CHAPTER 10

Katana's POV

LAHAT sila ay nakatingin sa 'kin ng may pagtatakang mababakas sa kanilang mga mukha. Isa-isa ko silang tinapunan ng tingin hanggang sa huling Guardian na nagmamay-ari ng kulay abong mga mata, taimdin naman itong nakatitig sa akin at wari ko'y sa paraan ng pag tingin nito ay nababakasan ko ito ng pagkalito at rekognasyon.

Fuck!

Maybe he won't know that I'm the cloaked woman, right? But what if he recognizes me? Kumalma ka lang, Katana, 'wag kang magpahalata.

One last time I checked the entirety of his face before arrogantly leaving the Cafeteria.

Nawalan na ako ng gana para pumasok sa mga sumunod pang klase dahil sa mga pangyayari kanina kaya naman na pagdesisyunan kong bumalik sa dorm at matulog.

Nang makarating ako sa dorm ay nag tungo ako sa salas at do'n nahiga upang panadaliang maidlip ngunit ang panandalian ay naging pang matagalan dahil hindi ko na napansin at nakatulog na talaga ako ng tuluyan.

•••

I woke up when I heard voices, they were talking.

“Siya pala 'yong sinasabi ni King Lohrton na nag ligtas sa kanila ni Queen Ashley.” Rinig kong sabi ng boses babae. Minabuti ko munang hindi imulat ang mga mata ko at nag panggap pa na tulog.

“She's nice and absolutely cool!” Masiglang sabi ng isa pang babae na sa tingin ko ay may pagka-childish dahil sa paraan pa lang ng pagsasalita niya. Bigla'y naalala ko si Arianne, childish din kasi ang isang 'yon.

“Yeah right, she's cool but I don't like her, kala mo kung sinong maangas tch!” May halong inis naman na sabi ng isa pang babae, sa paraan ng pananalita nito ay sa tingin ko'y maldita ang isa 'to. As if naman gusto ko din siya, duh! I don't care about her.

“Hey! don't say that, Scarlet. She's quite nice kaya, look at her kakaiba siya manamit nakatupi ang sleeve ng uniform at bahagya pang nakabukas ang ilang butones at maluwang ang tie, ang astig!” Masigla na namang wika ng babaeng childish. Bakit ba napapaligiran ako ng mga tulad niya? Tsk!

“Ang ganda niya,” Bigla ay na sambit ng boses lalaking puno ng pag-hanga, kaya napasinghal ako. Mukhang playboy ang isang 'to! Kailan ba ako tatantanan ng mga kauri niya!

“You're right, Alvinno, napakaganda niya.” Mahinahon at malambing na sabi naman ng panibagong boses at sa tingin ko naman sa isang 'to ay mukha siyang mabait. Halos mapataas ang kilay ko ng maramdaman ko ang mga titig nila, lalong-lalo na ng maramdaman kong may isa sa kanila ang malapit ang mukha sa mukha ko kaya agad kong minulat ang aking mga mata at dahil sa gulat ko ay nagawa kong masuntok ang mukha ng ilang dangkal na lang ang layo sa 'kin.

“Awww!” Pag-daing nito sa ginawa ko, bumangon ako saka isa-isa silang tinapunan ng walang buhay na tingin. “Why did you punch me?” Seryosong tanong niya sa 'kin habang hinihimas-himas ang kanang mata niya at nginisian ko naman siya, 'yong ngising halos malagutan sila ng hininga.

“Staring with me again and you will face the hell.” Walang ganang sabi ko sa kaniya kaya lumayo siya sa 'kin, nang bumaling naman ako sa iba pa ay nanlaki ang mga mata nila liban sa isa, well, katulad ko walang gana din itong nakatingin sa 'kin, nakipagtitigan din ako na para na kaming nag-e-staring contest dahil hindi maalis ang titig namin sa isa't-isa, walang gustong mag alis ng tingin, titig na titig at walang gustong magpatalo.

“Ahm, guys?” Sabi n'ong lalaking mukhang mabait ngunit tila walang paawat sa 'ming dalawa.

“Hey! Yuho!” Natigil lang ang staring contest na 'yon ng humarang mismo sa harapan ko ang babaeng childish kaya sa kaniya na nabaling ang paningin ko.

“Hi. Kumusta pala ang buhay mo dito sa dorm habang wala kami?” Tanong ng babaeng unang nag salita kanina.

“Okay naman,” Tipid kong tugon sa kaniya, nahagip naman ng mga mata ko ang pag-irap n'ong malditang babae.

“Hindi pa pala kami nagpapakilala sa 'yo, I'm Emaya Herrera but you can call me Em.” Nakangiting pagpapakilala nito, tumango lamang ako.

“Hi! Ako si Austencia Farres, Aw for short hihi!” Parang batang pagpapakilala nito sa 'kin, tumango ulit ako bilang tugon.

“I'm Scarlet Deyto, stunning and the best to all of them.” Maarteng sabi nito, napairap naman ako bigla dahil sa sinabi niya.

“Alvinno Villame is my name, Miss beautiful.” Tumaas naman ang isang kilay ko sa paraan ng pagpapakilala nito, kukunin pa sana nito at hahalikan ang kamay ko ng samaan ko siya nang tingin.

“Gusto mong dagdagan ko 'yang black eye mo?” Taas-kilay kong tanong sa kaniya dahilan para matigilan siya.

“Ako naman si Almond Horrison, ikinagagalak kong makilala ka.” Matatamis ang ngiti nito nang sabihin iyon, tiningnan ko lamang siya.

Sunod akong tumingin do'n sa lalaking may abong mata at napatingin na rin sa kaniya ang mga kasama niya dahil hindi pa ito nagpapakilala, bumuntong-hininga naman 'to saka palang nagpakilala.

“Ashlohr Mcknight.” He coldly said, which made me roll my eyes because of the way he said it.

“Ash,” Nakangisi kong sabi, lahat sila ay bumaling sa 'kin na kunot ang noo.

Ano namang problema nila?

“What did you call me?” He gave me a sharp look, so my eyes suddenly narrowed because he didn't seem to like what I called him.

“Ash,” Pang-uulit ko, napasinghap naman ang lima habang nagpapalitan nang tingin sa aming dalawa.

“I should call you Luna, then.” May halong inis nitong sabi, napairap na lamang ako at hindi nag pakita ng kahit na anong emosyon dahilan para mas lalo itong mainis sa 'kin. What ever he call me I don't fucking care!

“What's your name by the way?” Nakangiting tanong sa 'kin ni.... ni... Fuck! Ano na nga pangalan niya? Shit naman oh, kakasabi pa lang niya 'yon e! Kainis! Emelia? ba 'yon?

“Katana Luna Silvyria.” Pagkasabi ko n'on ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag tungo sa 'king silid.

When I got to my room, I suddenly grabbed my left chest where my heart was, I sighed and firmly closed my eyes remembering of his gray eyes while still holding my left chest because of its fast beating for an unknown reason.

Why do I feel like this? Tsk!