Chapter 9
Katana’s POV
“WELCOME to High Santuaria Academy,” Aniya.
“I’m Headmistress Eiren Santa.” Pagpapakilala nito sa’kin, tumango ako bago mag salita.
“Nice meeting you, Headmistress.” Walang emosyon kong tugon sa kaniyang sinabi.
“By the way, your dorm is the dorm where the Guardians are.” Pagbibigay alam nito sa’kin, nangunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi, Guardians?
What the fuck does she means?
“Guardians?” Kunot noo ko paring tanong sa kaniya, ngumiti naman siya bigla.
“Guardians, sila ang tagapangalaga ng anim na elemento. Ang Fire, Ice, Light, Earth, Wind, Water at mga anak din sila ng mga Hari’t Reyna.” Tumango-tango naman ako, pagkuwan ay napakunot noo na naman.
“Bakit kasama ko sila sa dorm, hindi ba’t mga Royalties sila?” May halong inis kong tanong sa kaniya, aba! Baka naman kawawain ako ng mga ‘yon doon and actually kailan pa ako nag paagrabiyado?
“That is the King & Queen of the Icy Kingdom wants and I can’t do anything because that is their command.” Pag papaliwanag nito. Tss! May magagawa pa ba ako? Whether I like it or not I have no choice.
“Okay, I guess I have nothing to do with that, can I leave now?” Tanong ko sa kaniya tumango naman siya at tinawag ang Maestro na nag guide sa’kin kanina.
“Lead her to her dorm.” Pagkasabi ‘non ni Headmistress ay lumabas na kami ng Office at tulad kanina pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante, hindi ko na lamang ‘yon pinansin, tss! The hell I care!
Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami sa dorm daw ng mga tinatawag nilang Guardians ngunit napansin kong ang tahimik nito, sabagay oras ng klase kaya malamang ay wala ang mga ito.
“Guardians are currently in a mission, so their not here now and the next few days.” Pagbibigay alam niya sa’kin, tumango-tango naman ako sa kaniyang tinuran. So, it means solo ko ang dorm ngayon!
Pagkatapos niyang ituro sa akin ang magiging kwarto ko ay nag paalam na ito.
Nang makapasok ako sa room ko nasa pinakadulo ito at kulay pula ang ding ding pati narin ang pinto, sabi nila kung ano daw ang elemental powers mo ay ‘yon ang magiging kulay ng kwarto at dahil sinabi kung fire ang akin element kaya siguro kulay pula ang ibinigay nilang kulay ng aking kwarto, they don’t know na tatlong kulay ang fire element ko. Pula, Kahel at Dilaw ang kulay ng akin, hindi naman nila alam eh!
Nag libot-libot na muna ako sa buong dorm.
Napakaganda ng dorm ng mga Guardians at sa lahat ng dorm na nandito tanging sa mga Guardians lang ang naiiba, hindi na nakapagtataka ‘yon sapagkat anak lang naman sila ng mga Hari at Reyna.
Kompleto din ang lahat ng kagamitan dito, ang pinag kaiba nga lang ay walang may teknolohiya kagamitan gaya ng Ref, Oven, Electrical Stove, Aircon at marami pang iba na may kinalaman sa teknolohiya. Bigla tuloy ay na miss ko ang aming Mansion malaki nga lang ng kaunti ang mansion namin kesa dito sa Dorm pero napakaganda parin.
Matapos mailibot ang kabuoan ng dorm ay nag tungo na ako sa’king silid at napag desisyunan na maligo muna.
Ilang oras ang tinagal ko sa pag ligo, nang makalabas na ako ng CR ay saka ko lang napagtantong wala nga pala akong damit na dala. Fuck! Sa dinami-dami ng aking makakalimutan ay ‘yon pa? Ngunit ng tumingin ako sa walking closet ay napaawang ang aking labi dahil kay dami ng mga kasuotan do’n, puro dress ang karamihan sa mga ito at iilan lamang ang Leather jacket na pinaka paborito kong suot, okay, so hindi naman ako na inform! Ang napili kong suotin ay ang kulay brown na leather jacket at white shirt na hapit na hapit sa katawan ko kaya tuloy ay kitang-kita ang hubog ng aking katawan.
Bigla’y nakaramdam ako ng gutom kaya nag tungo ako sa kusina ngunit natigilan ako sapagkat hindi nga pala ako marunong mag luto, panigurado kapag sumubok ako mag luto ay ang kalalabasan ay sabog na sabog ang kusina kaya ni minsan hindi ako hinayaan ni dad na mag luto dahil ‘yon nga ang nangyayari at wala din naman ako interes sa pag luto na ‘yan.
Kaya naman upang ibsan ang gutom na nararamdaman ay lumabas ako ng dorm dala ang ID card na bigay sa’kin ni Headmistress, nag lalaman daw kasi ‘yon ng pera para kung nais ko daw na kumain sa Cafeteria ay ibibigay lamang “yon sa tindera at makakakain na ako, hindi nga ako makapaniwala na school ID naging Credit Card?
“Siya iyon diba?”
“Oo nga, ano kaya ang ginamit niyan para mauto ang Hari’t Reyna ng Icy Kingdom?”
“Baka ‘yon ang kaniyang kapangyarihan?”
“Grabe ang kapal ng mukha talagang sa dorm pa ng Guardians titira ah.”
“Yeah, purket wala ang mga Guardians!”
Nag taas naman ako ng isang kilay dahil sa pag paparinig nila sa’kin, aba! Isa ‘yan sa ayaw ko ay ‘yong pinag sasalitaan ako ng hindi maganda. Tss! Inggit lang kayo mga punyeta! At dahil sa hindi ko napigilan ang pag-usbong ng inis ay bigla na lamang naramdaman kong umapoy ang mga mata ko na siya namang kinatigil at nanigas pa sa kinatatayuan nila. Ngumisi ako at maangas na nag lakad papasok sa Cafeteria dahil sa’king ginawa ay wala na akong narinig na masasamang salita sa kanila.
Tss! Makuha kayo sa nag aapoy kong tingin!
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang pumasok ang grupo ng mga kababaihan, mga lima sila, dali-dali ang mga itong lumapit sa katabing table kung saan ako naka upo.
“Bitch!” Sigaw nito sa isang babaeng nerd na mag isang kumakain, paano ko na lamang nerd? Syempre naka glasses siya. Na agaw niya ang atensyon ng iba pero hindi ko na lamang ito pinansin at nag patuloy ng sumubo ng pagkain.
Tss! Pati pala sa mundo ng magic may mga ganitong eksena?
“B-bakit? A-ano bang kasalanan ko?” Nauutal na tanong ng babaeng nerd, ang babae namang sa tingin ko’y lider ng grupong ‘yon ay kinuha ang juice na nasa table ko at binuhos sa babae, nag singhapan naman ang lahat liban sa’kin na naniningkit ang mga mata, damn it! Sa lahat ng pwedeng ibuhos na juice ay ‘yong sa’kin pa.
Okay, Katana calm down hindi nila makakaya kung hindi mo makokontrol ang ‘yong sarili! Pag papaalala ko sa’king sarili.
Tumayo ako at madaliang nag order ng panibagong juice, akmang uupo na ako at ipagpapatuloy ang pag kain ng bigla na naman kinuha ‘nong babae ‘yong juice na hawak ko at ibinubos ulit sa nerd and this time, I lose my tempered! Fuck!
“HUY BABAENG MUKHANG PAA KUNG GUSTO MO NG JUICE NA IPANGBUBUHOS MO SA BABAENG NERD NA ‘YAN MAG DALA KA NG SARILI MONG JUICE O KAYA NAMA’Y ISANG DRAM NA PARA SOLVE KA! PUNYETA KANG LETSE KA!” Hinihingal na pinikit ko ang aking mga mata upang pakalmahin ang aking sarili ngunit bigo ako dahil kahit anong pilit kong kumalma ay nag iinit na ang katawan ko at namalayan ko nalang na sobrang init nga kaya nag tilian ang mga na ando’n.
Nang imulat ko ang aking mata ay napa atras ang limang babae dahil nag-aapoy ang paanan ko, ayan na nga ba ang sinasabi ko na hindi nila kakayanin ang mangyayari kung paiinitin nila ang ulo ko.
Fuck!
Kailangan ko ng umalis dito bago ko pa masira ang buong Cafeteria kaya nama’y dali-dali na akong umalis sa lugar na ‘yon upang walang masaktan na magician, nag kulong na lamang ako sa’king silid.