CHAPTER 17: NEW YORK
Darius P. O. V
HABANG NAGPAPAGALING ako ang mga Kuya ko naman hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero ang sabi nila sakin na ginagawa nila lahat para malaman ang totoo at para hindi ako makulong.
Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito at pumasok ang dalawa kung Kuya. Nasa New York pa kasi raw si Kuya Dan at hindi siya nakauwi dahil marami pa siyang gagawin.
Ngunit bumagsak ang balikat ko ng may pulis na pumasok. Ikukulong naba nila ako?
"Don't worry" sabi ni Kuya ng walang salita.
Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Dalawang buwan lang kasi akong na coma habang ang iba naman ay hindi ko alam. Hindi ko pa alam.
"Hindi ka makukulong" sabi ni Sky at ngumiti "Pero hindi dahil dun ay malalagpasan muna ang ginawa mo. Nag cecellphone ka habang nag d-drive alam mo ba kung gaano ka delikado iyon? Pwede ka ring makulong. Pero ginawa namin lahat para patunayan na wala kang sala. And napatunayan nga ngunit makukulong ka parin ng tatlong araw bilang parusa"
Tumango naman ako. Tatlong araw lang. Kaya ko toh. Ngumiti ako kay Sky. Ngumiti rin siya sakin bago nagpaalam. Akala ko kung sinong pulis. Si Sky lang pala—isa rin siyang Agent katulad namin.
Nagpagaling muna ako. Ilang araw lang bago ako makalabas ngunit sa kulungan agad ang bagsak ko. Hindi ako nagreklamo kasi deserve ko rin naman ito. Nilibot ko ang paningin ko rito.
Tinanggal na ni Sky ang posas at pinapasok sa loob. May nakita akong mga tao rito nagsiksikan sila. Napangiti nalang ako ng mapait saka sumiksik sa may dulo at niyakap ang tuhod ko bago tumulala.
Ano na kayang ginagawa ngayon ni Lorrain? Kamusta na kaya siya? May bago na ba siyang boyfriend?
Kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya ay mahal ko parin siya. Maghihintay ako hanggang sa ang tadhana na ang magbigay daan para magkita tayo. Gusto ko ring malaman kung tayo na nga ba para sa isa't isa at hindi ba tayo pinaglalaruan ni Cupid?
Kasi kilala ko ang Kupido na iyan. Madaya yan maglaro. Ibibigay niya muna sayo ang isang tao, masaktan ka muna para bigyan ng lakas at leksyon bago ibigay sayo ang taong itinadhana talaga sayo. At makakasama mo habang buhay.
Napatingin ako sa labas. Nakita ko ang isang pulis na kahina hinala ang kilos niya. Tumingin siya sakin saka kumindat at napatingin ako sa may pulsuhan niya. May nakita ako roong relo na kapareho samin. It means Agent siya.
Anong ginagawa niya rito? Pinapunta ba siya rito para bantayan ako? Palihim akong napangiti at pumikit. Akala ko wala na silang pake sakin at halata kasing galit sakin si Wicked dahil sa nangyari.
PAGKALABAS KO rito sa kulungan ay nakita ko ang mga Kuya ko na naghihintay nakangiti sila sakin bago nila ako inakbayan at lumabas kami. Pinasakay nila ako sa isang kotse at si Davy ang nag drive nun.
"Pwede bang?" tumikhim muna si Rio na parang nahihirapan sa sasabihin "Pwede bang palit muna kayo ni Kuya Dan? Para naman makalimot ka. Dun ka muna sa New York"
Napatahimik ako sa sinabi niya at napasandak sa may bintana bago nag isip.
"N-nevermind. Wag mo nalang pansinin—"
"Palit kami" sagot ko.
Napapreno pa si Davy sa gulat kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil na trauma narin ako sa nangyari. Mag iingat na talaga ako habang nag d-drive.
Gumalaw na ulit ang sasakyan. Kita ko ang pagngiti nila kaya napangiti narin ako. Mukha kasing may kailangan gawin si Kuya Dan rito sa pilipinas kaya nila ako sinabihang pwede bang magpalit kami ni Kuya.
Pumikit ako at binuksan ang bintana ng kotse at dinama ang hangin kahit na puro usok.
Siguro naman nandun ang tadhana ko. Nandun ang kapalaran ko. Sana naman at hindi na ako masasaktan sa New York. Sana mabait ang bansa na iyon sakin.
Lorrain P. O. V
MALAPIT NA akong mag tatlong buwan rito sa New York. Siguro medyo maumbok na atah ang tyan ni Nica. Sana maging masaya na sila. Habang ako rito hindi parin tanggap ang nangyari.
Bumalik ulit ako sa pagsusulat ng mga walang Happy Ending. Pinost ko yung picture naming dalawa dahil alam kung wala na akong pag asa sa kaniya.
Napangiti ako dahil halos libo libo ang nag react ng post ko. May nagbibiro pa may nagpapatawa rin nagtagumpay naman ang iba kasi napatawa nila ako pero meron ring hindi dahil naalala ko siya.
Sigurado naman akong hindi niya nakita ang post ko dahil mukhang hindi naman siya updated sa mga manunulat na kagaya ko. Baka nga minumura na niya ako at pinagsisihan na pumatol siya sa isang sinungaling na writer.
"Kumusta kana dyan?" ka vc ko ang dalawang kaibigan ko.
Napangiti nalang ako ng mapait. Iniwan ko sila roon para lang iwasan si Darius. Napakasama ko naman.
"Alam kuna yang iniisip mo" pagbasag ni Daph sa katahimikan "Ginawa ko rin yan dati. Look im engaged"
"Marupok ka kasi!" pang aasar naman ni Jaycee sa kaniya.
"Atleast hindi ako pakipot" kita ko ang pagnguso ni Jaycee kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa kanila.
"So kumusta kana Bessy? " napahinto ako sa pagtawa at bumalik sa dati ang itsura ko.
"Ito buhay pa naman pero patay na yung puso ko" mahinang sagot ko.
"S-si Kuya DJ—"
"—ayaw kung pag usapan yan" kaya wala rin siyang nagawa kundi ang itikom ang bibig niya.
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa love life nilang dalawa. At hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako at nahanap na nila ang lalaking magpapasaya sa kanila.
"Hindi ako marupok na bumalik sa ex niyang playboy" nagbabangayan na naman sila.
"Hindi rin ako pakipot. Na kahit mahal niya si Rain ay nagpapakipot pa siya"
Rain? Si Ulan? Tayka! Siya yung lalaking sobrang puti na nakita ko sa may APC.
Nagbabangayan pa sila hanggang sa napunta sa akin ang usapan.
"Atleast hindi kami tanga!" sabay na sigaw nila at nakatingin sa sakin.
Napailing nalang ako habang sila ay tumatawa na parang tanga. Kung nasa harap ko lang sila baka hinabol kuna sila gamit ang kutsilyo rito sa kusina.
"May marupok, may pakipot at sa pag b-bestfriend hindi mawawala ang tanga" napatawa nalang at sumang ayon.
Tanga naman talaga ako. Bakit pa ako tatanggi?
Alam kuna una palang na hindi ako magkakaanak pero nagmahal parin ako.