CHAPTER 9

Katana's POV

KASALUKUYAN akong nakatingin sa whole body mirror na nandito sa 'king silid. Ngayon ay ang unang araw ko sa klase.

I'm wearing the High Santuaria Academy uniform, this uniform is such amazing. White long sleeved blouse with a black blazer on top, black tie with the white stripe, on the right side, High Santuaria Academy logo, black skirt just levelling the knee, black shoes and white socks.

Okay, I look like a sensible! Kaya nama'y itiniklop ko ang sleeve hanggang siko at saka niluwagan ko ang tie, mas comfortable kasi ako sa ganitong ayos kaysa sa kagalang-galang tingnan.

Inilugay ko lang ang kulot na kulot kong buhok, hindi ko pala nasabi sa inyo na kulot ako and I don't have an obligation to say that anyway.

Tsk!

After I got ready, I went to my first class, which was History. So boring! Habang naglalakad ako bigla na lang may umaklang na braso sa braso ko at kumunot naman ang noo ko nang makita na iyon ay walang iba kun'di ang babaeng nerd sa Cafeteria.

“Hi, ako nga pala si Lincy Arcuz, magkaparehas tayo sa lahat ng schedule mo!” Nakangiti nitong sabi, nag taas naman ako ng aking kilay dahil sa feeling close siya. “Thank you nga pala sa kahapon, Katana.” Nakangiti pa rin nitong sabi, inalis ko ang braso niyang naka-pulupot sa braso ko at hinarap siya ng nakataas ang isang kilay.

“How did you know my name?” I asked her without emotion, and her sweet smile on her lips still cannot be erased, isa nga siyang nerd pero hindi ko maitatanggi napaka cute niya at mukha namang mabait but

I still don't trust anyone here at the Academy.

“I have my way,” Halos maningkit na ang mga mata nito dahil sa pagkakangiti. Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa inakto niya.

“Yeah. You have your own way, but stay away from me.” Mariin kong sabi sa kaniya kaya napanguso naman ito.

“Salamat nga pala sa pag ligtas mo sa 'kin kahapo—” Pinutol ko ang sasabihin niya kaya natigilan siya.

“I didn't save you.” Walang emosyon kong tugon sa kaniya.

“Ah, basta! From now on, you're my besty na!” Bigla akong nag takip ng tainga dahil sa matinis nitong boses. Hays! Hindi ko naman inaakalng ganito pala ang personality ng nerd na 'to, ang buong pag-aakala ko ay tahimik lamang siya!

Then pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hinila niya 'ko papasok sa room at umupo sa dulong bahagi.

Ilang sandali pa ang aming hinintay at dumating na ang Maestro namin.

“Lahat kayo ay kilala na ako, right?” Tumango naman ang lahat liban sa 'kin. “But I will introduce myself again because you have a new classmate,” Pag kasabi niya n'on ay napatingin naman sa 'kin ang lahat saka niya pinakilala ang kaniyang sarili. “I'm Maestro Ylmo Nicoss, Miss Silvyria introduce yourself.” After Maestro said that, I stood up and went to the front.

“I'm Katana Luna Silvyria, fire Element.” I said impatiently then returned to my seat, I heard various comments again.

“Siya nga 'yon!”

“Iyong gumawa ng eksena kahapon?”

“Oo! Grabe 'no! kala mo kung sino umasta porket kasama niya sa dorm ang mga Guardians tch!”

“Ang angas pang gumalaw weak naman.”

Binalewala ko na lamang ang mga sinasabi nila saka tumigin sa unahan. Napansin ko namang nakatingin sa akin si.... si? Urgh! Basta 'yong nerd!

“Santuaria consists of six kingdoms. First, the Firero Kingdom, the Firero Kingdom is ruled by King Welter Deyto and Queen Elizabeth Deyto. They have one child, Scarlet Deyto, who is one of the Guardians,” Panandaliang tumigil sa pagsasalita si Maestro.

Hmm... Guardians pala ang Scarlet na 'yon, pangalan palang halatang magaspang na ang ugali.

“The second kingdom is the Icy Kingdom ruled by King Lohrthon Mcknight and Queen Ashley Mcknight. They have one son, Ashlohr Mcknight, who is the leader of the Guardians,” Natawa naman ako sa 'king isipan dahil sa pangalan ng lider daw ng Guardians, Ashlohr.

Sound like asshole! Damn that name!

“The third is the Lighty Kingdom led by King Niccolo Farres and Queen Stella Farres. They have one child, Austencia Farres,” Napakaboring naman pala ng klase na ito, parang gusto ko na tuloy matulog.

“The fourth is the Evergreen Kingdom led by King Emilio Herrera and Queen Mayanna Herrera and they have one child, Emaya Herrera,”

Tumingin ako sa mga kaklase ko at ang ilan sa kanila ay tulog na, marahil ay alam na ng mga ito ang sinasabi ng Maestro at dahil wala pa akong kaalam-alam ay taimtim akong nakikinig. Evergreen is said to be the Earth element, only plants can be seen in that kingdom, I feel like I want to go to that kingdom.

“The fifth is the Windy Kingdom led by King Domino Villame and Queen Alianna Villame, they have one son, Alvinno Villame. And the last one is the Wateria Kingdom ruled by King Alvis Horrison and Queen Mona Horrison and their son, Almond Horrison.” Tumigil muna ito saglit saka pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.

“The princesses and princes of the six kingdoms are the Guardians of each of the six elements.” Pagpapaliwanag nito. Kung para sa iba maswerte ako dahil makakasama ko ang mga Guardians sa dorm kapag bumalik na ang mga ito, pwes ako hindi, hindi ko maramdaman iyon.

•••

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kumakain ng lunch, bigla kasi akong hinila ni... ni? Errr—basta si nerd! Punyeta ano nga bang pangalan niya? Hays bahala na nga.

So, ayon nakaupo kami sa pinakasulok-sulokang pwesto. Sabagay para hindi kami masyadong pansin dito hanggang ngayon kasi ay pinagtitinginan pa rin ako ng mga Santuarians dito.

“Grabe sobrang inantok ako sa klase natin sa History! Akalain mo 'yon, three hours tayo sa history na 'yon. Alam na alam ko na ang tungkol sa nileksyon ni Maestro Ylmo.” Reklamo ni Nerd. Ewan ko ba, bakit ako nakikisama dito? Saka hindi ba siya nagsasawa kakasalita niya na wala naman siyang nakukuhang tugon mula sa 'kin? Pwes ako, naiirita na ang tainga ko!

Malapit na akong matapos kumain nang bigla na lang may humila sa buhok ko kaya na niningkit ang mga mata ko at tiningnan kong sino 'yon.

“Hoy, babae! Akala mo kung sino kang maangas, ano lumaban ka tingnan natin kung hanggang saan 'yang angas mo!” And because of her shouting, we got the attention of the Santuarians who were here in the Cafeteria. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko at tumayo.

“What do you want?” I asked her without emotion, she looked at me with glaring eyes.

“Lahat ng bago dito dumadaan sa amin.” Nakangisi nitong sabi at saka ko lang nalaman na may apat pala siyang kasamang babae.

“Then?” Walang emosyon ko pa ring tanong sa kaniya na mas lalo niyang kinainis.

“Huwag ka ngang mag tapang-tapangan dito, kabago-bago mo pa lang akala mo kung sino ka!” Inis nitong sigaw saka marahas akong tinulak dahilan para mapaupo ako sa lapag, gano'n din ang ginawa nila kay nerd. Argh! Nakakainis na sila a! Hindi ko natapos ang pag kain ko, mga punyeta sila!

Tumayo ako't binigyan siya ng masamang tingin, naramdaman ko nang biglang uminit ang paligid kaya ngumisi ako ng mag takbuhan ang lahat ng narito liban sa aming nagkakainitan.

“Winny, why does it feel hot?” Tanong ng isa sa mga alipores niya, tumingin silang lima sa 'kin pati na rin si nerd dahil sa 'kin nanggagaling ang init na kanilang nararamdaman.

“Leave while I'm still in control.” I told them without emotion, which caused the woman who pulled my hair to walk away from me.

“A-at bakit naman kami susunod sa utos mo, huh?” May halong takot nitong tanong sa 'kin kaya napangisi ako. Nag madali namang lumabas ang apat nitong kasama kaya tanging ako, si nerd at ang babaeng mahadera na lang ang natira. Ang tapang din ang isang ito ah!

“Hindi ka ba aalis?” Mariin kong tanong sa kaniya. Tumaas ang kilay ko nangg magpalabas siya ng kapangyarihan sa kamay niya. Hm, water element vs Fire sino kaya ang mananalo?

“Yaaah!” Sigaw nito saka inatake ako ng water balls niya umilag lang ako nang umilag hanggang sa tumigil siya.

“Iyon lang 'yon?” Walang emosyon kong tanong sa kaniya saka ako naman ang umatake, nag palabas ako ng fireball na may kasamang fire blades at tatama na sana ito sa babaeng mahadera ng matauhan ako't mabilis na kinontrol 'yon kaya sa ibang dereksyon iyon tumama na naging dahilan para magkaro'n ng malakas na pag sabog.

Fuck! I almost hurt someone else but I wasn't the first—but it's still not right Katana, hindi ka pumapatol sa mga babae at lalo na sa mga walang kalaban-laban.

“Be thankful because I've been able to control myself but one more thing, if I didn't control myself, I WILL TURN YOU AN ASHES.” Mariin kong sabi saka nag-umpisang mag lakad paalis ngunit natigilan ako pag dating ko sa entrance ng Cafeteria sapagkat may mga Santuarians na naroon at hindi lang basta-basta Santuarians kun'di ang mga tinatawag nilang GUARDIANS.

~To Be Continued...