14: Right where you left me

I slowly removed my jackets. Tanging ang kulay puti kong floral strap dress ang natira. Tinanggal ko rin ang sapatos ko. Mahihirapan akong gumalaw kapag nand'yan pa 'yan. Alas singko pa lang ng umaga. Madilim pa ang langit, I can still see the stars.

Hinayaan ko ang sariling damhin ang malamig na hangin bago nagpasyang tumalon.

And then I fell.

Not in the mountains full of rocks, but in someone's arms.

"Don't you dare..." he says.

Agad na nagtaasan ang balahibo ko. I can feel his breath on my neck. His arms are on my waist to prevent me from falling to the ground.

"God, David..." Nahigit ko ang aking hininga. Pakiramdam ko mahihimatay na ako anumang oras. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay mamamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Miss, what the hell are you doing?" Hinila niya ako pabalik sa taas at pinaupo ako sa malamig na sahig. Nang magtama ang mga mata namin ay parehas kaming napasinghap, marahil gulat nang makita ang mukha ng isa't isa. "Fuck, Lychie?" Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ako.

Mukhang hindi niya inaasahan na makita ako, bakas ang gulat sa mukha niya at ganoon din sa akin.

Binaba ko ang tingin ko dahil ayaw kong ipakita sa kanya ang pilikmata at kilay ko, hindi pa kasi ito tumutubo simula noong nagpa-chemo ako. Dino-drawing-an ko lamang ito at nilalagyan ng fake eyelashes pag nagme-makeup ako pero ngayon ay hindi ako naglagay ng kahit ano.

Malamang, gusto ko na ngang mamatay mag-aayos pa ako?

"Oh my goodness, I can't take this anymore..." Napatakip siya ng bibig, gulat na gulat pa rin. "How are you---What the hell are you doing there, Lynelle? Are you planning to kill yourself?" Mula sa kalmadong tono ay agad na naging palahaw ang boses niya kaya nagulat ako.

"Ano bang paki mo?! Leave me alone! Ano bang ginagawa mo rito? Bumalik ka sa Pilipinas!"

He scoffed. "Excuse me, nagka-camping lang ako dito dahil tahimik pero nakakita lang naman ako ng babaeng gustong tumalon. Kumakanta pa! Anong gusto mong gawin ko, samahan kitang tumalon?" Sarkastikong sabi nito.

I rolled my eyes, hindi makapaniwala sa nakikita at sa ugali niya. He didn't change! Ang nagbago lang ay wala na kaming relasyon ngayon. Teka, kailan ba kami nagkaroon ng relasyon? Ni hindi ko nga siya sinagot!

Agad kong kinuha ang jacket ko, padabog. Nagmadali akong maglakad pababa.

Nothing's more embarrassing than failing a suicide.

Fuck, how am I suppose to get home? I'm pretty sure by now, my parents are already reading my goodbye letter.

Nasapo ko ang noo ko. I'm screwed.

Mas binilasan ko pa ang lakad ko, sinuot ko rin ang makapal kong jacket na kulay puti. May fur pa iyon. Sinuot ko rin ang fur gloves na iniregalo sa akin ni mama para sa birthday ko this year para uminit ang kamay ko.

Hindi ko napansin ang malaking yelo roon. I slipped. Buti na lang at nahawakan ni David ang likuran ko, sa jacket ko siya nakahawak.

"You're still clumsy, you didn't change a bit. It's just your hair color and length. Still the same Lynelle I knew."

Hindi ko alam kung iniinsulto niya ako o ano. He probably don't even know na nagka-cancer ako!

"Ikaw rin, hindi ka nagbago. Mukha ka pa ring tae!" Galit kong sabi at tumakbo palayo.

Narinig ko ang halakhak niya sa likuran ko.

Why the hell is that guy here? At talagang siya pa ang nakakita ng nakakahiyang death fail ko. Tangina pati si Satanas, tinatanggihan ako.

He dyed his messy hair with dark brown, he's wearing a black puffer jacket. He looks like an asian model. His facial features are more defined and his jaw is still angular. He got a lot taller than before and he still has that annoying smirk in his face. I want to slap him so bad!

Nang makauwi ako sa bahay ay nagkagulo ang mga magulang ko. Nang makita ko silang umiiyak noong umuwi ako kasama si David ay naiyak din ako.

Bukod sa naiiyak ako dahil nalulungkot ako sa ginawa ko sa kanila, naiiyak ako sa hiya dahil hindi manlang natuloy ang plano ko. Salamat sa walanghiyang David, buhay pa rin ako.

"Nak! Bakit ka nagsulat ng ganoon! Huwag kang magbiro sa mga ganoon, nak!" Mahigpit akong niyakap ni papa. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Lumalabas na ang sipon niya habang yakap ako.

Sabay nila akong niyakap ni mama. Nagmoment muna kami roon nang ilang saglit bago nila napansin kung sino ang nasa likod ko.

"Magtatanan ba kayo ng lalaking 'to pero nakunsensya kayo kaya bumalik kayo?" mahinahong tanong ni mama sa amin ni David.

"Ho?!" Gulantang na tanong naming dalawa ni Tamizen.

"Mama! Ngayon lang kami nagkita. Nagpahangin lang ako sa labas. Iyong letter, nagp-practice lang ako para sa speech namin. Alam mo na ma, college things. Psychology major ako! Pina-practice ko kung paano magpapaalam ang isang tao sa mga pamilya nila pag gusto nila mawala sa mundo!" Mabilis na palusot ko. "Tapos nakita ko si David."

Lumapad ang ngisi ni David, tila nang-aasar. I glared at him. Hindi ako natutuwang makita ang mukha niya!

Pero bakit ngumingiti ang puso ko?! Iniwan ako nung lalaking 'yan! Kahit na pinagtabuyan ko siya, he should've tried! Ayaw ko na sa kanya, I hate him so much!

"Totoo ba 'yon, David, anak? Hindi ba siya gumagawa ng paraan para pagtakpan ang suicide attempt niya?" tanong ni papa kay David.

"Opo, pa," nakangiting sagot nito kay papa habang nakatingin sa akin. Lumabas na ang ngipin niya, hindi na maitago ang ngiti.

I glared at him. The nerve for him to call my dad 'pa'! Nakakainis! Nakakainis siya! I hate his smirk, his eyes, his teeth, everything! Everything about him!

"Pasok ka sa loob, nak, kain muna tayo." Ngumiti si mama kay David.

Bakit parang ayos lang sila at kumportable sila kay David? Noon ay ayaw na ayaw nilang may lalapit sa akin na lalaki. Tinatago pa nga ang cellphone ko sa pag-aakalang kumekerengkeng ako. Tapos pag kay David, inaaya pa sa bahay? Ibang klase naman pala ang lalaking 'yan!

"Okay lang naman siguro ma kung hindi na natin siya papapasukin," nagpilit ako ng ngiti kay mama.

This is uncomfortable! Seeing his face again after years!

"Why not?" Tanong ni David sa akin, tila pinipilit ang sarili sa maliit naming tahanan.

"You're my ex for fuck's sake!" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. Nanlalaki ang mga mata ng mga magulang ko. Si David naman ay hindi na napigilang tumawa.

"Lynelle, we used to be friends... We neved had a relationship!"

"'Friends' my ass!" Galit kong sabi.

"Lynelle!" Sabay na saway ng mga magulang ko sa akin.

Pinandilatan ko ng mata si David, ayaw niyang tumigil kakatawa. Para bang may pinapanood siyang nakakatawa.

"It's fine, Mr. and Mrs. Centeno. Looks like your daughter don't want me in your house. Do you mind if I take her in my house instead? I promise you we'll just talk and eat."

"Over my dead body!" nanggagalaiti kong sigaw.

"Sure, sure!" Magkaantabay na sabi ng mga magulang ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa aking mukha. Pakiramdam ko mahihimatay na ako sa pamumula ng mukha ko sa hiya at galit.

"I refuse to go with this guy I just met now after five years! I don't even know if he's a criminal---"

"Napakagwapong bata nitong si David, sasabihan mo ng criminal?" Putol sa akin ni mama. "Sumama ka na, nak, para naman makalabas-labas ka. Lagi kang nasa bahay. Tsaka para makapag-usap kayo--"

"Wala po kaming dapat pag-usapan--"

"We have a lot of things to talk about, Lynelle." Sumeryoso ang mukha ni David. "I have a lot to tell you."

"Like what?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm a practicing lawyer now, my Lynelle..."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. His eyes were full of hope. It's still the same eyes when I see him staring at me, the same eyes he gave me when I left him there crying and broken.

He made it. David made it.

"Please... saglit lang, hindi tayo magtatagal. Hindi ako uukupa ng maraming oras, promise." He plead.

Bumuntong hininga ako. Dumiretso na ako sa damitan ko sa loob ng bahay para magpalit ng damit. I'm nervous, I don't know why.

Tinanaw ko si David sa labas gamit ang bintana mula sa kwarto ko. I saw him talking with my parents and they're all laughing and they look close! They barely know each other! When the hell did they get so close?! I didn't even introduce Tamizen as my boyfriend!

Padabog kong kinuha ang black dress ko na long sleeve. Pa-v cut ang chest part pero dahil lalagyan naman ng jacket ay iyon na lang ang isinuot ko. I just hope walang mangyaring hindi maganda sa aming dalawa ng lalaking 'yan.

Sa taxi kaming dalawa sumakay. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. I can see Angelo staring at me in my peripheral vision. Even a second, his eyes didn't leave my face.

"Ano ba--" hinarap ko siya pero agad na nag-iba ng direksyon ang tingin niya. Mula sa gilid ay napunta ito sa harap. Kinunutan ko siya ng noo pero nang ibalik niya ang tingin sa akin ay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin, kunwari hindi ko nakita ang mga mata niya na nakatingin sa akin!

Okay, play dumb, Lynelle. Play dumb.

"May bahay ka na rito?"

"I bought it last week."

"Last week?" Tanong ko. Last week din kami pumunta rito, ah?

"Oo?" Tanong niya pabalik.

Natahimik kami saglit. I can almost hear crickets inside the car. The only thing we can hear is the radio music playing.

♪ Friends break up, friends get married ♪

♪ Strangers get born, strangers get buried ♪

♪ Trends change, rumors fly through new skies

But I'm right where you left me ♪

♪ Matches burn after the other ♪

♪ Pages turn and stick to each other ♪

♪ Wages earned and lessons learned

But I, I'm right where you left me ♪

I pursed my lips. I know that song. It used to be my favorite song and I can't deny how accurate that song is to my lifestyle now.

♪ Did you ever hear about the girl who got frozen? ♪

♪ Time went on for everybody else, she won't know it ♪

♪ She's still 23 inside her fantasy ♪

In my head, I'm screaming every word from the lyrics. I adore this song so much. These days I'm loving sad songs, it helps me tear up specially the days when I can't cry because I'm too numb to feel the pain.

"I'm sure that you got a wife out there... Kids and Christmas, but I'm unaware, 'cause I'm right where..." I can't help but to whisper. "I cause no harm, mind my business if our love died young, I can't bear witness and it's been so long, but if you ever think you got it wrong... I'm right where you left me..."

May pinapatamaan ako sa lyrics na 'yan kaya iyon lang ang kinanta ko. I'm pretty sure he knows what I mean. We used to tell each other about our feelings using a song.

Hindi pa tapos ang kanta ay sinapawan niya ang radio ng kanta.

♪ I'm so glad you made time to see me ♪

♪ How's life? Tell me, how's your family? ♪

♪ I haven't seen them in a while ♪

♪ You've been good, busier than ever ♪

♪ We small talk, work and the weather

Your guard is up and I know why ♪

Kumunot ang noo ko. That's Taylor Swift's song! Lahat ng kanta ni Taylor Swift ay gusto ko. I know that song! How did he know 'Back To December'?

♪ Maybe this is wishful thinkin' ♪

♪ Probably mindless dreamin' ♪

♪ But if we loved again, I swear I'd love you right

♪ I'd go back in time and change it, but I can't ♪

♪ So if the chain is on your door, I understand ♪

When the song finished, naging tahimik ulit kami pareho. Tumingin ako sa bintana dahil nagbabadya na ang luha ko. I felt his hand on my left hand, the way he held me is just so gentle. It feels good. It gives me comfort.

Butterflies in the movies are nonsense. That means you feel uncomfortable when you're with them. What's love is being comfortable around them.

I'm pretty sure I'm still inlove with this guy.

"Go home Lychie, go home with me..." He says. "Gihigugma tika,"

He said I love you. David Angelo Tamizen just told me he loves me.