15: Alive
When we finally step a foot inside his house and after I removed my jacket, he immediately hugged me tight. His warm hug gave me comfort and I can't help but to smile.
But still I'm pissed of what happened earlier but I still can't help but to thank him again. He saved me. He saved my life.
He's like Jack Dawson and I'm Rose of Titanic. Just like Jack, he saved my life in every way possible.
For the first time, not accidentally, our lips met. Everything felt so sweet. He didn't stop he just kissed me passionately like he's been longing for this. My heart sank, for the first time in five years, I felt happy.
"I didn't become a lawyer," malungkot kong sabi.
"Just a few years, I'll finally become a lawyer because I want to give us justice. I will become a lawyer for you, Lynelle. I hope you're proud of me. I'll earn you again, your time... everything. If you want to, you can come back home. You can come back to me." He started tearing up.
I hugged him. This sweet guy makes me want to sob so hard. We made it. Things get better.
"Through thick and thin, we're in this together, right?" I smiled and kissed him.
Then he kissed back. Napasandal ako sa pader habang hawak niya ang pisngi ko. I even need to look up just to meet his kisses because he's too tall!
Nang uminit na ang halik namin ay naabot ko na ang belt niya kaya agad siyang natigil sa paghalik sa akin. Gulat niya akong tiningnan.
"What are you doing?" Gulat na tanong niya.
"What? We're both adults now," takang tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya agad. "No, sweet Lynelle... I can only touch you after we introduce ourselves to God as wedded couple, alright?" He kissed my forehead. "I have a lot of stories to tell! I'm so excited to share it to you." Hinigit niya ang kamay ko at dinala ako sa sofa para paupuin. Pumasok siya sa isang kwarto.
Napangiti ako nang mapansin kong kakalagay lang ng mga gamit niya. Iyong iba ay nasa box pa, hindi pa tapos mag-unpack. Nagsisimula na akong magduda. Sinundan niya ba ako rito?
Nang makabalik na siya mula sa kwarto hawak ang ilang photo frame ay inunahan ko na siyang magsalita. Masalita pa sana siya.
"Sinundan mo ako rito, 'no?" diretsahang tanong ko.
He pursed his lips and slowly nodded. "Miss na miss na talaga kita, eh,"
"Paano mo nalamang nandito ako?"
"Orange." Sabi niya, tinutukoy ang kaibigan kong si Kahel.
Nasapo ko ang noo ko. Hindi na ako babawi kay Kahel dahil magkikita naman sila ng Darell na 'yon dito sa Iceland kung sakaling matuloy ang plano ni Kahel na lumipat dito mula Italy. Nabalikan agad siya ng tadhana, pina-plano niya pa lang ang pagsabi kay David tungkol sa akin.
Ikinwento niya sa akin ang paghingi ng tawad ng mama niya sa kanya at ang pagtatagpo nila ng half siblings niya. Naiiyak na raw siya no'n kasi buong buhay niya hindi manlang nagsorry sa kanya ang mga magulang niya pero kailangan daw niyang ngumiti kasi nanonood 'yung mga bata.
"Ewan ko ba, sarap lang sa dibdib. Mas masaya pa sana ako nung time na 'yon kung kasama kita. Pero ayos lang, ang mahalaga nasa tabi kita ngayon." Niyakap niya ako ulit. "Magtatapos tayo ng pag-aaral, ah? Tapos pag nagkaroon tayo ng sarili nating pamilya lagi tayong may family day para 'di tayo mawalan ng oras sa isa't isa."
"Pamilya agad? Hindi ka pa nga nagp-propose."
Ngumisi siya at pinisil ang pisngi ko. Parehas kaming nasa sofa. Nadadaganan niya ako nang kaunti, 'di niya binibigay ang lakas niya dahil masyado siyang mabigat.
"Tsaka lang ako magp-propose kapag may trabaho na tayong pareho. Pag nabilhan na natin ng bahay parents mo, tsaka sarili nating bahay. Kapag kaya ko nang bayaran lahat ng wedding fees natin nang hindi hinahati sa 'yo. Pagkatapos no'n, magp-propose na ako."
"Di wow," nakangiti kong sabi.
"Hindi nga!" Humalakhak siya. "Sige, tawanan mo ako ngayon. Pagkakasal natin, aanakan kita nang marami."
Nawala ang ngiti ko pero pinilit ko 'yong ibinalik. I don't think I like the idea of having kids now. In this cruel world? Nah.
"I don't want kids, sorry..." Malungkot kong sabi.
"Then we'll have lots of dogs and cats instead!" He showered me with his kisses. "Huwag ako, Lychie... Naplano ko na lahat. Na-double, triple, quadra check ko na ang lahat simula noong iniwan mo 'ko..."
"Sorry, that was necessary, I have to."
"Why say sorry? Hindi ako makakarating dito kung hindi ko ginawang inspirasyon ang makita ka muli."
I want to tell him about what happened to me but words can't seem to escape my mouth. Like there was something inside my throat that doesn't want me to speak.
"Why didn't you tell me that you're sick?" He asked. I'm on his arms while we're both lying on his brown sofa bed.
"I don't want you to worry."
"You made me a hundred times more worried when I found out about it on other people." He groaned.
I pursed my lips. I don't know what to say.
"Hindi manlang kita nayakap noong mga panahong kailangan na kailangan mo no'n. Naiintindihan ko na ayaw mong mag-alala ako pero 'di mo naman siguro ako kailangang itulak..."
"Akala ko kasi mamamatay na ako." I started crying. "Kapag namatay ako, hindi na kita makikita, hindi mo na ako makikita. Kapag pinaalam ko pa 'yon sa 'yo, masasaktan ka lang habang buhay. Ayaw kong saktan ka, David. Mahal na mahal kita, eh..." I sobbed.
"Shh..." He slowly kissed my head. "That won't happen... Not until we're finally happy together again while our hairs are both gray."
Napayakap ako sa kanya. I cried in his shoulders while he's caressing my hair. "Hindi mo na kailangang umuwi sa bahay niyo, Lynelle ko. I worked hard for this, I worked hard to take you in our own home. Dito ka na lang kaya? Huwag mo na akong iiwan, ang hirap hirap kaya..."
"How'd you get this house?"
"I made a deal with dad..."
Bumuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay kino-kontrol pa rin siya ng matandang iyon. Gustong-gusto ko talagang sampalin ang tatay ni David.
"What's the deal?"
"I'm no longer his son." He smiled freely but I can still see the sadness in his eyes. "Also, he passed away this morning. Sa akin napunta lahat ng pamana niya. Even the school and the airport."
"Huh?" Gulat kong tanong. Pakiramdam ko ay hindi nagsink-in ang lahat ng iyon sa utak ko. "Oh my..."
Una, hindi na siya anak ng matandang Tamizen. Pangalawa, namatay kaninang umaga lang ang ama niya. Pangatlo, mapupunta sa kanya ang school at airport?
"Gulat ka 'no?" Tumawa siya.
"Condolence, I love you..." Humigpit ang yakap ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, nagsimula na ring tumulo ang luha niya.
"I'm glad I already forgave him in my heart before he left..." He says. "But still, I'm sad he's gone. We never had our moment together. I just hope he's finally at peace and he's resting.
"I'm so proud of you, David... Proud na proud ako sa 'yo." Isinandal ko ang noo ko sa noo niya as we both cried silently. "I'm sure your dad is proud of you, too..."
He smiled at me. "You think? I hope so..."
When the world is wrecking both of us down, we're going to stay with each other. Cry in each other's shoulders that gives us strength.
Through thick and thin, we're in this together, David.
Gabi na nang maibalik ako ni David sa bahay namin. Ang akala ko ay talagang patitirahin na niya ako sa bahay niya pero dahil ayaw niya dahil hindi pa raw kami kasal, ibinalik niya ako rito. Pero kung talaga raw na gusto ko at nalulungkot ako, ipapaalam niya raw sa mga magulang ko na tumira ako kasama niya.
Nagmano siya sa mga magulang ko noong makarating kami sa bahay. Tuwang-tuwa sina mama at papa sa kanya. Botong-boto sila kay David.
Ngayon ko lang din nalaman na palihim pala nilang sine-send-an ng pictures si Tamizen. Hindi na sumama ang loob ko roon pero pakiramdam ko ay tinraydor ako ng mga magulang ko.
"Mama naman eh! May pasabi-sabi ka pa sa akin na makakahanap pa ako ng ibang lalaking magmamahal sa akin tapos magka-kuntyaba pala kayo nitong si Dabid!"
"Sinabi mo po "yon, ma?" Gulat na tanong ni David dito.
"Bakit nakiki-'ma' ka? Mama ko 'yan ah?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sus, si Mrs. Centeno nga ang nagsabing tawagin ko na siyang mama, eh." Sabi nito tsaka tumingin kay mama. "Sinabi mo po talaga 'yon? Ang harsh mo naman po sa akin." Nagkunwaring malungkot pa ang mokong kaya napuno ng halakhakan ang hapag.
"David, kung gusto mo talaga si Lychie, dadaan ka muna sa akin. Inom tayo!" Aya ni papa.
"Pa!" Saway ko rito.
"Sige po! Kahit na ilang bote pa po 'yan, maiuwi ko lang ang anak niyo." Nakangiting pagpayag ni David habang nakatingin sa akin.
Namula agad ako sa sinabi niya. Mahina ko siyang hinampas habang nakangiti, hindi ko na mapigilan. Puro talaga 'to ka-cornyhan eh.
"Huwag masyadong magpapakalasing ha!" Paalala ko.
"At ikaw naman Bernardo, ayus-ayusin mo ang buhay mo ha! Nakita mong masama ang baga mo tapos may gana ka pang mag-aya ng inuman dito sa bata!" Saway naman ni mama kay papa.
"Ano ba't ang kj-kj mo?" Iritadong sabi ni papa rito.
"Kj pala ha!" Kinuha ni mama ang tsinelas niya at inambang isasampal 'yon kay papa. Nagtatakbo si papa palayo para 'di siya maabutan ni mama.
Tawa kami nang tawa ni David habang pinapanood sila. Ang lamig ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Hinahangin ang buhok ko habang nakatingin ako sa kanya.
Slowly, gently... he held my hand and kissed it.
"Gihigugma ko ikaw, akong Lynelle. Wala ko kabalo unsa akong buhaton kung mawala ka sa akong kilid."
I smiled. He said he loves me and he doesn't know what to do if I'm gone, again.
"Dili ko nimo biyaan, magdungan ta sa pagpauli." Hindi kita iiwan, sabay tayong uuwi sa isa't isa.
Suddenly, after five years... I felt alive again with his presence. With his hand in mine, touching each other's skin while staring at each other in the middle of the cold windy night. I felt alive.