CHAPTER 13: LORRAIN’S ELDEST SISTER

Lorrain P. O. V

NAGISING ako dahil sa alarm clock na sinet ko nung gabi. Dahil may trabaho ngayon si Darius. Speaking of Darius natutulog parin siya hanggang ngayon.

Niyugyog ko siya para magising. Nagmulat naman agad aiya ng mata at napangiti siya ng makita ako.

"Good Morning Babe" nakangiting sabi nito.

"Good Morning, too" ako na ang nanghalik sa kaniya dahil lagi nalang siya ang nanghahalik sakin kada umaga.

Simula ng maging kami dito narin siya natutulog. Parang live in narin. Tumayo ako pero napaupo rin ulit ng humapdi na naman ang gitna ko. Napatawa si Darius ng nakabusangot na naman ang mukha ko.

Nakakainis siya kinuha niya ang pagkababae ko nung araw na sinagot ko siya. Hindi ko akalain na nagkasya pala iyon sa loob ko.

Ng masanay na ako ay tumayo ako at pinulot ang malaking t shirt niya hindi kuna kailangan pang mag suot ng panloob dahil nandito lang naman ako sa loob ng bahay.

Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay lumabas na ako para magluto. Sakto namang pagkalabas niya ay luto narin yung niluto ko. Walang umimik samin habang kumakain.

Siya na ang nag prisentang maghugas. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya.

Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Nakakaproud. Napatingin rin siya sakin saka siya ngumiti.

Hinalikan niya muna ako bago siya nag paalam. Kaya tahimik na naman muli ang bahay ko at bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.

Agad kung binuksan ang laptop ko at tiningnan ko ang wallpaper ko sa phone. Napangiti ako bago ko inedit ang pic yung hindi kita ang itsura naming dalawa ni Darius.

Pinost ko ito sa instagram hindi pa nga umabot sa isang minuto ay may nag comment na at nag react. Minsan lang kasi ako magpost rito sa instagram minsan kasing pinopost ko ay yung mga book at kung saan sila makakabili ng mga libro ko.

: Ang ganda ng kutis mo Ms. Bitter

: Feel ko maganda tong si Idol

: Ang tangkad ng boyfriend niya.

: Ang pogi. May abs ba Ms. Bitter? He-he!

Napangiti nalang ako. Siguro ay hindi makikita ni Darius toh. Sa dami ng pinic namin nung first date naming dalawa ay hindi ko alam kung naalala niya ba ang pinakangandang nakuha namin.

Yung nakaakbay siya sakin habang nakapulupot ang braso ko sa bewang niya at nakasandal ako sa dibdib niya.

Nilinis ko nalang ang buong bahay ko ng may kumatok roon kaya kaagad ko itong binuksan. Pero nagulat nalang ako ng may biglang humila sakin.

Darius P. O. V

PAGKALABAS ko palang sa bahay ni Lorrain ay papunta na ako sa BG saka ko pinark ang kotse ko at pumasok sa loob.

May nakapasok raw kasi na outsider rito sa GB. Pagkapasok ko palang ay nakita ko na si Grif na nakatutok ang baril nito sa isang lalaking sobrang tangkad at sobrang puti in short sobrang gwapo.

"Pupunta pa rito ang Wicked Angel"

Ang tinutukoy nito ang grupo ni Wicked. Apat silang babae na may suot na masquette.

Pagkabukas palang ng pinto ay nagulat nalang ako ng halos manlaki ang maliit na mata ni Wicked sa nakita.

"Ibaba mo yang baril mo Grif" utos niya kay Grif

"Outsider siya!" sigaw ni Grif kay Wicked.

"Ibaba mo yang baril mo! Kung ayaw mong barilin kita!" galit na sigaw nito. "Anong ginagawa mo rito?" malumanay na tanong nito saka bumaling sa lalaking outsider.

Nakanguso lang ang lalaki saka nag iwas ng tingin na para bang nahihiya o natatakot na ewan!

"Miya" mahinang tawag ng lalaki sa kaniya.

Halos manlaki ang mata namin ng bigla niyang inalis ang maskara niya. At halos malaglag ang panga rin namin ng makita naming napakaganda niyang babae. May kamukha siya.

"What the!"

"Bat mo tinanggal?"

"Miya!"

"Tara na!" hinawakan niya ang kamay ng lalaki ngunit hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan nito "I said tara na!"

"A-agent ka?" halos malaglag ang panga namin sa tanong ng binata na ito.

"Please! Im begging you tara na" pagmamakaawa ni Wicked sa binata.

"Explain"

"Mamaya na!" iritang sigaw ni Wicked.

"Sinisigawan mo ako? Naiirita kana sakin? Naiinis kana? Hindi muna ako mahal?"

Gusto kung matawa sa pagiging isip bata ng lalaking ito. Ngunit pinigilan ko lang ayaw kung mabaril noh.

"I love you" mahinang sabi ni Wicked "Tara na" pinagsiklop nila ang kamay nilang dalawa saka siya umalis.

Halos malaglag ang panga namin dahil sa inasta ni Wicked. May ganun na side pala siya? Bakit hindi niya pinapakita samin.

Napatingala kami ng makita namin ang iba pang Wicked Angels na hindi pa umaalis.

"Si Wicked ay si Miya" paliwanag ni D. Saka niya hinubad rin ang masquette niya.

Maganda rin siya. Ang gaganda nila. Sunod naman tinanggal ni Slayer sunod naman ni Spartan.

"Im Dhivshen. As Agent D" pagpapakilala niya.

"Im Shenerie. As Agent Slayer"

"Im Sofia. As Agent Spartan"

"Aalis na kami" pagpapaalam ni Agent Slayer.

Saka sila lumabas. Ilang minuto lang ang tinaggal ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ng Wicked Angels. Wala na silang suot na masquette.

"Hindi dahil ako ang General Agent ay balewala lang ang kasalanan ko. Pantay pantay tayo na narito kaya tatanggapin ko yung parusa ko" mahinang sabi ni Agent Wicked

"Baby!" halos lahat kami ay napalingon sa may pinto ng pumasok na naman roon ang lalaking iyon. "Bakit moko iniwan?"

Kita ko ang pag irap ni Wicked saka niya kami hinarap di alintana ang lalaking nakayakap sa likod niya. Halatang napaka possessive nito.

"Hindi niyo siya pwedeng parusahan" nakangusong sabi ng lalaki "Bubuntisin ko pa siya"

Kita namin ang pamumula ng mukha ni Wicked na parang nahihiya. Kaya hindi na namin mapigilan ang mapatawa.

"Please! Dun ka muna sa opisina ko" saka niya hinarap ang lalaki

"No! Dito lang ako! Iiwan moko ang daming lalaki rito!"

Hinayaan nalang ni Wicked ang binata na nakayakap sa likuran niya.

"Sapat na yung pinakita mo samin ang mukha mo Agent Wicked"

Tumango naman si Wicked ang ngumiti. Ngunit napatawa ulit ako ng takpan ng lalaki ang bibig ni Wicked.

"Wag kang ngumiti. Dapat sakin kalang ngumiti!"

"Agent Speedy——"

"May nakapasok na naman po na outsider"

Lorrain P. O. V

HINDI KO ALAM kung sino ang kumuha sakin. Sino ang mga ito pero huminto kami sa isang malaking bakal na gate. At bumukas ito.

"Im Luna"

Siya si Luna. Yung nagpakilala sakin nung nasa bar kami. Tama siya nga yun.

"Yeah naalala kita" sabi ko sa kaniya "But what am i doing here?" i ask her

"Dito sila nagtatrabaho" kahit hindi ako magtanong ay alam kuna kung sino ang sinasabihan niyang dito nagtatrabaho.

Mga Agent ang nandito. Lalo na at paglabas namin sa kotse ay halos makita namin ang ibang Agent na nagtatrain sa malawak na lupa na ito.

Ngunit napataas ang dalawang kamay ko ng may biglang tumutok samin na baril. At iginaya niya kami papasok sa loob. Pinapasok niya kami sa isang kwarto. Ngunit ang kwarto na iyon ay napakalaki halos lahat ng Agent ay nandito.

"Hannah?"

"Ate?" gulat na tanong ko ng makita ko si Ate Miya nandito may nakayakap na lalaki sa likuran niya at nakasubsob ang mukha nito sa leeg ni Ate.

"Magkapatid kayo?" may isang nagtanong.

"Kaya pala may kahawig ka" lumapit si Darius sakin at niyakap ako "Anong ginagawa mo rito? Pano ka nakapunta rito? Pano mo toh natunton?" sunod sunod na tanong niya.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito. Siya lang ang kumuha sakin nun. Natakot pa nga ako kasi akala ko kidnapper, si Luna lang pala"

"Luna!" sabay na sigaw ng apat na lalaki sa kaniya.

"Kalma Kuya's" natatawang sabi nito.

"Kung ano man yang trip mo. Please Luna sa iba nalang wag sa girlfriend ko"

Girlfriend ko. Bakit ang sarap sa pakiramdam at ang sarap sa tainga ng marinig ko ang salitang iyan galing sa kaniya.

"S-saka Babe" hinubad nito ang suot na jacket niya at pinulupot ito sa may bewang ko "Nakalimutan mo magsuot ng undies" halos gusto ko ng takpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Gosh!