CHAPTER 16: ACCIDENT
Darius P. O. V
MASYADO AKONG naging busy. Lalo na sa kompanya na hinahawakan ko ngayon. Alam kung hindi kuna nabibigyan ng pansin ang girlfriend ko ngunit sinikap ko naman lahat para mabaling rin sa kaniya ang oras ko.
Ngunit sobrang kailangan talaga ako ng kompanya ni Dad. Nawala na kasi ang atensyon ko sa kompanya simula ng maging kami ni Lorrain. Nalaman ko nalang na may malaking milyones ang nanakaw ng kompanya ni Dad.
Nagalit si Dad. Kaya gusto kung bumawi. Sinusubukan kung patayuin ulit ang kompanya. At gusto ko pagkatapos ng lahat ng ito ay nandun na kay Lorrain ang buong atensyon ko.
Miss na miss kuna siya ngunit kailangan ko munang magtiis lalo na at sobrang laki talaga ang nanakaw ng kompanya namin.
Nung isang linggo akong hindi nakauwi dahil salamat narin at tapos na lahat at mapupunta na sa kaniya lahat ng atensyon ko.
Nagising ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa nakadikwarto ito.
"What the! What are you doing here?" galit na sigaw ko sa kaniya.
Pano siya nakapasok? Bakit siya nandito?
"You're free" sabi nito na nakangiti "Malaya kana i mean malaya na tayo. Umalis na si Lorrain at sumama kay Ralph"
"Ralph?"
"Yeah! Yung ex niya. Dahil nawawalan ka ng time sa kaniya ay ayun sumama siya sa lalaking minahal niya ng sobra. Diba nahirapan kang makapasok sa puso niya dahil nandun pa si Ralph? Talaga nga bang mahal ka niya? O pampalipas oras kalang?"
"Hindi ako naniniwala sayo! Umalis ka rito ngayon din!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Ngunit ngiti lang ang sinukli niya sakin na ikinainit ng ulo ko.
"Mapapasakin karin" parang baliw na sabi niya "Sumama na siya sa iba. Wala na siya!"
Galit kung hinila ang braso niya at diniinan ko ang pagkahawak nun kaya napasigaw siya sa sakit at nagpupumiglas.
"Tandaan mo toh!" madiing bulong ko sa kaniya "Kahit na ubos na ang babae sa mundo at ikaw nalang ang natitira magpapakamatay nalang ako kasya ang magkagusto sayo" saka ko siya hinila at tinulak palabas ng condo na inuupahan ko muna sandali.
Rinig kung dumaing siya saka ko sinara ang pinto. Napahawak ako sa may dibdib ko ng pakiramdam ko kinakabahan ako. Bakit ganun? Anong nangyari? Anong mangyayari?
Nagtungo ako sa may CCTV room at nakiusap na pwede bang tingnan kung anong nangyari sa may condo ko.
Nakita kung kumatok si Lorrain at si Nica ang nakabukas nun. Naka roba lang siya para akong nauupos na kandila habang pinapanuod silang dalawa. Hindi ko man narinig ang mga pinag uusapan nila pero basi sa tibok ng puso ko alam kung hindi maganda iyon.
Nagpasalamat muna ako bago lumabas. Nagsuot muna ako ng maayos na damit bago ako lumabas sa condo ko at magtutungo sa bahay ni Lorrain. Kinontact ko si Daphne agad naman nitong sinagot.
"Hey" malumanay na agot nito.
"Pakitingnan si Lorrain sa bahay niya oh please!" pakiusap ko sa kaniya.
"Wala na si Lorrain. Umalis na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta kung yan ang itatanong mo. Gusto niyang mapag isa durog na durog siya pero may iniwan siyang sulat picturan ko nalang" hindi niya ako pinasagot bagkus pinutol na nito ang tawag.
Ilang minuto lang ay may natanggap na akong message ni Daph. Isa itong sulat.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi ni Nica. Ngunit sana maging masaya ka. Pasensya na kung hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo. Hindi kita mabibigyan ng anak. At ng masayang pamilya na gusto mo. Kasi hindi ako magkakaanak.
Congrats nga pala magiging Daddy kana! Alagaan mo rin sana ang kapatid ko pati narin ang magiging anak niyo. Kahit na nagtaksil ka tandaan mo toh. Mananatili ka sa puso ko. Mahal na mahal kita, Babe!
For the last i say, I love you and Goodbye.
Nanlabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa mata ko agad kung tinapon ang phone ko at nagpatuloy sa pag didrive. Naniwala siya sa kasinungalingan ng kapatid niya.
Hindi niya pinakinggan ang pahayag ko at basta basta nalang siyang nang iiwan. Hindi! Hindi niya ako mahal! Kasi kung mahal niya ako hindi siya maniniwala sa sasabihin ng iba kasi sakin siya maniniwala.
Napatingin ako sa phone ko ng may nag pop roon kaya agad akong dumukwang para maabot ito at binuksan ito.
Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang picture ko at picture ni Lorrain na post ni BitterNovelWrites.
Caption: I love you, Goobye.
"S-si? S-si? Si Lorrain? I-isang... Manunulat?"
Bago pa ako bumalik sa katinuan ay huli na para mapansin ang kotse na paparating.
GISING AKO PERO hindi ang katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko magalaw ang katawan ko. Kaya ang tangi ko lang nagawa ay igalaw ang daliri ko.
"Oh god! Look! Gumalaw ang daliri niya!"
"He's awake"
Yan ang narinig kung ingat ngunit wala pa akong sapat na lakas para magmulat ng mata kasi kahit magmulat ako ay hindi ko magawa kasi parang sobrang bigat ng takulap ko.
Ramdam ko ang may humawak sakin mukhang chinecheck ako. I'll try my best. Ginawa ko lahat para maigalaw ko ang katawan ko. Nagtagumpay naman ako at naimulat ko ang mata ko bago ko naigalaw ang kanang kamay ko.
"Oh God!"
"Shit!"
"Damn You, Bunso! "
Boses ng mga Kuya ko. Kumurap pa ako para makita ko yung mga tao sa paligid. Halos maduling ako dahil sa sobrang rami nila. Nakangiti ang mga mata nila hahabang wala lang ang mukha nila. Pero kahit ganun alam ko at nababasa ko sila dahil Agent ako at ininsayo nila ako.
"Naalala mo ba kami?"
"Sino ako Bro?"
"Anong trabaho mo?—Aw! Fuck! "
"Kilala mo ba kung sino ka? " mahinahong tanong ng isang doctor.
Tumango naman ako bilang sagot saka tiningnan ang mga nandito halatang naghihintay sa sagot ko.
"D-darius J-j-jake Sanchez" sagot ko
"God!"
"Thanks"
"Mabuti naman kung ganun. So naalala mo ang mga tao na nandito?" sabay turo sa mga nandito.
Tumango rin ako bilang sagot at iniisa isa silang lahat. Ngunit may kulang.
"N-nasaan ang girlfriend ko?" tanong ko sa kanilang lahat.
Nagkatinginan pa sila at nagtutulakan kung sino ang magsasabi.
"Hiwalay na kayo ng kapatid ko" seryosong sabi ni Wicked.
"H-hiwalay?" takang tanong ko.
Saka ko naalala lahat bago ako maaksidente. Mapait akong napangiti. Oo nga pala iniwan niya ako without hearing my own point of view.
Napabuntong hininga nalang ako at pinigilan ang mga luha ko at pinatigas ang puso ko.
"Alam mo bang hindi lang isa ang nabangga mo?" tanong sakin ni Wicked.
"Baby" mahinang sabi ng boyfriend niya na nasa likod at hinahaplos siya.
"Apat kayo. Apat!" hindi ko alam kung bakit siya galit.
Pero nakaramdam ako ng konsensya na hindi ko alam kung bakit.
"Ang isa ay nabulag. Ang isa wala pang malay. Ang isa naman ay namatayan yung isa mong nabangga ay magkapamilya nandoon sila. Dalawang anak asawa niya at ang lalaki"
Napakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Wicked. Wala talaga siyang preno magsalita. Gusto niya talagang saktan ako kahit na kagigising ko lang at kainin ako ng konsensya ko.
"Tama na yan!" awat ng isa "Kagigising lang niya. Magpahinga ka muna Agent Speedy"
"Makukulong ka" mahinang sabi nila.
"A-ano?" gulat na tanong ko sa kanila.
"Ikukulong ka nila. Darius. May nagpunta na pulis rito at ipapakulong ka nila"
Dun binalot ng kaba ang puso ko. H-hindi ako pwedeng makulong. Buong buhay ko tapat ako sa serbisyo at ginawa ko lahat para makatulong tas ito lang ang isusukli? Ito lang ang mangyayari?
"Don't worry. Hindi pa naman klaro ang kaso" mahinang sabi ni Black "Hindi lang ikaw ang may kasalanan nun. Dahil lasing ang isang driver. Ngunit ikaw muna ang tatanungin nila dahil in coma pa ang totoong taong nakabangga"