CHAPTER 23: SHE’S IN DANGER
Darius P. O. V
PAGKALABAS KO dun sa meeting room ay agad kung tinungo ang opisina ko. Nakalimutan ko kasing dalhin ang cellphone ko lalo na at nagtagal kaming lahat roon ng 3 oras dahil sa sobrang daming sinasabi nila pero isa lang naman ang pinapahiwatig.
Tumango lang ako sa sekretarya ko ng makita kung ngumiti siya. Agad akong pumasok sa loob ng opisina at kinuha ang phone ko. Halos manlaki ang mata ko ng makita kung ang daming missed call at lahat ng ito galing kay Lorrain.
Is she okay?
Lalabas na sana ako ng mag ring ang cellphone ko ang pananabik ko kanina dahil akala ko si Lorrain ay nawala ng makita ko at mabasa ko ang pangalan ni Wicked.
"Hello" bored na sagot ko.
"Watch her" malamig na sabi nito.
"What do you mean watch her?" panggagaya ko sa boses nito
"She's in danger. Yung tracker yung GPS nasa bahay lang siya i mean nasa bahay lang ang cellphone niya pero wala roon ang may ari. Wala roon si Lorrain. Tatawagan kita mamaya sa update" saka nito pinatay ang tawag.
Dali dali akong tumakbo papunta sa elevator at halos murahin ko ang may gawa ng elevator na sinasakyan ko ng ang bagal nitong umandar. Hanggang sa bumukas ito ay hindi ko pinansin ang mga empleyadong bumabati sakin.
Pinaharorot ko ang kotse pauwi sa bahay ni Lorrain ngunit sobrang tahimik lang ng bahay ang kaninang mabilis na pintig ng puso ko dahil sa sinabi ni Wicked ay mas lalong lumakas ng tanging rinig lang ng ingay ng gabi at halos marinig kuna ang ingay ng puso ko sa sobrang tahimik.
"Lorrain?" tawag ko at tiningnan mabuti ang buong bahay "Babe! Lorrain! Babe naman oh Where are you?" patuloy lang ako sa pagsigaw at sa paghahanap sa kaniya
Ngunit wala akong makita. Kada daan na segundo na hindi ko siya nakikita ay mas lalong lumalakas ang kaba ko. Bakit ko ba kasi naiwan ang phone ko? Bakit ba kasi iniwan ko rito ang fiancee ko? Ang daming bakit ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Ngunit isang bakit lang ang importanteng tanong ko.
Bakit si Lorrain ang kinuha ng mga kalaban ko? Sino ba ang kalaban ko talaga? Sa daming kumakalaban sakin sa negosyo lalo na sa ewan ko wala naman atah akong iba pang ginagawa bukod sa pagiging Agent ko at ang pagiging Business Man ko.
Nasaan ba siya? Bakit hindi nila ako kayang bigyan ng clue kung sa totoong ako talaga ang pakay niya? O Nila?
Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot ng makita ko ang pangalan ni Wicked sa screen.
"Nakita kuna kung nasaan siya. Mukhang alam na nila na may gagawin tayong hakbang laban sa kanila kaya ganito ang nangyayari. Sinadya nilang kunin si Lorrain at hindi nila hinigpitan ang location nila. Gusto ka talaga nilang patayin" boses ni Silver ang narinig ko sa kabilang linya at hindi si Wicked.
"Anong balak natin?" dali dali akong tumakbo palabas ng bahay at agad sumakay sa kotse bago ito pinaharorot.
"Sumakay ka sa Private Plane mo at umuwi ka sa pilipinas" utos ni Wicked.
"Iiwan ko rito ang fiancee—"
"—Nakita ko ang location nila. Pauwi sila sa pilipinas. At wag kang masyadong mag panic hindi nila sasaktan si Lorrain dahil ikaw talaga ang pakay nila" pagputol ni Silver sa sasabihin ko.
Pagkarating ko sa airport agad kung nakita si Silver na nakatayo ngayon habang seryoso lang ang mukha. Sumunod siya sakin at pumasok sa loob ng eroplano.
Ilang oras lang ang hinintay namin ng makarating na kami rito sa pilipinas. Si Kuya Dan ang pilot kaya medyo komportable ako at alam kung safe ang byahe namin.
Sinundan ko lang ang sasakyan ni Silver na patungo ito sa GB. Pagkalabas niya sa kotse niya ay inunahan kuna kaagad siya at dali daling pumasok.
Nakita ko halos lahat ng Agent ay nandito. Hindi ko aakalain na ganito pala kadelikado itong negosyo na ito. Na hindi mo alam kung kanino kaba talaga titiwala at hindi.
"Ang hirap hanapin itong traydor slash kalaban mo Darius"
"Mahihirapan kayo pag hindi kayo nag focus sa isang bagay na may kinalaman ng lahat" seryoso ang pagkasabi nun ni Wicked.
Na para bang alam na niya kung sino ba talaga ang kalaban namin.
"Hindi lang dahil isa kang Business Man kaya ka niya ginagantihan at nagtangka pang patayin ka. Dahil narin sa galit niya sayo. Tungkol sa love of his life niya"
"SINO BA KASI YAN?!" iritang sigaw ko.
Wala na akong pakialam kung bastos ako sa harapan nila. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung pano ko ililigtas ngayon ang babaeng mahal ko. At kung nasaan siya ngayon? May masakit ba sa kaniya? Sinasaktan ba siya?
"Calm down" rinig kung bulong ni Kuya Dan.
"PAANO AKO KAKALMA KUYA?! KAHIT NI KATITING WALA AKONG ALAM! HINDI KO KILALA KUNG SINO ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO!"
"Akala ko ba Agent ka?" napaigtad ako ng marinig ko ang pinakamalamig pa sa yelo na si Wicked.
"H-hindi dahil Agent ako! M-magiging kalma lang ako rito! Yung fiancee ko yung kinuha—"
"—Exactly!" pumitik pa siya "Ginagamit niya ang kapatid ko para maging kahinaan mo. Oh com'n Agent Speedy. Gamitin mo muna sa ngayon ang utak mo saka na muna ang puso" pagalit na payo niya.
"H-hindi ko kaya" saka ako umiling
Rinig ko ang sabay na buntong hininga nilang lahat bago ko narinig ang sunod sunod na pagtitipa. Kaya nag angat ako ng tingin at halos lahat ng Agent ay may hawak na laptop.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko kinuha rin ang laptop ko at nagsimula ng maghanap.
Sino naman ang may kagagawan ng lahat ng ito? Naging mabait na boss naman ako? Wala naman atang tatraydor sa akin iba? Siguraduhin nilang hindi nila sasaktan si Lorrain kasi makikita nila kung pano magalit ang isang Agent na katulad ko.
Tama nga sila. Sa una wala kang kinakatakutan pero pag damay na ang mga mahal mo sa buhay halos makalimutan muna ang limang taon na pag ttrain mo bilang Agent.
"I got it!" sabay kaming napalingon kay Black.
"Let's end this!" sabay na sigaw nila saka nagsimula ng maghanda.
Napangiti ako. Maaasahan talaga sila sa oras na kinakailangan mo ng kaibigan. Kaya kahit ilang bilyon pa ang kapalit sa mga kaibigan ko hinding hindi ko sila ipagpapalit sa pera.
Pwera nalang kung gipit na gipit na talaga ako—biro lang.
Kinakalma ko lang ang sarili ko. Kasi nagsisimula na naman ang pagkabog nito ng mabilis.
Sana ligtas ka mahal ko!