CHAPTER 14: HIS EX
Lorrain P. O. V
PAPUNTA AKO NGAYON sa opisina ni Darius. Nakalimutan niya kasing dalhin ang baon niya. Alam ko namang kaya niyang bumili ng makakain niya ngunit pinaghirapan ko pa kasi tong lutuin. Sayang naman kung ako ang kakain sa pinaghirapan ko na dapat ay siya.
Binayaran ko muna ang taxi bago ako pumasok sa loob. Hindi na ako kailangan pang harangan ng guard lalo na at kilala na niya ako dahil madalas ako rito.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago ko pinindot ang last floor. Pagkabukas palang ng pinto ay ngumiti ako sa bagong sekretarya niya. Ngunit halata sa mukha nito ang pamumutla.
"Nandyan ba siya sa loob?" alam kung alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"O-opo may ka-kasama po siya" tumango naman ako bilang sagot.
Baka yung kapatid nito ang kasama niya sa loob. Saka ako pumasok pero nakita ng dalawang mata ko na may nakakandong na malanding babae sa hita ng boyfriend ko.
Okay kalma alam kuna kung anong gagawin ko. Minsan ko naring isulat ang scene na toh sa story na gawa ko.
Gulat na napatingin sakin si Darius bago niya tinulak ang babae saka siya tumayo at lumapit sakin bago niya ako niyakap.
"Magpapaliwanag ako"
"Mamaya na" saka ko pinakita sa kaniya ang baon niya "Kain muna tayo" saka ako ngumiti.
"Di ka galit?" umiling naman ako bilang sagot kahit sa kaloob looban ko gusto kunang ihulog yung babae sa building na toh.
Mukha naman siyang nabunutan ng tinik sa sagot ko saka niya ako pinaupo sa swivel chair niya rito sa opisina. Napatingala ako at tiningnan ang babae. Halos manlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ito.
"Nica?"
"What are you doing here Hannah?" galit niyang tanong sakin.
"Diba dapat ako magtanong niyan?" malamig na sabi ko at tumayo "Anong ginagawa mo rito sa opisina ng boyfriend ko" madiing sabi ko sa salitang boyfriend ko.
"Boyfriend mo?" gulat na tanong nito sakin at ngumiti ng plastik "May papatol pala sayo? Na kahit——"
"—Umalis kana rito!" inis na pagputol ko sa sasabihin niya.
"So? Hindi niya alam? Love!" malandi niyang hinaplos ang braso ni Darius "Alam mo bang hindi ka niya mabibigyan ng ana——" bago pa niya matatapos ang sasabihin niya ng sinampal ko kaagad siya. Gulat siyang napatingin sakin habang hawa ang pisnge niyang sinampal ko "How dare you"
"Now Dare me! Kung nalandi mo dati ang ex boyfriend ko. Tandaan mo toh my step sister. Hinding hindi mo malalandi si Darius at hindi mo siya maaagaw sakin dahil ako mismo ang papatay sayo pag nangyari iyon!" galit na sigaw ko sa kaniya.
"Babe calm down" ramdam ko ang palad ni Darius sa likod ko.
Kaya kumalma na kaagad ako at umupo nalang. Pinalabas na niya si Nica lumabas naman ito pero alam kung hindi parin iyon titigil. May binabalak yung step sister ko. Anak siya sa labas ng Daddy namin ni Ate Miya. Mabait ang pakikitungo namin sa kaniya pati rin siya.
Ngunit hindi ko alam na nakikipagplastikan lang pala siya samin. Mabait lang siya pag kaharap niya si Mommy at si Daddy pero kapag ako lang mag isa dun kuna nakikita ang tunay na ugali niya.
Hindi ko alam kung anong pakikitungo niya kay Ate. Kasi halos ako ay takot sa kaniya pag nag seryoso siya. Meron siyang mga mata na wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa kaniya. Meron rin siyang mga tainga na kahit nasa malayo ka ay naririnig ka niya lalo na pag paparating ka. Kung may panganib rin na darating ay alam na niya ang mangyayari at darating.
Siya ang pinakamaswerte samin. Pero ang tanging sagot niya lang pag sinabi kung napaka swerte niya ay. Tinuruan nila ako at nagpursigi ako hindi ito blessing na simula nung pagbata ako ay nandito na ito dahil nagkaroon lang ako ng ganitong pakiramdam dahil Agent ako. Yan ang laging sagot niya. Tanging ako lang ang may alam kung anong trabaho ni Ate kung bakit napakayaman niya.
Iyong si Nica naman naiingit sa kayamanan na meron si Ate Miya. Kaya minsan na rin nitong naisipang siraan si Ate dahil akala niya na ang perang may roon si Ate ay bigay nila Daddy ang hindi niya alam ay pinaghirapan rin ni Ate ang pera na iyon. Nahiya siya kay Ate o nahiya atah siya kay Daddy ng malaman niyang ang perang meron si Ate ay pinaghirapan pala nito at hindi pinamana.
"Ang tahimik mo naman" nabasag ang pag iisip ko ng magsalita si Darius.
Tapos narin siyang kumain at di ko namalayan na nakaupo na pala ako sa hita niya.
"Im Thinking" sagot ko sa kaniya.
Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa o nag ingay mukhang binigyan niya ako ng privacy para makapag isip.
At dahil sa pag iisip ko hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Darius P. O. V
HINDI KO ALAM kung ano ba talaga ang dahilan ni Nica kung bakit siya nandito sa opisina ko. Bigla nalang siyang kumandong sakin at sinabihan akong gusto niyang makipagbalikan. Ngunit huli na para sabihin ko sa kaniyang may girlfriend na ako dahil bumukas ang pinto at pumasok roon si Lorrain.
Akala ko sasampalin niya ako o magagalit siya tulad ng sa mga nababasa ko. Ngunit mahinahon lang siya at ang ikinagulat ko ay magkapatid pala sila ni Nica i mean step sister raw sabi niya. Gusto ko sanang magtanong kaya lang mukhang malalim ang iniisip niya dahil kahit nga lang nakaupo na siya sa hita ko ay hindi niya napansin at patuloy siya sa pagtulala.
Naramdaman ko ang mabibigat na hininga niya sa leeg ko. Kaya nasasabi kung nakatulog siya. Agad akong umayos ng upo habang nakapulupot parin ang braso niya sa leeg ko at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko.
May biglang pumasok sa opisina ko at pumasok roon si Wicked i mean si Miya ang kapatid ni Lorrain. Talaga ngang hindi ko pa nakikilala ang pamilya niya dahil sunod sunod ang supresa niya sakin. Nagulat ako ng malaman na ate pala niya ang pinakamagaling na Agent na si Wicked at step sister niya pa ang ex ko.
"Naparito ka?" tanong ko sa kaniya.
Walang ingay siyang umupo sa sofa habang naka dikwarto at seryosong nakatingin sa akin. Ang hirap niya talagang basahin kahit kailan.
"Nakita ko si Nica... Anong ginagawa niya rito? Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan at lulukuhin ang kapatid ko. Mr. Sanchez"
"Nagulat din ako na nandito siya——"
"—Diretsuhin moko. Seryoso ako rito" halata nga "Nakita ko kung pano nadurog ang kapatid ko ng maghiwalay sila ni Ralph dahil kay Nica. Alam kung wala akong karapatan na magkwento ngunit isa lang ang sasabihin ko sayo. Kahit isa kapa sa pinakamayaman sa buong mundo. Wala lang yan sakin kasi walang kwenta ang yaman mo kung patay kana"
Nakakatakot siya aaminin ko. Pero mahal ko ang kapatid niya at hindi ko siya kailanman sasaktan. Pangako ko iyan.