay nakangiti sa akin bago niya ako niyakap ng mahigpit at ramdam ko ang pagkalas niya sa mga tali.
Mukhang ito na ng kapalaran ko. Na mapunta ako kay Ralph.
At ang gusto ko lang ay makaganti.
EPILOGUE: END GAME
Lorrain P. O. V
NAPANGITI AKO na ngayon ay nasa harapan siya at naghihintay sakin sa may altar. Sa dami ng pinag daanan namin heto parin ang bagsak naming dalawa dito sa simbahan. Pangako at mamahalin ko siya ng buong buo.
Napangiti ako ng makita ko si Papa na nakangiti sa akin lalo na si Mama. Naging maayos narin kami at tanggap nila kaming dalawa. Nandito narin si Ate Miya na nakangiti rin sakin ang ganda niya sa suot niya mukhang mas maganda pa atah siya sa bride.
Hinawakan ko ang braso ni Papa at pinulupot ito roon at nagsimula na ulit kaming maglakad habang may malamyong musika ang nasa paligid.
Nakita ko ang panggigilid ng luha niya habang ako ay pinipigilang wag maluha lalo na at baka masayang lang itong makeup ko.
"Ingatan mo tong anak namin"
"Opo, Papa" magalang na sabi niya bago niya ako binalingan ng tingin.
Inilahad niya ang braso niya at hindi naman ako nagdalawang isip na ipulupot roon ang kamay ko bago ako ngumiti sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa Pari habang nakikinig sa kaniya.
"Darius Jake Sanchez, do you take this woman to be your thy wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee unto her so long as ye both shall live?"
"I do father" nakangiting sagot ni Darius habang pinipisil ang palad ko.
"Hannah Lorrain Algoso, do you take this man to be thy wedded husband, to live together in the holy bonds of matrimony? To love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto him so long as ye both live?"
"I do" nakangiting sagot ko rin habang nakatingin kay Darius na ngayon ay hanggang tainga ang ngiti.
— 📖 — Flashback
Ng makalas na niya ang pantali ay agad akong tumayo at humarap sa kaniya bago ko siya niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ang nuo ko bago kami tumingin kay Nica na ngayon ay nanlumo habang si Darius naman na ngayon ay siya na ang nakatali.
Palihim akong napangiti ng mapansin kung may ginagawa siya para maalis ang tali niya. Tinuon ko ang pansin ko ngayon kqy Nica.
"Im sorry" pagmamakaawa niya "Nasa iyo ang atensyon ni Daddy, oo tanggap ako ng Mama mo pero hindi siya tulad ng pagmamahal ng isang ina. Wala akong ibang naisip kundi ang ipasa sayo ang sakit ko para hindi kana maging masaya... Una palang mahal kuna si Ralph. Ang swerte mo. May Ate kang mahal na mahal ka may Mama at Papa ka lalong lalo na may boyfriend kang mahal na mahal karin" dun na tumulo ang mga luha niya.
Magkadikit lang ang upuan ni Darius at ni Nica kaya napatingin ako sa may likuran nila. Tapos na ang tali ni Darius ang kay Nica naman ang kinakalas niya.
Nanigas pa si Nica ng maramdaman niya ang kamay ni Darius. Kumindat ako sa kaniya dun naman lumambot ang mukha niya saka nag drama. Kailangan namin ang pagiging actress mo rito Nica.
"Im sorry, please!" pagpatuloy niya.
"BAKIT NAKATAYO SA GILID MO SI LORRAIN?" biglang sigaw ng isang lalaki na ngayon ay papasok.
"Dad! Kami na ulit" nakangiting sagot ni Ralph.
"Mr. De Gracia" malamig na tawag ni Darius.
"Mr. Sanchez" nakangiting tawag rin ng Daddy ni Ralph.
"HAYOP KA!"
"Malaki ang naging kasalanan ng pamilya mo samin. At ngayon inaagaw mo pa ang babaeng papakasalan ng anak ko"
"PAPATAYIN KITA" saka siya tumayo at tinutok ang baril kay Mr. De Gracia.
Tumayo rin si Nica at ngayon ay may hawak rin na baril mukhang binigyan siya ni Darius. Akmang bubunot rin ng baril si Raplh ng agad kung tinuhod ang gitna niya kaya napasigaw ito sa sakit.
"HAYOP KANG MALANDI KA! SINUNGALING KA!" galit na sigaw nito habang namimilipit parin sa sakit.
Agad kung kinuha ang baril niya saka lumapit kay Darius.
"Im sorry" mahinang bulong ko sa kaniya
"I love you" nakangiting sagot niya at hinalikan ang sentido ko.
"I love you too"
"TRAYDOR KA LORRAIN!" may kinuha pa itong isang baril na nasa likod ng Daddy niya at tinutok sa akin. "PAPATAYIN KITA"
**BANG**
Napaigtad ako ng may naramdaman akong yumakap sa akin. Bago lumabas ang ibang Agent na kanina pa nakatago sa may gilid gilid.
"N-nica" saka ko hinawakan ang pisnge niya.
Agad siyang natumba ngunit dahil nakayakap siya sakin ay napaupo rin ako sa sahig at pinaunan ko sa kaniya ang hita ko habang umuubo siya ng dugo.
Hindi ko narin mapigilang hindi umiyak ng makita ko ang kalagayan niya. Ang dating hinihiling ko na sana maging okay kaming dalawa ay natupad.
"L-lumaban ka! K-kapit lang! ATE MIYA" saka ako sumigaw at tinawag si Ate Miya.
May tumapik sa balikat ko kaya nag angat ako ng tingin. Ang nakangiting si Ate Miya ang sumalubong sakin ngunit puno rin ng sakit at padadalamhati ang mga mata niya.
"Hayaan na natin siya"
"H-hindi! A-ate Nica please" saka ko siya niyugyog.
"Mahal na mahal kita! Salamat at patawarin mo sana ako sa pagiging masama ko sayo. Darius!" agad umupo si Darius at tumingin kay Nica. "Nung nakipaghiwalay ako sayo. Dun ko nalaman na hindi kita mabibigyan ng pamilya na pinapangarap mo. Nasa mabuting kamay kana ngayon. Alagaan mong mabuti ang kapatid ko kung h-hindi m-mumultuhin kita" pagbabanta niya kay Darius.
Ngumiti naman si Darius at tumango. Bumagsak na ang kamay niya at dahan dahang pumikit ang mga mata niya.
Tanging iyak ko lang rito ang naririnig sa loob. Pinalibutan kami ng ibang Agent ang iba ay sumaludo kay Nica ang iba naman ang kamay nilang nakakuyom ay nasa may dibdib nila.
Hinalikan ni Ate Miya ang nuo ni Nica.
— 📖 — End Of Flashback
"Mr. Darius Jake Sanchez and Mrs. Hannah Lorrain Algoso— Sanchez"
Humigpit ang pagkahawak ni Darius sa kamay ko.
"You may now kiss your bride" at wala siyang pagdadalawang isip na halikan ako.
Ang unang halik namin bilang mag asawa.
Ang isang manunulat na gaya ko ay nakita ko narin ang fictional character na inaasawa ko. Pero sa ngayon hindi na siya puro imagination kundi totoo narin.
Nahanap ko narin ang lalaking mamahalin ko habang buhay at tinahak na namin ang daan patungo sa Happily Ever After.
**——The End——**