CHAPTER 15: DARIUS’S BIGGEST DREAM
Lorrain P. O. V
LAGI KO RING nakikita si Nica kung saan saan. Kaya wala narin akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya. Siguro dahil mahal naman ako ni Darius ay hindi siya madadala sa tukso kahit kailan.
May iba narin akong nasulat na story na may happily ever after dahil simula ng maging kami ni Darius ay naniniwala na ako sa mga salitang iyan.
Sinara ko kaagad ang laptop ko ng makita kung bumukas ang pinto at iniluwa roon ang pinakagwapo kung boyfriend. Tumayo ako at sinalubong siya. Ngunit naamoy ko kaagad sa kaniya ang pinaghalong pabango ng babae at alak.
Gulo gulo rin ang buhok. Napalunok ako saka dumistansya ng kunti bago ko sinuklay ang buhok niya. Kahapon hindi siya umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung ano pero ng tumawag ako sa sekretarya niya ang sinabi nito sakin ay nasa opisina lang si Darius buong araw.
At dahil may tiwala naman ako sa kaniya ay hinayaan ko nalang siya. Dahil hindi siya sanay mag manage ng kompanya kaya nahihirapan siya ngayon.
Pagkagising ko kinaumagahan ay napatingin ako kay Darius na nakatukod ang siko niya sa kama habang pinagmamasdan ako.
"Im sorry" mahinang bulong nito sakin.
"Sorry for what?"
"Nothing" saka ito tumayo at nagtungo sa may banyo para maligo.
Tumayo narin ako at nagtungo sa kusina para magluto ngunit nagulat nalang ako ng may pagkain na sa mesa. Alam kung hindi siya ang nagluto nito dahil hindi naman siya marunong magluto. Nag order atah siya habang tulog ako.
Hinintay ko siyang matapos. Agad naman siyang lumabas sa kwarto at tahimik na umupo saka na siya nagsimula ng kumain. Kaya kumain narin ako.
MADALAS NALANG kami nagkakausap. Naiintindihan ko naman siya dahil sobrang busy niya pero meron talagang nagtulak sakin na sinasabing parang may mali. Hindi naman kasi siya ganyan dati.
Nung first monthsarry namin. Nakalimutan niya at hindi siya umuwi nung araw na iyon. Nagpaliwanag naman siya kung bakit. Minsan rin raw kaya hindi na siya nakakauwi dahil bumili muna siya ng condo na malapit lang talaga sa kompanya niya para daw madali at hindi siya laging late.
Ganito pala talaga kahirap ang set up namin. Malapit nga siya pero parang ang layo niya naman.
"Im sorry naging busy ako"
Hindi niya ba naalala kung anong araw na? Kung gaano ka special ang araw na toh samin? Baka dahil sa sobrang trabaho kaya nakalimutan niya.
"Happy 5 Monthsarry, Babe!" ako na ang unang nagsalita.
Gulat siyang napatingin sakin sabay iwas ng tingin at kamot ng batok. Nakalimutan nga niya.
"Im sorry! H-happy monthsarry din"
Tumango lang ako at nagpilit ng ngiti. Kalma! Kaya ko pa! Hanggat mahal ko siya kakayanin ko. At iintindihin ang kalagayan namin pareho.
Pero isang araw nun isang linggo na siyang hindi pumupunta sakin. Halos mabaliw ako kakaisip. Baka busy lang siya.
Pero hindi kuna talaga masikmura. Kaya dinalaw ko siya sa condo niya. Parang gusto ng bumagsak ang katawan ko dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero ang alam ko lang ay nasa harapan na ako ng condo niya. Kinatok ko muna ito.
Bumukas naman ang pinto at niluwa roon si Nica. Gulat ang mukha nito pero alam kung nagpapanggap lang ang babaitang ito.
"Asan ang boyfriend ko?" tanong ko sa kaniya.
"Natutulog! Napagod atah sa ginawa namin"
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa naka roba lang siya at roba ni Darius ang suot niya. Sasampalin ko sana siya ng nahawakan niya ang kamay ko.
"Buntis ako at siya ang ama" galit na sabi nito sakin "Hindi mo kasi siya mabigyan ng anak kaya naghanap siya ng ibang babae na kayang ibigay ang gusto niya... Bata palang si Darius ay gusto na niyang magkaroon ng pamilya. Iwan muna siya dahil hindi mo kayang ibigay sa kaniya ang gusto niya"
Para akong tinakasan ng dugo sa sinabi niya. Buntis siya? At si Darius ang ama?
"Hindi mo ba alam? Na kaya karin iniwan ni Ralph ay dahil nalaman niya ang tinatago mong sekreto. Hindi mo sila kayang bigyan ng anak kaya ang mga babaeng tulad mo ay magkulong nalang at wag ng umibig pa." huminga muna ito ng malalim bago niya ako tiningnan ulit "Ang kaya mo lang gawin ay paligayahin sila at mahalin ngunit pano naman ang pamilyang gusto nilang buohin?" para akong kandilang unti unti ng nauupos dahil sa sinabi niya.
"Kaya kung mahal mo talaga siya. Hahayaan mo siyang maging masaya sa piling ko at sa pamilyang bubuohin naming dalawa. Kapatid mo rin ako. Mahal ko siya mahal niya rin ako. Iniwan ko siya dati pero bumalik na ako"
Gusto ng bumagsak ang mga luha ko ngunit pinigilan ko lang iyon at malamig na tumingin sa kaniya bago tumango. At umalis na roon.
Hindi ko siya kayang bigyan ng anak, oo. Pero kaya ko siyang mahalin ng buo. Pero tama rin siya paano magiging masaya ang isang pamilya kung anak ay hindi ko maibigay sa kaniya?
Sabi nga ni Nica. Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng buong pamilya. Ngunit hindi ko maiibigay sa kaniya iyon.
Buntis siya at yung taong mahal ko ang ama. Sa pangalawang pagkakataon nadurog na naman ako. Parang hindi ko naramdaman ang sakit. Parang naging manhid yung puso ko.
Ng makarating ako sa bahay ko ay para akong lantang gulay. Kailangan kung umalis at magpakalayo layo. Tulad ng ginawa ko dati.
Minahal ko si Ralph oo wala pang nangyayari sa amin ngunit alam na kaagad niya ang sekreto ko.
Sa pamilya namin ay isa sa amin ang hindi magkakaanak. At ako ang pinakamalas dahil ako ang nabigyan ng parusa na iyon. Okay naman si Ate Miya, nagkaanak nga siya pero namatay naman. Kaya masasabi kung hindi siya ang dinapuan ng malas na iyon.
Habang si Nica naman ay nalaman ko rin na nabuntis din siya dati pero nakunan siya dahil sa kapabayaan daw niya. Nagpa check up ako. Kasama ko dun sina Mom and Dad lalo na si Nica. Hindi ko nakasama nun si Ate dahil nagluluksa siya sa pagkamatay ng anak niya.
Nalaman ko nalang na hindi ako pwedeng magkaanak. Wala akong mattress. Akala ko okay lang. Ngunit nung nagka boyfriend ako. Naging masaya naman kami nun ni Ralph dun ko naintindihan na malas talaga pag wala kang anak malas talaga pag hindi ka magkakaroon ng anak.
At ngayon naman nakaramdam ako ng insecurities sa sarili ko. Oo maganda ako. Nasa akin na lahat. Ngunit naiingit ako sa mga babaeng kayang bigyan ng anak ang mga lalaking mahal nila.
Ng matapos akong mag impake ay nag book na ako ng flight papunta sa New York. Gusto kung mapag isa. Gusto kung mabuhay at ayaw kunang magmahal kung hindi ko rin naman mabibigyan ng buong pamilya ang lalaking mamahalin ko.