13: Dreams

Five years... I've been fighting cancer for five years. Sometimes the doctors say it will get better, but most of the time it's not getting any good.

"I want to study again, mom,"

I've always dreamt of becoming a lawyer or a psychologist... It helps me study human behavior. I like studying humans.

I need a lot of years to become a lawyer and I'm not getting any younger so I'm pursuing psychology instead.

Nahihiya akong humarap sa mga kaklase ko dahil lahat sila nagsipagtapos na sa mga kurso nila pero ako nandito pa rin. Lahat sila nakapag-asawa na, iyong iba may anak na. Pero ako, magsisimula pa lang ng college. Naiwan na ako sa likod. Helpless.

Sinwerte kami sa amo ni mama, nag-iisa lang ito at hindi malaki ang pamilya. Ilang taon na rin kasi siyang nagt-trabaho sa pamilya nito kaya pinamanahan siya ng mga alahas. Those arabians changed our life with their gold necklaces.

I'm seeing a little light, after five years...

I'm twenty three.

I wasn't happy... pagaling na ako pero 'di na ako masaya. Hindi na nagpaparamdam sa akin si David, iniwan niya na talaga ako... Pero ano pa bang aasahan ko? Ako ang nagtulak sa kanya paalis.

In two days we're going to Iceland for me to study there. I can't even feel any excitement.

When I was dying, I want to live. And now that I'm finally living again, I want to fucking die.

"Nak, mga damit mo oh..." Inabot sa akin ni papa ang bag.

Nanatili ang mga mata ko sa salamin. I'm still the same Lynelle like years ago... What only changed is my eyebags are bigger, my eyes looked tired and I have short hair. Kulay blue ang buhok ko na hanggang dulo ng tenga ko lang. I'm always wearing my black lipstick so I look gothic.

It's feels weird to be here but I'm starting again. I want to start again and forget David. Forget everything. But how?

"Mama ko! Tangina pre, nakarating na ba sa 'yo ang balita?"

"Anong balita?" Hirap pa akong tumayo para kunin ang cellphone ko. Hating gabi na nang tumawag si Renice sa akin.

"Ikakasal na raw si Armenia!" Sigaw niya.

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga, nanlalaki pa ang mga mata. Dali-dali kong binuksan ang ilaw, naningkit ang mga mata ko dahil sa liwanag.

"Puta, ang aga-aga," I groaned. "Kanino ikakasal? Wala naman siyang kinu-kwento sa 'tin, ah?"

"Iyon nga! Ikakasal doon sa poging doctor na galing pang Russia amputa! Ang gwapo!"

Nilayo ko sa aking tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng kaibigan ko. Napa-buntong hininga na lang ako dahil alam kong 'di ako makakapunta dahil nandito ako.

"May isa pa 'kong chika!"

"Ano naman?" Nakikisabay na lang ako.

"Iyong asong ulol na habol nang habol at iyong amo niya nagkita riyan sa Iceland!"

"Huh?" Gulantang kong tanong. Nandito sina Kahel at Darell? "Seryoso? Gago 'di ba magkagalit 'yon?"

"Oo gago! Hindi ko na masabi kay Kahel dahil kahapon pa siya nandyan. Huwag lang sana silang magkitang dalawa! Nurse versus CPA Lawyer ang labanan, haha!" Sigaw niya pa. "Pero sayang talaga sila. Kung hindi lang gago si Darell dahil sa pagbibigay ng mixed signals sa bebe girl natin, sana sila ang nagkatuluyan. Tarantado kasi eh."

"Agree, tarantado si Darell." Tumango-tango ako. "At ang mga kaibigan niya." Dagdag ko pa, may tinutukoy sa isip.

Agad na napaubo si Renice sa sinabi ko. "Sige par inaantok na pala ako, goodnight."

"Tangina ka ginising mo 'ko tapos tutulugan ako! Tsaka alas-syete lang diyan uy, 'wag mo 'kong gaguhin. May gusto ka sa tropa ni Darell, 'no?"

"Lul... College mistake ko lang 'yun."

"Anong college mistake? Highschool pa lang tayo may pagsintang pururot ka na sa hinayupak na Gabong 'yon. Hindi ka nga pinanagutan."

"Sino ba kasing may sabi na si Gab ang tinutukoy ko? Iyong isa pang kaibigan ni Darell ang tinutukoy ko 'no..." Humina ang boses ng kabilang linya, tila nahihiya.

Humagalpak ako ng tawa. What a great start of a day. Chismis agad ang almusal ko.

"Ikakasal si Armenia sa Russia, ang sabi ko, baka 'di rin tayo makapunta kasi hindi naman tayo sinwerte katulad ni Erin na may asawang CEO, pangit nga lang ang ugali."

"Asawa? Huwag tukuying asawa kung 'di tayo in-invite sa kasal nila! Mas gusto ko pa 'yung Cadmus kesa sa Jarmin na 'yon eh, pinapaiyak si Erin."

"True." Aniya. "Pero sabi naman ni Armenia, siya na raw ang bahala sa tickets natin. Nakakahiya man pero gusto kong makahanap ng foreigner na pogi. Kung hindi su-swertehin sa kalahi, baka sa Russian guys swertehin. Sa kanila na lang ako kekereng-keng." Tumawa siya.

Bumalik na sa normal ang buhay ko pero kulang talaga. Hindi ito sapat na dahilan para magbago ang isip ko sa pagkuha ng buhay ko. Don't get me wrong, 'di lang sarili ko ang iniisip ko. Pero ayaw ko na talagang pahirapan ang mga magulang ko at nawawalan na ako ng ganang mag-aral.

Nagyeyelo ang buong paligid nang lumabas ako. Expected ko na 'yon dahil nagsisimula na ang winter season kaya ang kapal ng jacket ko.

Nagpaalam na ako kay mama at papa. This is probably the last time I'll see them.

I also left them a letter.

Hi ma, hi pa!

Hindi po ako sigurado kung mababasa niyo po 'to agad dahil tagong-tago kasi baka nagt-try pa lang akong ibigay ang buhay ko kay Papa G ay malaman niyo na agad. Haha.

Salamat po sa walang sawang pagbabantay sa akin, sa time na iginugugol niyo sa may sakit niyong anak at sa paghingi ng sorry sa akin.

Hindi pa po kayo nagso-sorry, matagal ko na po kayong napatawad.

Wala na siguro ako pag nabasa niyo 'to. Thankful po ako na kayo po ang naging mga magulang ko. Kahit na binigyan niyo po ako ng masasakit na ala-ala, dahil po roon ay naging kung sino po ako ngayon. Sorry po kung maaga ko kayong iiwan. Alam ko pong masasaktan kayo ng sobra.

Buong buhay ko po ay naging selfless ako. Gusto ko pong maging selfish ngayon at sana po 'wag kayong makunsensya dahil wala po kayong kinalaman dito. Talaga lang pong pagod ang utak, puso at katawan ko. Ayaw ko na po talaga. Sorry po dahil nanghingi pa ako ng oras niyo pero tatapusin ko rin pala ang buhay ko.

Maraming maraming maraming salamat po. Alam kong mabubuhay pa po kayo nang mas matagal at healthy. Pasensya na po at hindi ko po kayo mabibigyan ng apo tulad ng sinabi niyo sa akin noon nung kami pa nung dating nobyo ko.

Matagal na pong nakasarado ang libro namin ni David at sigurado po akong wala na rin siyang balak buksan pa ito. Wala rin po siyang ideya sa akin pero sana po 'wag niyo po itong sabihin sa kanya. Pero kung malaman niya man ay paki sabi po na mahal na mahal ko siya, higit pa sa lahat. Higit pa sa buhay ko.

Mahal na mahal ko po ang mga kaibigan ko. Sana po, gabayan niyo rin po sila gaya ng tulad na anak niyo. Para sa akin, sa kanila na lang po kayo bumawi.

I'm grateful you let me live in this world. I love you, papa, mama.

Love,

Your Daughter Lychie.

Tumutulo ang luha ko habang binabasa ko ang letter ko para sa parents ko. Binabasa ko pa nga lang ay mahirap na, para sa kanila pa kaya?! Hays, paano na lang sila pagwala na ako? Ang hirap, nakakatakot. Pero ano ba?! Face your fears!

Umakyat ako sa isang lugar na walang tao. Nasa taas ako ng isang mababaw na bundok! Nagyeyelo pa rito sa taas kaya ginawa ko ang lahat para painitin ang sarili ko. Teka nga, bakit pinapainit ko pa ang sarili ko? Bakit pa ako magpapakahirap sa pagtalon na hindi sure kung mawawala ako dahil baka mapuruhan lang ang buto ko? Mags-stay na lang ako rito hanggang sa mamatay ako sa lamig.

Kaso wala na akong time, baka makita na ng parents ko ang letter.

Sana ikasal sa tamang lalaki ang mga kaibigan ko. Sana ikasal sila sa mga pinapangarap nilang mayaman, gwapo, understanding, mapagmahal at lalaking gagawin ang lahat para sa kanila. They deserve it.

I already found the right man for me, we didn't end up, alright... I assume he's still focusing on his career now as a lawyer he always dreamed to be but he probably has a girlfriend now. They probably kiss and hug each other.

We never even kissed, our lips never touched. Maliban na lang doon sa aksidenteng nangyari sa amin nung highschool kami. Pero nakakalungkot isipin na 'yung dating lalaki na kasama mong mangarap na sabay kayong haharap sa altar, ngayon baka may ibang babae na siyang pinapangakuan.

Tatalon na talaga ako.

Ngumiti ako sa sarili ko. It's been a tough life, I can do this! Maybe in my next life, things will get better.

Tumingin ako sa baba. Shit, ang taas ko. Sigurado naman na tapos na ang buhay ko pag tumalon ako 'di ba?

Ikinalma ko ang sarili, pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang kumanta. It's my favorite song since David left.

♪ It's funny 'cause I've always dreamed of me and you ♪

♪ Now here we are

Staring at the stars ♪

♪ You just broke my heart

Even though you promised you'd never do that from the start ♪

♪ But I guess we can only make it so far ♪

"Cause time wasn't in our favor

This isn't goodbye, this is simply see you later..." I sang.