Chapter 50
Third Person's POV
Isang oras nalang at magsisimula na ang kasiyahan dahil sa ito ang ikalawang buwang kaarawan ng kambal. Ang venue ay nasa resort ng mga Zoroa, kung naaalala niyo pa, ito yung panahon na pinatid ni Aser ang leeg no’ng babae na pinatay na niya dahil sa pag-iimitate nito bilang siya.
At dahil sa kaarawan ng kambal, sila lamang ang naroroon. Pinasarado muna nila ang resort para sa iba, kaya exclusive lang sa kanila.
‘Yung mga tao na nakikisaya ay mga kapamilya lang din nila. Ang BUONG Romano. Ang magkapatid na Silvestre. Ang mga Zoroa, papa at mama ni Elzid lang, tutal wala naman din silang kapamilya pa, plus ang gagong matalik na kaibigan ni Elzid na siyota ng kaibigan ni Aser. Zord the Great.
“Esmeralda, darling, it's been a long time,” saad ng ermats ni Aser habang pinapalo-palo ng malakas si Esme. Napangiwi naman si Esme dahil sa lakas na medyo sumasakit na.
“Ma, tigilan mo nga 'yan. Nasasaktan na 'yong bata, o,” sabi ni Aser at humahalakhak siya. Binigyan lamang siya ng masamang tingin ni Esme.
“Tss.”
Kumawala siya sa palo ng mama ni Aser kaya no’ng nakawala na siya pumunta siya sa gawi ng lolo niya na kung saan bitbit ang lalaking apo sa tuhod niya. ‘Yung lola naman niya dala ang babaeng apo niya. At nakikita niya na natutuwa ang dalawa.
Ngayon lang kasi nila nakita ang mga bata dahil may inaasikaso sila sa labas ng bansa.
Si Aser naman ay lumapit sa gawi ni Elzid at binatukan niya ‘to. Dahil kanina pa nang-aasar si Elzid. Sa sobrang lakas ng batok niya, napasubsob si Elzid sa buhangin at may ilang butil ng buhangin siyang nakain.
“Masarap ‘di ba?” puno ng sarkasmo niyang saad.
Ubo ng ubo lamang si Elzid at pinapahiran ang dila niya gamit ang panyo na ibinigay ni Aser sa kaniya. Sa lupit ng galit ni Aser, nangunguna pa rin ang pagmamahal niya rito.
Napatigil si Aser sa pagtingin kay Elzid nang may lumapit sa kaniya. Isang lalaki at isang babae.
“Aser! Ang duga mo naman, may anak ka na pala.” At malakas siyang pinalo nang babae. Kaya pinalo niya rin ito pabalik at ayun! Napasubsob sa lupa.
“Walang hiya,” banat ng babae at akmang susuntukin si Aser pero imbis na susuntukin niya, niyakap niya si Aser ng mahigpit. “Congrats pala, ah.” At tinapik-tapik niya ang likod nito.
Tumango at napangiti lang si Aser.
Sumunod naman ay inilahad nang lalaki ang kamay niya kay Aser. Tinanggap naman din ‘yon ni Aser at hindi maiwasan na masaktan si Elzid dahil do’n.
“Tss.” Elzid.
“Congratulations!” masayang saad ng binata. “Mas naunahan mo pa ang Kuya Ace mo.” At tumawa ng nakakainis habang nakaturo kay Ace.
“April tsaka Audixi, sorry, ah, hindi ko kayo na-invite,” pagkasabi no’n kinapa ni Aser ang likod niya.
“Ano pa ba ang silbi ng Kuya mo?” wika ni April habang nakatingin kay Ace na nilalandi si Toni.
“Asawa mo?” tanong ni Audi habang nginunguso si Elzid na nakabusangot ang mukha.
Alam na ni Aser ang mood ni Elzid kaya nilapitan niya ito, hinawakan ang kamay at pinatayo.
“Yes, he's m—”
“I'm Elzid Brinth Zoroa, Aser's husband and the twins' dad,” pakilala niya sa kaniyang sarili rito at inilahad ang kamay kay Audi at tinanggap din naman.
Tumingin si Elzid kay April at tinanguan niya lang ito.
Nagpaalam ang dalawa na pupuntahan lang nila ang kambal.
“Sino sila?” nagtatakang tanong ni Elzid kay Aser no’ng nakaupo sila sa dalampasigan habang nakatingin sa papalubog na araw.
“’Yung babae ay ang sekretarya ng Kuya ko slash kababata. ‘Yung lalaki naman best friend niya na kababata niya rin, in short, magkababata silang tatlo,” paliwanag ni Aser habang binato ang mga bato sa dagat.
Napatango naman si Elzid.
“Oo nga pala nagka-usap na ba kayo ng lolo ko?” Tumingin si Elzid sa mga pulang mata ni Aser na may halong ginto dahil sa papalubog na araw.
“Oo.” At naalala ni Elzid ang pinag-usapan nilang dalawa.
—Flashback—
Nasa may cottage si Elzid, ginagawan ng gatas ang kambal nang may lumapit sa kaniya kaya tinigil niya muna ang ginagawa niya. Pagkatingin niya kung sino ‘yon ay nanigas siya. ‘Yung lolo ni Aser lang naman ang lumapit.
Tumayo ng tuwid si Elzid at nakita niyang pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo haggang paa at may patango-tango pa na ibig bang sabihin APPROVE.
Napalunok siya ng magsalita ito.
“Puwede ba kitang kausapin?” saad nito na puno ng awtoridad. Tumango lamang siya dahil napepepe ang bibig niya.
Sinundan niya kung saan papunta ang lolo ni Aser at natagpuan nalang niya na nasa may hardin sila na puno ng itim na mga rosas.
Walang pag-aalinlangan na nagtanong ang lolo ni Aser sa kaniya. “Mahal mo ba ang apo ko?”
Napatingin siya sa mga mata ng matanda.
“Ano ba namang klaseng tanong ‘yan. Siyempre mahal ko siya,” ani ni Zid sa isip niya.
“Yes sir, mahal ko p—”
“Tawagin mo nalang akong lolo, tutal magiging kapamilya na tayo,” pagkasabi no’n nang lolo niya para bang may nawalang tinik sa puso niya. He feels at ease.
“Opo, 'lo,” medyo nahihiya niyang saad.
“Nakikita ko nga na mahal mo ang apo ko,” ngumiti ito sa kaniya pero kalaunay naging malumanay ang mukha niya. “’Pag hindi mo na siya mahal ‘wag mong sabihin sa kaniya.”
“Po?”
“Makinig ka ng maigi, hijo,” saad nito at tinuloy na ang sinasabi. Nakinig naman ng maigi si Elzid. “Kapag hindi mo na mahal ang apo ko, ‘wag mong sabihin sa kaniya. Sabihin mo lang sa akin at...” Tumingin ang lolo ni Aser sa mga mata ni Elzid, “iuuwi ko siya sa bahay naming,” pagkasabi no’n ng lolo ni Aser ngumiti si Elzid at nangako siya.
—End of Flashback—
“Ano ang pinag-uusapan ninyo?” tanong ni Aser.
“Sa 'min na 'yon,” pagkasabi no’n ni Elzid hinalikan niya sa labi si Aser upang hindi na makapagsalita pa.
They both kissed passionately under the bright sunset's rays glowing to both.
Pero agad ding napatigil no’ng rinig na rinig nila ang iyak ng kanilang anak.
“Na naman,” inis na saad ni Elzid.
Nilapitan nila ang kambal at kinuha nila ang dalawa, inilagay sa kanilang bisig at hinalikan.
“By! Wrong timing naman kayo, e,” maktol ni Elzid na ikinatuwa lang ni Aser.
Hini-hele nila ang kambal no’ng lumapit sa kanila si Zord at Tomi dala ang nabingwit nilang mga isda habang si Skud ay nasa balikat ni Zord.
“Aser men! Ang galing palang mamingwit ni Skud gamit ang tuka niya!” manghang saad ni Zord habang tinatapik ang ulo ni Skud.
“Malamang, ‘yan naman talaga ang gawain ng mga agila,” nakangiwing saad ni Elzid.
Tumawa lang si Tomi sa kagaguhan ni Zord habang si Aser ay napangiti lang. Si Skud naman ay lumipad patungo kay Esmeralda no’ng tinawag siya nito. Sumenyas si Esme kay Aser na hihiramin niya muna si Skud, tumango lamang si Aser bilang pagsang-ayon.
Ilang oras ang lumipas at natapos na ang selebrasyon. ‘Yung kambal, nasa loob ng bahay na nakatayo gilid sa may hardin. Ang mga matatanda naman ay nasa loob nag-uusap habang binabantayan ang kanilang mga apo.
Ang naiwan lamang sa ilalim ng buwan ay ang mga magkakapatid na Romano kasama si Esmeralda, ang dalawang Silvestre at sina Zord, Elzid, Audixi at si April.
Nag-uusap ang lahat sa ilalim ng buwan at nagkakatuwaan. Nakukuwentuhan sa mga pangyayari sa kanilang buhay at isinalaysay ni Aser kung pa’no siya nabuntis, kaso hindi niya buong isinalaysay ang kuwento. Alam niyo na...
Hanggang sa ang usapan ay napunta sa Kuya niya at kay Toni. Mataman lamang siyang nakikinig habang niro-roast ang marshmallow sa gitna ng apoy.
“Kayo na ba?” taas kilay'ng tanong ni April.
“Uhh,” pabebeng uh-uh ni Toni.
“Not talking to you, talking to Ace tho,” derektang saad niya.
Napatungo nalang si Toni.
Imbis na sumagot ng oo o hindi si Ace, nagkibit-balikat lamang siya. Ibig sabihin no’n hindi niya alam kung ano sila.
Mas lalo namang tumaas ang kilay ni April.
“Bro, nakuha mo na siya, papakawalan mo pa ba?” sabat ni Audi habang tinutungga ang beer.
“Tss,” saad ni Ace habang ininom ang beer na ibinigay ni Audi kani-kanina lang.
Ilang minuto ang lumipas gano’n pa rin ang ginagawa nila. Nang malalim na ang gabi, unang napatayo si Esme at pumasok na sa loob ng bahay. Kasunod naman no’n ay si Zord at Tomi, magkasabay silang pumasok sa loob pero hindi sila magkasabay matutulog sa isang kwarto. Naninigurado lang.
Bago pa lumalalim ang gabi nauna nang umuwi sina Audi at April kesyo may gagawin pa sila bukas at hindi sila pwedeng malate. Kalaunan ay sunod-sunod na rin silang pumasok sa kanilang kwarto.
Nang nakapasok na sina Elzid at Aser sa kanilang kwarto, imbis na dumiretso si Aser sa kama upang matulog na. Dumiretso siya sa balkonahe kung saan makikita ng buo ang kulay'ng pilak na buwan.
Bigla siyang napangiti nang maalala niya ang lahat na pinagdaraanan niya. Kung saan paano nagsimula ang lahat. ‘Yung na coma siya tapos namali yung injection sa pagturok at no’ng nagising siya tapos nalaman niyang buntis na pala siya, at iba pa.
“If it wasn’t for that Stupid Injection,” she murmured, “No, I think Zid's scientist” Kumunot ang noo niya. Plano niya sanang pasalamatan ang siyentista pero umiba ang ihip ng kaniyang pag-iisip, “no! I think... I should thank HIM for his plan.” Tumingin siya sa langit at ngumiti ng abot tainga. “Thank you,” she mouthed.
Napaiktad siya nang biglang may pumulupot sa baywang niya. Ang mga maiinit na kamay ni Elzid.
“Aser baby?”
“Hmm?”
Kinarga ni Elzid si Aser papunta sa kama at pinaupo niya si Aser do’n. Umupo siya at tumitig sa mga pulang mata ni Aser. Nasanay na siyang tumingin sa mga mala-hipnotismong mga mata ni Aser at dahil do’n mas lalong lumalalim ang pagmamahal niya kay Aser.
“Ano!?” singhal ni Aser.
Lumapit si Elzid kay Aser sa may tainga nito at may ibinulong, “Gusto ko gumuwa tayo ng baby.”
Biglang namula si Aser dahil sa binulong ni Zid.
“’Yung tipong, hindi na injection ang ituturok sa iyo...” he paused, then he continued his sentence. The mighty husky voice one can be heard, “... kundi... A-KIN na.”