CHAPTER 11

Katana's POV

NAGLALAKAD ako papunta sa training room dahil sa huli kong klase, 'yon ay ang Physical Combat.

It's now afternoon, my first class is History, our schedule is three hours, the class starts at 8 am and two hours for lunch break, sa second ay ang Power Controlling kung saan itinuturo ang tamang pag gamit ng iyong elemento. Our class from Power Controlling starts at 1pm, we only have two hours there, while in Physical Combat the class is three hours then only three classes every week. Pag weekend naman ay pinapayagang lumabas ang lahat sa HSA upang dalawin ang mga pamilya.

Nang makarating naman ako sa Training Room ay nando’n na ang lahat ngunit wala pa ang Maestro.

"Sa'n ka galing, Katana?" Tanong sa 'kin ni?... nerd na nga lang, mas madali pa.

"D‘yan lang," Tipid kong sagot sa kaniya, medyo nasasanay na siya sa ugali ko dahil hindi naman siya nagrereklamo. Itong nerd na 'to walang ibang kaibigan dahil isa nga siyang nerd, sabi niya ay ako ang kauna-unahan kahit hindi naman ako sumang-ayon sa sinabi niya. Bahala siya sa buhay niya!

"Alam mo ba na ang magtuturo sa 'tin sa Physical Combat ay ang mga Guardians?" Excited niyang tanong sa 'kin, kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko alam, wala nga ako kahapon 'di ba?" Taas-kilay kong sagot sa kaniya, napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. Totoo naman wala naman talaga akong alam. Paano ko naman malalaman eh wala naman ako kahapon!

"Ih! Ang pilosopo mo naman, Katana!" Hiyaw niya kaya napatakip ako ng dalawa kong tainga. Lintik na bunganga naman niya 'yan oh!

"Pilosopa dahil babae ako." Pagtatama ko sa kaniya, hindi na lamang ito nag salita at minabuting tumahimik na lamang, mabuti pa nga para magkaroon ako ng peace of mind.

While not yet starting, I decided to go to the very end, I was the only one there, then I sat down and closed my eyes, matutulog na muna ako total nakakatulog naman talaga ako kahit nakaupo o kahit nakatayo pa.

•••

"MISS KATANA LUNA SILVYRIA!" Naimulat ko ang mga mata ko nang bigla may sumigaw ng pangalan ko at napag-alaman kong tinatawag ako ng Maestro. Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa 'kin, pati na rin ang mga Guardians na narito na rin pala. Matalim ang titig na binigay ko sa Maestro na tumawag sa 'kin, kumunot naman ang noo nito dahil sa tingin na ipinupukol ko sa kaniya.

Tumayo ako't nag lakad, bawat hakbang ng mga paa ko ay mababakas ang riin.

"Miss Silvyria, I've been calling you for a while, why don't you want to come here? You prioritize your sleep during my class time!" Pasigaw nitong sabi. Pinag-taasan ko ito ng kilay. Aba! Siya 'tong late kung dumating at kung kailan nakaramdam ako ng antok saka darating.

Ginambala niya ang aking pag tulog. Lintik! Ayaw na ayaw ko ay 'yong na-u-udlot ang aking pag tulog!

"You don't have permission to disrupt my sleep." Malamig pa sa yelong wika ko na mahihimigan ng matinding pag-kainis. Napasinghap naman ang mga estudyanteng naroon liban sa Maestro at sa mga Guardians.

"Aba't hindi ko gusto ang tabas ng iyong dila, Miss Silvyria!" Galit na turan ng Maestro. Ngumisi ako na siyang ikinagulat niya at ang mas lalong nag pag gulat sa kaniya ay ang sumunod kung sinabi at ginawa.

"Who do you think you are to disturb my sleep?" Kalmado man ngunit madiin ang paraan ng pag sabi ko n'on. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, kung bakit ako biglang nakaramdam na parang mas mataas ako sa kanilang lahat.

Kasabay n'on ang biglang pag bago ng temperatura, biglang uminit sa loob ng training room na sa sobrang init nito ay nabasag ang lahat ng salamin ng bintana kaya nag tilian ang mga kababaihan. Napaawang naman ang labi at nanlaki ang mga mata ng Maestro at ang mga Guardians liban sa isa. Ang mga estudyante naman ay nangangatog sa takot at dala na rin ng sobra init.

"P-paano m-mo n-nagawa i-iyon?" Utal na tanong ng Maestro, nginisian ko lamang siya at bumalik sa likod upang ituloy ang naudlot kong pag tulog.

"Now you know, what I hate most of all is disturbing my sleep," Pagkasabi ko n'on ay pinikit ko ang aking mga mata pero kahit na gano'n ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila. "Go ahead, h'wag niyo 'kong alalahanin." After I said that, I quickly went back to sleep.

•••

Kunot-noo ako matapos makitang nasa silid na ako ng dorm. Paano namang na punta ako rito? Wala naman akong matandaan na nag lakad ako? Alangan naman naglalakad ako ng tulog?

Kaya para malaman ay dali-dali akong nag palit ng suot pantulog at lumabas ng aking kwarto, pag-kalabas ko ay naabutan ko silang nag-uusap sa dining area.

When I heard their conversation, I decided to stay at the door and listen to what they were talking about, I am totally their topic by the way.

"Grabe 'no nakakatakot naman abalahin sa pag tulog si Katana." Hindi ko mawari kung namamangha ba siya o sadyang natatakot talaga.

"Duh! Papansin lang talaga 'yong babaeng 'yon." Wika naman n'ong malditang babae. Ano na nga bang pangalan niya?

"Hindi naman gano’n ang nakikita ko sa kaniya! Ang astig kaya niya! hihi!" Hiyaw ni.... ni Alisha? Basta 'yong childish.

"Pero grabe 'yong nangyari kanina 'no? Siya ang kauna-unahang nag lakas ng loob na sagot-sagutin si Maestro Varon, kahit nga 'tong si Ashlohr na parang kaugali ni Katana ay hindi magawang sumagot ng gano’n. Ano pa kaya kapag nagalit ’yon ng sobra?" May pag hangang sabi n'ong lalaking mukhang inosente. Ano ba pangalan n'on? Alfred?

"Ang sabihin mo masama lang talaga ang ugali niya." Sabi na naman n'ong malditang babae na si... si Selia? Star? Basta 'yong mukhang maldita na kung makapagsalita wala naman kaming pinagkaiba.

"Wow a! Para namang hindi masama ang ugali mo, Scarlet." Pang babara n'ong mukhang playboy and erase that 'Mukhang' he's totally a playboy.

"Whatever tch!" Singhal naman n'ong maldita saka do’n na sila nag simulang mag talo.

Napahagikhik naman ’yong childish dahil sa bangayan n'ong dalawa.

"I don't feel her aura," Biglang nag salita 'yong may abong mga mata kaya natahimik ang lahat at mga bahagyang nag isip. Kahit ako ay napa-ayos ng tayo dahil sa sinabi nito. No matter what you think, you can't really sense my aura!

"Oo nga 'no, bakit hindi ko napansin 'yon?" Kahit kailan ay masakit sa tainga ang childish na 'yon kung mag salita.

“Napansin ko din 'yon ashlohr, tama ka nakapagtataka nga 'yon. It's surprising why her element is like that, it's strange, she can heat up the whole place so easily that even Scarlet can't do it.” Saad ni Em?... Emerald ba 'yon? Ahh basta 'yong babaeng mukhang matino sa kanilang lahat.

"You're so harsh, Emaya." Naiinis na sabi n'ong maldita. So, Emaya pala ang pangalan n'ong babaeng mukhang matino.

"Bakit totoo naman 'di ba? Na kahit ikaw ang Guardian of fire element hindi mo kayang gawin 'yon." Pagbabara sa kaniya n'ong playboy.

Hindi nakasagot si maldita, sa halip ay umirap na lamang dahil totoo ang sinabi nito. A moment of silence prevailed in the entire dining area, so I went in and took the glass from the gray-eyed man's hand and drank it.

"What?" Seryoso kong tanong sa kanila dahil lahat sila ay nakatingin sa 'kin habang naka-nganga ang mga labi, kahit ang nagmamay-ari ng kulay abong mga mata ay natulala sa ginawa ko. What is their problem?

"You drank what Lohr drank," Napapalunok na sabi n'ong lalaking mukhang inosente.

"And?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya saka matiim ko siyang tinitigan, nag-iwas naman ito nang tingin.

"W-wala," Nauutal na sagot naman niya.

"I just want to know who is the one who carry me in my room?" Walang gana kong tanong sa kanila, nagkatinginan muna sila bago sunod na tumingin do’n sa lalaking may grayish eyes.

Don't tell me siya?

"Si Lohr ang nag dala sayo sa kwarto mo hihi! So sweet binuhat ka pa nga niya ihh!" Napangiwi naman ako dahil sa paraan ng pananalita nito. Bakit ba hindi pa ako nasanay? Ganiyan din naman manalita ang aking pinsan pero kalaunan ay naghuhuramentado na ang aking isip. Fuck! Binuhat niya ako! Sa anong klase niya ako binuhat, pa-bride style ba? Wait—what? What the fuck did I say?

"Okay." Tipid kong tugon saka naupo upang kumain ng dinner pero bigla itong nag salita.

"Won't you be grateful?" Napaka-lamig ng paraan ng pananalita nito.

Kung inaakala niyang gagawin ko ang sinasabi niya'y nagkakamali siya.

"Nah, saying thank you is not my thing." Walang gana kong tugon sa kaniya saka kinain ng tahimik ang pagkaing naka-hain sa 'king harapan. Narinig ko namang napa ‘woah’ ang dalawang lalaki dahil sa sinabi ko.